NATHAN’S POV Kinabukasan ay maaga akong nagising, medyo masakit ang aking katawan dahil sa hindi ako masyado nakatulog, sa couch ako natulog dahil si sungit ang aking pinahiga sa malaking kama, para hindi naman nakakahiya. Ngayon ay nakatayo ako sa dulo ng kama ko at pinagsalikop ko ang aking braso at nakapatong sa aking dibdib. Tinititigan si sungit habang payapa pang natutulog, nakanganga pa ito. Nasa taas ng ulo ang mga kamay nito. Mabuti na lang at hindi natanggal ang kumot nito, natatakpan ang ibaba niya. Nataas na kasi ang hapit na pulang dress nito at sa palagay ko ay nakabukaka pa ito. Mga ilang minuto pa akong nanatiling nakatayo sa paanan ng kama bago ko nakitang gumalaw ang babae. Tila nagising na ito sa pagkaka-himbing, kaya dali-dali akong tumakbo papunta sa pinto ng aking

