Chapter Seven
Loving someone is really hard, same as life is never easy. You have to be patience in able for them to realize things up. Be strong. Things will go under your plans.
———★———
Hindi na nagawang makipag-usap ni Ate Zara sa 'kin matapos noon kaya naisipan ko nalang na bumalik sa opisina. Paalamigin ko nalang muna siguro ang ulo niya para maka-usap ko siya nang maayos. Hindi ko rin siguro siya masisisi kung bakit ganoon ang reaksyon niya. Tulad ng sinabi niya, hindi nga naman tama na manghimasok ako sa problema nilang mag-asawa. Hindi ko lang siguro maiwasan na manghimasok dahil may batang involved. Naaawa ako sa parte ni Nadine. Bata pa lang siya at walang muwang na posibleng maghiwalay na ang mga magulang niya.
Hindi ko alam kung bakit madali para sa 'tin ang maniwala nalang sa mga nakikita natin. Paano kung ang mga bagay na hindi mo pa nakikita ang mas dapat mong paniwalaan? May mga tainga tayo. Hindi lang dapat tayo dumidepende sa mga nakikita ng mga mata natin. Kailangan rin nating makinig para malaman kung ano nga ba ang totoo.
Kasalukuyan kong kasama ngayon si Jemar dahil parehas naming kailangan magpasa ng monthly written reports namin. Kapansin-pansin naman ang pagiging aligaga ni Jemar sa hindi ko malaman na dahilan. Habang naghihintay sa labas ng opisina namin, naka-ilang beses na siyang nagpabalik-balik. Mula sa kinaroroonan namin, papasok siya ng elevator tapos maya maya, tatabi na ulit sa 'kin. Kung hindi ako nagkakamali, si Athena lang ang binababa niya. " Mapirmi ka nga sa isang tabi Jemar. Nakakahilo 'yung pabalik balik mo. " utos ko sa kanya.
"Sino bang nagsabing tignan mo ako? Tapos magagalit kng nahihilo ka? Kasalanan ko pa ngayon?" galit na sabi niya. Ano na naman bang problema nito? Menopausal baby siguro 'tong si Jemar o pinanganak na puro sama ng loob, lagi nalang mainit ang ulo.
"Ano na naman bang problema mo? Si Athena?"
"Bakit may mga babaeng impulsive masyado? Bakit may mga taong ganoon? Nagpapadalos-dalos masyado sa mga desisyon nila." That's it. Mukhang si Athena nga ang problema niya.
Umupo siya sa tabi ko at inilapag ang mga reports niya sa katabing upuan nito. Napasinghap naman ito ng malalim at itinuon ang atensyon sa kawalan. Mukhang malalim ang iniisip niya at problemado talaga siya. Hindi ko alam kung ano ang ugat ng nangyayari sa kanya ngayon but one things is for sure, sobrang apektado si Jemar doon.
"Alam mo Jemar, there are things we do sometimes, actions that we take by obeying sudden impulses. Baka ganoon lang 'yung nangyayari. They decided without stopping for even a fraction of a second to think. Minsan, maiisip nalang nila na bakit pa nila iisipin kung ano ang iisipin ng ibang tao sa kanila kung wala namang paki-alam 'to. It's their decision. They can spend the rest of their life either lamenting it or thanking. Wala namang makaka-predict ng mangyayari hangga't walang outcome." I stated. Mukhang hindi niya ako naintindihan. Sinubsub niya ang mukha niya sa mga kamay niya at nanahimik.
"Outcome? Masasaktan lang siya. Sinasaktan niya lang ang sarili niya. Hindi naman niya kailangang gawin 'yun upang ipamukha sa 'kin ang pagkakamali ko. She don't have to do this. I was hesitant to ask her, afraid of what she might say." saad niya matapos ang ilang minutong pananahimik niya.
"Nagawa mo pang mag-dalawang isip sa kabila ng mga pinapakita niya sa 'yo? Iba ka Jemar. Ikaw ang may problema, hindi si Athena. "
Minsan, mas maganda nga siguro na gumawa ka ng maling desisyon kaysa sa wala kang gawin. We all have the courage to go forward. We might want to decide fast. We live in a dangerous world. Kung makakakita man tayo ng pagkakataon para sumaya, we have to fight for it. Para wala kang pagsisisihan sa huli. Pero sa sitwasyon nila Jemar at Athena, nagpadalos-dalos si Athena sa pagde-desisyon samantalang si Jemar ay natagalan bago makapag-desisyon kaya hindi sila makapag-come up sa isang desisyon. Desisyon kung saan siya pareho ang makikinabang. There are some choices you can only make once. No one's ever ready.
Hinintay nalang namin dalawa lumabas 'yong mga naunang pumasok sa 'min. Tahimik. Hind na nagawang magsalita ni Jemar matapos ang mga sinabi ko. He was caught off-guard, alam ko 'yon. But you couldn't blame me. Naaawa lang ako sa sitwasyon ni Athena. matapos ng mga pinapakita niya kay Jemar, naging clingy or expressive man siya, it's pretty obvious that Athena really likes him. Napaka-unfair lang para kay Athena. To think of it na babae siya at siya ang gumawa ng first move. Hindi ba nakaka-degrade para kay Jemar 'yun? She was courageous and brave enough to express her feelings while Jemar, too weak. Kailangan niyang mag-man up and fight for what he feels.
Matapos ng pagre-report naming dalawa, naghiwalay kai ng dinadaan ni Jemar. Dumaan siya sa hagdanan samantalang ako, naghintay sa elevator dahil tinatamad akong bumaba sa hagdanan. Inaasahan kong mauuna siyang nakababa sa 'kin dahil natagalan rin ako sa paghihintay sa elevator pero wala pa rin siya sa desk niya. Kaagad naman lumapit sa 'kin si Athena, " Hindi ba magkasama kayo ni Jemar? Nasaan siya? " pambungad na tanong niya sa 'kin
"Hindi ko alam. Nauna siyang bumaba sa 'kin at akala ko nauna na siya. Baka nagpapalipas lang 'yun ng sama ng loob. Ano bang mayroon sa inyong dalawa? Nakakapanibago at ang tahimik sa department natin?"
"Mahabang kuwento Papa Kris. Mukhang may nasabi naman siya sa 'yo kahit papaano `di ba?" tumango nalang ako bilang tugon sa sinabi niya " Basta. Handa pa rin akong maghintay sa kanya. Ginagawa ko lang rin naman 'to para sa kanya. ."
"Kahit parehas kayong nasasaktan? Kahit may naaalangan? "
"Hindi mo pa naiintindihan Kris. Pero oo. Kahit parehas kaming nasasaktan. Ganoon naman talaga 'di ba? Truth hurts. Alam kong mali but we will both learn from it. I think. Babalik na ko. "
Akmang babalik na si Athena ng biglang lumitaw si Jemar sa harapan namin na may dalang isang pirasong pulang rosas. Natigilan si Athena ng magsimulang maglakad si Jemar papunta sa kanya pero sa kasamaang palad, bigla ring lumitaw si Red na may dala namang isang buoquet ng rosas at mas naunang mag-abot kay Athena, " Para sa 'yo. " saad nito kay Athena
Mukhang tuluyan ng nanigas si Athena sa kinatatayuan niya. Tinapon nalang ni Jemar 'yung rosas na hawak niya at nilagpasan silang dalawa at nagtungo sa desk niya." Ano ba naman 'yan? Ang baho ng mga bulaklak na 'yan. Ang kati sa ilong. " at nagpanggap pa siyang bumahing.
Ito pala ang kinaiinit ng ulo ni Jemar, na pinopormahan ni Red si Athena. Hindi ko rin naman masisisi si Athena kung bakit hinayaan niyang pumorma sa kanya si Red. Marahil, naghahanap siya ng ibang pagtutuonan ng atensyon niya, 'yung taong makaka-appreciate sa kanya at makikita ang worth niya. But not enough reason para saktan nila pareho ang mga sarili nila. Oh well, they're both a grown up. Bahala na sila sa mga buhay buhay nila.
Kinagabihan matapos ang office hours, I decided na pumunta muna sa Shopper's Lane para bumili ng— hindi ko pa rin alam kung ano. Hindi ko matandaan kung may stocks pa ba sa bahay dahil this past days, si Ate Zara na ang nauutusan kong mamili since naging busy rin ako sa trabaho. Nakaka-panibago rin sa sistema ko 'yun. Nakasanayan ko na siguro ang weekly na pagbili dito kaya siguro ganoon.
Nag-ikot ikot ako sa bawat aisle ng shop para makahanap o maka-isip ng bibilhin ko pero wala. I ended up buying some snacks for the kids and a bottle of soju for me. Hindi naman siguro masama ang isang bote ng wine. 25% alcohol content at hindi naman ako malalasing nito.
Nagtungo na ak osa counter para bayaran ang mga pinamili ko and then I saw someone familiar. Naglakad ako palapit sa kanya, poked her cheeks and smiled unconciously, "Oh? Hi Kris ! It's been a long time. " she said.
"Yeah. Almost three weeks, I think? Kumusta na? "
"Ito, ayos na 'ko. Nakaka-recover na. Having dengue sucks. 'Yong dextrose na kinakabit sa 'kin, 'yong pagkuha nila ng blood samples sa 'kin, 'yong mismong ambiance ng hospital. Mukhang 'yon ang papatay sa 'kin," sabi niya at ibinalik ang atensyon sa ice cream fridge na nasa tapat namin "Anong masarap na flavor Kris? "
"I prefer cookies 'n cream. " I suggested
Sabay na naming binayaran ang mga pinamili namin at sabay na rin lumabas ng lane. We decided na mag-stay muna sa isang bench malapit sa 'min bago kami umuwi. Silence. Hindi ko nalang pinansin ang pagkain niya ng ice cream at hindi na rin niya pinansin ang pag-inom ko ng alak. Napalingon ako sa kinauupuan niyaand surprisingly, nakatingin rin siya sa 'kin, meeting her dark-eyed gaze. Kaagad naman kaming nag-iwas ng mga tingin namin, awkward yet easy comfort.
Biglang umihip ng malakas ang hangin dahilan para mapayakap sa sarili niya si Ailee. Hinubad ko ang cardigan na suot ko at pinilit isuot sa kanya kahit ayaw niya, "Salamat. Ang laki mo pala talagang tao." sabi niya. nang isuot ko sa kanya 'yung cardigan, hindi lumitaw 'yung mga kamay niya sa sleeves ng cardigan and yes, malaki nga talaga akong tao.
"Genetic." I simply said
"Have you heard about the 'ACB' line? sinasabi daw 'yun kapag naniniwala kang nakita mo na ang taong destined para sa 'yo."
"Nasabi mo na ba 'yun? Paano mo nalamang siya ang destined para sa 'yo? " I asked
"Alam kong sa sarili kong siya na ang destined para sa 'kin pero hindi ko pa nasasabi 'yung 'ACB' line sa kanya. Besides, hindi mo naman kailangang alamin kung sino at kung paano mo malalaman kung ang isang tao ay naka-tadhana para sa 'yo. Ang taong naka-tadhana sa 'tin ay ang ang taong pinili rin nating makasama. Destiny is not a matter of chances, but a matter of choices. It's choice, not chance that determines our destiny."
"Risky. What if 'yung taong pinili mo ay hindi ka pinili at pinili ang ibang tao para maging destined para sa kanya? "
Natahimik lang siya at napatingala sa kalangitan. Hindi namin pareho namalayan ang oras at sa puntong ito, napakarami ng bituin ang masisilayan sa kalangitan, "You know what, Kris, " napatingin naman ako sa kanya dahil sa pagtawag na `yon. "What you believe, you achieve. Naniniwala akong mararamdaman niya rin `yon. That will be the time you need to fight for your destiny. Tayo ang may hawak ng kapalaran natin. Kailangan mo gumawa ng paraan para mangyari `yon." nagtagpo ang mga mata namin at binigyan niya ko ng matatamis na ngiti
"Pero hindi lahat ng bagay aayon sa kagustuhan natin Ailee."
"That explains that nobody's perfect. Nakakagawa tayo ng maling desisyon and we all have to do is to accept it. "
Sa isang lagukan, inubos ko na ang natitirang kalahati sa soju na iniinom ko. Medyo nakaramdam ako nang antok sa ginawa kong 'yun pero namanage ko pa naman ang sarili ko na makatayo at maglakad pauwi, 'yun nga lang, medyo napapapiit na nga ako.
Nang makarating na kami sa kanto kung saan kami maghihiwalay ng dadaanan, hindi ko inaasahan ang biglaang pagyakap sa 'kin ni Ailee. Wala naman akong ibang nagawa kundi tugunin ang yakap niya pabalik, kahit hindi ko alam kung bakit. "Maraming salamat Kris huh?" sabi niya, still resting her head on my chest
"Para saan? " I asked
"For being someone that I can rely on. Hindi mo lang alam Kris, sa 'yo lang ako nakakapag-labas ng insights ko. "
Kumalas na siya mula sa pagkakayakap niya at hinarap ako suot ang isang napakatamis na ngiti. I moved closer to her, our faces our inch closer. Our noses met then I suddenly realized, ano ba 'tong ginagawa ko? Minulat ko pareho ang mga mata ko at tanaw ko ang biglaang pagmulat rin ng mga mata niya. Mukhang nagtataka na siya kaya kaagad kong nilayo ang mukha ko at ibinaling ang paningin ko sa ibang bagay, "Pasensya ka na. Nahihilo na siguro ako dahil sa soju na ininom ko. Mauna na ko." oo, tama. Epekto lang siguro 'to ng alak.
Nagmadali akong maglakad palayo sa kanya. Nilingon ko siya sa kinaroroonan niya pero nandoon pa rin siya. Nakatayo, pinagmamasdan akong maglakad palayo sa kanya. Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy na ako sa paglalakad pauwi.
Nang makarating sa bahay, kaagad akong nagtungo sa kwarto ko upang makapagoalit. Hindi ko alam kung bakit parang sirang palaka na nagpapakita sa isipan ko ang imahe ni Ailee na nakangiti, maging 'yung pagtangka kong paghalik sa kanya. I shoved those thoughts running through my mind. Kailangan kong mag-focus.
Bumaba na ako para maghapunan at sumalubong sa 'kin si Ate Zara, "Pasensya ka na sa inasal ko sa 'yo kanina Kris. Hindi na mauulit. Hindi na talaga kasi sa susunod na araw, aalis na kami dito. Maraming salamat sa lahat Kris."