Fiera Nagising ako sa isang 'di pamilyar na silid. Inilibot ang aking paningin sa paligid, simple lang ang kulay ng kwarto—kulay lila. May kaunting desensyo sa paligid tulad ng mga bulaklak at salamin. May nakita rin akong kabinet at maliit na mesa na mayroong nakapatong na mga bote, subali't wala iyong mga laman. Bakit ba palagi na lang ako nagigising sa ibang silid? Tanong ko sa aking isipan, ano ba ang pakay nila sa akin kaya nila kinukuha at inilalayo kay Kaifier at sa itinuturing kong pamilya. Napalingon ako sa pinto ng bigla itong bumukas at iniluwa si Rethxia na masuyong nakangiti sa akin. May hawak siyang tray na naglalaman ng pagkain, marahil iyan ang aking agahan. "Yheniara, nagdala ako ng pagkain." Bahagya pa nitong itinaas ang hawak na tray. Nag isang linya ang aking kilay

