NAGISING ako ng maramdaman ko ang mainit na sinag ng araw na dumadampi sa balat ko. Kaagad akong bumangon at isinara na muna ang kurtina. Nilingon ko ang mag-amang nakatabi kong matulog. Kris was hugging Emman, habang ang bata, nakadapa lang. Mahimbing pa rin ang tulog nilang dalawa. Dahil siguro sa puyat silang dalawa. Kagabi kasi, naisipan nilang mag-movie marathon dahil wala naman daw silang mga pasok, though, kailangang mag-half day ngayon ni Kris sa trabaho. Hindi ko nga pinayagang magpuyat si Kris but he insisted. Wala rin namang makakasama sa pagtulog si Emman sa kuwarto kaya nakinuod nalang rin siya. Napa-iling nalang ako kapag naaalala ko ang kakulitan nilang mag-ama. Inayos ko nalang muna ang kumot nila at lumabas na muna sa kwarto para maghanda ng almusal. It was a couple of

