Tahimik na nagkaharap ang magkabilang panig, angkan ng mga bampira laban sa hukbo ng mga taong-lobo kasama ang ilang hunter. Ramdam na ramdam sa buong paligid ang tensyon sa kanilang pagitan. Mahihinang ungol at angil ang maririnig mula sa pack ni Rethxia. Ang mga kasama nitong taong lobo na may sakay na mga huntress at sa 'di kalayuan ay ang grupo ng mga lycan na naghihintay ng hudyat upang makisali sa digmaan. Ang mga lycan ay kusang sumama kay Rethxia upang tumulong sa digmaan at makaganti sa mga atrasong nagawa ni Victoria sa kanila. Hindi lingid sa kaalaman ng mga naunang henerasyon kung gaano kalupit si Victoria bilang isang reyna, wala siyang awa at wala siyang pakialam sa kung anong mangyayari mga nasasakupan niya. Sa kabilang dako naman ay Tltahimik lamang ang pangkat nila Kaifi

