Chapter 25 - Stuart

2258 Words
“Oh my God, Stu buti gising ka na! Nawawala na naman si Shin!” bungad ni Mommy sa akin pagkapasok niya ng kwarto ko at makita niyang nakaupo na ako sa kama. “May bago pa ba roon? Alam mo namang baliw iyon, Mommy. Hayaan mo siya mas mabuti na nga iyon na wala siya para wala na tayong sakit sa ulo,” balewala kong sagot sa kanya. Bahagya ko pang kinusot ang kanang mata ko. “Hindi maaari! Kailangan natin siyang mahanap baka gumawa ng g**o iyon! Mas maganda kong kasama natin siya at least we can monitor her!” pagpupumilit pa nito. I desperately scratched my forehead. “Whatever you decide to do, Mom. Basta ako ayokong makita siya! Lahat na lang sinisira niya. Ang pinakamasakit pa roon ay ang sirain niya kami ni Blair,” I took my clutches and started to walk towards the bathroom, away from my mother. Galit na galit ako sa kanya. I loved her as a sister, but because of what she felt for me, binalewala niya ang pinagsamahan namin. Sinira niya ang tiwala ko sa kanya. She's a very selfish person. I locked the door as soon as I entered the bathroom. I stood in front of the lavatory with the help of my clutches. It was hard for me but I managed to turn the faucet on. I splashed some water on my face and look myself in the mirror. Then, I remembered the things I did when that fateful night happened. Suddenly, the memories flowed like scenes in a movie... "Mom bakit ang daming mga bodyguards sa bahay?" nagtataka kong tanong sa kanya nang makita ko siyang nakaupo sa sala habang umiinom ng kape. Kadarating ko lang mula sa opisina at iyon ang una kong napansin pagkapasok ko ng bahay. Napailing na lang ako sa kanya, kahit ala singko na ng hapon ay umiinom pa rin ito ng kape. Noong una nasa isa or dalawa lang iyon pero habang tumatagal mas nadadagdagan iyon nang mas nadadagdagan. I’m even wondering if she’s still able to sleep peacefully at night. Noong minsan na tinanong ko siya, she just told me she’s fine. "Nandito ka na pala," anito na inilagay ang hinahawakang tasa sa center table. "That's for security purposes. How's work?" Nangunot ang ulo ko. "For security purposes? Bakit nanganganib na ba ang buhay natin? May problema bang hindi ko alam?" Naupo ako sa sofa na kaharap niya habang niluluwagan ang kurbata ko. "Nahh... all is being taken care of, so you don't have to worry about it. Alam mo naman ang panahon ngayon masyadong delikado. Ang dami nang naki-kidnap. Nababalita na nga iyon sa mga diyaryo. Are you not aware of the current events? Besides, those are only for safety precautions." "Okay, if you say so, Mom." Nagpalinga-linga ako nang mapansin ko na tahimik ang bahay. Sa mga ganitong oras kasi ay nakikita ko si Shin na nag-aayos ng pagkain ni Alex. Gusto kasi nito na ito mismo ang maghahanda sa pagkain ng anak namin. Kahit galit ako sa kanya, ‘di maiwasang mapangiti ako sa pag-aasikaso niya sa anak namin. Pagdating sa anak namin, she's superb. "Di ko yata napapansin si Shin, Mom? Nasaan siya?" "Maybe in their room, bumaba iyon kanina para ipaghanda ang pagkain ni Alex." "Oh, okay. I'll take a shower first before I check Alex." Tumayo na ako at akmang hahakbang paalis nang marinig ko ulit ang boses ni Mommy. "By the way, how's Blair?" Lumingon ako sa kanya at napangiti sa tanong niya. Everytime she asks me about Blair my heart flutters. Damn, I’m really pussywhipped when it comes to Blair. "She's good, Mom. We had lunch together. Medyo busy lang siya ngayon that's why I was able to come home early. One of these days ipapakilala ko siya sa inyo." "Be sure to do so. I'm thrilled to meet her. Lagi mo na lang siyang bukambibig. I want to meet the woman who made my son happy and in love,” aniyang ngumiti nang pagkatamis-tamis. Ngumiti rin ako nang malapad. "Yes, Mom. I already feel she's the one. Hindi ko hahayaang makawala pa siya sa akin." It seemed like she was satisfied with my answer and nodded. "Go, para mapuntahan mo na si Alex." Tumango ako at hinalikan siya sa pisngi bago patakbong umakyat ng hagdanan. PAPALABAS na ako ng banyo at katatapos ko lang din na maligo. I'm already wearing my black shirt and pajama bottoms. Kinukuskos ko na lang ng tuwalya ang buhok ko para mawala ang excess na tubig dito. Napatingin ako sa orasang nakasabit sa ibabaw ng two seater black leather couch ko. It’s past 2 AM na. Hindi ko namalayan kanina na nakatulog pala ako habang nagbababad sa bathtub. Hindi ko na napansin sa sobrang pagod ko. Kaliwa’t-kanan ang meetings ko kanina. Buti na lang at nakauwi ako ng maaga. Bahagya pa akong napalundag nang biglang bumukas ang pinto ko at nakita si Mommy na humahangos. Agad ko siyang nilapitan at inalalayan na maupo sa kama ko. Hawak-hawak niya ang kanyang dibdib at balisang-balisa ang kanyang mukha. "Anong nangyayari, Mommy?" nagtataka kong tanong habang hinahagod ang likod niya. Kagat-kagat niya ang pang-ibabang labi niya. Nangangatal ang mga iyon kaya iniwan ko muna siya. Naglakad ako papunta sa mini fridge na nasa loob ng kwarto ko at kumuha roon ng bottled water. Binuksan ko iyon bago naglakad pabalik sa kanya at ibinigay ang tubig. Tinanggap niya iyon. She took a sip and I sat down beside her. "Si Shin she's missing. Sabi ng mga guard umalis siya. Hindi na nila napigilan. Mukhang inatake na naman yata sa sira ng ulo niya. Pinahanap ko na siya sa mga bodyguards. I think kailangan na naman natin siyang ilagay sa mental institution. Ano na ba ang nangyayari kay Shin, Stuart? Bakit siya nagkakaganon?" maluha-luhang sabi nito na hinawakan pa ang dalawa kong kamay. Parang sa mga kamay ko siya kumukuha ng lakas. "May nakapag-trigger ba? We were told by her doctor na babalik ang sakit niya kapag may nag-trigger sa kanya. Sino ang huli niyang nakausap?" nag-aalala kong tanong. Kahit naman galit ako kay Shin, hindi ko pa rin maiwasang mag-alala sa kanya. She's my adopted sister and nanay siya ng anak ko. Besides, bago nangyari ang hidwaan sa aming dalawa ay naging matalik ko siyang kaibigan. Special siya sa akin. "A-ako ang huli niyang nakausap pero tungkol lang naman kay Alex ang pinag-usapan namin, Stu,” agad niyang depensa. “Nag-aalala ako sa pwede niyang gawin tinawagan ko na iyong yaya niya pati iyong si Risha pero ‘di pa raw nila siya nakakausap. What are we going to do? Nag-aalala ako sa batang iyon,” aniyang bumuhos ulit ang mga luha sa kanyang mga mata. "Don't worry, Mom. Hahanapin ko rin siya. Tawagan na rin natin ang mga pulis." Akmang tatayo na ako pero mahigpit ang hawak niya sa mga kamay ko. Kaya natigilan ako at napatingin sa kanya. "H-uwag na, Anak." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Nagsimula ring maglumikot ang mga mata nito at hindi makatingin sa akin. "I-I mean hinahanap na naman siya ng mga bodyguards. Maging kasiraan din kasi to sa atin. Baka mamaya ma-issue pa tayo na hindi natin inaalagaan nang mabuti si Shin. Samahan mo na lang ako dito, please? Parang naninikip ang puso ko sa pag-aalala. Isa pa ‘di naman aaksyon ang mga pulis dahil hindi pa siya nawawala ng mahigit twenty-four hours." Napatango ako bilang pagsang-ayon. Umupo ako uli sa tabi niya. "Gusto mo bang dalhin kita sa hospital, Mom?" "N-no, I'm okay. Samahan mo lang ako and don't go anywhere." Nalaglag ulit ang mga luha sa mata nito and I hugged her. My mother really loves Shin so much. Just by looking at her, alam kong sobrang naaapektuhan soya sa nga nangyayari kay Shin. Somehow, sinisisi ko rin ang sarili ko sa nangyari kay Shin. I think I’m one of the contributors to her mental issues. Minsan lang talaga na uunahan ako ng galit ko sa kanya. Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone ni Mommy. She took her phone from her pocket and answered the phone after looking at the caller ID. "Yes, hello?" Hindi ko marinig ang sinagot ng kabilang linya, but based on my mom's reaction. It was not good. Nabitawan nito ang hawak na cellphone at bahagyang natulala. Pinulot ko ang cellphone at itinapat ito sa tenga ko. "Ma'am babalik na po ba kami sa bahay?" tanong ng lalaki sa kabilang linya. "Who's this?" tanong ko pero bigla na lang binababa ng kabilang linya ang tawag. Nagtataka ako sa inakto ng kabilang linya pero nagkibit-balikat na lang ako. Nang tingnan ko si Mommy ay bahagya siyang ngumiti. Hindi siya nakatingin sa akin kaya hindi niya nakitang nakatingin ako sa kanya. I find it so weird. Nang makita niya akong nakatingin sa kanya ay biglang tumulo ulit ang mga luha niya. Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako sa nakita kong ngiti o hindi. I just shrugged the idea off. I must have been seeing things. "Bakit, Mom? Ano’ng nangyari? Bakit ka umiiyak? I tried speaking with that guy on the other line pero binabaan ako." "Mga bodyguards iyon dito sa bahay, Anak. They said that 'di nila mahanap si Shin. Nag-aalala na talaga ako sa batang iyon,” anitong hinayaan lang na bumuhos ang luha sa mga mata. "Pero bakit sila nagtatanong kung uuwi na sila or hindi? They're very unprofessional. Dapat hindi sila tumigil hangga't ‘di nila nakikita si Shin!" "Don't worry I'll talk to them," sagot niya na parang balewala lang ang sinabi ko sa kanya. "I'll be in my room, Stu. Bigla akong napagod. I want to take some rest." Kunot-noo kong tiningnan si Mommy. She is acting really strange. Pero gaya kanina ipinagwalangbahala ko na lang iyon. Maybe I’m just thinking too much. "Ok, Mom. Do you want me to accompany you? I'll go to Alex's room anyway." “No, just go directly to Alex’s room. I’m fine by myself.” Tumango ako bilang pagsang-ayon. Inalalayan ko si Mommy na tumayo at ako na rin ang nagbukas ng pinto para mauna siyang lumabas. Nakasunod lang ako sa kanya. Akmang isasara ko na ang pinto nang patakbong lumapit sa amin ang katulong. "Ma'am, Sir, may pulis po sa ibaba." Nagtatakang napatingin kami ni Mommy sa isa't-isa. Hindi na namin sinagot ang katulong at agad na kaming bumaba sa sala. May dalawang pulis nga na nakaupo sa sofa. Agad ang mga itong tumayo nang makita kaming pababa ng hagdanan. "Good evening po, Ma'am, Sir." magkasabay na bati ng mga nito. "Good evening din ho. Maupo po kayo,” bati ko rin sa kanila at itinuro ang binakante nilang upuan. “Ano ho ang atin?" Umupo na din ako sa sofa na katapat nila. For some odd reason, I feel a little bit uneasy about their presence. "Gusto niyo po ba ng juice, soft drinks, coffee or water?" alok ni Mommy na umupo rin sa tabi ko. "Nako 'wag na ho. Ako nga pala si Spo2 Ariel Alba at itong katabi ko ay si Spo1 Miguel Simon. Nandito po kami kasi may itatanong lang ho kami. Kung okay lang po sa inyo." "Ano ho 'yon?" agad kong tanong. "Sir, dito po ba nakatira si Shinohara Gener?" tanong ng kasama nitong pulis. "Yes, why? Umalis siya kanina at ‘di pa bumabalik. Do you need something from her?" Nagkatinginan ang dalawang pulis bago bumaling sa akin. "Sir nahanap po kasi namin iyong mga identification ids ni Ma'am Shinohara sa isang sasakyan na sumabog. May nahanap din po kaming nasusunog na katawan sa sasakyan. Hindi na po ma-identify pero pwede naman po nating ipa-dna para ma-check." "Oh my, God!" napahagulhol si Mommy sa nalaman kaya niyakap ko siya nang mahigpit. ‘Di ako makapagsalita. Gulat na gulat ako sa nalaman ko. Maaring maraming ginawang mali si Shin, but I don't think she deserved this kind of death. "Baka ho pwede namin kayong maimbitahan sa presinto bukas ng umaga. Para maprocess po natin ang identity nang nakita naming bangkay." Marami pang ipinaliwanag ang pulis sa amin pero halos hindi ko na maunawaan iyon. Feeling ko namanhid ang buong pagkatao ko. Hanggang sa umalis na sila ay tango lang ako nang tango. Si Mommy naman ay iyak lang nang iyak. Inihatid ko na lang siya sa kwarto niya at ako naman ay pumunta sa kwarto ni Alex. Pinalabas ko ang katulong nang makita kong gising pa si Alex. Nakangiti itong nakatingin sa akin. Pakiramdam ko ay pinilipit ang puso ko. My daughter has no idea that her mother has already passed away. Pagkalabas ng katulong ay kinarga ko si Alex. "Dada, dada, dada, dada, mama?" anitong hinawakan ang mukha ko gamit ang maliliit niyang kamay. Parang may sumaksak sa puso ko habang nakatingin sa anak namin ni Shin. "It seemed like Mommy's gone, Alex." nalulungkot na sabi ko sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Alam ko kung gaano kamahal ni Shin si Alex. Nakikita ko iyon at parang kay hirap isipin na nawalan ng ina ang anak namin. Mukhang naintindihan ni Alex ang sinabi ko dahil bigla na lang itong pumalahaw ng iyak. "Mama, mama, mama, mama!!" paulit-ulit nitong sigaw. "I know, Baby. I know. Daddy's sad too. Daddy wasn't able to tell Mommy that I have forgiven her and that I miss the old us." Without realizing it, my tears started to fall. Nasa huli pala talaga ang pagsisi. She passed away without hearing my apologies. Now, it’s already too late.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD