Caleb
Sinabayan niya ako sa paglalakad patungo sa locker room para makapagpalit. Napag-alaman ko na nasa iisang kwarto lang pala ang locker namin. Maraming mga bagay ang hindi ko maintindihan sa lugar na 'to. Simula sa locker hanggang sa mga estudyante dito.
Ayoko na ng gulo.
"Fix yourself first before you get the hell out of here. Hindi pwede na magpakalat-kalat ka ng ganyan." Nakatingin lang ako sa sahig habang nagsesermon siya. "I have to go now. May kailangan pa kasi akong patunayan sa isang tao, na hindi ako inattentive na Captain gaya ng iniisip niya." Matapos non iniwan na niya ako sa may pinto at gulat pa rin sa sinabi niya.
Galit ba siya?
Nagkibit balikat ako bago pumasok sa loob. Kailangan ko ng magbihis, konting minuto na lang magsisimula na ang next class ko. Bakit ba kasi galit na galit sa akin ang Xandra na 'yon, at mukhang mas malala pa ang mga mangyayari dahil sa ginawa ni Caleb. Caleb? Ugh! Bakit Caleb? Di ba't halimaw 'yon.
Nagmadali na ako sa pagbibihis at tinungo ang Laboratory Building, medyo malayo pa naman 'yon dito. Sana hindi ako ma-late. Pagagalitan ako ni Kuya Claude pag nalaman niyang nagpapalate ako sa pagpasok. I just wanted him to be proud of me, being her sister. How I wish na dumating ang araw na 'yon.
Nakatuon lang ang tingin ko sahig habang naglalakad. Nahihiya ako sa nangyari kanina. Tiyak na nakita nilang lahat 'yon, at makakarating sa kapatid ko pati na rin sa mga pinsan ko.
Huminto sa paghakbang ang mga paa ko ng magkaroon ng dalawang pares ng sapatos sa tinatahak kong daan. Unti unti kong inangat ang tingin ko. Kinakabahan ako sa makikita kong ekspresyon. Kung galit ba siya at nagaalab na sa galit ang mga mata niya.
Katatapos lang ng gulo kanina, ito naman ang susunod.
Bumagsak ang balikat ko sa nakita kong pagkunot ng noo niya. Nanginginig na talaga sa takot ang mga tuhod ko.
"Kuya.."
Umiling pa siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Alam na niya.
"Hindi ko na nagugustuhan ang mga nababalitaan ko." Tumikhim pa siya bago nilagay ang dalawang kamay sa bulsa niya. "Umuwi ka na muna para makapagpahinga." Tsaka niya ako tinalikuran at iniwan. I.. I thought he's mad. Bakit parang wala lang sa kanya?
Mas lalo akong nanlumo. Hindi talaga siya marunong mag-alala. Hanggang galit lang siya.
Nagpatuloy ako sa paglalakad habang hindi inaalis ang tingin sa sahig. Ito lang ang nababagay sa akin ngayon. Ang tignan ang sahig at huwag lumapit sa mga taong kaya akong saktan.
"T—Tanya..." Huminto ako aa paglalakad at inangat ang tingin ko. Nakahawak sa dalawang tuhod at pagod na naghahabol ng hangin ang natagpuan ko. "Are you okay? I will talk to Kuya. Xandra needs to pay for what she has done. Hindi ko na nagugustuhan ang mga ginagawa niya, pati na rin ng kakambal niya." Hinarap niya ako ng may pagod na tingin at pag-aalala. Gaano ba kalayo ang tinakbo niya? Tyrone.
"Nagkausap na kami." Mahinahon kong sagot.
Hindi na dapat siya pumunta dito kung may ginagawa siya. Naaawa na ako sakanya, sa mga sakripisiyong ginagawa niya para sa akin. At wala itong katumbas na anumang bagay.
"What did he say? I'm sure he is mad." Sinuklay niya gamit ang mga daliri ang buhok niya.
Hindi
Nanatili akong tahimik habang tinitignan siya. Kita ko ang frustration sa itsura niya. Lagi ko na lang siya pinag-aalala.
"Hatid na kita. Magpahinga ka na lang sa bahay." Hinawakan niya ako sa braso tsaka ako hinila. Sumunod lang ako sa paglalakad niya.
Bakit gustong gusto nila akong pauwiin? May klase pa 'ko.
"I have to go to my next class. I need to be there in a minute." Mahina kong pahayag na sapat lang para marinig niya.
"Iuuwi na kita. If you want to stay here until the graduation kailangan mong mag-ingat. Magkakaroon tayo ng problema pag nakarating kay Dad ang mga nangyayari sayo dito." May halong iritasyon ang tono niya. Mas lalo silang magagalit kung hindi ako papasok.
Tumigil ako sa paglalakad at hinila ang braso ko sa kanya. Hinarap niya ako. Nakakunot ang noo niya at may galit na tingin.
"I said we have to go." Mariin niyang wika. "Kung hindi ka susunod ako mismo ang magsusumbong kay Dad." Aniya pa ng may halong pananakot.
Bumaba ang tingin ko at pinaglaruan ang mga daliri ko. Sa dami ng problema ko hindi ko na alam kung paano magdesisyon.
Inangat ko muli ang tingin ko. Tumango ako.
Hahawakan na sana niya ako ng may pumigil sa kamay niya. Hinawakan siya nito at kita ko ang panginginig sa pagkakahawak na iyon.
"Don't touch her. No one is allowed to touch her by everyone except for me." Binitawan niya ang pagkakahawak kay Tyrone, at ako naman ang hinawakan niya sa kamay at itinago sa likod niya. "I am here to give you a warning, Maniego. Don’t push me to my limit." Pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa akin ngunit sadyang mahigpit at malakas siya para magawa ko iyon.
Mariin akong pumikit at binalingan ng tingin ang kapatid ko. Humihingi ng tulong. Ngunit ngumiti lang siya sa akin. Tinignan niya si Caleb at nanunuyang ngumiti.
Ano ba Tyrone. Wag naman kayong mag-aaway oh.
"Really? Baka pagsisihan mo ang pagbabawal sa akin." Bumagsak ang balikat ko sa ekspresyon ng kapatid ko. May ngiting aso kasi ito at parang natutuwa pa sa mga nangyayari sa akin. Iniinis niya talaga itong halimaw na 'to.
"Yes. And I don't have time to regret everything. Let's go, Tanya." Tsaka niya ako hinila at inilayo sa kapatid ko.
Tumingin ako kay Tyrone ng nagmamakaawa ngunit sumilay na naman ang hindi magandang ngiti para sa akin.
"Tanya.." He has a plan. Hindi pa kami nakakalayo kaya hinarap pa namin siya. "Let's go." Mariin pero nanunuya niyang sabi. Tinignan niya ako saglit tsaka binalingan ng tingin itong nakahawak sa akin. Tinignan ko rin siya. Nakakunot ang noo niya at namumula na sa galit.
"Tanya, bumitiw ka na o ako mismo ang magtatanggal ng kamay mo sa kanya." Tinignan ko ang kamay ko na hawak hawak pa rin niya. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya doon kaya napaigtad ako sa sakit. Hindi na ako nagreklamo at baka matuloy pa ang away nila.
Tinignan ko si Caleb. Nakatuon lang ang tingin niya kay Tyrone. Umiigting ang bagang at namumula ang mukha. Ginagalit talaga siya ni Tyrone.
"Isa.." Mariin akong pumikit at pilit na tinatanggal ang pagkakahawak sa kamay ko. Saglit lang.
"No. Don't be scared of it. Bahala siyang magtanggal niyan. Siya ang may gustong makuha ka, paghirapan niya." Humigpit pa lalo ang hawak niya pero hindi iyong masakit. Parang may pwersa kasi na pumipigil para masaktan ako. Pero hindi ko talaga matanggal.
Agad kong nilingon ang mahinang pagtawa ng kapatid ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Kung sana tinutulungan mo ako ng makaalis na ako dito. Tumikhim si Caleb kaya napatayo ng maayos si Tyrone.
"Paghirapan mo." Pag-uulit ni Caleb. Pabalik balik ang tingin ko sa dalawa, nagsusukatan ng titig. Kung pumapatay lang ang tingin, tiyak wala na silang dalawa ngayon dito.
Bumitiw sa titigan ang kapatid ko dahil saglit niya akong tinignan at muling ngumisi. Nanginginig na ako sa takot pero nagagawa pa niyang mang-inis.
Nilagay ang dalawang kamay sa bulsa at umayos ng tayo. Tumingin sa nakahawak na kamay ni Caleb sa akin. Tsaka nagsalita at muling sinalubong ang tingin ni Caleb. "I won't do that. Tanya would be the one to do that for me. Right, Princess?" Saglit niya akong tinignan ng may ngiti at muling bamalik sa titigan nila ni Caleb.
Sinulyapan ko si Caleb. Umiigting na ang bagang niya sa galit. Paano ko gagawin 'yon? Someone give me a knife! Ugh! Bakit ba nangyayari sa akin 'to.
"Well I have to go. Sumunod ka na sa akin. Now." Umalis si Tyrone na parang walang nangyari.
Saglit kong pinagmasdan ang paglayo ng kapatid ko bago binalingan ng tingin si Caleb. Hindi pa humuhupa ang galit niya kaya inangat ko ang isang kamay ko para haplusin ang nakahawak niyang kamay sa akin. Dahil sa ginawa ko tinignan na niya ako. Sa akin na siya nakatingin. Nasa akin lang ang tingin niya.
Unti-unting lumuluwang ang pagkakahawak niya kaya nagkaroon ako ng pagkakataon para maalis ang kamay ko. Nagkamali ako. Nagkamali ako sa nagawa ko. Kita ko ang lungkot sa mata niya. Kita ko ang panghihinayang at konting galit. I can't take his gaze out of me.
"Sorry," mahinang pagpapahayag ko. "Sorry, Caleb." Tsaka ko siya tinalikuran at balak na sanang sundan ang kapatid ko ng hawakan niya muli ang braso ko.
Hindi ko siya hinarap. Nakahawak lang siya sa braso ko habang nakatalikod ako. Nanatili kami sa ganong posisyon hanggang sa tumikhim siya at magsalita.
"I won't let you go. At dahil narinig ko na mula sayo ang pangalan ko, hindi na kita pakakawalan. Pangalan ko lang dapat ang nakakabit sayo. Pangalan ko lang ang nababagay sayo."
Nakatingin lang ako sa kalsada habang iniisip ang mga nangyri kanina. Mabigat at malalim na salita iyon para sa kanya, pero hindi ko iyon maramdaman. Wala akong alam. Hindi ko pa alam.
Nilingon ko ang mahinang pagsipol ng katabi kong driver. Inirapan ko siya. Nagtagumpay ka na naman Tyrone. Nagtagumpay ka naman sa plano mo.
"Effective ba?" Tanong niya habang nakangiti. Mabuti naman at seryoso siya ngayon sa pagmamaneho. Hindi niya inaalis ang tingin sa kalsada at marahan din kung magmaneho. Aba't bumabawi. "Ganon pala ang itsura ng possessive na Sarmiento. I should thank you for what you did to him. Madali ko na siyang masisira." Namilog ang mata ko sa sinabi niya.
"Anong gagawin mo kay Caleb? Wala naman siyang ginagawang masama. Dapat nga magpasalamat pa tayo dahil niligtas niya ako kanina sa kakambal niya. Hold on to your stupid plan, Tyrone. I won't forgive you pag may nangyari kay Caleb, I will—"
"Caleb, huh? At may tawagan na pala kayo? Second name endearment? Brittany? Oh! Hindi nga pala ikaw si Phoebri pagkaharap silang lahat. Baka gusto mong ipaalam na sa kaniya ang totoo ng hindi Tanya ang itawag niya sayo." Ginagalit niya talaga ako. Ano ba ang naging kasalanan ni Caleb sa kanya at pati ako dinadamay sa galit niya.
"Tyrone, don't forget that I'am your sister, your little sister. I'am your princess." Marahan akong humikbi at pinaglaruan ang daliri ko. Pinagdikit ko ang labi ko para pigilin ang hikbi. Ayoko ng umiyak. Tama na. Hindi ko na kakayanin.
Naramdaman ko ang pagtigil ng sasakyan at ang pagkalas ng seatbelt ng katabi ko. Marahan siyang lumapit sa akin. Sinandal ako sa dibdib niya at hinagod ang likod ko.
"Sorry, I almost forgot dahil sa galit ko. Pangako hindi na mauulit." Tsaka niya ako hinalikan sa buhok. "Mangako ka rin na hindi ka na lalapit sa Sarmiento-ng 'yon. I see the desire in his eyes. At hindi ko gusto 'yon. But I will make sure, mapuputol agad 'yon. Hindi magtatagal babagsak siya gamit ang mga kamay ko." Naramdaman ko ang kabog ng puso niya at init ng balat niya.
I know there is something behind his hatred. Mabait ang kapatid ko, hindi siya gagawa ng mga bagay na makakasama sa lahat. Nagawa niyang magsakripisyo para sa akin, patunay na 'yon bilang isang mabuti na tao.
Sorry, Caleb. Sorry, dahil hindi kita kayang protektahan gaya ng pagpo-protekta mo sa akin.