Chapter 21
"You don't have to do that, Ken. I know exactly how to stop it. I can go back. I can pretend like I don't know anything." This is enough. Gusto ko ng itama ang lahat bago pa may ibang masaktan. Tama na ‘yong ako na ang sasalo sa lahat ng sakit.
"No! I can't let you do that, Shin sobrang mapanganib. Baka mamaya ‘di ka na makaligtas sa kasamaan ng mother-in-law mo!" maigting na tutol ni Jake na hinawakan pa ang braso ko. "We can talk to Blair. Sabihin natin sa kanya ang totoo. It's better than that compared to having Shin go back," aniyang lumingon kay Ken.
"'Di rin naman pwede na habang-buhay akong magtago, Jake. Kailangan ko pa rin silang harapin," desidido kong sabi. "I know nag-aalala kayo sa akin, Jake. But trust me, I'll be okay." Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at mahinang pinisil ‘yon.
"Shin, I don't know what to say," frustrated na sabi ni Ken.
'Yong isang lalaki naman ay nagpalipat-lipat lang ng tingin sa aming tatlo na tila naguguluhan. "Hello, clueless here. Pwede n'yo bang i-explain sa akin kung ano’ng nangyayari?"
Jake sighed first before telling the guy the whole story. Pati na ang nangyari kagabi. Pinakilala rin nila ako rito. Napag-alaman kong Alexis pala ang pangalan niya, their other friend. Shock was written on his face after hearing everything.
"How about this, pwede kang magpakita kay Stuart and then start from there. Kasi kung magpapakita ka sa mother-in-law mo, that will be a chaos. Pwede ka niyang idispatsa agad, pero kung kay Stuart ka magpapakita, s'yempre mahihirapan ang mother-in-law mo na kantiin ka because Stuart knows you're alive," Alexis suggested. He pointed his finger on his chin.
"I think that will work. 'Di ako pwedeng pumunta sa office niya dahil paniguradong bago pa ako makapasok ng building nandoon na ang mga alipores ng mother-in-law ko. So, maybe someone can check his whereabouts?" agad na sang-ayon ko.
Umupo ako sa sofa na kaharap ng inuupuan ni Ken at Alexis. Tumabi naman si Jake sa akin na ‘di na umimik. It seemed like he was lost in his thoughts.
"I can do that. Consider it done," ani Alexis at pagkatapos ay pinagsalikop nito ang mga kamay.
Padabog na tumayo si Jake na kinabigla naming lahat. "I can't believe it," anito sabay walkout palabas ng bahay.
Nagkatinginan kaming tatlo. And right there and then, I knew exactly what had happened. So, I excused myself. He is just worried about my safety.
SINUNDAN ko si Jake. Halos mahilo ako sa kakaikot sa labas ng bahay nila bago ko siya makita. Nakaupo siya sa damuhan at nakasandal sa malaking puno ng mangga. ‘Di ko napansin na meron palang ilog na ‘di kalayuan ng bahay nila. Natatabunan kasi ito ng mga punong-kahoy at mayayabong na halaman. Nakatingin lang siya sa ilog na para bang kay lalim ng iniisip.
"Jake," tawag ko sa kanya habang papalapit.
Lumingon siya sa akin at pasimpleng ngumiti. Ni hindi man lang siya nagsalita. Binalik niya ulit ang tingin sa ilog. Umupo ako sa tabi niya. Niyakap ko ang mga tuhod ko at ‘di din umimik.
I don't even know how to start a conversation. Alam ko naman na dahil sa pinag-uusapan namin kaya nag-walkout si Jake. I don't even know why his opinion matters. Ang alam ko lang ay malaki ang utang na loob ko sa kanila ni Ken.
Huminga ako nang malalim. "Are you upset?" mahina kong tanong sa kanya without looking at him. Nakatingin lang ako sa mga d**o sa paanan ko na para bang naroon ang sagot sa lahat ng problema ko. Problema ko na naging problema ng lahat.
Mahina siyang napatawa na para bang pinagtatakpan noon ang kahihiyan kaya napalingon ako. Nakatingin din siya sa akin.
"To tell you honestly, nahihiya ako sa inasta ko kanina. Pasensya ka na, ha? Alam ko naman na dapat 'di ako umasta nang ganoon. I have no right. I was just worried about you. Pero alam ko rin naman na hindi habang panahon, eh magtatago ka. At the end of the day, 'yong decision mo pa rin ang masusunod. So whatever you decide, I will support you," anito habang nilalagay ang nakawalang hibla ng buhok ko sa likod ng aking tenga.
Napatingin ako sa kanya. Nakadikit pa rin ang pisngi ko sa mga tuhod ko at tipid na ngumiti sa kanya. "Thanks, Jake. Alam kong masyadong delikado ang gagawin ko at pwede ko itong ipahamak. Pero kailangan ko 'tong gawin. Ayokong may madamay o masaktan pa. Miss na miss ko na rin ang anak ko. Gusto ko na siyang makasama ulit. Hindi naman din kasi pwedeng habang buhay na magtatago ako. Kailangan ko ring harapin sila one day. And I think this is the time."
"I know and I understand.” Humarap siya sa akin at hinawakan niya ang kaliwa kong kamay. Marahan niyang pinisil iyon. “I love you, Shin. I don't even know when or how it started."
"Jake—"
"Shhh," putol niya sa iba ko pang sasabihin. Lumuhod siya sa harap ko at hinawakan na ang dalawa kong kamay. "I know what you're about to say. At gaya ng sinabi ko noon and I will say it again, you don't have to answer me for the sake of answering. ‘Di mo obligasyon na mahalin din ako dahil sinabi kong mahal kita. I know you still love Stuart. I just want you to keep in mind that you have other option. You can choose me when all of this is done."
ILANG araw din akong 'di makatulog dahil sa sinabi ni Jake. Hindi ako matahimik. Araw-araw pinaparamdam niya sa akin kung gaano ako ka-espesyal sa kanya kahit ilang beses ko siyang sinabihan na itigil na niya. Mga bagay na hinihiling ko na si Stuart ang gumawa o magparamdam ay siya ang gumagawa. Siya na talaga ang Mr. Persitent ng taon.
Pababa na ako ng hagdanan para pumunta sa kusina nang makasalubong ko si Alexis na papasok ng bahay. Nangangalumata ang mga mata ko at inaantok pa rin. Ayaw ko naman matulog ulit. Although alam kong okay lang na tanghaliin ako ng gising dahil ‘yon ang sinasabi ni Jake at Katie, pero nakakahiya pa rin.
"Hey, Shin. Good morning! I have good news," bungad nito sa akin.
"Ano’ng good news?" tanong ni Ken bago ko pa man din matanong si Alexis. Bigla na lang itong sumulpot sa kung saan.
"Well, I hope you are free tonight kasi napag-alaman kong may dinner meeting si Stuart at 8pm sa isang Italian restaurant named Ristorante. I know exactly where the place is. I can take you there," volunteer ni Alexis.
"I'll go with you."
Napalingon ako taas ng hagdan nang marinig ko ang boses ni Jake. Pababa na rin siya at tumigil sa baitang na kinatatayuan ko.
"As what I have told you, I'll always support you," dagdag pa nito na sinagot ko lang ng tango.
Useless naman din kasing tanggihan ang lalaking ito. Baka sakali na kapag hayaan siya, eh magsawa rin. Hinawakan niya ang siko ko at inalalayan niya ako hanggang sa makakababa ng hagdanan.
"It's settled–"
"Sasama rin ako," putol ni Ken sa sasabihin niya. "Thank you for doing this, Shin. Alam ko naman na risky ito para sa'yo."
"Ano ka ba, Ken don't thank me. I'm doing it for myself din naman. I should be the one who's thanking all of you kasi tinulungan ninyo ako."
Lumapit si Ken sa akin at niyakap ako. It made me feel so good because, once in my life, I knew I had done something good.
NASA parking lot na kami ng Ristorante and we're waiting for Stuart to come out. Siniguro ni Alexis na sa hindi kalayuan ng sasakyan namin naka-park ang sasakyan ni Stu. At dahil alam na alam ko ang mga sasakyan ni Stu, hindi na mahirap para sa akin 'yon. Magkatabi kami ni Jake sa backseat habang si Ken ang nasa shotgun seat at si Alexis ang nagda-drive.
After two hours of waiting, nakita namin siyang papalabas ng Ristorante kasama ang dalawa pang lalaki. Siguro iyon ang mga ka-meeting niya. Nagkamayan sila at pagkaraan ay pumunta na si Stu patungo sa sasakyan niya.
That is my cue.
"Shin, mag-iingat ka. Take this phone. Nandito ang mga number namin. Call us," ani Jake na inaabot sa akin ang isang cellphone.
Tumango ako sa kanya at kinuha ang cellphone.
"Salamat."
Agad akong umibis ng sasakyan at dali-daling pinuntahan si Stuart. Alam kong nakatingin sila sa akin pero hindi ko na sila nilingon pa.
This is it. My heart is beating so loud. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya. I’m just hoping that this time around, he will listen to me.
"Stu..." tawag ko sa kanya.
Bigla siyang napahinto sa sana'y pagbubukas sa sasakyan. Pero hindi niya ako nililingon.
"Stu," tawag ko ulit sa kanya.
Unti-unti siyang lumingon sa akin. Nanlaki ang mga mata niya pagkakita sa akin. Ilang beses pa siyang kumurap. Sinisiguro niya yatang hindi ako isang aparisyon.
"S-shin... buhay ka?" anitong nakaawang ang mga labi habang nakatingin sa akin.
Agad na nagbagsakan ang mga luha ko. I just realized na miss na miss ko rin pala siya.
"I-I survived in that accident and I have so much to tell you kung bakit ngayon lang ako nagpakita. You see..."
"Get in the car. We can talk when we get home," matigas na wika nito nang makabawi sa pagkabigla.
Marahan akong tumango sa kanya. I feel disappointed.
Hindi ba siya natutuwa na makitang buhay ako?
Of course not. Ano ba namang pag-iisip ‘yan, Shin. Nagtataka ka pa!
Sumakay na siya sa kotse na hindi man lang ako pinagbuksan ng pintuan gaya ng ginagawa ni Jake. Ako pa ang nagbukas nito.
Bago ako sumakay ay nilingon ko muna ang direksyon nina Jake. Nakatingin din sila sa akin. Sumenyas si Ken sa akin. Inilagay niya ang hinalalaki at hinliliit sa tapat ng tenga niya na parang sinasabing tawagan ko sila. Tumango ako at sumakay na sa sasakyan. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang malungkot na mukha ni Jake. Somehow, I feel sorry for him. Bakit ba kasi siya nagmahal sa isang gaya ko?
I sighed. Inabot ko ang tarangkahan ng sasakyan at binuksan iyon. Tahimik akong pumasok nang sasakyan. Agad naman niyang pinaandar ang saksakyan pagkasara ko ng pinto at pinaharurot ito. Hindi man lang niya ako hinintay na makapag-seatbelt.
Tahimik lang kami sa sasakyan. Wala ni isang nagtangkang magbukas ng topic. Pasulyap-sulyap lang ako sa kanya habang seryosong-seryoso siyang nagmamaneho. Gusto ko sanang itanong kung kumusta na si Alex pero parang naduduwag ako na hindi ko mawari.
Kung iisipin matagal ko nang pinaghandaan ang araw na ito. Pero bigla na lang nagblangko ang isip ko. Hindi ko alam kung ano’ng uunahin kong sabihin sa kanya.
I was in deep thoughts trying to compose what I have to tell him, nang sinabihan niya akong dumating na kami.
We are in Angela's house.
I shivered. Kailangan kong masabi sa kanya lahat bago makaharap si Angela.
"Stu, I have to tell you what happened." Hinawakan ko ang braso niya para mabaling ang atensyon niya sa akin.
"We can talk about that inside the house not unless mas importante pa ‘yan kaysa sa makita ang anak mo?" sarkastikong tanong nito.
"Nandito si Alex?" nae-excite kong sambit. Matinding pagpipigil ang ginawa ko para mag-focus sa anumang dapat kong sabihin sa kanya. "Miss na miss ko na siya. I want to see her. But I have to tell you something first." Kailangang masabi ko sa kanya ang tungkol sa nangyari.
"It can wait. Let's go," anitong lumabas na ng sasakyan.
Biglang kumabog nang malakas ang puso ko. Kailangan masabi ko sa kanya ang lahat bago pa kami magkita ni Angela. Kaya dali-dali rin akong bumaba at hinabol siya na papasok na ng bahay.
"Pero, Stu-"
"S-shin! B-buhay ka?"
Napatingin ako sa taas ng hagdan kung saan nagmumula ang tinig na 'yon. And there she was, the woman who tried to kill me...
"Oh my God, Shin!" Anitong patakbong lumapit sa akin at mahigpit na niyakap ako. "Akala ko patay ka na. I was so devastated. I'm so glad you're alive. How did this happen? Bakit ngayon ka lang bumalik? Alex will be very happy. C'mon, let's go to the office para makapag-usap tayo nang mabuti.” Bumaling siya kay Stu. “Stu, get Alex."
Tumango naman si Stu at umakyat na ng hagdan. Para akong tuod na sunod-sunuran sa anumang gawin ni Angela. Masyado akong na-shock sa inakto niya na para bang tuwang-tuwa siya na makita ako, na para bang hindi siya ang may kagagawan ng aksidente ko.
Hawak-hawak niya ang kamay ko habang papunta kami ng opisina niya. Inalalayan niya pa akong umupo sa couch na nandoon.
"Shin, I'm so glad you're alive. Tell me what happened?"
Kunot-noong tiningnan ko siya. Seryoso ba siya sa tanong niya?
"I know what you did. Tandang-tanda ko pa po," mariin kong sabi sa kanya.
Sa gulat ko, bigla na lang siyang tumawa na para bang isang joke lang ang nangyari sa akin, na para bang it was not a big deal. "I know, I know. Ikaw naman kasi hindi ka na tumupad sa usapan. But don't worry, let's put everything in the past. Kalimutan na natin 'yon. Ang mahalaga ay buhay ka. Let’s just be thankful about that, okay? Besides, let me make it up to you. This time it will be a happy ever after with Stu," anitong ngumiti nang pagkatamis-tamis which I found very creepy. "Di ba gusto mo 'yon? Mabubuo na ulit ang pamilya ninyo."
Hindi ako makasagot sa sinabi niya. I was in awe.
Ano na naman ba ang binabalak mo, Angela?