Unknown number
"So, it's true? May gusto ka sa pinsan ko?" Matapos ang kahindikhindik na pangyayari, sinabayan naman ako sa paglalakad nitong halimaw na 'to.
Kanina pa siya paulit-ulit sa pinsan niya na hindi ko naman maintindihan kung sino.
"Sino ba kasi yung pinsan mo?" Diretso lang ang tingin ko sa daan. Ayokong makita ang pang-iinis ng ekspresyon niya.
Narinig ko ang mahinang halakhak niya. Subukan niyang lakasan mapapatid ko siya.
"You mean you didn't know? Premier is my cousin, first cousin to be exact." Natigilan ako. Sigurado ba siya? Baka naman ampon siya.
Magkalayong-magkalayo ang ugali nilang dalawa, Mysterious type si Premier at itong halimaw na 'to? Hambog. Sabagay, magpinsan lang naman sila.
"Hindi mo talaga alam? Kilala ang pamilya namin, bakit hindi mo alam?" Andito na naman po tayo sa kapangyarihang taglay nila. Bakit ba hilig nilang ipagyabang kung anong mayroon sila, wala namang nagtatanong.
"Hindi ko gustong malaman, tsaka pag-aaksaya lang iyon ng oras." Nagpatuloy ako sa paglalakad para iwan siya. Pero hindi ako nagtagumpay, sinundan niya pa rin ako.
"I can give you my time." Tumabi siya sa'kin sa paglalakad. Hindi ko siya nilingon. Siguradong nang-iinis 'yan.
"I have my own time. You don’t have to give me yours." Nilingon ko na siya at nginitian. " Just in case you don’t know it. Bye." Tumakbo na ako para makasakay sa kotse. Nakalabas na rin kasi ang kotse ko, ako na lang talaga ang hinihintay.
Hindi naman pala masamang kausap ang halimaw na 'yon, hindi lang talaga naging maganda ang una naming pagkikita. Pero bawal pa rin akong lumapit sakanya, kay Xandra, Ally pati na rin kay Premier.
"Miss Tanya, sino po yung kasama niyo?" Patay! Nakalimutan ko! May nagbabantay nga pala sa akin.
"A—ano po kasi..." Sino nga ba 'yon? "Tinulungan niya ako kanina, may nabangga kasi ako." Hindi ko na sasabihin kung sino.
"Ah ganu'n po ba. Uuwi na po tayo." Pinaandar na ni Mang Garry ang kotse. Mabuti na lang at hindi siya tsismoso.
Ilang minutong biyahe din ang hihintayin ko bago makauwi. Kinuha ko ang Cellphone ko sa bag, may isang message.
From: Unknown number.
Ingat!
Ingat? Saan? Tsaka sino naman 'to? Kailangan ko ng magpalit ng number, hindi puwede na may nagtetext sa akin na hindi ko kilala.
I will buy one tomorrow, or si Tyrone na lang ang pabibilhin ko.
"Mang Garry, idaan niyo po ako sa bahay ni Uncle Benedict. Kakausapin ko lang po sana si Tammy." Kailangan kong mag-sorry ulit. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko masasabi 'yon.
"Sige po." Papasok na kami ng Village. Nasa ikalawang bahay sa left side ang bahay nila, malayo sa bahay namin.
Nadaanan namin ang unang bahay sa left side—Uncle Russel's house. Unang bahay sa right side—Aunt Catalina's house. At huminto kami sa ikawalang bahay sa left side—Tammy's house.
"Mauna na po kayo, Manong. Maglalakad na lang po ako pauwi." Gusto ko rin ang maglakad-lakad ng mag-isa, kahit minsan.
"Malayo po dito ang mansyon. Mapapagod lang po kayo." Walong bahay lang ang mayroon dito sa Village, pero malalaki ang agwat ng bawat isa. Lalo na ang layo ng bahay namin.
"Exercise na rin po 'yon, Manong. Pasabi na lang po sa bahay." Iniwan ko ang bag ko sa kotse, cellphone lang ang tangi kong dala.
Hinintay ko muna ang pag-alis ng kotse bago tumalikod at harapin ang bahay nina Tammy. Humakbang ako ng konti para makalapit sa gate. Kinakabahan ako. Nanginginig ang kamay ko sa pagpindot ng doorbell. Dalawang beses ko itong pinindot bago ako pagbuksan ng maid nila.
"Miss, Tanya? Bakit po kayo nandito sa labas? Pasok po kayo." Inilahad niya sa akin ang loob. Tumango ako atsaka pumasok. Ganito nila ako itrato dito. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto na ikinahiya ko ng sobra. "Ano po ang maipaglilingkod ko? Maiinom? Makakain?" Halata ko sa ikinikilos niya ang kaba at takot. Mas lalo tuloy akong kinabahan.
"Hindi po ako nagugutom. Si Tammy po talaga ang ipinunta ko dito. May sasabihin lang po sana ako." Nahihiya ko itong isinatinig.
"Paumanhin, Miss Tanya. Wala pa po siya dito. Pag ganitong may pasok po kasi dumidiretso na siya sa trabaho." Nasa shooting siya kung ganu'n. "Kung mamarapatin po ninyo, ako na lang po ang maghahatid ng gusto niyong sabihin." Masyadong pormal.
Tumayo ako. "Babalik na lang po ako. Sorry po sa abala." Ngumiti ako. Puwede ko naman na ipasabi ang gusto kong sabihin kay Tammy, sadyang may ibang balak talaga ang puso ko.
Nagpaalam na ako. Hinatid ako ni Manang sa labas at nag-alok din na ipahatid ako ng isa sa mga kotse nina Tammy, aniya pa may isang free driver din daw sila dito. Tumanggi ako. Nakakahiya.
Naglakad ako. Ngayon ko lang 'to nalakad. Lagi kasi kaming naka-kotse. Mas mabuti na 'to, may nagagawa akong bago.
Kahit na maglakad ako hindi rin naman ako makikita sa labas ng Village. Paikot ang Village na 'to, kahit ang unang bahay hindi mo makikita sa labas. Secured na secured.
*beep*
*beep*
Napaigtad ako tsaka lumingon. Nanggugulat ang taong 'to ah. Hindi ito kotse namin. Siguro sa mga pinsan ko. Tumabi ako ng konti. Wala rin naman ako sa gitna para bumusina siya ng pagkalakas-lakas.
Umandar pa ito ng bahagya at tumapat sa akin. Kaninong kotse kaya 'to? Unti-unting bumababa ang bintana.
"What exactly do you think your’re doing!?" Damn! Kaninong kotse ang gamit niya? Napapikit ako ng mariin at yumuko. Anong gulo pa po ba ang ibibigay niyo? Para isahan na lang -_-
Inangat ko ang tingin ko at marahan na lumalapit sa kotse. "M—may dinaanan lang." Huminto ako ng hindi kalayuan sa kotse.
"Get in! Fvck! Pag may nangyari sa'yo hindi ko mapapatawad ang sarili ko." Naestatwa ako. He's really mad. "What the hell are you waiting for? Get in!" Nataranta akong kumilos para makasakay. Ginalit ko na naman siya.
Sa likod na ako naupo. Natatakot akong tumabi sa kanya. Tiyak nag-aalab na naman ang mata niya sa galit.
Tahimik lang ako sa likod habang pinaglalaruan ng mga daliri ko ang hawak kong cellphone. Napukaw ang atensyon ko ng mag ilaw ito—one message.
Tinignan ko muna ang kapatid ko bago buksan ang mensahe.
From: Unknown number
Being late is stressing me. Right now, I hate the word late. Don't worry, I will be there if you need me. Hindi na ako mahuhuli. Pangako.
Again? Sino ka ba? Hindi ko siya puwedeng replay-an dahil namomonitor nila ang cellphone ko. Kung sino ka man, tigilan mo na ako.
Napaigtad ako ng biglang bumukas ang pinto. Andito na pala kami, hindi ko napansin.
Binalingan ko ang nagbukas ng pinto, nanginginig na naman ako sa takot. Umiigting ang bagang niya sa galit. My gosh!
Umiwas siya ng tingin, sinundan ko naman ang tingin niya. Sa phone ko siya nakatingin? Why? "Who texted you?" Nangatog ang binti ko sa takot. Agad ko itong itinabi sa gilid ko, 'yong hindi niya nakikita. "Are you hiding something from me? Wag mo ng hintayin na magalit pa 'ko, Pia." Malumanay pero nagtitimpi. Alright Kuya Claude. I’m doomed.
Dahan-dahan kong inilahad sa kanya ang cellphone ko. Hindi ko rin naman matatago 'yon. Kinuha niya ito atsaka binuksan. Napapikit ako ng mariin, nakakatakot siya.
Mabilis ko rin itong minulat ng marinig ko ang tunog ng isang nalaglag na bagay.
"They can detect much more than you think!" 'Yon lang ang sinabi niya bago niya 'ko talikuran at iwan.
Tinapon niya ang phone ko. Wala na akong phone.
Bumaba ako ng kotse at kinuha ang basag kong cellphone. Hindi na 'to puwede. Sinayang lang niya ang halaga ng isang bagay. Inangat ko ang tingin ko sa nakatalikod kong kapatid na naglalakad patungo sa loob ng bahay, hindi ko talaga kayo maintindihan.