“How are you feeling?” Napalingon sa akin si Stu. Nakatayo siya sa tapat ng veranda habang nakahawak sa railings na parang kay lalim ng iniisip. Bagong ligo siya at kahit nakapambahay lang siya ng t-shirt na itim at khaki na cargo pants, sobrang lakas pa rin ng dating niya. Ang gwapo talaga! Saan ang hustisya? Ni hindi pa ako nakaligo! Tumawa nang mahina si Stu. “Ako pa talaga ang tinatanong mo? Kumusta ang sugat mo? Is it time to change the bandage?” Naglakad siya palapit sa akin at hinapit ako sa bewang. Ingat na ingat siya na hindi masagi ang braso ko. Nakabenda pa rin kasi ito at kailangan ko pa ring magsuot ng cast para hindi ito masagi. I smiled. He dodged my question and I knew why. I decided not to push it. Tiningnan ko ang naka-cast kong braso at marahang hinaplos iyon. “

