The world is composed of different people with their unique and different stories.You may have a different story but there will be a time you’ll share your own story to someone and create a new one.
Kinagabihan, nasa kwarto ko sila Benjie at Alyssa para makigamit sa computer ko. Bukod sa anak ko, ako na rin ang bumubuhay sa mga kapatid ko simula no'ng bumukod ako sa magulang ko. Hindi ako nangako sa kanila na maibibigay ko ang masaganang buhay na gugustuhin nila dahil bata pa lamang ako nang magsimulang magbanat ng buto. Ang tanging pinanghahawakan ko nalang ay `yong tiwala nang mga kapatid ko sa `kin, na alam nilang hindi ko sila papabayaan. Hindi naman sila hahantong sa desisyong `yon kung sila mismo, hindi rin nahihirapan sa pamamaraan ng pamumuhay sa bahay namin. Limang taong kasabay ng pagpapalaki ko sa anak ko, limang taon ko silang binuhay mag-isa. Mahirap, pero `yong alam mong hindi nasasayang ang mga efforts ko, ayos na ako roon. Kumbaga, all my hardworks paid off.
"Kuya, pwede mo bang dagdagan `yong allowance ko? May kailangan kasi akong bilhin tapos magpi-print pa ako nang research papers ko." sabi ni Benjie habang tutok sa computer, gumagawa nga siguro nang research paper na requirement niya
"Ako rin, Kuya. Kailangan ko ring bumili nang module. `Yong prof ko kasi, ang demanding masyado." sabi ni Alyssa habang nakadapa sa kama ko, katabi si Emman.
"Binigyan ko na kayo nang allowance niyo for one week at sobra pa nga `yon. Isa pa, naipambayad ko na `yong kalahati nang sweldo ko sa bills natin. Nagdeposit rin ako for our savings." I said. Ito `yong mahirap kapag single parent ka (I considered myself as one), sunod-sunod na gastusin. Bills, daily needs, transportations plus `yong nagpapaaral pa ako.
"Alam namin, Kuya. Pero may biglaang bayarin, eh. Don't worry, Kuya. Last na `to then I'll be using my allowance for my expenses.“ Benjie said undoubtedly. Alyssa also stated her vow and it made me no choice.
"Fine. Be sure na gagamitin niyo `yan sa mga school activities niyo," tumayo muna sa kinauupuan ko at kinuha ang wallet ko. "Dito muna kayo, bibili lang ang ako ng gatas ni Emman. Alyssa, patulugin mo na `yang si Emman. At ikaw Benjie, bilisan mo d’yan sa ginagawa mo, gagamitin ko rin ang computer. Maaga pa pasok mo bukas. "
Lumabas na ako nang kwarto ko at nagtungo sa Shopper's Lane para bumili nang gatas ni Emman, pati na rin siguro nang ilang supplies namin since nandoon na rin naman ako.
Habang naglalakad ako, napaisip ako bigla. Maybe it's the right time. Maybe, I should provide a micro savings for them. Para maka-ipon na rin siguro sila, with that, hindi na nila i-aasa ang mga gastusin nila sa 'kin. They have to be ambitious to obtain one and gain more. I know my brother and sister well, they can make way to earn and provide whatever they needed. Sometimes, I figured that Alyssa is making some of her blockmate's homeworks in able for her to earn. Si Benjie naman, napag-alaman kong naging ghost writer ng mga essays, short stories and such para na rin makaipon, which made me proud. They're being considerate with our situation. Nagkataon lang siguro na kinulang sila ngayon kaya nanghingi sila sa `kin. Money's only important when we don't have any and it might cause us evilness if it happens. They need to be responsible enough.
Some people dream of success while I and other wake up and work hard for it. Making money is never easy. We just have to know that the secret of success is constancy to purpose, dedication, hardwork and an unremitting devotion to the things we want to see happen.
Pagdating ko sa Shopper's Lane, kumuha agad ako nang basket at nagtungo sa designated aisle kung nasaan ang mga bibilhin ko. Since nandito na nga ako, dadamihan ko na ang pagbili since magiging busy ang buong linggo ko dahil sa mga paper works at pag-aasikaso ng mga requirements at payslip ng team ko.
After procuring our needs, I headed to the cashier to pay. I handed a thousand peso bill and got my change in return. Paglabas ko sa shop, surprisingly, nakita ko si Ailee papasok. Nagulat lang ako nang makita ko siyang nakapajama na, "Oh, Ailee? Gabi na, huh? Ano'ng ginagawa mo rito?"
"Hi, Kris. Hindi kasi ako makatulog. Nag-crave rin ako bigla sa ice cream, so, I decided na pumunta rito. Mukhang marami kang pinamili, huh?" she said, stating the obvious
"Yeah. Our supply for one week. Sabay nalang tayo pauwi. Tutal, iisa lang ang way natin, though, liliko tayo in different direction pagdating sa kanto. If it's okay with you?" I asked out of oddity
"Mahihintay mo ba ako?" she asked. I nodded as an approbation and waited her outside the store.
A couple of minutes ago, lumabas na siya with a cup of ice cream. She also offered me a drumstick but I refused to accept it. Hindi ako fond sa sweet and kakatoothbrush ko lang. I was shocked no'ng nilagay niya ‘yong cup sa bisikletang naka-parada sa tapat ng store. May kalakihan ang bike para sa isang babaeng hindi naman ganoon kalakihan. Now I wonder how she managed to drive it.
Naglakad lang kami patungong kanto at siya, kumakain lang. I must say, nagke-crave nga siya sa ice cream. Kumakain siya habang hirap na hirap na tinutulak ang bisikleta niya. Sapilitan kong kinuha ang bisikleta sa kanya at inilagay ang mga pinamili ko sa basket in front. Wala na siyang ibang nagawa kundi kumain at pasalamatan ako.
"Maupo muna tayo, Kris." she offered me as we saw a bench nearby. Sinandal ko muna yung bisikleta niya sa katabing puno at tinabihan siya. "Ayaw mo talaga nang ice cream? Kahit isang subo lang." she handed me a spoonful and stare at me, waiting for my response.
"Gamit `yang... kutsara mo? " I asked
"Yup. Don't worry, nagtoothbrush ako. Say 'aahh' "
Hindi na ako nakagawang makatanggi sa inaalok niya dahil palapit na rin ng palapit `yong kutsara sa bibig ko. Hinintay ko nalang siya ubusin niya `yong kinakain niya at itapon sa kalapit na basurahan 'yong baso. Pinunasan niya `yong bibig niya gamit ang kaliwa niyang kamay at natahimik.
A moment of silence. Walang ibang kumikibo sa `ming dalawa. Tahimik na rin sa buong village dahil gabi na at walang katao-tao sa paligid. Malamig na simoy ng hangin, mga kuliglig na sumasakop sa katahimikan namin, maging ang mga lamok na bumubulong sa mga tainga namin, naririnig ko. "Hindi ka pa ba uuwi?" I managed to say. Nakakabagot ang katahimikang bumabalot sa 'min.
"Uuwi ka na ba? Ay, oo nga pala. Baka walang nagbabantay sa anak mo. Sige, mauna ka na. " she said. I can feel her voice broke. Is she going to cry? But why?
"Hindi pa naman. Nandoon naman `yong mga kapatid ko sa bahay para bantayan siya. Maybe, I could stay for a few minutes." I said determinedly. I can feel, there is something. Maybe, she needs a companion to spill it up. Someone who can she rely on.
"Okay. N-nasaan pala Mommy ni Emman? "
It makes me sad when someone asked me where Emman's mom is. Pero di ko naman maiiwasan `yon, may mga taong darating na magtatanong at magtatanong pa rin. kinuwento ko lahat ng detalye sa kanya. Kahit di niya minsan tinatanong `yong ibang detalye, kusa ko pa rin dinadagdag. Tahimik lang siyang nakikinig sa mga sinasabi ko, ni hindi umiimik. Tatango lang o pag-iling ang ginagawa.
"May problema ba, Ailee?" tanong ko nang mapansin kong naluluha na siya. Alam ko ang kaibahan ng luhang dala nang paghikab sa pag-iyak. Napapansin ko kasi ang madalas na pagtatakip niya nang bibig niya, na kunwari'y nahihikab, but sad to say, it won't work at me.
"W-wala `to, Kris. Inaantok na siguro ako." she said, obviously, she's lying. There are tears running down through her face.
"Ailee, alam kong ngayon lang tayo nagka-kilala, but you can rely on me. No worries."
And there it goes. Umiiyak na nga siya. I patted her back and lean her on my shoulder. Hindi ko alam kung paano ko siya iko-comfort without knowing the reason why she's crying. Hinayaan ko lang siyang umiyak and wait until she's ready to speak up. I can't provoke her. What if it's too confidential and she don't want to talk about it? I respect her decisions pero mas maganda rin sigurong kung ishe-share niya rin sa 'kin `yon. If ever, she need someone to rely on.
I offered her my handerchief and she accepted it. Pinunasan na niya `yong luha niya at ako, hinihintay lang siyang mag-kwento. Kung magku-kwento nga siya.
"Sorry at nakita mo pa `yon. " she said in a low tone
"It's okay. If you don't mind, bakit ka naiyak? "
"We almost have the same story, Kris. I was left by my boyfriend when I miscarriage our child. He blamed me. Pabaya raw akong ina. Hindi ko raw inintindi `yong kalagayan ko, na buntis ako at nagpadala sa selos na nararamdaman ko. But he couldn't blame for having that feeling. Siya ang ama nang dinadala ko at nagawa pa niya akong lokohin. What am I by the way? Isang babaeng nasama sa koleksyon niya. He said, he loved me, na kakalimutan daw niya lahat ng ginagawa niya alang-alang sa 'kin. But I was wrong. Masyado akong naniwala sa kanya. That day, I believed that there is no love meant for me, no one is meant for me. Parang ang useless na nang buhay ko."
I was shocked. Nagkaanak na siya at namatay? Nahiya ako bigla. Nakakalungkot para sa isang ina ang mawalan ng anak, plus the fact na nilayuan pa siya at niloko. That was a boom. Pero `yong sinabi niyang, there is no love? I disagree. There's never wrong love. Wrong person or wrong time, maybe.
"We may love the wrong person, and cry over the wrong person, but one thing is for sure, mistakes help us find the right person. Our trust is very expensive lalo na kung we invested in a very wrong person. Kumbaga sa negosyo, `di mo pa nababawi `yong pinuhunan mo. You know what Ailee, it is really your choice. Everything. Trust me, Ailee. Napagdaanan ko rin `yang mga napagdaanan mo, but look at me, ito ako, still standing, hindi sumusuko. Lumalaban para sa anak ko, sa mga taong umaasa sa 'kin, at pati na rin sa sarili ko. You should, too at alam kong oo. May mga taong nagmamahal sa 'yo, `di mo lang alam. May taong bumabangon para makita ka, `di mo lang rin alam. There is someone destined to us. There is always a reason to live, you just have to believe. To succeed, we must first believe that we can." I stated.
Mukhang na convince naman siya sa mga sinabi ko, which is `di pa rin akong makapaniwalang nasabi ko. She gave me a candied smile, assuring na gagawin nga niya siguro ang mga nasabi ko. Ia-apply in her life. Life is never been so useless, `di mo lang siguro alam kung paano gagamitin ito nang mabuti.
Tumayo na kami at tinuloy na ang paglalakad. Pinatanggal na niya sa 'kin `yong mga pinamili ko sa basket dahil nagpupumilit na siyang siya na raw ang magtutulak at saka, malapit na rin kami sa kanto. Ngayon ko lang na-realized, though dapat kanina pa, kaya siguro ganoon ang naging reaction niya no'ng nakita niyang nadapa si Emman kanina. Ni minsan, hindi niya naramdamang maging ina na dapat nararamdaman niya ngayon.
"Ah, Kris. Maraming salamat pala, huh. Sa pagsama mo sa 'kin and, sa words of wisdom. Nakakahiya na sa 'yo ko pa nailabas lahat ng iyon."
"Wala `yon. Anytime. If you need someone to talk, pwede rin ako. It depends kung `di ako busy but I can make an exception," nginitian ko siya at tinapik ang balikat niya. "So, mauuna na ko. Naghihintay na mga kasama ko sa bahay. Ingat nalang."
I was presuming at something, again, at this time. Tomorrow, will be a busy day. Balik na naman ako sa pagiging father figure sa mga kapatid ko, maging sa anak ko. Well, that's life and life must go on.
Napahinto ako sa paglalakad ng makarinig ako nang sumisigaw ng pangalan ko. Si Ailee, riding at her bike. Nagbabike lang siya hanggang sa nalagpasan na ako. Tinuloy ko ang paglalakad sa pagbabaka sakaling maabutan ko siya but 'no, ako ang naabutan niya. Maaabutan. Umikot lang siya. I assisted her na bumaba sa mataas nga niyang bike, "Bakit? " I asked
"Napag-isip isip ko kanina. Siguro, kung ikaw ang destined sa 'kin, ang swerte ko."