Chapter 23

1951 Words
Hindi ko na naabutan si Angela pagkadating namin ng ospital. Pabor sa akin iyon sa dahil ayokong makipagplastikan sa kanya. Puro kasinungalingan lang lahat ang lumalabas sa bibig nito. Sa dami ng pinagbuhol-buhol niyang kwento, nakakatulog pa kaya siya sa gabi? Malamang, oo. Bilib din ako na nakakaya pa niyang memoryahin ang lahat ng kasinungalingan niya. Agad akong pumunta sa nurse station para malaman kung ano’ng room number ni Stu. Alalang-alala ako sa kalagayan niya. Kahit naman kasi ‘di niya ako kinakausap, tatay pa rin siya ng anak ko at... tanga pa rin ako dahil mahal ko pa rin siya sa kabila ng lahat. Naiinis na rin ako sa sarili ko dahil sa kabila ng lahat, nagpapaka-tanga pa rin ako sa kanya. Kung sana’y nabibili lang sa pharmacy ang gamot para sa katangahan, matagal na ako siguro akong na-overdose. Nasa tapat na ako ng pinto ng kwarto ni Stu. Akmang pipihitin ko na sana ang seradura ng pinto nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Ipinagpaliban ko muna ang pagbukas ng pinto at bahagyang lumayo sa pintuan. Sumandal ako sa pader at kinuha ang cellphone mula sa bag. Agad kong sinagot ito nang makita ko kung sino ang tumatawag. "Hello, Jake? Ano’ng nangyari kay Ken?" kaagad kong tanong sa kanya. May hinala na ako kung sino ang nakaaway ni Ken pero I'm trying to shrug the idea. "I don't know the exact details yet, but you wouldn't believe this," panimula nito. Ang tagal nitong magsalita ulit na para bang nagdadalawang-isip siya kung sasabihin niya ba sa akin o hindi. "Just spill it, whatever it is," udyok ko sa kanya. "The silence is killing me." "Well..." he sighed. "Apparently, nag-away si Ken at Stu sa bar." I figured. "Sinabi ni Ken kay Stu na magpapakasal na sila ni Blair--" "What?!" napasigaw ako sa gulat. Agad ko namang tinakpan ang bibig ko habang nahihiyang napapalingon sa paligid. May mga nurses at ibang pasyente na napapatingin sa akin. Napayuko ako at marahang kinagat ang pang-ibabang labi. "Yep, you heard me right. Pinapaasikaso niya nga sa amin ang kasal nila. Ang sabi ni Ken, gusto niyang makasal agad sila ngayon." "Paanong nangyari? I mean next month na ang kasal nila ni Stu. How come ikakasal na sila ni Ken? Kaya ba nagbugbugan sila?" "Oo. Apparently, Ken met Stu to tell him that he's marrying Blair and the rest is history." "Oh my, God!" Napahawak ako sa mga labi ko. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. "Paanong--" "Well," sabi nitong mukhang nag-aalinlangan pang sabihin sa akin. "Ken, kind of force himself," anito pagkaraan ng ilang segundong katahimikan. "What?! Why?! How is she?! Oh my!" "I know. We are suprised too and that's the reason why she agreed... Well, that's what I'm guessing. By the way, I have to cut our conversation short. We have to prepare everything here. You take care of yourself. Call me if something comes up. Always remember, I’m always here for you." "Thanks, Jake." "Anytime. Later, Shin," anito at pinatay na ang tawag. I sighed. I wonder why Ken did what he did. Nalaman niya kayang ikakasal na sina Blair next month? Somehow, I feel guilty. Baka ginawa iyon ni Ken dahil hindi ko nakausap si Stuart about sa nangyari sa akin. Baka dahil wala na siyang choice. If only I should try harder siguro hindi gagawin ni Ken ang ginawa niya. Napakagat-labi ako. Ilang beses akong huminga nang malalim. Nagbabakasakali na mawala ang pamimigat ng dibdib ko. Makailang minuto pa ang lumipas bago ko napagpasyahang pumasok sa kwarto ni Stuart. Nanlaki ang mga mata ko. Tila nawalang bigla ang galit na naramdaman ko sa kanya noon. Mas nanaig ang awa nang makita ko ang kalagayan niya. May cast siya sa paa at ang daming pasa sa mukha niya. Mukhang grabe nga ang sapakang nangyari sa kanila ni Ken. Naupo ako sa silya na katabi ng hinihigaan niya. Kaharap siya. Gusto kong haplusin ang mukha niya o kaya hawakan ang kamay niya. Gusto kong iparamdam sa kanya na nandito lang ako, na handa akong damayan siya. Hindi niya naman kailangan ang kalinga ni Blair dahil magagawa ko naman iyon. Kung tutuusin mas higit pa dahil may anak na kami. Bakit ba kasi hindi na lang ako? Nakatingin lang ako kay Stu nang mapansin kong unti-unti na niyang iminumulat ang mata. "Hey, gising ka na pala," malambing kong bati sa kanya. Tunayo ako at marahang naglakad papunta sa kanya. “Gusto mo bang tawagin ko ang doktor?” Napalingon siya sa akin at sumimangot. Para bang galit na galit siya na makita ako at pinandidirihan ang presensya ko. "Bakit ka nandito?" malamig niyang tanong sa akin. Ni hindi niya sinagot ang tanong ko. "Stuart, it's my duty to serve you. I'm your wife. Kaya kahit hindi mo ako tanggap, gagawin ko ang lahat para kahit maging civil man lang tayo sa isa’t-isa. Ginagawa ko ito para sa anak natin." "You're really sick! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na 'di tayo kasal? Hindi kita asawa! Ang totoo lang na meron sa atin ay may anak tayo iyon lang. Ipatingin mo nga ulit iyang sayad mo!" nanlilisik ang mga matang bulyaw niya sa akin. Para akong sinaksak sa dibdib dahil sa sinabi niya. Pero naiintindihan ko naman bakit niya nasabi iyon kasi wala naman siyang alam sa katotohanan. Kaya matipid ko na lang siyang nginitian. "Teka tatawagin ko lang ang doctor sasabihin kong gising ka na." Agad akong lumabas ng pinto at pumunta sa nursing station. Sinabihan nila akong susunod na ang doktor dahil kasalukuyan daw iyong nagro-roving sa mga pasyente nito. Pupunta raw ito sa kwarto ni Stu pagkatapos. Bumalik ako ng kwarto at nadatnan kong tulog na si Stu. Hinayaan ko na lang din. Umupo ako ulit sa silya habang nakatingin sa kanya. Kailan kaya darating ang araw na ako naman ang papahalagahan mo ulit? Or darating pa kaya ang panahong iyon? Ang dami kong mga tanong. Hindi ko alam kong masasagot pa ang mga iyon. Pero sa ngayon, mag-fo-focus na lang ako kay Alex. I have to win their favor para maialis ko si Alex sa poder nila. Nasa mahaba akong pagmumuni-muni nang may marinig akong nag-iingay na cellphone. Nasisiguro kong hindi iyon akin kaya hinanap ko ang pinagmulan niyon. Nakita ko naman agad ito na nakapatong sa mga gamit ni Stuart na nakalagay sa mesa. Bukod sa silyang malapit sa higaan ni Stu, may dalawang two-seater sofa pa sa kanang bahagi ng kwarto. Nagmumukha itong mini sala. Malaki rin kasi ang kwarto. Agad kong kinuha ang cellphone at tiningnan kung sino ang tumawag. "My Queen" ang nakalagay sa caller id. Na-curious ako kung sino si My Queen. Baka si Angela dahil close na close silang mag-ina. Without hesitation, I answered the call. "Hello? Sino 'to?" "Ummmnnn yes, hello? Can I please speak with Mr. Stuart Gener?" Bahagya kong inilayo ang cellphone sa tenga ko at tiningnan ang caller id. Hindi niya kaboses si Angela. So, malamang baka si Blair 'to. Now, it does make sense kung bakit "My Queen". The thought of why makes my heart hurt again. Paulit-ulit na lang akong nasasaktan kahit sa kaliit-liitang bagay. "Ahh... Natutulog kasi si Stuart. Actually, kakatulog niya nga lang, eh." Kung hindi ko mapaniwala si Stu sa kung ano kami, maybe mapapaniwala ko si Blair. I don’t want her to be in trouble dahil kapag nailabas ang katotohanan, magiging kaakibat ng pangalan niya ang pagiging kabit. "Ganon ba? Ikaw ba ang nurse niya?" anitong halata ang pag-aalala at parang nagmamadali rin ito. "Ay, hindi! Ako nga pala si Shinohara, asawa ni Stuart," kunwari'y natatawa kong sabi. I'm so sorry, Blair. I have to pretend I don't know you. Biglang natahimik ang kabilang linya. Siguro ‘di pa nasabi ni Ken sa kanya na may asawa na si Stu, na nag-e-exist ako sa mundo. "Hello? Hello?" makailang tanong ko pagkaraan ng ilang minuto ng katahimikan. Napatingin pa ako sa cellphone sa pag-aakalang pinatayan niya ako ng tawag. "Ummmnn... hello? Shinohara, right? Sorry nabigla ako sa sinabi mo. I thought kasi walang asawa si Stuart." I can hear the pain in her voice that she's trying to hide. But it was so evident. Napakagat-labi ako. How I wish I can tell you everything, Blair. Pero wala ng oras. "I mean ang pagkakaalam ko kasi girlfriend ka pa lang niya at magpapakasal palang kayo. Loko talaga 'tong si Stuart 'di man lang ako inaya sa kasal n'yo. Oh wait? Don't tell me he's preparing another wedding for you? Geez... parang nasira ko pa 'ata ang plano niya. I'm sorry." I'm so sorry, Blair. "Ah ganon ba?" I chuckled. Kung hindi ko lang alam ang totoo. Malamang sa malamang paniniwalaan ko siya. But I know better and that's why it hurts so much. Kaya sinakyan ko na lang rin ang mga sinasabi niya. "No worries alam ko ang about sa kasal next month. And yes, he's planning to have another wedding for me. 'Yon siguro ang naikwento niya sa'yo. Actually, five years na kaming kasal at may anak na kami. She's already 3 years old. Gusto raw niyang mag-renew kami ng vows, kaya hayon. Kaya don't worry you're not spoiling anything." "That's a relief. I want to meet you one of these days. Nice meeting you, Shinohara." "Su--" ‘Di ko na naituloy ang sasabihin ko dahil pinatay na niya ang tawag. "Sino’ng kausap mo?" Bigla akong napalingon kay Stu nang marinig ko ang boses niya. Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang mga labi nang makita kong gising na gising na ulit siya. Hindi magkamayaw ang bilis ng t***k ng puso ko. Pakiramdam ko ay luluwa na ito sa dibdib ko sa sobrang kaba. "May tumawag sa phone mo kaya sinagot ko," matipid kong sagot. Binalewala ko ang nag-aapoy sa galit niyang mga tingin. Bigla siyang napabangon pero napahiga ulit dahil sa sakit ng katawan niya. Nabigla yata sa pagbangon niya. "Fvck!" ungol nito sa sakit. Ibinaba ko ulit ang cellphone niya sa mesa at kaagad siyang dinaluhan. Marahan ko siyang inalalayan na bumangon. Kinuha ko ang unan sa uluhan niya at nilagay iyon sa bandang likod niya. Nang sa ganoon ay maging komportable siya habang nakaupo. "Sino’ng tumawag?" Sabay kuha nito sa cellphone. "A certain, Blair..." Napakagat-labi ako. 'Di pala nasabi ni Blair ang pangalan niya. "What?! Ano’ng kasinungalingan ang sinabi mo sa kanya?!" aniyang hinablot ang braso ko. Napangiwi ako sa sobrang higpit ng hawak niya. Nabalian na siya at lahat pero malakas pa rin siya. "Hindi naman ako nagsisinungaling. Sinabi ko lang ang totoo sa kanya, na asawa mo ako at may anak tayo. 'Di ko alam na you're planning to marry me again pala next month. Thank you, Stuart." Gusto kong sabunutan ang sarili. Ang hirap magpanggap ng wala kang alam. I don't know how long I have to pretend. Kailangan kong sabihin sa kanya paunti-unti ang katotohanan pero now is not the right time. Ang g**o-g**o na ng mga nangyari. "Umalis ka rito, Shinohara kung ayaw mong samain sa akin!” nanggagalaiti niyang bulyaw. “You're really pathetic. Ano ba sa 'hindi tayo kasal' ang ‘di mo maintindihan? Now, get out!!!" Galit na galit na sigaw nito. Kulang na lang ay magbasag siya ng gamit. Agad akong tumalima at lumabas ng kwarto. I want to yell at him too dahil nasasaktan ako nang sobra sa mga sinasabi niya, but a part of me is saying that I have to understand him. He's hurting not just physically but emotionally. I couldn’t help but compare him to my situation. Iniisip ko, how will he react once he knows the truth? For sure he will be dumbfounded. And by that time, I hope I’m over him. Nakakabobo pala talaga ang magmahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD