NATHAN'S POV “Tay! Ano po… may kustomer na po ba ako?” Agad kong tanong kay Tatay Lawrence nang makapasok ako sa loob ng talyer nito. Kadarating ko lang dito sa auto repair shop ni Tatay Lawrence. Regalo ko ito sa kanya nang mag-retire siya sa trabaho niya bilang family driver. “O, iho… salamat naman at dumating ka na,” saad niya, na tila naresolba ang kanyang malalim na pag-iisip kanina lang. Inakbayan niya ako at itinuro ang kanyang labi patungo sa nag-iisang pulang kotse sa loob ng talyer. “Oo Tay, kasi… may inasikaso pa po ako kaya ako natagalan,” sabi ko na tila nagtatanong ang aking mga mata sa itinuturo niyang sasakyan. Lumapit ako sa pulang kotse at inikutan ko ito. “Ito po ba ang kailangan kong kumpunihin, Tay?” Sabay kaming napalingon ni Tatay Lawrence sa aming likuran nan

