NATHAN'S POV Hindi ko maintindihan kung bakit pupuntahan ko pa ang babaeng iyon. Igting ang panga ko na sumakay ako sa sasakyan ko. Kanina ng tawagan ako ni Tatay Lawrence ay hindi ako makahindi sa pakiusap ng matanda kahit na ayoko siyang sundin ay kailangan kung pilitin ang sarili ko na sumunod sa kanya. Nasa byahe na ako at malapit na rin ako sa address na sinabi ni tatay Lawrence at may napansin akong babae na paatras kung lumakad na tela natatakot habang yakap nito ang maliit na bag, may dalawang lalaking nakangisi at matalim ang mga mata at tela sini sindak ang babae. Lalagpasan ko na sana ang mga ito ngunit tela pamilyar sa akin ang babae. Huminto ako sa may tapat ng babae at agad akong bumaba ng sasakyan. “Hello guys? Anong ginagawa niyo?” Nakangiti kong sambit habang nakating

