Kabanata 18

1704 Words
Call   Nasa kalsada pa lamang kami ng Village, patungo sa bahay, ng mapansin ko ang umiiyak na babae sa harapan ng bahay nina Tammy. Malayo-layo pa naman kami bago makarating sa bahay nina Tammy pero kita ko na mula dito ang babaeng 'yon.   "Di ba si Tammy 'yon?" He muttered.   Mas lalo kung tinitigan ang babae dahil sa sinabi ni Tyrone. Hanggang sa nakilala ko na. Tammy.   "Why is she crying so much?" Tanong ko.   "I don't know." Nasa pagmamaneho pa rin kasi ang atensyon niya. "Nasan ba ang kapatid niyan at pinababayaan na umiyak." Aniya pa. Puwede naman kaming tumulong.   "Itigil mo. Baka kailangan niya ng tulong." Nakaupo kasi siya sa gutter habang umiiyak. Kapansin-pansin iyon dahil sa paulit-ulit niyang pagpapapahid ng luha.   "Wag na. Kailangan mong magpahinga. She's a strong woman. Artista 'yan at baka nag e-ensayo lang para sa shooting niya." Hanggang sa nilagpasan na namin siya. Hinabol ko lang ng tingin ang puwesto niya hanggang sa maglaho na ito.   "Bakit hindi na lang natin siya tinanong? Baka may problema siya. We should go help her." Pagkukulit ko habang papalabas ng sasakyan. Hindi na rin daw siya papasok para samahan ako. "She's crying though."   Iniwan niya ako. Napaka-- Ugh! Walang puso. Sinundan ko siya sa loob. Kailan ba magkakaroon ng puso ang isang ito sa ibang tao? Especially to girls. Kahit sarili naming pinsan hindi marunong maawa.   "Tyrone," pangungulit ko.   "Time for us to take some rest and stop bothering me about it." Tsaka siya umakyat at iniwan na naman ako.   Padabog akong naupo sa sofa. Nakakainis! Hindi na ako puwedeng lumabas dahil nandito na ako sa bahay. Ugh! Tyrone!   Nag-crossed arms ako tsaka sumandal at tumagilid sa pagkakaupo. Para tuloy akong bata na hindi nabigyan ng gusto.   Kamusta na kaya si Tammy? Umiiyak pa ba siya? Bakit kaya siya umiiyak?   Kung tawagan ko kaya? Oo nga pala—   Wala akong cellphone.   Nagwala ang mga paa ko sa kamalasan. Mas lalo akong mababaliw. Hindi ako mapakali. Gusto kong tumulong.   Kung magpabili kaya ako kay Tyrone? o kaya kay Manong Garry, tutal may laman naman siguro itong card ko. Hinagilap ko ang bag ko tsaka hinanap ang card sa wallet ko.   Tanya Medina.   Ngayon ko lang ito gagamitin at ngayon ko lang din ito nakita. Humahanga na talaga ako sa mga kaya nilang gawin.   "May laman kaya ito?" Bulong ko habang tinititigan ang card na hawak ko. "Hindi naman siguro sila magagalit kung gagamitin ko ang laman nito. Isang cellphone lang.."   Napatalon ako sa pagkakaupo ng may maghagis ng paper bag sa harapan ko. Aish!   "Ano 'to?" Itinaas ko ang paper bag tsaka inangat ang tingin sa kanya. Nakakunot na naman ang noo niya.   Sa totoo lang hindi naman talaga ako dapat na matakot sa kanya dahil mabait siya. Nakakatakot nga lang ang kasungitan niya sa bawat araw na dumadaan. Mabait pero masungit.   "Binilhan na kita." Walang gana niyang sagot.   "S—salamat." Tsaka ko binalingan ng pansin ang paper bag. Binuksan ko ito. Cellphone nga 'to at kaparehong-kapareho pa ng dati. "Salamat ulit, Kuya." Ngumiti ako. Di ba, mabait?   "Magpahinga ka na." Tinalikuran rin niya ako gaya ng pagtalikod sa akin kanina ni Tyrone. Napayuko ako.   Ang sakit talagang maiwan. Katulad ng mga nababasa, napapanuod, at nangyari na sa akin sa loob ng ilang taon na nabubuhay ako. Araw-araw kong nararanasan na maiwan at maging mag-isa.   "May laman 'yan. Bilhin mo ang lahat ng gusto mo. Hinding-hindi 'yan mauubos." Binalingan ko ulit siya ng tingin ngunit nakaakyat na siya.   "Alam ko," tumayo ako at tinungo ang garden. Dito na lang muna ako. Mas lively ang garden kaysa sa ibang parte ng bahay na 'to.   Naupo ako sa swing, tago ito kaya hindi ko masyadong pinupuntahan. Pero sa mga oras na 'to kakailanganin ko na ang lugar na ito. Ang tago at malayo sa lahat.   Sumandal ako at pinaandar ang swing gamit ang mga paa ko. Ayoko sa lugar na 'to noon pa man. Marahil tinatago nila ako ng ilang taon, at mas nararamdaman ko kasi iyon dito.   Marahan kong binalingan ng tingin ang pag-ilaw ng cellphone ko. May isang message. Binuksan ko ito.   From: Claude   What are you doing? Pinauwi kita para magpahinga hindi para magpahangin. Go to your room. Now!   Inilibot ko ang paningin ko. Mula sa balkonahe ng kwarto niya hanggang dito sa swing, ramdam ko na ang nagaalab na tingin ng kapatid ko. Ngumisi ako at mabilis na tumakbo papasok ng bahay. Bakit kaya mainitin ang ulo ng mga tao ngayon. Dahil ba sa mainit na panahon?   Kinabukasan library hour at tadtad na tanong ang natanggap ko sa dalawa.   "Saan ka niya dinala kahapon?"   "Ang isang Azzrael hindi nanghihila ng babae."   "Sinaktan ka ba?"   "Close pala kayo?"   Agad kong tinakpan ang tainga ko sa sunod-sunod na tanong ni Farrah at Eunice tungkol sa nangyari kahapon. Hindi raw kasi sila makapaniwala sa ginawa ni halimaw kahapon. Anila pa never daw yun nangyari sa kambal.   Ilang segundo ang lumipas nang parehas kunot-noo na silang nakasandal at nakahalukipkip sa harapan ko habang nakatingin sa akin. Marahan kong binaba ang kamay ko at pinaglaruan ang mga daliri ko sa ilalim ng mesa. Nasa library nga kami pero kung magtanong parang nasa husgado. Tsk.   "What?" Nahihiya kong tanong.   Tumikhim si Farrah at pinagtaasan ako ng kilay.   "I think someone needs to explain herself." Seryoso nitong sabi habang titig na titig sa akin. Marahan akong lumunok. Explain.   Marami nga talaga akong dapat na ipaliwanag. Mula sa kasinungalingan na nagawa ko, hanggang sa mga nangyayari ngayon sa paligid ko.   Yumuko ako at tinitigan ang sahig. Kailangan kong manahimik. Maraming masasagasaan kung magsasabi ako ng katotohanan.   "Tanya," pagtatawag naman ni Eunice. Inangat ko ang tingin sa kanila. Tinignan ko si Eunice. Akmang magsasalita siya ng mapansin kong umilaw ang cellphone ko sa harapan naming tatlo. Inilapag ko kasi iyon doon para magresearch ng activity na ginagawa namin.   Nakatuon na rin ang pansin ng dalawa sa cellphone kong may tumatawag. Hindi naman naka-register ang numero kaya hindi ko na sinagot.   Patay! Bago pala iyon at numero lang ni Kuya Claude, Mama, and Dad ang naka-register sa cellphone ko. Baka importante.   Inangat ko muli ang tingin sa dalawa. Nagkatinginan sila ng saglit bago muling tumingin sa akin.   "Nagbago ka ba ng number? Hindi kita ma-contact kahapon nung naglaho kayo ni Azzrael." Yes. Hindi lang number pati cellphone. Kaparehong-kapreho talaga nung una kong cellphone itong bago kaya hindi nila napansin.   Tumango ako.   "Kaya pala kahit anong tawag ko hindi kita makakausap." Umirap siya sa ere. Muli siyang nagseryoso at inintriga ako. "Teka nga! Anyways, back to the topic—Saan ka dinala ni Sarmiento at pati ang pagpasok sa last subject hindi mo nagawa?"   Hindi na kami natapos sa topic na 'to. Tsk!   "Ano kasi—"   "Andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap." Nagkatinginan muna kaming tatlo bago binalingan ng pansin ang halatang haggard na si Sarmiento. "What?"   Pinagtaasan pa niya kami ng kilay.   Nakatingin lang kami sa kanya. Walang gustong magsalita hanggang sa tumikhim si Farrah.   "Sino ba sa aming tatlo ang kanina mo pa hinahanap?" Tinignan ko si Farrah, nakatingin din siya sa akin at mukhang alam na niya ang sagot.   "Well," sabay kaming tumingin ni Farrah kay Sarmiento. "Sino pa ba?" Isa isa niya kaming tinignan at huminto sa akin ang titig niya. "Are you avoiding me or something?" Seryosong tanong niya.   Hindi ko siya sinagot.   Totoong umiiwas ako pero hindi ko masabi. Dapat lang talaga na iwasan siya dahil isa siya sa mga naging problema ko noong una.   "Ehem!" Tinignan ko ang dalawa na tahimik na nakamasid sa amin. "Alis muna kami. Baka nakaka-istorbo na kami."   Pinigilan ko sila pero pinagtabuyan pa talaga ni Sarmiento. Lumipat lang naman sila sa kabilang lamesa. Napakamot ako sa inis. Ayoko ng maiwan kasama siya.   "Ano? Iniiwasan mo talaga ako?" Pagpupumilit niya.   Hindi ako umiimik.   Ginawa ko ang dapat kanina ko pa na ginawa. Yung Activity namin ang pinagtuonan ko ng pansin.   "Now you're not even answering my questions? Are you mad at me?" Hindi ko siya pinansin pero hindi ako galit. "Maghihintay na lang ako dito."   Marahan akong lumingon ng hawakan niya ang cellphone ko. Umiilaw ulit ito.   "Akin 'yan." Aagawin ko sana ng itaas niya ito at ini-slide para sagutin. May tumatawag.   "Alam ko." Tumayo siya at itinapat sa tainga niya ang cellphone ko. "Boyfriend niya 'to, sino ka?" Agaran niyang sabi sa kabilang linya.   Tumayo ako at akmang aagawin ang cellphone ko ng talikuran niya ako.   "Binalaan na kita, Maniego." Tyrone. Mas lalo akong nagpursige na makuha ang cellphone ko. Ngunit hindi ako nagtagumpay. "Game. Pero kahit anong gawin mo hindi kita tatanggapin sa team ko." Ugh! Ano ba talaga ang balak niya? Makipagchikahan pa sa Tyrone na 'yon. "Wag ka ng tatawag sa kanya. Ako ang tawagan mo kung gusto mo siyang makausap." Tsaka niya pinatay ang tawag at ibinalik sa akin ang cellphone ko. "Bakit siya may number mo? Binigay mo ba?"   Inirapan ko siya at muling naupo. Itinago ko na ang cellphone ko. Mabuti na lang hindi si Kuya Claude ang tumawag. Mapapatay ako nu'n.   Muli siyang naupo, sa harapan ko. Sumulyap ako sakanya at nakapangalumbaba na siya habang nakatingin sa akin.   Umiling ako. Kulit!   At naging sinehan pa ako sa lagay na 'to?   "Baka gusto mo ng popcorn?" Bulong ko. Hindi ko siya tinignan pero parang narinig niya.   "Lulutuan mo ako?" At talaga naman!   Umirap ako sa ere at tinignan siya. Tumaas ang kilay ko sa inis.   "Baka gusto mo ng umalis? Hindi ako makapag-concentrate sa ginagawa ko." Reklamo ko.   Ngumisi siya.   "Ayaw." Umiling pa siya. "Panunuorin lang kita. Promise." Nagtaas ng kaliwang kamay para mangako.   "TSS."   Ilang minuto ang lumipas at natapos rin ako. Hay Salamat.   Inayos ko ang mga gamit ko.   Nasaan na kaya yung dalawa. Akmang tatayo na ako ng mapansin kong may kasama nga pala ako. Natutulog na kasi siya. Nakayupyop ang ulo sa dalawang braso na nasa mesa.   Tumayo na ako ng tuluyan at nilapitan siya. Kinublit ko para magising. Ayaw gumana kaya ginalaw ko ang balikat niya.   "Gising na. Aalis na ako." Napaurong ako ng bigla siyang tumayo at tinitigan ako. "Anong—"   "Wag mo akong iiwan..." Inaantok pa ang mga mata niya kaya sigurado akong tulog pa siya sa mga oras na 'to.   Kung ano-ano ang sinasabi   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD