Chapter 54 “Mom, bakit mo naman kinuha ang anak nina Blair at Ken? You know you could be in trouble because of this, right?” kastigo ko sa nanay ko nang makalabas na kami sa kwarot na pinaglagyan niya kina Shin at sa baby ni Blair. Pinapasok niya ako sa isa pang silid na may glass window na overlooking ang malaking hawan ng bodega. Mukhang iyon ang silbing opisina noon. Ito lang din ang lugar na walang mga agiw. Ang mga tauhan niya ay nanatiling nasa labas ng opisinang iyon. Bumagsak ang mga balikat niya at malungkot na tumingin sa akin. “Ipagtatanggol mo naman ako, ‘di ba, Anak? Kasi para saan pa’t naging anak kita kung hindi mo man lang ako ipagtatanggol—kung pababayaan mo lang rin naman ako?” I heaved a sigh. Just hearing her reasons made me want to go ballistic. Bakit ba ang bula

