NATHAN’S POV “Amber? Let’s go!” Tatlong buwan na ang lumipas simula ng may mangyari, ang dahilan ng pagkakaroon ko ng pilat sa leeg. “Bakit ang tagal mo?” Singhal ko sa aking nakababatang kapatid. “Bakit galit ka na naman, aga-aga highblood ka!” Anas ni Amber. “Sino ba hindi magagalit, halos isang oras na ako naghihintay sayo! Napaka tagal mo!” giit ko. Ngunit napatingin ako mula ulo hanggang paa sa aking kapatid dahil may napansin akong kakaiba sa kanya. Nakasuot kasi siya ng cocktail dress na may blezer at naka heels na may kalahating inches na takong. “Sandali.” Pinigilan ko siyang maglakad. Nakahawak ako sa kanyang braso habang sinisipat parin ang kanyang suot. “Why?!” Taka niyang tanong. “Anong hangin ang nagdala sayo na magsuot ka ng ganyang klaseng damit?” Habang iti

