Chapter 24

2512 Words
Napaiyak ako habang palabas ng kwarto ni Stu. Unti-unting tumutulo ang mga luha ko na agad ko namang pinapahid gamit ang mga kamay ko. Naiintindihan ko naman ang pinagdadaanan niya, so I decided to be the bigger person. Napalingon ako uli sa siradong pinto. I silently prayed. Sana dumating na iyong panahon na masabi ko sa kanya ang totoo or malaman niya na ang totoo. I sighed. Sumandal ako sa tabi ng pinto at napayuko. The silence of the floor where we are at somehow gives me serenity. Feeling ko nakakapag-isip ako nang mabuti sa tahimik na lugar. Tahimik rin kasi ang palapag na ito dahil nandito ang mga VIP rooms. Walang mga taong paroo’t-parito. Nagmumuni-muni ako nang may biglang may humablot sa kanang braso ko at pilit akong hinihila papunta ng fire exit. Pilit kong kinikilala ang humila sa akin pero ‘di ko makita ang mukha dahil nakatalikod ito sa akin. Agad nilukop ng kaba ang puso ko. Pilit akong nagpupumiglas sa hawak niya pero masyado siyang malakas. Ni hindi na ako nakasigaw sa sobrang gulat. Binuksan niya ang pinto ng fire exit at isinalya ako sa pader. Malakas akong napaigik dahil sa impact. Hinahaplos-haplos ko pa ang kaliwang balikat ko na siyang tumama sa pader. Nagbabakasakali na maibsan noon ang sakit. Napalingon ako sa lalaking humablot sa akin at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ko si Angela na nasa tabi nito. "M-mommy?" nagtataka kong tanong. May nalaman ba siya sa mga ginawa ko kaya galit na galit siyang nakatingin sa akin ngayon? Sa isiping iyon ay agad na kumabog nang malakas ang puso ko sa kaba. "Ano na naman ang ginawa mo, Shin?" madiin na tanong nito na para bang pigil na pigil na hindi ako sigawan. "A-ano po ang ibig ninyong sabihin?" Humarap ako sa kanya habang hawak ko pa rin ang nasasaktang balikat. "Nagmamaang-maangan ka pa talaga?! Akala mo hindi ko narinig ang usapan ninyo ni Stu? Ano ang binabalak mong gawin? Magsusumbong ka kay Stu, ganoon ba? Buti na lang at ‘di mo mapapaniwala si Stu sa mga sasabihin mo dahil ako lang ang pinakikinggan noon," anitong dinuro-duro ako. "Wala naman po akong ginagawang masama, Mommy!” mabilis kong tanggi. Umiling-iling pa ako nang paulit-ulit. “Wala naman po akong sinabi kay Stu. May tumawag lang na babae sa cellphone niya. Akala ko nga po kayo kasi ang nakapangalan ay My Queen kaya po sinagot ko. Hinahanap niya po si Stu kaso tulog pa si Stu tapos sinabi niya sa akin about sa kasal for next month," depensa ko sa kanya. "Sinabi ko lang naman po na alam ko ang tungkol doon." Bigla siyang natigilan at tinitigan ako. Tinatantiya niya yata kung nagsasabi ako ng totoo o hindi. Maya-maya ay huminga siya nang malalim at inismiran ako. "Siguraduhin mo lang, Shin dahil kapag nalaman ko na may ginawa kang kababalaghan, you can say goodbye to Alex dahil ‘di mo na siya makikita kahit kailan. Sinabi ko na sa'yo na surprise ang kasal pero makati talaga ang dila mo at nagawa mo pang ikuwento sa iba! Ano pa ang sinabi mo sa babaeng iyon?" Nahintatakutan ako nang makita ko ang galit sa kanyang mga mata. Kulang na lang ay bugahan niya ako ng apoy. Biglang nanginig ang kalamnan ko habang nakatingin sa kanya. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba. Lalo na at ang mga tingin niyabay parang nagbabanta. Napayakap ako sa sarili ko. Inisip ko pa lang na ilalayo nila ako ulit sa anak ko ay para na akong nilalagutan ng hininga. Bigla akong nataranta. And before I realized it, kusang bumuka ang bibig ko at sinabi ang totoo. "Sinabi ko po sa kanya na may anak kami ni Stu..." mahinang sabi ko sa kanya. "What else?" "Iyon lang naman po," nakayuko kong sabi. Napahawak akonsa dulo ng suot kong blouse at kinusot-kusot iyon. "Listen to me carefully, Shin." Hinawakan niya ang baba ko at pinisil ito. Napaigik ako sa sakit. Sobrang malakas ang pagkakapisil niya sa akin. "Hindi dahil sa naging mabait ako sa iyo sa mga nakalipas na buwan ay magiging mabait na ako sa iyo palagi. Isang pagkakamali mo lang at ilalayo ko ulit sa iyo ang anak mo. Alam na alam mo ang kaya kong gawin, Shin kaya ‘wag na ‘wag mo akong susubukan. Kapag sinabi kong ‘wag mong kukulitin si Stuart, ‘wag mo siyang kukulitin. Anumang ipagawa ko sa’yo, gawin mo! Naiintindihan mo ba?" Kahit labag sa loob ko ay tumango ako. Kailangan kong makagawa ng paraan para makaalis ulit at madala ang anak ko. Alam kong tutulungan ako nina Jake pero nag-aalala rin ako sa kaligtasan nila baka madamay sila. Kaya kailangan kong pagplanuhan ito nang mabuti. Padaskol na binitawan niya ang pagkakahawak sa baba ko at umismid. "Good, now let me tell you this. Iyong babae na tumawag kay Stuart her name is Blair, gumawa ka ng paraan na hindi na muna siya makausap ni Stu." "Sino po pala iyong babae?" kunwari'y tanong ko sa kanya. I'm trying to see if she'll tell me the truth. "You don't need to know the details, but I must tell you that the woman you spoke with is your key to getting Stuart back." Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Hindi ko siya maintindihan. Paanong naging susi si Blair? Napaiisip ako. Dahil ba sa kung ‘di sila magkakatuluyan ni Stu may pag-asa ako? Ayaw niya ba kay Blair? "Hindi ko po kayo maintindihan. Akala ko po ba ikakasal kami ni Stu ulit next month? How come she is the key?" "Ang dami mong tanong, Shinohara! Gawin mo ang pinapagawa ko sa'yo or else you'll say goodbye to your daughter! Don't let that Stu talk to that woman! Naiintindihan mo ba?!" "Opo," mahina kong sagot. Inismiran niya ako ulit bago lumabas ng fire exit. Naiwan ako na marahang minamasahe ang sumasakit ko pa ring balikat. KAHIT labag sa loob ko ay sinunod ko ang utos ni Angela. Natatakot ako sa puwede niyang gawin kapag sinuway ko ang utos niya. Masyadong mahirap kapag itinakas ko si Alex. Marami ulit bantay sa bahay. Baka malagay ko pa siya sa kapahamakan kapag hindi ko pinlano nang mabuti ang gagawin ko. Kinuha ko ang charger sa loob ng kwarto ni Stuart nang makita kong papa-lowbat na ang cellphone niya. Pinakuha ko rin ang landline para wala siyang ibang option para makausap si Blair. Kinausap ko ang mga nurses na huwag pahiramin si Stu ng cellphone. Napaniwala ko sila na nagtatangkang tumakas si Stu kaya pinapakuha ko lahat ng pwedeng magamit niya para makatawag sa labas ng ospital. Isang linggo na akong nakabantay kay Stu pero nasa labas lang ako. Pumapasok lang ako kapag tulog na siya. Iniisip ko kung paano makatakas kasama ang anak ko. Iniisip ko ulit na sabihin kay Stu ang lahat, pero paano kung ‘di ko siya mapaniwala? Paano kung malaman ilit ni Angela ang pagtatangka kong sabihin ang katotohanan? I sighed. Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip paano makawala sa sitwasyon ko. Sinabihan pa ako ng mga nurse na panay daw ang ungot ni Stu sa kanila para makagamit ng cellphone. Nawawalan na rin sila ng rason. Kaya nakaisip ako ng paraan. Ang sabi ni Angela si Blair ang susi. Hindi naman niya sinabi na bawal kong kausapin si Blair. Si Stu lang ang bawal. Baka kapag nakahingi ako ng tulong sa kanya makukuha ko ang anak ko. Malakas ang kutob ko na nasabi na ni Ken ang tungkol sa akin. Hindi ko rin matawagan si Jake dahil busy siya sa paghahanap sa nawawalang kapatid nito. Ayoko ring dumagdag sa problema niya. Tatlo pala silang magkakapatid. Siya ang panganay at nag-iisang lalaki. Hindi din ako masyadong close kay Alexis kaya nahihiya akong humingi ng pabor pati na rin kay Katie. Baka si Blair na nga ang huling alas ko. Pumasok ako sa kwarto ni Stu. Sa mga oras na ito ay kadalasang tulog na siya. Alam kong lowbat na ang cellphone ni Stu kaya kailangan ko itong icharge para makuha ang number ni Blair. Nagulat ako nang makita ko si Stuart na gising pa. Parang tuwang-tuwa ito nang makita ako. "Shin! Buti nandito ka! I need a charger for my phone. Pwede mo ba akong bilhan?" agad na tanong nito sa akin. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. This is the first time na kinausap ako ni Stu na hindi siya galit. Blessing in disguise rin na siya na mismo ang humingi ng charger. Kukuha na lang ako ng tiyempo na makagamit sa cellphone niya at makausap si Blair. Agad akong tumango bilang sagot sa tanong niya. Buti na lang may convenience store na katapat ng hospital at nakabili ako ng charger. Dali-dali akong bumalik kay Stu. Agad niyang inabot sa akin ang cellphone niya para ako na ang mag-charge. Malapit lang ang outlet kaya nilagay ko sa mesang katabi ng kama ang cellphone habang nagcha-charge ito. Tuwang-tuwa ito habang tinitingnan ang cellphone. Mukhang excited na excited ito. May idea na ako na gusto nitong tawagan si Blair. Makalipas ang ilang minuto ay nasa five percent na ang battery ni Stu. Nakatingin lang ako sa kanya habang nakaupo sa silya na katabi ng higaan nito. Ini-on nito ang cellphone at hinihintay na mag-load lahat ng apps para magamit na ito. Iniisip ko kung paano makakagamit sa cellphone nito na ‘di ako mahuhuli o paghihinalaan. Nasa malalim akong pag-iisip nang tawagin niya ang pangalan ko. Bahagya pa akong napalundang sa kinauupuan ko. "Bakit?" "Kailangan kong gumamit ng banyo," saad nito. Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa magkahalong tuwa at kaba. Parang dininig ng langit ang kahilingan ko para makagamit sa cellphone ni Stu. Mukhang ito na ang pagkakataon na hinihintay ko. Agad ko siyang inalalayan dahil nahihirapan pa siyang maglakad. May cast kasi ang isang paa niya. Kahit may clutches siya ay kailangan niya pa rin nang mag-aalalay sa kanya. Nang makapasok na siya ng cr ay agad akong lumabas at isinara ang pinto. Agad kong kinuha ang cellphone niya at hinanap ang numero ni Blair. ‘Di na ako nahirapan sa paghahanap dahil naaalala ko pa rin ang pangalan na nakasave... My Queen. Pinindot ko ang call button at hinintay na mag-ring ang kabilang linya. Kinakabahan ako dahil alam kong magagalit si Stu sa akin kapag nahuli niya ako. Kagat-kagat ko ang aking hinlalaki habang hinihintay na may sumagot. Balik-balik ang tingin ko sa pintuan ng banyo. Nakahinga ako nang malalim nang ‘di naman nagtagal ay narinig ko na ang boses ni Blair. "Hello?" Hello? Ito ba si Blair?" abot ang kabang tanong ko. "Ah yes, bakit?" "Blair... si Shinohara to. I'm so desperate and I have no one else to turn to. Since kilala mo rin naman si Stuart and I know you're trustworthy so.... can you please help me? I need your help please," naiiyak kong pagmamakaawa sa kanya. I know I sounded so desperate pero bahala na desperada naman talaga ako. Bahagya akong tumalikod sa pintuan ng cr para kung sakali ay di mapansin ni Stu na may kausap ako na isa palang pagkakamali. "Bakit, ano’ng nangyayari?" Nabigla ako nang may biglang humablot sa kaliwang braso ko. Napalingon ako at ganoon na lang ang takot ko nang makita ko si Stuart na nasa tabi ko na. Nanlilisik sa galit siyang nakatingin sa akin. Napaharap ako sa kanya. "Please, please tama na Stuart," umiiyak ko nang sabi. Nilukob ng takot ang puso ko sa isiping baka pagbuhatan niya ulit ako ng kamay. "Sinong tinatawagan mo?" nanggigigil niyang tanong na hinigpitan pa ang pagkakahawak sa braso ko. "W-wala...w-wala naman akong tinatawagan, eh," nauutal na sagot ko sa kanya. "Ako ba ginag*go mo, Shinohara?!" mapanganib niyang tanong. "W-wala n-naman t-talaga, e-eh..." pagkakaila ko sabay tago sa hawak na cellphone sa likod ko. Tinangka iyong hablutin ni Stu kaya inilayo ko iyon sa kanya. Galit na galit nitong tinabig ang baso at pitsel na nasa bed side table. Napakislot ako dahil lumikha iyon ng malakas na ingay dahil sa pagkabasag. Agad nagkalat ang bubog at tubig na laman ng pitsel sa sahig. Para siyang walang iniindang sakit kung makaasta. "O-oo na! T-tinawagan ko na si Blair!" Nanlaki ang mga mata ko nang mabilis niya akong inambangan ng suntok. Napapikit ako at iniharang ang mga braso ko sa mukha ko sa pag-aakalang tatama iyon sa mukha ko o sa anumang parte ng aking katawan. Ilang segundo rin akong nakapikit pero wala naman tumama sa akin. Unti-unti akong dumilat at ibinaba ang mga kamay ko. Nakita kong nakaambang lang sa ere ang nakakuyom nitong kamao. Mukhang matinding pagpipigil ang ginawa nito sa sarili para ‘di lang ako masuntok. Umiigting ang panga nito sa galit. "Si Blair?” paniniguro niya. Tumango ako nang paulit-ulit. Kagat-kagat ko ang pang-ibaba kong labi. “Akin na ang cellphone," aniya sabay lahad ng palad sa akin. "Ayoko.. Stuart tama na please..." "A-KI-NA ang cellphone, Shinohara," pilit niya. Pabagsak na inilahad niya ulit ang kanyang kamay sa harap ko. Nanginginig na ibinigay ko ang cellphone sa kanya. Dali-dali niya itong kinuha at paika-ikang lumayo sa akin. "Hello? Blair? Hello?? Babe?" Tiningnan niya ang cellphone at mukhang namatay ito uli dahil itim na ang screen nito. "Akin na ang charger, Shinohara." natatarantang utos niya. Inilahad pa niya ang kamay habang tinitingnan ang phone. "No," matigas kong tanggi. Pakiramdam ko dapat ko ng tuldukan ang lahat ng ito. Nakaramdam ako ng galit. Ramdam na ramdam ko ang pagkulo ng dugo ko habang nakatingin sa kanya. Ni hindi niya nga napansin na nakatingin ako sa kanya dahil panay ang pindot niya sa cellphone. Nagbabakasali siguro na mag-on ulit iyon. Kagat-kagat ko ang pang-ibabang labi ko. Lagi na lang akong naging sunod-sunuran sa mag-inang ito. Namimihasa na sila sa kapapanakit sa akin both emotionally and physically. Enough is enough. Kinuha ko ang charger at sinira ito sa harapan niya. "Tama na, Stuart! Tama na ang kahibangan mo sa babae na ‘yan! I'm you're wife for goodness sake!!!" gigil na gigil na bulyaw ko sa kanya. Kailangan na niyang malaman ang totoo. "Ilang beses ko bang sasabihin na hindi kita asawa?! At kahit kailan hindi kita magiging asawa! You know what? I'm so disgusted with you! You're a part of my life, I wished that was never existed!" sigaw niya rin sa akin. "Napakasama mo! Ang sama-sama mo! And do you think I don’t wish the same thing?! I wish I have never met you too! Kaya parehas lang tayo!" balik kong sigaw sa kanya. I feel so frustrated. Kahit ano’ng sabihin kong kasal kami ay ayaw niya pa ring maniwala. "You're crazy! Go seek a doctor and get out!" aniyang itinuro ang pinto "You made my life miserable and I'll made yours too." Pinahid ko ang mga luha sa mata ko at iniwan siyang mag-isa. Lalayo ako sa ngayon. Alam kong ‘di nila sasaktan ang anak ko dahil kadugo pa rin nila iyon pero babalik ako. Kukunin ko ang anak ko. Magsisisi sila sa ginawa nila sa akin. This time, I will not bow down to them.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD