Chapter Three.

2565 Words
Chapter Three There is someone meant for us. We just need to wait and spend a little time to figure it out. —————★————— Kinabukasan, maaga akong nagising para maghanda sa pagpasok naming magkakapatid. Kasama na rin sa responsibilidad ko ito bilang padre de pamilya sa kanila. Kahit labag sa kalooban kong gumising ng maaga para lang maghanda nang almusal, kailangan ko pa ring gawin. Hindi na ako naghire nang katulong dito sa bahay. Mahirap lang rin ang buhay namin para bumuhay o magpasuweldo pa. Gawaing bahay lang naman ang mga ito, bakit pa namin ia-asa sa iba? Isa pa, malalaki na ang mga kapatid ko, nakakahiya kung sa laki nang katawan namin, tamad kami at simpleng gawaing bahay, wala kaming alam. Paakyat na ako sa kwarto nila nang masalubong kong si Benjie na pababa na. "Mabuti naman at kusa ka nang nagising. " saad ko "Kanina pa ko gising, Kuya. Nahirapan na akong makatulog kanina kaya hinintay ko nalang mag-umaga." sabi niya habang humihikab pa. "Kumuha ka nalang ng Enervon sa kwarto ko. Isang capsule tapos inumin mo pagkatapos mong mag-almusal. Para hindi ka antukin sa klase mo mamaya. " Sinunod naman niya ang sinabi ko at kasabay kong umakyat. Siya papunta sa kwarto ko at ako kay Alyssa. Pagpasok ko sa kwarto niya, naabutan kong tulog pa siya. Sa 'ming magkakapatid, si Alyssa ang pinakamahirap gisingin at pinakamabagal kumilos sa 'min. Kaya kadalasan, pinaghihigpitan ko siya. Hindi naman pwede `yong palaging ginagawa niya. "Alyssa, bumangon ka na dyan. May pasok ka pa. " sabi ko habang tinatapik tapik siya. Mukhang `di siya natinag sa pagtapik-tapik ko para magising siya and she even covered herself with a blanket just to refrain from my early exhortation. Gising na 'to for sure, ayaw lang bumangon. I decided to carry her downstair. Let's see kung makakapalag pa 'to. "Kuya naman, eh! Ibaba mo na ako!" utos niya sa 'kin habang pinapalo ang balikat ko "Inuutusan mo ako, Alyssa?" pabiro kong sabi sa kanya "Not until tulog pa ang diwa mo." "Kuya! Gising na ko, promise! Ibaba mo na ko." Pagdating namin sa kusina, naabutan namin si Benjie na nagtitimpla nang kape niya. Ibinaba ko na si Alyssa sa isang upuan at ginulo ang buhok, "Magandang umaga, mahal na prinsesa! Nakahain na po ang almusal niyo. Naku Ate, katamaran mo talaga. Pati ba naman pagbaba mo sa hagdanan, inasa mo pa kay Kuya. Baka gusto mong pakainin ka rin niya. " panunukso ni Benjie kay Alyssa. "Che! Ate mo pa rin ako, tumigil ka. Si Kuya nagbuhat sa 'kin `no. Hindi ko ginusto `yon.." Alyssa said, vindicating her side. Natatawa lang ako sa patuloy na tuksuan nila, but it's not the right thing to do. Nasa harapan sila nang hapag, so i decided to intervene them, "Alyssa, Benjie, tumigil na kayo. Kumain nalang kayo dyan, baka malate pa kayo. Kung sino mauuna umuwi sa inyo mamaya, daanan niyo si Emman kila Tita." During my working hours, pinapaiwan ko ang anak ko sa isang kamag-anak namin dito sa village. Isang housewife lang si Tita Rin at may isa ring anak pero ayos lang daw sa kanya ang isama sa kargahin niya si Emman. Para may makalaro rin daw `yong anak niya. Malaki ang utang na loob ko kila Tita Rin at Tito Yeollie simula nang bumukod ako kila Mama. Sila `yong naging takbuhan ko kapag may problema kami. Kayo noong nagkatrabaho ako, pinasok ko rin si Tito doon noong wala rin siyang trabaho. Returning the favor kumbaga. Wala namang ibang magtutulungan kundi kami rin. Umakyat muna ako sa kwarto namin para silipin kung gising na ang anak ko. Dahan-dahan akong pumasok para di siya magising pero useless rin. Gising na pala siya, nakahiga lang. "Good Morning, baby." bati ko Nahiga ako sa kama namin at tinabihan siya. Mukhang antok na antok pa siya. "Daddy, ang ingay po nila Tito at Tita." pagsusumbong niya sa 'kin. I patted his head and gave him a bear hug. He responded. "Daddy, magwo-work ka po?" "I have to, baby. Kailangan magkamoney si Daddy para mabili `yong gusto niyo. Para may pambili ako nang chicken. Gusto mo ba wala kang chicken 'pag di nag-work si Daddy?" he clamber on my upper body and rested his head on my chest. I caressed his back as he continued to yawn. Mukhang inaantok pa nga 'to. Masyado pang maaga. Hinayaan ko lang siyang makatulog at no'ng maka-tulog na nga siya, inilapag ko siya sa kama at kinumutan. Nagtungo naman ako sa banyo para makaligo at makapag-handa sa pagpasok ko. —————★————— Pagdating ko sa opisina kung saan ako nagtatrabaho, nadatnan kong maraming applicant sa tapat ng department namin. I am working as a regional manager sa isang company. But before, I was a sales counselor. Office-based ang kumpanyang pinapasukan ko kaya hindi ito tulad ng iba na nasa field. `Yong kailangan mong magkapagbenta nang kung anu-anong produkto. I started working here when I was 17 years old. Actually, problema `yon dahil underage pa ako that time. Buti nalang talaga at mabait ang HR na napunta sa 'kin at pinagbigyan akong magtrabaho. Nakitaan nila ako nang determination at interest ko talaga sa trabaho, mayroon rin daw akong potential sa ganitong klaseng trabaho. And because of that, napromote ako through ladder promotion. Part of my job is to held an interview sa mga applicant sa department ko. I called them by pair and asked them to take a sit. `Yong ibang departments dito was giving an short assesstment sa mga applicant, but I, I never gave one. There's no use. Ako ngang hindi college graduate nakapagtrabaho dito sa company by having a wild guess sa exam. There are some certain point that we can set aside our educational attainment in seeking job. What do I mean? Advantage ang pagiging college graduate kasi mas madali kang matatanggap, but the question is, magagamit mo ba lahat ng natutunan sa school sa pagtatrabaho? Hindi lahat, right? Hindi ka naman magcocompute para magluto, hindi mo kailangang dumula para asikasuhin ang mga pasyente mo and so on. But I'm not saying na wag na kayong tumungtong ng college. Iba pa rin 'pag may kumpleto ang diploma. "Ah Sir, pwede pong mag-CR muna?" tanong ng isang aplikanteng nasa harap ko. Pinayagan ko naman siya at tinuro kung saan papunta ang CR. Naiwan naman sa harapan ko ang isang lalaking aplikante. Bata pa 'to for sure. Halata sa itsura niya. "Mr. Ramos." I said as I read his resume. I knew it. He's only 18 years of age. "What position are you applying for? " "Office staff po." he anxiously said. Maybe, first time niya 'to. "Lahat ng trabaho dito, office based. Be specific with your answer. We need an accurate ones, not in general. I will repeat the question, what position are you applying for." "E-encoder po. " And the interview goes on. Tinanong ko na siya about sa mga informations stated at his resume. He answered all my questions with acumen. Matalino siyang bata and at his very young age, nakakaimpress ang ganoong klaseng mindset. Kinabahan nga lang siya siguro kanina. "Bakit hindi ka nag-aaral? You're an IT undergrad, bakit ka huminto?" I asked inquisitively. Most of the applicants here, katulad rin niya. Mga undergrad na nagbabaka sakali. "Problema po financially. Tatlo po kaming nag-aaral ng college at hindi po kayang pagsabay-sabayan ng mga magulang ko `yo." "And?" sabi ko, hinihintay ang sasabihin niya. "You mentioned earlier that you're living with your partner. Correct me if I'm wrong, at your very young age, may bubuhayin ka na?" "Mayroon nga po. It all happen in a sudden. We both love each other and we do trust. I sacrificed my study para panindigan yung maling nagawa ko. Nahihiya rin po ako kung ia-asa ko pa sa mga magulang namin 'tong pasanin na 'to. " "That's not an excuse. Believe it or not, we have the same story. I started working here at the age of 17 to sustain our daily needs, to provide my son's need. Maraming teenagers so far ang sigurong nakaka-experience nang ganyan. Early pregnany. Basta mahal nila ang isa't isa, there it goes. They make baby instead of just love, but still, mali pa rin. In your situation, nag-aaral ka pa pala then huminto ka for that responsibility. Mahal ka niya, mahal mo siya, naisip mo ring bang mahal ang tuition fee? Kinonsider mo rin sana `yon. Mas magandang buhay ang magkakaroon kayo kung naghintay kayo at tinapos niyo parehas ang pag-aaral. Love can wait the right time just keep hoping and praying for what's the best for both of you. Love never gives up. But that can't stop you for pursuing your goals for now and I admire you for doing the right thing," kumuha ako ng isang flyer sa drawer ko at inabot sa kanya. "Anyway, dito sa kumpanya, walang fixed na sahod. You can earn as much as P486-P1,040 as minimum wage it depends on your performance. Ngayon pa lang `yan, what if pag napromote ka? Are you willing to pursue this?" I asked, diverting the topic. Regardless of the interview "Opo. Willing to be trained naman po ako. Can work under pressure at madali naman po akong makaka-adopt dito. And to gain experience na rin po." "Good then. Mahirap maghanap ng trabaho ngayon kasi unang requirement nila ay dapat may experience. Paano ka magkaka-experience kung hindi ka nila bibigyan right? Bukas, bumalik ka dito at exactly 8:00 AM for an orientation and for the final interview. Bring the requirements with you. Kung hindi mo pa kumpleto, p'wede namang to be followed ang ibang requirements. Just be here tomorrow. I am giving you a chance because I can also see some potentials in you. Wear an office attire. Goodluck." Tumayo na siya sa kinauupuan niya ang nakipagkamay sa 'kin. Hindi pa rin bumalik `yong isa niyang kasama na sinabing magsi-CR daw. I don't know why, maybe, nagback out na talaga. Lunch break, kasama ko si Tito dito sa bistro kung saan kami madalas kumain. One hour lang ang break namin and after this, balik na naman sa tambak na trabaho sa opisina namin. "Kris, marami-rami ka atang nasara na deal ngayon. For sure, malaki sasahurin mo ngayon. Ano'ng plano?" tanong ni Tito sa 'kin "The usual. Magbabayad ng bills, sa tuition nila Alyssa saka Benjie, sa gastusin sa bahay, kay Emman. `Yon lang naman po pinagkaka-gastusan ko. " "Sa katapusan, may plano kaming magbar ng ilang kasamahan natin. Sumama ka. Para naman maexpose ka sa mga babae dyan. Sayang naman kagwapuhan mo kung pambahay lang yan. Malay mo, doon ka makakita nang babaeng makakasama mo." "Naku Tito, pass ako dyan. Walang magbabantay kay Emman sa bahay. Isa pa, ayoko rin. Makakapaghintay naman yan. Darating kung darating. " "Naku, ganyan rin sinabi mo sa 'kin noon. No'ng naghiwalay kayo no'ng isa natin ng isa nating katrabaho. Hiniwalayan mo kasi ayaw ng mga kapatid mo sa kanya." Two years ago, nagka-girlfriend ako nang isa sa mga katrabaho namin. Nagwork naman ang relationship namin at we lasted for a year. `Yon nga lang, `di sang-ayon `yong mga kapatid ko sa kanya. Why? `Di daw siya yung tipo nang mother figure na pupwede kay Emman. Akala ko noon, siya na nga. But I proved myself wrong. Nakita ko mismo sa sarili ko kung ano `yong gustong sabihin ng mga kapatid ko. One time, napagkasunduan naming magkakapatid na i-test siya. Mali `yon, oo, pero kinailangan kong gawin para sa ikapapanatag ko at nila. Household chores, baby sitting, failed. They seems to be right. Kaya pagdating sa lovelife ko, nakikialam talaga sila. Naiintindihan ko ang side nila kung bakit ganoon sila and I feel glad about it. Future ko rin naman ang nakasalalay doon. "Ayaw mo ba dumating sa punto na uuwi ka sa bahay niyo, makikita mo si Emman nakikipaglaro sa future Mommy niya o kaya uuwi ka nang bahay niyo may magtatanggal ng kurbata mo o `di naman kaya pag-uwi mo, maabutan mong nagluluto na siya para sa hapunan niyo tapos yayakapin mo siya mula sa likod. Kailan ka pa maghihintay? " tanong ni Tito sa 'kin. Actually, `di ko rin alam kung hanggang kailan ako maghihintay. Alam ko naman sa sarili kong worth it yung paghihintay na `yun. Nginitian ko nalang siya at tinuloy ang pagkain. Ayoko namang magsalita nang tapos. Kinahapunan, maaga akong nakauwi dahil natapos ko naman agad `yong trabaho ko. Dumaan ako sa bahay nila Tita para kunin si Emman pero kinuha na raw siya ni Alyssa. Si Benjie, siguro nasa library naman siguro and working hard for his research paper. Pagpasok ko sa pintuan, nakita ko si Emman na naglalaro sa sala at no'ng nakita niya ako, agad naman siyang lumapit sa 'kin at nagpakarga. Mabango. Mabuti naman at naisipan ni Alyssa paliguan 'to. "Ang bango nang baby ko, huh. Where's Tita Alyssa?" tanong ko. "Nasa labas po. Bibili lang daw po siya nang bampaper." napakunot ako nang ulo nung marinig ko `yon. Iniwan ni Alyssa mag-isa dito si Emman? "Sino kasama mo rito?" "Hindi ko po alam. Tara po." Bumaba siya mula sa pagkakakarga ko at hinila ako patungong kusina. And there, I found a lady standing in front of the stove. Wearing an apron and holding an spatula. "TITA!" sigaw ni Emman Nabigla naman ako nung makita ko si Ailee pala ang babaeng `yon. "Nandyan ka na pala, Kris. Bibili lang daw sa bookstore si Alyssa at nagkasalubong kami sa kanto. Nakita naman ako ni Emman at gusto niyang sumama sa `kin kaya pinakiusapan nalang niya ako kung p'wede tignan ko si Emman. Huwag mo siyang papagalitan, it's fine with me. Okay? " she said, giving me a candied smile "Okay. Ikaw rin ba nagpaligo sa kanya?" she nodded her head as an approval. "Isa pa, mukhang `di ka pa umuuwi sa inyo. Ako nalang bahala dito. Maraming salamat at pasensya sa abala." "Ayos lang sa 'kin, 'no. Isa pa, wala akong ginagawa sa bahay kaya ayos na rin 'to. And yup, ako nga nagpaligo. Pawis na pawis kasi kakalaro. And bigla siyang nagutom,pasensya at nakialam ako sa fridge niyo. Ayaw kasi niya `yong cupcake na stock niyo so, I decided na magluto nalang ng pancake. Sorry. " "A-ayos lang. Ako nga dapat humingi nang pasesya sa abala. Pwede ko bang iwan muna siya sa 'yo? Magpapalit lang sana ako. " She nodded her head as an approbation. Umakyat na ako sa kwarto ko para makapagpalit ng pambahay. And to my surprise, naabutan ko si Alyssa na gumagamit ng computer ko. Akala ko ba nasa bookstore siya? "Alyssa, akala ko ba nasa bookstore ka? " tanong ko "Kagagaling ko lang doon, Kuya." inikot niya `yong upuan at naglakad papunta sa 'kin. "Gusto ko siya, Kuya. Siya ba bago mong dine-date, huh?" "Ano'ng pinag-sasabi mo? Wala akong dine-date ngayon. At ikaw, bakit inasa mo pa kay Ailee si Emman, nandito ka na lang rin naman? Nakakahiya sa tao. Pinaliguan tapos pinagluluto pa ngayon na dapat ikaw ang gumagawa kasi ikaw ang nandito." pagsesermon ko sa kanya. "Then, that's the reason. Bukod sa maganda na si Ate Ailee, magiging mabuti siyang Mommy kay Emman. And someday, looking forward akong maging sister-in-law siya. Kuha mo ba Kuya? " And there's my intimadating sister, nagiging bossy na naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD