Chapter Six
People are created by God with a pair of eyes and ears. Eyes to see and ears to listen. Use them both to avoid misunderstanding.
———★———
Lunch break, Ate Zara adjured me to fetch Nadine from school. Nadine is Grade 1 student and studying at a Catholic school near Cubao. Sa pagkaka-alam ko, si Kuya Macky ang naka-isip na pag-aralin si Nadine sa isang Catholic school. For what reason? Parent's common reason, para daw lumaking mabait ang mga anak nila. Mabait na bata naman si Nadine kaya di na siya kailangan pag-aralin sa ganoong klaseng school pero perspective nila Kuya at Ate `yon as parents dahil alam nila kung saan makakabuti ang anak nila. But in my own opinion, ayos na rin sa 'kin kung sa isang public school mag-aaral si Emman someday. To gain more experinces na makakatulong sa kanya. Marami siyang pwedeng matutunan sa iba't ibang klaseng matataong makakasalamuha niya. I'm not contradicting their decisions, just sharing my own insight.
Habang hinihintay si Nadine lumabas, `di ko mapigilang mapa-isip. What if si Emman na 'yong nag-aaral? Would he be a good student? Ano'ng magiging favorite subject niya? Magku-kwento kaya siya sa 'kin about sa mga magiging crushes niya? Makaka-akyat kaya ako sa stage para sabitan siya nang medalya? Would he make me proud? Of course he will. He have to.
"Tito Kris!" she said excitedly as she saw me. Yumuko ako nang kaunti to lend her a kiss, grabbed her bag and walk.
Habang naglalakad papunta sa sakayan, maraming kinukwento sa 'kin si Nadine tungkol sa kung anu-anong mga bagay. School stuffs, cartoons, random events and such. Just like a usual kid usually do, dumaldal. As much as possible, nagpapakita nalang ako nang interest somehow sa discussion namin. Though... nevermind.
"Nads!" a guy called her from behind. Nilingon namin pareho yung tumawag sa kanya and saw Kuya Macky.
"Daddy!"
Tinanggal ni Nadine ang pagkakahawak sa kamay ko at tumakbo papunta kay Kuya. Lumuhod naman si Kuya na ka-level ni Nads at niyakap siya. Kitang-kita sa mukha ni Kuya Macky ang pagkasabik at kagalakan ng makita niya si Nadine. Halos magda-dalawang linggo rin silang hindi nagsama kaya naiintindihan ko kung ano ang nararamdaman ni Kuya ngayon. Pero hindi pa rin ako dapat maging biased dahil parehas kaming lalaki, niloko pa rin niya si Ate. On the second thought, napaka-unfair rin kung magiging biased ako kay Ate Zara. I should hear Kuya Macky's side too.
"Kris, may gagawin ka ba ngayon?" seryosong tanong ni Kuya sa 'kin. Umiling nalang ako bilang tugon sa tanong niya at sinundan siya maglakad.
Karga-karga ni Kuya Macky si Nadine habang papunta kami sa kung saan man kami dadalhin ni Kuya. Kitang-kita sa kanilang dalawa na namiss nila ang isa't isa. Kung wala lang sigurong naging problema sa kanila nila Ate, siguro silang masayang pamilya ang nakikita ko ngayon. Isang masaya at buong pamilya na hinahangad ko rin noon, hindi lang para sa 'kin kundi para na rin sa anak ko. Kaya nga laking panghihinayang ko nang mabalitaan ko iyon. Wala pa naman nagaganap na hiwalayan kaya tiwala akong maaayos nila ang gusto na 'to. Para sa anak nila.
Dinala kami ni Kuya Macky sa isang fast-food chain para magtanghalian. Hindi namin magawang pag-usapan `yong mga bagay na dapat naming pag-usapan sa harapan ni Nadine kaya minabuti naming hintayin siyang matapos at hayaan maglaro sa maliit na playground sa chain. Nakangiting pinagmasdan lang ni Kuya si Nadine habang masayang nakikipag-laro sa ibang bata doon. Mukhang sa tagal nang panahon na hindi sila nagkasama at sa pangungulila ni Kuya sa mag-ina niya kaya siguro ganyan nararamdaman niya. For sure, mixed emotions at magulong isipan ang mayroon siya ngayon.
Binaling ni Kuya ang atensyon sa 'kin ng mapag-tanto niyang naghihintay ako sa kanya, "Bakit nambabae ka Kuya?" direktang tanong ko sa kanya. Mukhang nabigla pa nga siya at mukhang natatawa rin. May nasabi ba akong nakakatawa?
"Napaka-straight forward mo talaga, Kris. Kaya idol rin kita e. Hintayin mo ko dito. "
Tumayo si Kuya mula sa kinauupuan niya at nagtungo sa cashier. Kinuha ko naman ang cellphone kong kanina pa nagba-vibrate at nalaman kong si Ate Zara pala `yong kanina pa text ng text sa 'kin. Tinatanong niya kung anong oras ba kami makakauwi at kung bakit ang tagal namin. Hindi ko na siyang nagawang replyan dahil alam ko namang magagalit siya kapag nalaman niyang nakipagkita kami kay Kuya pero alam ko rin namang malalaman niya pa rin mula kay Nadine ito kaya hinanda ko nalang yung pagpapaliwanag ko mamaya.
Bumalik na si Kuya na may dalang dalawang cups ng coffee. I was wondering kung bakit coffee ang binili niya samantalang sobrang tirik ng araw. Maiintindihan ko pa sana kung sundae (kahit `di ako fond) pero coffee, I don't think so. Kinuha ko nalang ang isang cup at hinintay siyang magsimula. "Kris, sa tingin mo, kaya kong mambabae? " he asked.
"Lalaki ka rin, Kuya. Alam kong alam mo kung saan tayo capable. In born ng babaero ang mga lalaki, a part of our human nature."
"You’re not answering my question, sa tingin mo, kaya ko ngang mambabae?" seryosong tanong ni Kuya. Mukha desidido talaga siyang malaman ang point of view ko regarding their problem.
"Yes. Loyalty doesn't exist kasi lahat ng tao, natutukso. Hindi malabong mangyari sa 'yo 'yun, Kuya. Kahit sa 'kin, pwede rin. Kahit kanino."
Kuya Macky sighed and looked at me, then he smiled, "Kakaiba ka rin talaga mag-isip Kris and I salute you for that. But then, I don't think that loyalty doesn't exist. Loyalty exist to everyone, nasa perspective lang ng tao kung paano nila pangangatawanan at panghahawakan. And tukso, kung loyal ka naman talaga, hindi ka matutukso. "
"Pero Kuya, nambabae ka nga ba talaga?" I asked.
He stared at me blankly and take a quick sip at his coffee. "No. Masyado lang naghihinala ang Ate mo sa 'kin. Masyado niyang pinaniniwalaan lahat ng nakikita niya. She still have the sense of hearing at hindi niya nagamit 'yun. Siguro, nakita nga niya akong may kasamang babae but does it mean nambabae na ako? Hindi niya narinig kung ano ang pinag-uusapan namin. Tulad ngayon, ayaw niya kong pakinggan. Hindi niya ako hinahayaang depensehan ang side ko. "
"Pero hindi mo masisisi si Ate kung ganoon ang naramdaman niya. We all know that girl's are impulsive sometimes. May I ask, ano nga ba ang pinag-usapan niyo? Well, if Ate Zara don't want to hear your side, in able for you to defend yourself, then allow me to hear your side and to defend you from Ate Zara's humiliation."
But instead of responding to my suggestion, he grinned at me sheepishly. Mukhang wala siyang plano sabihin sa 'kin ang tungkol doon. "It's for me to know and for you to find out."
After that, nanaig na ang katahimikan sa 'ming dalawa.
Sumaglit nalang kami sa chain dahil kanina pa nagtetext sa 'kin si Ate Zara at nagtatanong kung nasaan na daw kami at bakit ang tagal namin maka-uwi. Marahil, nag-aalala na talaga siya. Ihahatid pa sana kami ni Kuya Macky using his car but I refused. Mas lalong magagalit si Ate kapag nalaman pa niya 'yon. Masyado nang malaki ang kasalanang nagagawa ko sa araw na 'to at ayokong sagarin ang pasensya ni Ate kapag hinayaan ko pang makita niya si Kuya Macky sa harapan niya.
Nasa sakayan na kaming tatlo at naghihintay ng jeep pauwi. Nag-uusap lang ang mag-ama at hinahayaan ko lang silang dalawa. " Nads, take care of your Mommy, okay? Hindi niyo makakasama si Daddy for now but soon. Kapag nagka-ayos na kami ng Mommy mo. "
"Pero Dad, hindi ka po ba talaga puwedeng sumama sa bahay nila Tito Kris or kahit umuwi na po kami? Convince Mommy, please. Nami-miss ko na po kayo." pagmamaka-awa ni Nadine sa kanya.
"I want to pero ayaw pa ni Mommy mo. There will be a right time. Kapag ready na siguro makinig sa 'kin ang Mommy mo. Nandyan na 'yung jeep. Goodbye for now. Sabihin mo sa Mommy mo, I'll be waiting and I love her." hinalikan na niya si Nadine sa noo nito at nag-paalam na rin sa 'kin.
Sumakay na kami sa jeep at parehas nagpaalam kay Kuya. Ngayon, kailangan ko nang ihanda ang sarili ko sa pagpapaliwanag kay Ate Zara. Kung gaano naman kabait ang pinapakita niya, ganoon rin kasama kapag nagagalit siya.
Pagdating sa bahay, kaagad namang sumalubong sa 'min si Ate na nakaupo sa labas ng pinto. Kaagad namang tumakbo papunta sa kanya si Nadine at humalik sa pisngi niya. "Mommy, nakita po namin si Daddy kanina. Tapos kumain po kami sa Jollibee. Mommy, sabi rin ni Daddy na he'll be waiting and he loves you. Mommy, kailan po tayo uuwi sa 'tin?" saad ni Nadine
Kaagad namang lumingon sa 'kin si Ate Zara at iniba ko ang direksyon ko upang maiwasan ang tingin niya. " Pumasok ka na muna sa loob Nadine."
Pagkapasok na pagkapasok palang ni Nadine, kaagad namang humakbang palapit sa 'kin si Ate. Huminga ako nang malalim at humarap na sa kanya. " Sorry Ate." at `yon nalang ang tanging nasabi ko
"Kris, bakit? Nagpaka-layo kami para hindi siya makita tapos makikipag-kita ka?" galit na saad nito
"Pero Ate, biglaan rin `yon."
"Bakit? Hindi mo ba puwedeng tanggihan? Ano? Umamin ba siya sa `yo? Ano’ng mga sinabi niya? Na iiwanan na niya kami at ipagpapalit sa babae niya?"
"Walang sinabing ganoon si Kuya. Wala siyang kahit anong sinabi. Ate, hinintay ka niyang makinig sa kanya. Pakinggan mo naman siya. Kung nakita mo lang kanina kung gaano kasaya si Nadine ng makita niya si Kuya. At kung narinig mo rin kung paano siya magmaka-awa kay Kuya na umuwi na kayo." pagtatanggol ko kay Kuya.
Ngumisi nalang siya at binigyan ako ng masamang titig. "I've seen enough Kris. Malinaw na malinaw ang paningin ko at kitang kita nang dalawang mata ko ang ginagawa niyang panloloko. And please Kris, alam kong nakikitira lang kami dito pero sana naman, huwag ka nang manghimasok sa problema namin. Tinapos ko na ang mayroon sa 'min. Hayaan mo, aalis na rin kami kaagad dito." at tinalikuran na niya ako at naglakad papasok ng bahay
"Pero Ate.."
At isang malakas na kalampag ng pintuan nalang ang narinig ko. Sa pagkakataong ito, naaawa ako kay Nadine. Nakita ko kay Emman kung paano lumaki ang isang bata nang kulang ang pamilya. Masaya kami, oo pero hindi maitatanggi na naghahanap pa rin siya at nalulungkot. May masayang pamilya sila Ate Zara at Kuya Macky at dahil sa hindi pagkakaintindhin, nasisira `yon. Alam kong sobrang mali nang panghihimasok ko dito pero nandito na ko. Gagawin ko nalang 'to para kay Nadine.