Kabanata 16

2040 Words
Hatred   "Gosh! What happened to your phone!?" Inangat ko ang tingin ko. Why is she even here? "Nah! You can buy a new one. Stand up, Phoebri." Inalalayan niya ako. Nakatingin lang ako sa kanya.   "Bakit nandito ka?" Bastos 'tong bibig ko. Baka ma-misunderstand niya. "What I mean is—"   "Don't explain too much. I'm here for the meeting. Nagpatawag na naman kasi ang kapatid mo." Nanlaki ang mata ko. Bakit ang bilis naman ata. Kakapasok lang ni Kuya Claude sa loob, nakatawag agad siya?   "About what, Shayne?" Nagtunog walang alam. Nakakatakot pa naman siya pag nagalit.   Ganu'n ba ka-big deal ang paglalakad ko? Hindi ko na nga uulitin.   "For his birthday. Alam mo naman 'yon hindi nagpapahuli." Umirap pa siya sa kawalan. "Tara? Nandoon na silang lahat sa loob, e." Birthday? Matagal pa ang birthday ni Kuya Claude ah.   "Tyrone.." I muttered. This month nga pala ang birthday niya. Ahh~ Bakit ko nakalimutan!   Sabay kaming pumasok ni Shayne sa loob. Walang tao sa sala. Where are they? Nagkatinginan kami. We had the same thought.   "I will ask your maid." Aangal pa sana ako ng maglakad na siya patungo sa kusina. Nanatili na lang ako sa sala at nakatayo. Iniwan ko pa naman ang sirang cellphone ko sa labas, pagagalitan kaya ako?   Pumihit ako patalikod para sana kunin ang sira kong cellphone sa labas ng tawagin na ako ni Shayne.   "Nasa movie room sila. Mauna ka na may kukunin lang ako sa kotse." Tumango ako atsaka niya ako nilagpasan.   Hindi naman ako sinabihan ni Tyrone, bakit ako pupunta? Baka hindi ako welcome sa meeting na 'yon. Ayst! Bahala na.   Tinungo ko ang underground. Dahan dahan kong binuksan ang pinto, baka dito pa sa gym tumambay ang mga pinsan ko. Wala namang tao pagbukas ko. Nagkibit balikat ako bago pumasok at tahakin ang kabilang parte ng silid para puntahan ang pinto kung nasaan ang movie room.   Huminga muna ako ng malalim bago kumatok. Nang sa ikatlong katok bumukas na ang pinto.   "Tanya," nangatog ang tuhod ko. "Tara dito sa loob. Kayo na lang ni Shayne ang hinihintay. Did you see her?" Nakangiti siya kaya sinuklian ko rin siya ng ngiti kahit sobra akong kinakabahan.   "M—may binalikan lang sa kotse." Nagmumukha tuloy akong ewan sa harapan niya. Ayst! Tanya!   "Halika na dito." Masaya siya ng hilahin niya ako papasok sa loob. Masayahin siya at mabait, kaya siguro siya nagustuhan ni Premier.   Inilibot ko ang paningin ko sa buong silid. Kompleto na nga sila. Maliban kay Kuya Claude, exempted siya sa ganitong mga pag-uusap aniya pa hindi naman daw ito ganun'n ka-importante para pag-usapan pa.   Sa tabi ako ni Joao naupo, sa puting couch malapit sa pinto. Nginitian niya ako kaya sinuklian ko rin siya ng ngiti. Isa siya sa pinagkakaguluhan dahil sa bad boy image niya, anila mas attractive pag bad boy. Ewan ko lang. Para kasi sa'kin, mas attractive pag misteryoso pero mabait. Just like Premier.   "I heard, Ally attacked you at the library. Sinaktan ka ba niya?" Nilingon ko ang mahinang pagpapahayag ni Joao. He looks worried and sad. Umiling na lang ako. Ayokong pinag-aalala ang pamilya ko. "Mabuti 'yon. Hindi na nga namin pinarating kay Tyrone at baka magkagulo pa." Panigurado 'yon.   "Salamat."   Pumasok na si Shayne at nagsimula ng pag-usapan ang nalalapit na kaarawan ng kapatid ko.   "Come to think of it, Tyrone. Mas masaya kung dito na lang sa mansyon gaganapin ang party, para lang sa pamilya. Mas safe para kay.." Tumingin sa akin si Ate Isha. "Piarra."   Pati ba naman sa kaarawan na 'to ako pa rin ang iisipin nila. Hindi ba puwede na alisin nila ako sa mga iisipin pag ganitong mahahalagang bagay? Mas lalo akong nakokonsensya.   "What about our friends?" Kontra ni Shayne. "Hotel is the best reception, Tyrone. ACS Hotel is the top hotel here in the Philippines, just gave it a try. You may thank me later." She winked at Tyrone.   Kung saan siya masaya, bakit hindi? Isang beses lang sa isang taon dumarating ang araw na 'yon kaya dapat yung memorable. I'm wishing you for the better, Kuya Tyrone.   "Okay," tinignan namin siya.   "Really? Alright! This is going to be the best Party, Tyrone." Nakangiting pahayag ni Shayne. Lahat naman talaga magiging masaya para sa party na 'yon.   "Party na 'to, bro." Tinapik pa siya ni Wayne. "Mag iimbita ako ng maraming chicks, be gentle bro." Ngiting ngiti na pahayag naman ni Kuya Tyler. "Girls again." Yumi's muttered.   "Walang party.." Kinabahan ako. Sabay sabay namin na nilingon si Tyrone. Nakatitig lang siya sa sahig habang nakasandal sa sofa at naka crossed arms. "Dinner. Dinner na lang dito sa bahay. Baka, the day after my birthday na lang ang party." Tumayo siya. Sinundan ko siya ng tingin ng lumapit na siya sa may pinto. "Puwede na kayong umuwi. Mag club na lang tayo para sa party." Atsaka siya lumabas ng silid.   Is there any problem?   Narinig ko ang sabay-sabay nilang pag buntong hininga, kaya nilingon ko sila.   "May problema ba?" Tanong ni Shawn. "Wala naman akong natatandaan." Umiiling na sagot ni Kuya Tyler. "Baka naman may naalala lang." Pagpapakalma ni Yumi. "Ano? Wala namang bad history si Tyrone nung birth—" lahat kami nilingon si Kuya Wesley.   I get it. Something bad had happened.   Napayuko ako sa naalala. I’ll never forget about that day. Napagalitan siya ng buong pamilya sa mismong kaarawan niya, at dahil 'yon sa akin.   Naramdaman kong may humaplos sa likod ko.   "It's okay, Piarra. Natatakot lang talaga siya." Boses iyon ni Kuya Steve. "Time to take some rest, Tanya." Inangat ko ang tingin ko. Nakatingin na pala silang lahat sa akin.   "Go talk to him. Mag party kayo sa hotel. Ayos lang ako." Nakokonsensya ako.   Kaarawan niya 'yon kaya dapat hindi ako ang inaalala niya. Nagiging pabigat na ako sa kanila, matagal na!   "Tanya, are you okay? Kanina  ka pa tulala." Ngumiti lang ako ng hilaw bago bumalik sa kanina ko pang ginagawa.   Natatakot na akong magkamali. Nagsakripisyo silang lahat para sa akin, kaya dapat suklian ko.   Iniisip ko nga minsan na baka galit sa akin ang mga pinsan ko, kinikimkim lang nila. Hindi lang kasi ako ang may limitasyon pati na rin sila. I hate myself that much.   "HINDI KA PA NAKUNTENTO PATI PINSAN KO NILALANDI MO! SINO PA BA ANG ISUSUNOD MO? ANG MANIEGO ROYALTY? OO NGA PALA! NAGSIMULA KA NA KAY TYRONE. KAYA ITO ANG NARARAPAT SAYO!" namalayan ko na lang na basang basa na ako. Inangat ko ang tingin ko. Sino pa ba ang aasahan ko? Xandra.   Hindi ako kumibo sa pagkakaupo. Wala akong dapat na ikagalit dahil ito nakukuha ng katulad kong pinipilit ang mga bagay na hindi dapat. Kung nakuntento na lang sana ako sa Academy at naghintay hindi mangyayari 'to.   "Ano? Natauhan ka na?" Nilingon ko si Farrah at Eunice. Pareho silang nag-aalala para sa akin, wag na lang sana kayong makialam.   Tumayo ako pinagpag ang sarili ko na naliligo na sa juice. Nilingon ko ang tatlong magkakaibigan.   "What are you looking at!?" Nanggagalaiting saad niya.   Magsasalita na sana ako ng may humila sa braso ko at itinabi sa likod niya.   "Hindi mo ba talaga siya titigilan? Baka nakakalimutan mo may utang na loob ka sa akin," tinitigan ko ang body built niya mula dito sa likod. "Twin." At huli na ng malaman ko na si halimaw 'yon.   Why is he doing all this? We're not even friends para kalabanin niya ang kambal niya.   "I'm not gonna pay you if this will be the one you want in return. You know how I hate her that much" umirap siya. "Twin."   "You know how I hate a fvcking b*tch that will try to touch my property, Xandra! Ako ang makakalaban niyo." Nararamdaman ko ang galit niya dahil sa pagkuyom ng mga kamay niya.   Nanlalambot na ang mga tuhod ko sa takot. Ano ba kasi ang nangyayari?   "What the hell are you doing, Azzrael!? You are not like this! You never show any concern for others, either to your own sister!" Naramdaman ko naman ang pait sa pagkakasabi niya.   Kahit galit siya sa akin nararamdaman ko parin ang awa para sa kanya.   "Noon yun. From now on, no one could ever touch her. Ako lang ang may karapatan. Ako lang!" Pagkatapos nu'n hinila na niya ako palayo sa mga kaibigan ko at sa kapatid niya.   Hindi ko alam kung bakit sumusunod ang mga paa ko sa bawat hakbang niya palayo sa lahat. Mas gugustuhin ko ang ganito kaysa nasa harapan nila at kinakawawa.   Naramdaman ko na lang ang pagtama ng mukha ko sa likod niya. Huminto na pala siya. Ang tigas ng likod niya ah!   "Ayos ka lang?" Bumitaw siya sa pagkakahawak sa akin tsaka naman niya hinawakan ang mukha ko gamit ang dalawang kamay niya.   Tinitigan niya ako. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid para iwasan ang titig niya. Nakakatakot ang titig niya.   "Tanya, ayos ka lang?" Pag-uulit pa niya. Natigilan ako at sinalubong na ang titig niya.   "Kilala mo ako?" Bumitaw siya sa pagkakahawak sa mukha ko. Hindi niya siguro inaasahan ang tanong ko. Pero wala namang masama sa tanong ko.   Napakamot ang isa niyang kamay sa batok habang ang isa naman ay nasa bulsa niya. Para tuloy siyang model. What!? Hindi 'no! Ano ba kasing iniisip ko.   Umiling na lang ako at nilagpasan siya. Nagtungo ako sa may fishpond na napapalibutan ng magagandang bulaklak. Ngayon lang ako nakapunta dito, para itong hardin ng mga diwata, buhay na buhay ang mga bulaklak.   "Bagay ka dito." Nilingon ko siya. Naglalakad na siya papalapit sa akin.   "Bakit? Mukha akong hardinera?" Saraktikong sagot ko bago hinarap muli ang fishpond.   "Of course not. You're a goddess. And a goddess like you belongs here." Nanlambot ako sa pagtabi niya sa akin. "Galit ka pa ba sa akin?"   Sa pagkakataong ito nilingon ko na siya. Hindi siya nakatingin sa akin, nakatuon lang ang tingin niya sa pond.   "I'm sorry. Hindi naging maganda ang una nating pagkikita at naging makulit pa ako sa pangalawang pagkakataon." Nilingon niya ako, ako naman ang umiwas ng tingin. "Ako nga pala si Azzrael Caleb Sarmiento."   Naestatwa ako ng maglahad siya ng kamay sa harapan ko. Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Ngumiti siya.   Kinakabahan ako ng tanggapin ko ang kamay niya. "Pi— Tanya Medina."   "Nice meeting you, Tanya. Ang ganda mo naman." Bumitaw ako sa hiya. s**t.   Tumalikod ako nag umpisa ng maglakad palabas ng hardin. Nakakatunaw ang ngiti at titig niya.   Nakayuko lang ako habang naglalakad. Namumula ata ako.   "Kailan kami magkikita?" Inangat ko ang tingin ko at hinanap ang boses. Bakit parang pamilyar ang boses na 'yon?   "Hatid na kita." Napapitlag ako sa gulat. Kung saan-saan sumusulpot, e.   "Wala kang gagawin?" Kanina pa siya sama ng sama sa akin, baka may klase siya.   "Meron. Pero hindi naman importante para iwan kita." Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. "Easy. Basketball practice lang 'yon." Nakangisi niyang sagot habang nakataas ang dalawang kamay na parang sumusuko.   "Mag practice ka na. Baka ako pa ang sisihin ng captain niyo sa pagkawala mo sa practice." Sabay lang kami sa paglalakad, nasa tabi ko siya at tahimik. Hindi naman pala siya ganu'n ka-dangerous kasama.   "So dapat pala kitang sisihin?" Natigil ako ng harangan niya ako sa paglalakad. Nakaharap lang siya sa akin habang nakangisi. "Sorry." Napansin niya siguro ang pagiging seryoso ko kaya umalis na siya sa harapan ko at muling tumabi sa akin.   Hindi pala importante para sa isang captain ng basketball ang pagiging absent sa practice?   "Inattentive." bulong ko tsaka nagsimula ng maglakad.   Napalakas siguro ang pagkakasabi ko dahil hinila niya ang braso ko at hinarap ako sa kanya.   "Hindi naman sa ganu'n. Hindi lang talaga kita maiwan kaya hindi na ako umattend. Natawagan ko na sila kanina. Kaya wag mo ng isipin na inattentive ako." Nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalala at takot.   "Bakit ka nagpapaliwanag?" Seryosong tanong ko na nagpabitaw sa hawak niya.   "Wala. Tara na." Naglakad na siya at nagawa pa akong iwan.   Akala ko ba hindi niya ako maiwan? Tapos tatalikuran niya lang ako?   Ugh!   "While you hate your life just because you can’t get what you want, someone is praying to have a life like yours."   Mas lalo kong naririnig ang boses na 'yon, mas lalo akong nalalapit. Premier.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD