Palabas ako ng kwarto namin ni Alex. I decided to get the squash puree that I made for her snacks. Ilang buwan na rin ang lumipas simula nang bumalik ako. Lahat ay matiwasay sa bahay ni Angela. Bumalik na rin sa dati ang pakikitungo niya sa akin. Di ko tuloy alam kung totoo o hindi ang pinapakita niya sa akin. Okay na rin sa kanila ang lumabas ako ng bahay, pero mas pinili ko ang huwag lumabas. I want to earn their trust once again too. And just like them, I can also play the game they want to play.
Nasa malalim akong pag-iisip nang tumunog ang cellphone ko. Napangiti ako nang makita ko ang pangalan na rumehistro sa screen. "Hello? Sorry po, wala po si Ma'am Shin dito. Umalis po nakalimutang dalhin iyong cellphone."
Mahinang napatawa ang lalaki sa kabilang linya dahil sa pagbibiro ko. "Ganoon ba? Sayang naman kukumustahin ko sana siya kung okay lang siya. Nakaka-miss kamo siya," sakay nito.
"Siraulo ka talaga, Jake," mahina akong napatawa. "Okay naman ako rito. ‘Di ba kakausap pa lang natin kahapon?"
"Kahapon pa iyon kaya tumawag ulit ako ngayon. You know today is a new day," napatawa pa ito. "I'm glad you're okay, may balita ka na ba about sa kasal or nakausap mo man lang ba si Stuart?"
"Wala pa, eh. Kapag nagtatangka akong makipag-usap bigla siyang umaalis," I sighed. "Ang tahimik nga dito sa bahay. Parang ayaw ng mga tao na malaman ko ang about doon. The funny thing is that they didn't get into details kung sino ang tumulong sa akin. Kontento na sila nang sabihin ko na may tumulong sa akin. It's not that it mattered, mas pabor nga sa akin." Huminto ako sa paglalakad at sumandal sa pader malapit sa office ni Angela." Saka it seemed like ayaw nilang ipaalam sa akin ang about sa kasal. I wonder kung ano pinaplano nila."
"Mabait pa rin ba sa'yo si Angela?
"Yep," I answered popping the p. "Ikaw, kayo kumusta na? May nahanap ka na bang maliligawang iba?" I giggled.
"Sira, kung makatanong ka kung nakahanap na ba ako, akala mo parang nasho-shopping lang sa mall ang maliligawan. Baka may kambal ka ipakilala mo na lang sa akin."
Natawa ako sa sinabi niya. Napalingon ako sa pinto ng opisina ni Angela nang mapansin ko na nakabukas ito. Pasimpleng sumilip ako doon at nakita ko ang mga nagkalat na papel sa center table.
"Jake, buh-bye muna ha? My curiosity is killing me. Tatawagan kita mamaya." I hung up the phone without waiting for him respond.
Pumasok ako sa opisina ni Angela at nakita ko ang mga wedding porfolio at brochures na nagkalat center table at mga scheduled venues.
I think ito na 'yong mga plano para sa kasal nina Stuart at Blair. Umupo ako sa couch at kinuha ang isa sa mga wedding portfolio. Parang gusto kong maiyak habang tinitingnan ang bawat pahina. Ni hindi ko man lang naranasan na magsuot ng wedding gown mas lalo na ang maghanda para sa sarili kong kasal. Ang saya siguro sa pakiramdam kung ikaw mismo ang nagde-decide sa details ng sarili mong kasal.
Seryoso akong nakatingin sa mga pahina nang may marinig akong parang nabasag mula sa pinto. Lumingon ako at nakita ko si Angela na nakatayo sa may pinto at sa paanan nito ay may nabasag na tasa na may lamang kape. Mukhang gulat na gulat siya nang makita ako. Napatitig pa siya sa brochure na hawak ko.
"Hala, Mommy okay lang po ba kayo?" Nilapag ko sa mesa ang brochure at lumapit sa kanya. Ni hindi siya makasagot sa tanong ko and I know exactly why she's behaving that way.
"Tatawagin ko po ang katulong para malinis 'yong mga bubog." Tinawag ko ang katulong mula sa opisina niya. Maya-maya lang ay dumating din ito at dali-daling nilinis ang sahig.
Pareho kaming tahimik ni Angela. Wala ni isa sa amin ang nagtangkang magsalita. I’m observing her as well.
"Nakita mo na pala ang mga brochures," anito nang lumabas na ang katulong at isinara ang pinto. Mukhang nakabawi na ito sa pagkabigla.
Lumapit ito sa center table at umupo sa couch. Sumunod ako sa kanya at umupo rin sa tabi niya.
"Sino po’ng ikakasal?" kunwari’y walang alam kong tanong.
Malakas siyang napabuntong-hiniga.
I knew it.
"It's supposed to be a surprise. You see, I know you've been dreaming to wear a wedding gown and do the traditional wedding. So, it's supposed to be for you, to renew your vow with Stu," anitong mukhang pinagsakluban ng langit at lupa. Animo'y malungkot na malungkot ito dahil nalaman ko ang supposed to be wedding surprise ni Stu sa akin.
But I knew better.
"Talaga po?" kunwari'y excited kong tanong.
Marahan itong tumango sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay.
"I've been a bad mother-in-law to you before. Marami tayong hindi pagkakaintindihan so this is my way of making it up to you. I know this is your dream and I'm going to be your fairy godmother or fairy mother-in-law for that matter."
Napaawang ang mga labi ko. Gustong-gusto kong masuka sa harap niya. I can't believe what I'm hearing! Pang-Oscars talaga ang aktingang ito ni Angela. Kung hindi ko alam na nag-propose si Stu kay Blair, paniguradong mapapaniwala niya ako. How is she going to execute this plan?
"Nagulat ka ba? You didn't think we've plan this for you?"
"O-opo, ‘di ko po kasi akalain na may mangyayaring ganito," sakay ko pa sa kanya.
Nilingon ko ulit ang mga brochures sa mesa nang may makita akong documents for reservation. Kinuha ko iyon at binasa. Isa iyong contract sa isang venue.
"Next month po ang reservation nito. So, next month na po?"
Dali-daling hinablot ni Angela ang dokumento at inilagay ulit iyon sa mesa. Pinatungan niya iyon ng ibang brochures at pagkatapos ay sininop niya ang lahat ng mga papel na nasa mesa.
Feeling ko inayos niya ang mga iyon para wala na akong ibang makita.
"Nako, ano ba naman iyan! Surprise dapat, eh. Off limits ka na muna rito baka may makita ka pang iba, eh hindi na thrilling. Masisira ang suprise!" bulalas nito. Tumayo ito at hinila ako. Nagpadala naman ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa pinto. Binuksan niya iyon at tinulak ako nang bahagya palabas.
Naiwan akong mag-isa sa labas ng opisina. Nanatili siya sa loob . Narinig ko pa na ni-lock niya ang pinto. I smirked.
So, next month na pala ang kasal nila. Hindi nila ako mapapaniwala na para sa amin ni Stu ang kasal na iyon. Stu still hates me and didn't even want to talk to me. So, it's very unlikable that it's for us.
Napaisip ako kung alam na ni Ken na next month na ang kasal nina Stu. I bet he still didn’t know. Nagmamadali akong pumunta sa kwarto ko dati. Nandoon kasi sa kwarto namin ni Alex ang yaya niya. I don’t want her to hear my phone conversation. Baka magsumbong ito kapag narinig nito ang magiging usapan namin ni Jake, mas mabuti ng walang nakakaalam.
Pagkapasok ko ng kwarto, agad ko itong ni-lock. Nandoon pa rin ang mga gamit ko kaya walang magtataka kung bakit ako nandito. I took my phone from my pocket and immediately dialed Jake's number. As usual, he answered on the first ring.
"To what do I owe this honor?" bati nito sa akin pagkasagot nito ng telepono. Mahina pa itong napatawa.
"Jake, alam na ba ni Ken na next month na ang kasal nina Stuart?" ‘Di ko na pinansin ang biro niya. Kagat-kagat ko ang hinlalaki ko habang hinihintay ang sagot niya.
Sa hindi mapaliwanag na dahilan, I'm so nervous about what I've discovered. I have a hunch that something's not right.
"Jake?" tawag ko sa pangalan niya nang hindi siya sumagot pagkaraan ng ilang minuto. "Jake!"
"Yes, yes, I'm still here. I'm sorry. Nabigla lang ako sa sinabi mo. Paano mo nalaman?"
Ikinuwento ko sa kanya ang lahat. Kung ano ang nakita ko sa opisina ni Angela at ang paliwanag nito
"I'm speechless. I don't know what to say. You see, katatawag lang ni Ken and he said we needed to find a judge kasi ikakasal na sila ni Blair."
"Oh my God! Ano’ng ginawa ni Ken? How come? Ikakasal na si Blair at Stu next month?" Gulong-g**o ako ‘di ko alam kung ano na ang nangyayari. Does it mean that the wedding was really for us?
"I don't know. I don't know the details either. Teka, Shin I'll put you on hold. Mayroon akong incoming call, sasagutin ko lang."
"Okay, okay." Kagat-kagat ko pa rin ang hintuturo ko habang paroo’t-parito sa kwatro. Hindi ko alam kung bakit ang lakas-lakas ng t***k ng puso ko.
Matagal-tagal din akong naghintay bago ko narinig ulit ang boses ni Jake. Mas lalo akong kinabahan dahil mukhang nagmamadali ito.
"Shin, I have to call you later. May kaaway daw si Ken sa bar. Alexis and I will have to check it out. Babalitaan kita.”
"Sige-sige tawagan mo ako agad."
And he hung up. My curiosity is killing me. I'm hoping Ken is okay.
Ang tanong, sino’ng nakaaway ni Ken? I know Ken and he's not a violent person. Ano ba talaga ang nangyayari?
Napaigtad pa ako nang may marinig ako na nagmamadaling katok sa pinto. Agad kong binuksan para malaman kung sino iyon. Nakita ko ang katulong na alalang-alala ang mukha. Kagat-kagat pa nito ang pang-ibabang labi at kinusot-kusot ang apron na suot nito.
"Bakit? Ano’ng nangyari?"
"Ma'am si Sir Stuart po nandoon daw po sa hospital. Nagpatiuna na po si Ma'am Angela. Nakahanda na rin po ang driver at sasakyan ninyo na maghahatid sa inyo sa ospital. "
My jaw dropped. "What?! Bakit anong nangyari?!" Ang tambol ng dibdib ko ay mas lalo pang lumakas.
"Hindi ko po alam, Ma'am."
Agad akong lumabas ng kwarto at tinungo ang kwarto ni Alex. Pinagbilin ko muna si Alex kay Lily.
I just hope and pray na hindi si Stu ang nakaaway ni Ken...