Chapter Five.

2563 Words
Chapter Five Love sometimes start in a sympathy and affection to someone you really cared of. Just so you know. ———★——— Kinagabihan, hindi ko pa rin natatapos yung ibang ginagawa ko dito sa office so I decided na umuwi na. For some reasons, I really have to go home. Baka wala pang hapunan ang anak at mga kapatid ko. May tiwala naman ako sa cooking skills nila Benjie at Alyssa, but there are instances na hindi maiiwasang maging magulo ang kusina lalo na kung si Alyssa ang nakatoka. Umiiral kasi ang pagiging childish nila kaya minabuti kong ako na ang bahala sa kusina at sila sa cleanliness ng bahay. Pagka-log out ko sa time card ko, kinuha ko na yung bag ko at sumakay sa fx na naghihintay sa baba. Lilipat sana ako sa bakanteng pwesto sa tabi ni Jemar pero pinigilan niya ako at sinabing si Athena ang naka-upo doon. Kakasya pa naman ako doon kahit may naka-upo na kaya lumipat pa rin ako nang pwesto ko. Wala na rin namang magagawa si Jemar kung makikipag-talo pa siya sa 'kin. "Ginabi rin ata kayo?" tanong ko kay Jemar na abala sa pag-aayos ng bag niya. "Marami pa kasing tinapos si Athena. Hinintay ko pa. Ikaw, ginabi ka rin ata?" tanong niya pabalik sa 'kin "Paper works. Assorting of files. Alam mo na. Nasaan pala si Athena?" "May naiwanan daw siya sa desk niya. Sinabi kong ako nalang ang babalik, ayaw pa rin." saad niya na parang naiinip at naiirita na na talaga siya. Knowing Athena, makulit talaga siya. Silence. Parehas nalang kaming natahimik. naging abala na muli siya sa pag-aayos ng bag niya at ako, kinuha ko nalang yung cellphone ko dahil kanina pa ito nagba-vibrate. Eight messages from Benjie. From: Benjie Kuya, nangungulit na `tong anak mo. Anong oras ka daw uuwi? Nireplyan ko nalang siya at sinabing pauwi na ko.Binalik ko na yung cellphone ko sa bulsa ko at hinintay mapuno 'tong fx na sinasakyan ko. Actually, itong pwesto nalang ni Athena ang bakante at pwede nang umandar ito. May mga nagtangkang umupo roon pero itong si Jemar, todo bantay sa pwesto ni Athena. Nakakatawa nga yung reactionn iya everytime na may nagtatangkang maupo rito. It's either masisigawan niya yung pasahero or pipigilan niyang bumukas ang pinto. Nasa may likuran kasi kami kaya iisa lang yung pintuan at hawak hawak niya yun. Ilang minitong lumipas, nagsimula nang mag-reklamo ang ilang pasahero kay Jemar. Tulad ko, sila rin yung mga taong ayaw naaabutan ng rush hour sa kalsada. Pinabababa na nga nila si Jemar pero humingi pa rin siya nang ila pang palugit para mahintay si Athena. Inaayawan ng ilang pasahero si Jemar dahil nagmamadali na rin sila at hindi na makakapag-hintay pa pa, pero nung pumagitna na ako sa usapan, napaki-usapan naman sila at pumayag na. Nasabayan lang siguro nang init ng ulo nila kaya nahirapan silang pakisamahan ang isa't isa. Sa isang banda, nakita ko na si Athena na kalalabas lang ng building kasama si Red, RM ng Gemini Department. Mukhang masaya ang usapan nila dahil parehas silang nagtatawanan samantalang itong kasama ko, mukhang lalong umiinit ang ulo. Kung sa cartoon series ito nangyayari, nakikita ko nang umuusok ang dalawang butas ng ilong niya at namumula na ang mukha niya. Batid sa kanya ang galit, kitang-kita kung paano niya hawakan yung knob ng pintuan. Akmang lalabas na siya at mukhang susugurin `yong dalawa nang mahawakan ko ang balikat niya at napigilan siya, "Selos ka na naman? Kung ako kasi sa 'yo Jemar, bigyan mo nang panghahawakan yang si Athena. Mahirap na, umaaasa yung tao sa 'yo. Hindi niya alam kung may pag-asa pa siya tapos ikaw, nagseselos ka nang wala ka namang karapatan? " "Hindi ako nagseselos. Lilipat lang kami nang fx." alibi niya. Hindi pa siya nagseselos sa lagay na yan. Tono at taas ng pananalita niya. Oo. "Hintayin mo nalang. Papasok na yan. Lulusot ka pa, eh." Padabog niyang tinanggal ang pagkakahawak ko sa balikat niya at ini-ayos nalang ang upo niya. Ilang sandali rin, pumasok na si Athena. "Hi, Papa Kris. Jems, bakit ganyan mukha mo? Ang pangit." pagbibiro ni Athena "Nagseselos. " pagsabat ko. "Hiindi nga ako nagseselos! Bakit ba ang tagal mo? May kinuha ka ba talaga? Alam mo bang halos murahin ako nang mga 'to," sabay turo sa ilang pasahero, kasama `yong driver "Kakahintay sa 'yo, tapos nakikipag-tawanan ka lang pala kung kani-kanino dyan. Hindi mo ba naisip na naghihintay lang ako?" pagda-drama ni Jemar. Napatingin naman si Athena sa 'kin at tinaasan ako nang kilay, marahil tinatanong niya sa isipan niya kung saan nahugot ni Jemar `yong nasabi niya. Nagkibit balikat nalang ako at kunwaring hindi ko alam ang dahilan. Nagpipigil na rin ng tawa. Buong byaheng tahimik sa sinasakyan naming fx, maliban pala kay Athena na kinukulit si Jemar regarding sa pagtatampo kunno nito. Paulit-ulit tinatanong ni Athena kay Jemar kung bakit ba siya biglang naging ganoon pero walang sinasabing sagot si Jemar. Kahit pag-iling o pagtango, wala pa rin. Maybe, he's in the middle of realization. Realizing things between him and Athena. Pag-isipan niya sana yung sinabi ko. Bigyan niya sana nang pag-asa si Athena which is in the first place, mali talaga. Baliktad. Athena should be the one to give and Jemar should be one to wait. In their situation, hope nalang ang kulang. Destined, andyan na na yan. But hope, nata-traffic rin. They should value it. Sa relationship na meron sila, hope is important because it can make the present moment less difficult to bear. Hope for a miracle, but they shouldn't depend on one. Nasa kanila na mismo yun, naghihintay lang. Pagdating sa MRT station, we go our seperate ways. Papuntang Makati sila Jemar at Athena kaya sa South bound sila at ako, sa Quezon Ave pa ang uwi kaya I'll go to the North bound. Mabuti nalang at kahit rush hour na ngayon, walang gaanong tao sa MRT. Madali para sa 'kin ang makasakay at maka-uwi. "Tito Kris!" bati nang isang batang babae sa 'kin pagpasok ko sa bahay. Tumakbo naman palapit sa 'kin si Nadine kasunod si Emman na dala-dala ang bola niya. "Hi Dad. Dito daw po matutulog sila Nadine." sabi ni Emman habang dini-dribble yung bola niya. "Nadine, sino kasama mo dito? " tanong ko "Si Mommy lang po. Nandoon po siya sa kusina kasama si Kuya Benjie." Inilapag ko muna `yong bag na dala ko sa sofa at nagtungo sa kusina kasama ang dalawang bata. Doon, naabutan ko si Ate Zara na naghahain ng hapag kasama si Benjie. "Oh Kris. Maupo ka na. Kakain na." " Ate, bakit nandito kayo? Nasaan si Kuya Macky? " I asked inquisitively. "Mamaya na natin pag-usapan yan. Kumain na muna tayo. Emman, Nads, pakitawag na si Tita Alyssa niyo, please. Salamat. " Sinunod naman ng mga bata `yong utos ni Ate at tumakbo papunta sa kwarto ni Alyssa. Naupo na rin ako sa usapan at hinintay muna ang pagbaba nila bago magsimulang kumain. Tinitignan ko si Ate Zara at napansin kong iba siya sa typical na Ate na kilala ko. Pinsan ko si Ate Zara, dalawang taon lang ang tanda niya sa 'kin at mula bata palang kami, magkasundo na talaga kami lalo na sa mga bagay-bagay na pareho naming kinahiligan at napagkakasunduan. Isa rin si Ate sa mga hiningan ko nang tulong noong panahon nangangailangan rin ako at ngayon, mukhang kailangan niya rin ng tulong ko. Though, hindi ko pa alam exactly kung anong kailangan talaga ang kailangan niya. No matter what it is, tutulong pa rin ako. Matapos kong kumain, umakyat na kami ni Emman sa kwarto para makapagpalit ng damit at mahugasan ng katawan si Emman ng makatulog na. Kumuha rin ako nang ilang unan at bedsheet para dalhin sa kwarto kung saan matutulog sila Ate. I grabbed the opportunity na mag-isa roon si Ate, para kausapin. "Ate." pagtawag ko sa kanya. Naupo naman siya sa kama and gave me a nodge to sit beside her. Naririnig ko ang pagbubuntong hininga niya. Mukhang malaking problema ang kinahaharap niya ngayon. Hinintay ko nalang siyang mag-salita, sabihin ang mga hinaing at saloobin niya. I-open sa 'kin yung problemang meron siya at ni Kuya Macky I think. "Pasensya ka na, Kris. Mang-aabala muna kami ni Nadine dito huh?" she sadly said. "Ano ka ba, Ate? Syempre ayos lang sa 'kin. Matanong ko lang, may problema ba kayo ni Kuya Macky?" I can't help it. Naba-bother na rin ako sa mga buntong hininga ni Ate. Mukhang pinipigilan niya ang sarili niya para mag-breakdown. "I already lose my hope, Kris. Nawala na yung pag-asa ko, sa 'min ni Macky. Hindi ko na kaya." "Hope never abandons you, Ate. You abandoned it. Pero `di rin kita masisisi kung hindi mo na kinakaya yang dinadala mo. Sinabi mo na ba 'to kay Kuya?" "I'm too scared to say things worth saying. I never wanted it, kinailangan nalang talaga. Hindi ko na ma-endure `yong pambababae nang Kuya mo. `Yong nagsisinungaling pa siya sa 'kin para lang i-meet `yong babae niya. Hinintay ko siyang umamin, pero wala pa rin. Habang tumatagal, patindi nang patindi ang pagsisinungaling niya sa 'kin at `di ko na kakayaning tumagal pa `yon." and then, tears start falling from her eyes. I never expected na ganoon na pala ang nangyayari sa pagitan nila ni Kuya na to the point na iiyakan siya ni Ate. Isa sa pinaka-tough na taong nakilala ko ay si Ate Zara at bihira ko siyang makitang umiyak no'ng childhood days namin. Napaka-positive palagi ni Ate at hindi mo siya makikitaan ng negativities. Well, except kapag problemado talaga siya like this. There are a lot of thoughts racing through her mind for sure kaya nagiging magulo ang lahat para sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang dapat isipin sa hindi niya dapat isipin. Naaawa ako sa kanya. And for Kuya Macky, `dii ko alam kung ano ang side niya at bakit niya ginagawa kay Ate ang mga ganoong bagay. But no matter what it is, hindi ako pwedeng mangialam sa problema nilang mag-asawa. Gustuhin ko mang tumulong na, hindi pwede. Magiging unfair ako kay Kuya para doon. I haven't heard his side at gusto ko munang malaman `yon bago ako gumawa nang sarili kong conclusions about certain things. Nang mahimasmasan si Ate, sinabihan niya kong iwan muna siya. Hindi ko sana gusto, kaso kailangan niya nang alone time. Just like Jemar, realization. To make things clear. Masyado atang nagma-malfunction ang mga hypothalamus nila at nangingibabaw ang emosyon nila instead na pairalin ang isip nila. Lumabas muna kami ni Emman para bumili nang almusal namin para bukas. Kulang ang stock sa bahay dahil nadagdagan ang mga tao sa bahay, mukhang kailangan ko na ring damihan ang pagbili. Bukas pa sana ang Shopper Lane, kapag nagkataon, wala akong oras para makapamili bukas. Oh, good thing, bukas pa nga. Matapos naming makapamili ni Emman, nag-abang nalang kami nang tricycle. Dinalaw na bigla nang antok si Emman at gusto nang magpakarga. Dahil bawal na ang plastic ngayon, nasa paper bag ang mga pinamili ko at hindi ko makakarga nang sabay-sabay ang mga ito pati si Emman. Nama-manage pa naman ni Emman maglakad kaya pinilit ko nalang siyang paglakarin. Masyado nang gabi at mukhang mahihirapan na kaming maghanap pa nang tricycle. "Kris!" tawag sa 'kin ng babaeng naka-bike at naka-facemask. It's Ailee for sure. What happened to her? Inalalayan ko siyang bumaba sa mataas niyang bike at saka ko lang napansin, may mga rashes ang mukha niya. Namumutla pa. "Anong nangyari sa 'yo, Ailee?" tanong ko. Hinawakan ko ang noo niya at mainit ito. May sakit siya pero nagagawa pa niyang mag-bisikleta? Plano ba niyang magpa-hamog? "Allergy. Flu. Bibili sana ako nang gamot tapos bigla ko kayong nakita." "Allergy? Saan? Bakit nasa labas ka pa? Dapat nagpapahinga ka ngayon." "Kangkong." tapos tumawa siya. The heck? Sa 'min siya kumain kagabi at sinigang `yonn. May kangkong. "Bakit `di mo sinabi kagabi na allergic ka pala sa kangkong? Kargo de konsensya pa kita ngayon. Ako na bibili nang gamot mo and I insist. Pahiram nalang ng bike mo and please, huwag ka munang lalapit kay Emman." "Don't worry, naiintindihan ko concern mo. Ayaw mong mahawa siya sa 'kin." Agad akong nagpedal pabalik sa Shopper Lane para bumili nang gamot niya sa allergy at flu. I'm not sure kung ano `yong right na gamot para sa sakit niya, or I might ask the pharmacist nalang. Pagkakuha ko nang gamot, dali-dali naman akong nag-bike pabalik sa kinaroroonan nila Ailee at Emman. Nakita ko nalang si Emman na nakahiga sa bench habang si Ailee, naka-upo sa pavement kaya dali-dali akong pumunta roon. Tumayo rin naman agad si Ailee nung makita ako. "Sorry Kris. Pinahiram ko kay Emman `yong jacket ko kasi inaantok na raw siya. Baka naman malamigan or lamukin kung hahayaan ko lang siyang mahiga. " "It's okay. Kanina pa talaga siya inaantok pero hindi ko naisip na makakatulog siya dyan. Paano ka uuwi? Magba-bike ka lang? " "Mukhang ganoon na nga. Mauna na ko Kris. Salamat pala. " Inalalayan ko na siya paakyat sa bike pero hindi pa siya nakakaandar, na-out of balance na siya at muntikan ng bumagsak sa sahig. Mabuti nalang at naalalayan ko siya agad. "Hindi mo kakayaning magbisikleta, Ailee. Mukhang hilo ka na. Hintayin mo nalang ako dito ulit. Hahanap ako nang tricycle. " Nagbisikleta ulit ako paikot sa buong village para makahanap ng tricycle na pupwedeng masakyan ni Ailee pauwi sa kanila, pero naka-ilang ikot na ko sa bawat kanto, wala pa rin akong nakita. Sinubukan ko ring puntahan yung terminal nila, pero wala rin akong nakita ni isa doon. Nagtanong na rin ako sa guard sa main gate kung may kakilala siyang tricycle driver kaso wala pa rin. Ang tanging option na naiisip ko ay yung taxi na nakita kong nakaparada malapit sa main entrance nitong village. `Di na ako nag-atubili pa at agad ng pinuntahan `yong taxi at pinasunod sa 'kin. Nang makarating kami sa kinaroroonan nila, nakita kong mukhang binugaw ni Ailee `yong mga lamok sa paligid nila ni Emman. Si Emman naman, naka-upo sa bench at nagkakamot. Ipinarada ko muna `yong bike sa tapat nila at hinarap si Ailee na mukhang nagulat sa taxi na nasa harapan niya. "Sorry, wala akong nakitang tricycle. Sakay na." "Paano kayo ni Emman?" tanong niya sa 'kin. Actually, naisip ko na rin yang bagay na yan. "I'll borrow your bike. Kaya ko namang mag-angkas at isa pa, may basket naman sa harapan. Kaya na siguro niyan `yong mga pinamili ko. Sige na, Ailee. Sumakay ka na. Ako na magbabayad. Oh wait." kinuha ko `yong headband na suot ko, which is yong pinasuot niya sa 'kin at isinuot pabalik sa kanya. "Mas kailangan mo ngayon `yan. Go ahead." Pumasok na siya sa loob ng taxi at ako naman, inabot `yong estimated na bayad ko para sa fare niya. Nag-wave na siya nang goodbye niya at ganoon din kami ni Emman. Ini-ayos ko na yung mga pinamili namin sa basket infront ng bike ni Ailee at ini-ayos ko na rin ang upo ni Emman para maka-uwi na kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD