[Faith] Suot ang bestidang pula at isang malapad na sumbrerong pangdagat, ay tinungo ni Miggue ang kadalasang pwesto ni Mikee para magbasa at magmuni-muni. Hindi pa tapos ang kanilang pagpapanggap, kaya naman gaya ng pagtatakip na ginagawa ni Mikee para sa kaniya ay naisagawa rin nila ngayong araw ang pag switch ulit ng katauhan nila. Mag aalas dyes pa lamang ng umaga pero halos malamig pa rin ang ihip ng hangin sa tabing dagat. Kani-kanina lamang ay sinundo ni Shigoy si Mikee para sa kanilang gala, she felt already something strange between that two pero naniniwala si Miggue na mabuti ang hangarin ni Shigoy sa kapatid niya kaya pinagbigyan nya ang dalawang mamasyal muna. Dahan-dahang umupo si Miggue sa puting buhangin at noo'y inilapag ang dalang libro. She seemed a bookworm chick k

