[Sissy Spirit] Agad na bumaba sa kotse si Miggue at hindi magkanda-ugaga sa pagtakbo papunta sa ikalawang palapag ng kwarto nila ni Mikee. Halos liparin niya ang sarili upang makausap ang kaniyang kapatid sa nakita. Pagkabukas ng pintuan ay naiiyak na tinawag agad niya ang kakambal. "Mike.. Mikee.." pagtatawag pa ni Miggue sa kakambal. Pero walang rumisponde sa kaniya. Hinanap niya ang kapatid sa kabuuan ng kwarto, pati na rin sa banyo at sa closet room pero wala ito. Kinakabahan siyang napasalampak sa pagkaka-upo at sinapo ang sariling noo. "Nasaan kaya 'yon?" wala sa sariling tanong niya sa sarili. Sinipat niya muli ang oras at doo'y mas kinabahan siya ng makitang 12:30 na ng gabi. Hindi ganuong oras umaalis si Mikee at mas lalong walang rason naman ito upang umalis ng ganuon

