Kabanata 19

2284 Words
Unexpected   "Are you done? We are waiting for you at the resto earlier, but you didn’t show up. Kaya nauna na kami dito." Reklamo ni Farrah pagkarating ko sa lobby ng Faculty building. Kailangan na kasing ipasa ang Activity namin.   "Sorry." Ngumisi ako. Niyaya ko na silang pumasok sa loob dahil konting oras na lang ay uwian na ng mga Professor.   Pagpasok namin may iilan kaming mga kaklase na nagpapasa na rin ng Activity. Importante kasi ito dahil Accounting 1 namin 'yon. Medyo estrikto pa naman si Miss. Viviana pagdating sa mga gawain. Dalaga at mainitin ang ulo.   Nagtungo kami sa table niya malapit sa opisina ng Dean ng University, Eunice's Dad.   "Miss Viviana, where did we—" kinabahan ako sa nakita ko at pati ang mga kamay ko ay naging bato sa kaba. Bakit nandito si Ate?   Nagpabalik-balik ang tingin ko kay Miss Viviana at kay Ate. Masaya sila at nagtatawanan pa ng madatnan namin.   "Miss Medina, are you alright?" Mariin akong pumikit at mapait na ngumisi.   "Y—yes, Miss." Agaran kong sagot. "S—saan po ito ilalagay?" Pagtutukoy ko sa Activity. Hindi na ako tumingin kung saan.   Bakit kaya nandito si Ate? Magkakilala sila? Baka nga at bumibisita lang. Sana.   "Ipatong mo na lang diyan. Mabuti at umabot pa kayo." Malapit na talagang maubos ang oras at hindi kami aabutin kung natagalan pa ako.   "Sige po Miss mauuna na kami." Yumuko ako atsaka nagpaalam ulit. "Thank you, Miss." Sabay-sabay naming pagkakasabi.   "Tara." Pag-aaya ni Farrah. Tumango ako atsaka tumalikod na.   Mabuti na lang hindi niya ako kinausap. Baka nasabihan na siya ni Kuya at aware na siya sa sitwasyon ko.   "Saglit, freshman. Ipapakilala ko nga pala sa inyo si Denise." Huminto kami. Patay.   Humarap naman agad itong mga kasama ko pero nanatili akong nakatalikod. I know her all too well, Miss.   "Tanya," bulong nitong mga kasama ko at pilit akong hinarap kay Miss. Malalim akong huminga bago ko sila tinignan.   "Freshman, meet your new Accounting professor. Mabait ito at mas magaling sa akin." Pagpapakilala ni Miss. Nagtawanan sila sa sinabi ni Miss.   Freshman, meet your new Accounting professor. Mabait ito at mas magaling sa akin.   Tama ba ang pagkakarinig ko? Professor? Hindi puwede.   Bumagsak ang balikat ko sa late reaction ng katawan ko. Hindi na tama 'to. Plano ito, plano ni Kuya.   "Hindi naman." Ngumiti siya. Ang bait talaga niya.   "Oo na, pa-humble ka talaga. Magpakilala ka na, ulit." Nagbiruan muna sila bago kami hinarap. Ngumiti siya at isa-isa kaming tinignan, pero huminto ang titig niya pagdating sa akin at matamis na ngumiti.   "I'm Scylla Denise Lopez, your new Accounting professor. I hope each everyone of you accept me and love my way of teaching. I'm a strict person when it comes to class. Pero mabait ako at approachable pagdating sa labas ng klase." Tsaka siya bumitaw ng titig sa akin at nag-wave ng kamay sa aming tatlo. Totoo, sobrang bait niya. Kaya nga mahal na mahal siya ni Kuya Apollo.   "Welcome, Miss Denise." Sabay na sabi ng dalawa. Ngumiti lang ako at tumango.   "Sige, pwede na kayong umalis." Pagtataboy ni Miss Viviana. Medyo may pagka-iritado talaga ito.   "Salamat po ulit, Miss." Tsaka kami umalis at lumabas na ng faculty building.   Sobra talaga akong kinabahan. Mabuti na lamang at may alam na si Ate Scylla, wala akong po-problemahin.   "Napansin niyo yun?" Tinignan namin si Farrah. May pagka-observant din ang isang 'to. "Iba siya kung makatingin kay Tanya. Parang gusto ka niyang kausapin." Tumingin siya sa akin.   Umiwas ako ng tingin at tumikhim. "H—hindi naman." Palusot ko at mabilis na hinarap silang dalawa. "S—sige mauna na ako. Maaga akong pina-uuwi. Kita na lang tayo bukas. Bye. Ingat kayo sa pag-uwi." Tumalikod na ako at mabilis na naglakad papuntang parking lot.   Ayokong maintriga. Wala akong isasagot at hindi ko alam ang isasagot. Nabigla ako at na surpresa. Kailangan kong malaman kung bakit siya narito, kung bakit siya magiging professor ko. Sana lang hindi na ito tungkol sa akin. Hindi na ako ang dahilan.   Pero mukhang nagkamali ako. Ako nga talaga ang dahilan.   "Phoebri," pilit akong ngumiti. Kailan kaya sila titigil sa pag po-protekta sa akin.   "Ate," hilaw akong ngumiti.   Sinalubong niya ako at niyakap. Kung alam niya hindi dapat niya ako tinatawag ng Phoebri sa pampublikong lugar, lalo na dito sa loob ng University.   "I really missed you, baby." Napaka-sweet niya at caring pagdating sa aming magkakapatid. Lalo na syempre kay Kuya Apollo.   Bumitiw siya sa pagkakayakap at nag pamay-awang na hinarap ako.   "It seems like you don't want me here." Pinagtaasan niya ako ng kilay at ngumiwi. She's so cute and adorable. "Are you?" She crossed her arms na tila nagtatampo talaga.   Ngumiti ako.   "Too cute." Tumawa ako. "I'm just surprised to see you here, Ate. And it appears to the situation that you have a case to be solved. Am I right, Ate?" I know what the real Apollo Maniego can do.   Nagkibit-balikat lang si Ate Scylla bilang sagot. I knew it.   "Let's go. I'm going to be with you 24/7." Hinila niya ako at sinakay sa kotse niya. Front seat. Wait! Manong Garry is waiting for me.   "Ate, si Manong Garry—"   "Don't worry. Nakauwi na ang driver mo. Simula ngayon dito ka na sasakay sa kotse ko at susunod na lang ang driver at ang kotse mo sa atin. Sa inyo rin kasi ako titira simula ngayon." Natulala na lang ako sa mga sinabi ni Ate Scylla at sa mga puwedeng mangyari sa susunod na mga araw.   Can someone please punch me in the face!? Am I dreaming or what? This is not really happening.   Hindi na ako naka-react hanggang sa huminto ang sasakyan niya sa isang resto. Hindi ko ito alam at hindi pa ako nakakapunta dito.   "Nasaan tayo, Ate?" Nanatili akong nakamasid sa labas.   "ACS Restaurant, kakain lang tayo saglit bago umuwi. Nangangayayat ka na sa luto ng mga Chef niyo. Panahon na para makatikim ka naman ng ibang luto." Alam kong nagbibiro lang siya. Nakitawa na lang ako.   Sabay kaming bumaba ni Ate at pumasok sa loob. Expensive Restaurant. Halata naman sa aura pa lang nang labas. Sinalubong kami ng waiter at hinatid sa pina-reserbang table ni Ate Scylla sa amin. Planado nga.   Pagkaupo pa lang may mga pagkain nang nakahain. Steak lang ang kilala ko dito. Ayos lang mukha namang masasarap.   "Kain ka na. Masarap naman dito. At wag mo ng i-compare sa international chef niyo sa bahay. Kilala ko si Tito hindi pumipili ng local kung puwede naman ang international. Am I right?" Kumindat siya. Yeah, right.   Ngumisi na lang ako at nagsimula ng kumain. Masarap naman. Hindi na nalalayo sa luto ni Chef Susan.   "You're not welcome around here, squatter girl." Inangat ko ang tingin ko. Not now.   Sino pa ba ang aasahan ko. Sila ang nagmamay-ari nito, ibig sabihin lang nandito talaga siya. What in the world were you thinking, Tanya.   "Are you referring to yourself?" Nanlaki ang mata ko sa pagsabat ni Ate Scylla. Sinenyasan ko siyang manahimik pero hindi ako pinansin. Tumayo pa siya at tinignan mula ulo hanggang paa si Xandra.   May pagka-maldita mode pa naman si Ate Scylla. Kaya medyo takot si Kuya Apollo diyan.   "At sino ka naman sa tingin mo? Magkababayan ba kayo ni squatter girl?" Pinagtaasan niya ng kilay si Ate at inismiran.   "Kung sasabihin ko ang totoo, baka mapahiya ka sa sarili mong palabas." Pagtataray din naman ni Ate. Nanatili akong nanunuod sa kanila. Wala akong panlaban sa mga sagutan nila. "Ako si Scylla Lopez, LOPEZ. Baka kilala mo na ako?" Pagdidiin ni Ate sa apelyido niya.   Pinagmasdan ko ang reaksiyon ni Xandra. Nanlaki ang mata at umurong ng isang hakbang.   "Apollo's Girlfriend? A—and Elite International Magazine's President?" At mukhang kilala nga niya.   Napailing na lang ako. Kilala nila ang isa't-isa pagdating sa pangalan na dinadala nila. See? That's what a successful career in this world can do.   "Perfectly right. But for now, I'm not the President of EIM. I'm the professor of Accounting at your school.. For now. And It seems that I will be your Accounting 3 Professor. See you there, b*tch." Kumindat si Ate Scylla para inisin pa lalo si Xandra. Lagot na. Wala pa naman sinasanto si Xandra.   Takot pero may lakas pa rin siya ng loob para harapin si Ate Scylla.   "W—who cares? You're just a President of the EIM. But, I am a daughter of ACS International. We're too high for your company. Professor? I can make your life miserable, miserable like the squatter girl’s life in school." Hindi talaga siya tumatanggap ng pagkatalo.   Umiling-iling si Ate Scylla sa narinig.   "You forgot one important thing, my dear." Hinamon ni Ate Scylla si Xandra at mas nilapitan pa ito. Pinaikot-ikot pa ni Ate Scylla ang mga kalat na buhok ni Xandra sa kanyang daliri. Base sa reaksiyon ni Xandra alam na niya ang tinutukoy ni Ate Scylla. "Apollo's Girlfriend. Inulit ko pa para sayo."   Galit na tinabig ni Xandra ang kamay ni Ate Scylla at bahagyang umurong. Hindi ako makagalaw sa kaina-uupuan ko dahil sa tensyon na bumabalot sa kanilang dalawa.   "Girlfriend. Yeah. You're just his girlfriend. But not his wife, or should I say you're not even a Maniego. Not yet." Xandra rolled her eyes. "PSH. Cheap."   Marahan akong tinignan ni Ate Scylla atsaka ngumisi. She crossed her arms and faced Xandra.   "What do you want? I can call Apollo and marry me right now. 'Yan ang gusto mo di ba? Magpapakasal kami ngayon din at pababagsakin ko ang pamilya mo." Hinawakan ni Ate Scylla ang kamay ko inalalayan na tumayo. "I lost my appetite. Let's go to Italy, dun tayo kakain." Tsaka niya ako hinila palabas ng resto.   Nakita ko pa ang namumula na sa galit na si Xandra. Sigurado na ako sa mga mangyayari bukas.   "Ganyan ka ba tratuhin ng mga estudyante sa Montgomery? Hindi ba nila alam na—" tinakpan ko ang bibig niya.   "Shh.. Hindi nga po nila dapat malaman. Quiet lang po ikaw." Tinanggal ko ang kamay ko kaya umakting siyang nainis.   "Apollo's right. You're not fit for that cheap University. You should go back to your own school. That Sarmiento na maldita!? Ugh! Gusto ko siyang kalbuhin! Ipamukha ba naman na hindi pa kami kasal!? Bakit hindi lang magsabi na gusto niya na maging ninang!" Napangiti na lang ako sa kadaldalan ni Ate. Malayo sa ugali ng mga spoiled brat sa University.   Pinagmamasdan ko si Ate Scylla habang patuloy na nagsasalita. Marami siyang problema kay Xandra.   "Piarra?"   Tumigil si Ate Scylla sa pagsasalita at tahimik na nakatingin sa likuran ko. Luminga-linga pa ako na baka may nakarinig sa totoo kong pangalan. Mabuti at wala masyadong tao sa lugar na 'to. Marahan akong lumingon. Hindi puwede na makilala ako.   "Skye?" Ngumiti ako at bahagyang yumakap sa matipunong kaharap ko. "I really missed you." Bulong ko.   "Me too." He breathed. Natawa ako sa pakikipagtalo niya.   Namiss ko talaga siya ng sobra. He's my childhood playmate. No. Actually, my brothers' playmate. Sobra ko siyang namiss pagtapos kasi niya ng grade school pinadala na siya ng mga magulang niya sa States para doon magpatuloy ng pag-aaral. And after four years, ngayon lang ulit kami nagkita.   Napakalaki ng pinagbago niya. At ang bango pa. Hmm.   "Ehem!"   May humila sa akin at inilayo ako kay Skye. Mabilis ang pangyayari. Andito na siya. Agad.   "Too fast, bro." Tumingala ako at nasilayan ko na naman ang pagmumukha niya.   "At sino ka naman?" Mabilis kong nilingon si Skye.   "Boyfriend niya. Bakit ikaw sino ka?" Naramdaman ko ang paggalaw ng kamay niya na mabilis nahanap ang kamay ko atska ito hinawakan. "Hindi ako natutuwa sa ginawa mo, bro! Niyakap mo ang girlfriend ko! Sino ka ba sa akala mo!?" Tumaas ang kilay ko. Girlfriend? Ako?   "Is that true? Pia—"   "Skye!" Sigaw ko. Kasabay nu'n ang mabilis na paglapit ni Ate Scylla kay Skye atsaka bumulong.   Marahan pa silang sumilip sa akin habang bumubulong si Ate Scylla.   "Ate! Hindi ako papayag! I should transfer to that University. I need to protect her." Pinisil ni Sarmiento ang kamay ko kaya ginalaw ko ito para maalis pero hindi niya binitawan.   "Stay there." He muttered.   "Sino ka nga ba ulit?" Marahas nang tanong ni Skye atsaka ngumisi. "Boyfriend, di ba? Parang wala naman akong natatandaan na nanligaw sa kanya sa bahay nila. Ah teka! Hindi nga pala puwede doon ang kung sino-sinu lang. Parte lang ng pamilya—"   "Skye! Stop!" Hinila ni Ate Scylla ang manggas ng damit ni Skye at pilit na pinatahimik ang kapatid. Yeah! Magkapatid ang dalawang 'yan. Makukulit. "Don't forget the consequences, Skye."   "TSS. Let's go, TANYA!" Marahas niya akong kinuha kay Sarmiento at hinila palayo.   "Let her go!" Kinuha niya naman ang isa ko pang kamay at hinila. "Bitiwan mo na hangga't nakakapagtimpi pa ako." Banta ni Sarmiento. Nagkatitigan sila na parang gusto nang magpatayan.   "The hell I care about it anyway? Hindi ako natatakot." Mas hinila pa ako ni Skye. Nanakit ang braso ko ng hilahin naman ako pabalik ni Sarmiento.   Hindi ako tali! Bakit walang lumalabas na boses? Ugh.   "She's my girlfriend, whether you like it or not you must let her go now!" Nanggagalaiti na sabi ni Sarmiento.   "Hindi mo ako maloloko. I know her. Since birth. Kaya alam ko na hindi siya papatol sa kung sino lang. Kung alam mo lang.." Nagpipigil na sa galit si Skye. Marahan na akong kumilos para magsalita na at ipaglaban ang sarili ko. Mainitin pa naman ang ulo ng dalawang 'to, kaya dapat na akong kumilos.   "I—"   "Release her hand. She's in pain."   Kumalabog ang dibdib ko sa narinig. Hindi maaaring siya iyon. Paanong— Bahagya na akong nag-angat ng tingin. He's with his usual expression. Cold, when it comes to me. Premier.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD