Dinner
JULY 21st, tahimik at walang kibo ang bawat isa sa amin. Nagmamasid na tila may pinaghahandaan na laban. Pinagmasdan ko ang bawat isa sa mga pinsan ko, nakatulala na parang may malalim na iniisip. Nasa kabilang mesa ang mga magulang namin at nagpapasalamat ako dahil nakauwi si Mama sa kaarawan ni Tyrone, pero si Daddy...
"Don't make us uncomfortable guys. Let's just enjoy the night. After all, it's Tyrone's birthday." Nakangiti at tila walang problema na pagpapakalma ni Ate Scylla. Pansin ang tensyon ng bawat isa dahil pasimple sila kung sumulyap kay Tyrone. Ramdam ko rin ang lungkot na nararamdaman ng kapatid ko. I can feel the guilt rising within.
Birthday niya pero hindi namin maramdaman. Birthday niya pero parang hindi. Birthday niya pero wala si Daddy.
Nagsimula kaming kumain ng damputin ni Tyrone ang kobyertos niya. Kanina pa may nakahain na pagkain sa hapag ngunit walang naglakas loob na kumain. Pero dahil si Tyrone na ang nagsimula, sumunod na lang din kami.
Naging tahimik ang gabi para sa amin. Hindi ko alam kung bakit, pero ang alam ko lang ramdam ng lahat ang lungkot ni Tyrone. Sa gabing ito at sa araw ng kaarawan niya, ipinadarama ulit sa kanya ang nagyari isang taon na ang nakakalipas.
Ramdam ang galit at pagkamuhi ni Daddy. Namumula ito sa galit at pilit na tumatayo sa pagpipigil ni Mama para pagsabihan si Tyrone, sa harap ng mga kaibigan niya.
"Hindi na talaga mapagsasabihan ang batang 'yan. Sinabi ko na sa kanya na hindi siya pwedeng magdala ng kung sino dito dahil sa kapatid niya pero pinagpilitan niya ang gusto niya." Naiiyak akong nakayakap kay Nanay Rosa. Nagagalit si Daddy kay Tyrone. Nagagalit siya kay Tyrone dahil sa akin.
"Mabuti na lang at nailabas niyo agad si Piarra." Bumaling siya sa amin. Umiiyak lang ako habang nakikinig sa mga salitang binibitawan niya para sa kapatid ko. "Stop crying my princess." Hindi siya lumapit bagkos hinawi niya ang kamay ni Mama na nakahawak sa mga braso niya. Tumayo ito. "Habang maaga pa dapat pinuputol na ang sungay niya." Lumabas si Daddy ng kwarto ko at pabagsak na sinarado ang pinto.
Basta ang alam ko lang, napagalitan siya at napahiya sa harapan ng lahat, sa harapan ng mga kaibigan niya. Maagang natapos ang birthday niyang iyon dahil sa nangyari. Hindi iyon nakalimutan ng lahat dahil isa siyang Maniego. Maging siya hanggang ngayon ay dala-dala pa rin ang mga pangyayaring 'yon. Lalo na't wala ngayon si Daddy para ipaalala sa kanya ang nagawa niya.
Nasa isang meeting si Daddy para sa nalalapit na pagbubukas ng bagong building sa France. Iyong building na pinagkaka-abalahan hanggang ngayon ni Kuya Apollo. Tanggap na namin para sa isang anak ng businessman, money comes first before anything.
"Kung ako ang tatanungin, mas okay itong ganito lang. Tahimik at hindi magulo." Tapos na kaming kumain kaya nagke-kwentuhan na lamang. Tahimik na sumang-ayon ang iba sa sinabi ni Shawn.
"And a family gathering either. Minsan na lang din 'to kung mangyari, di ba?" Napangiti ako sa sinabi ni Ate Hillary. Minsan na nga lang kulang pa rin kami.
"So cheer up, Tyrone. Let's just have some fun." Pilit nilang pinasasaya si Tyrone. Napapangiti na lang din ako. Kung hindi dahil sa akin masaya sana ang birthday mo.
Nagkakasiyahan na sila. Nagtatawanan. Nagbibiruan.
"I can't help but ask." Nahinto sila sa tawanan dahil sa sinabi ni Wayne. Nilingon namin siya. Nakatingin siya sa akin. Ako ba ang kinakausap niya? "I just wondering every time I see you, there is always a Sarmiento besides you? Is he your new bodyguard or what?"
"Shut up! Wayne!" Namilog ang mata ng lahat sa sigaw ni Skye. Maging ang nasa kabilang mesa nilingon kami.
"Mga Tita, Tito, ayos lang po kami. May mukhang nagseselos lang." Pagbibiro ni Ate Scylla. Bumalik sa dating ginagawa sina Mama at kami...
"Are you still hoping, Skye?" Gulat na tanong ni Kuya Gavin. "Sino ba naman ang hindi, di ba? She's a princess. I wonder, that Sarmiento is chasing her."
Anong topic ba 'to? Bakit ako na ang pinag-uusapan nila? At tungkol pa sa halimaw na 'yon? Ugh.
"Don't give her up, Skye. Ikaw ang manok ko." Tinapik pa siya ni Kuya Wesley. Natawa si Skye sa simpatya na binigay sa kanya ni Kuya Wesley.
"Just gave it a try, Skye. Magkakaroon ka rin ng pag-asa." Natatawang biro naman ni Joao.
Birthday nga ni Tyrone ako pa rin ang topic nila. Sorry Tyrone.
"But keep this in your mind. Maniego are still a Maniego. Marami ka pang pagdadaanan bago makarating sa paroroonan. Sa makatuwid, dadaan ka muna sa amin bago sa kanya." Nanlumo ako sa pinagsasabi ni Kuya Steve. Nakakahiya.
Kasabihan ba yan?
"Just do your best, Skye. Mahirap makuha ang boto ng mga 'yan." Natawa na lang si Skye sa pinagsasabi ng mga pinsan ko. Napapailing na lang din ako.
Nagtatawanan sila ng mahagip ng paningin ko ang pagtitig ni Skye. Ngumiti ako. Napakamot siya sa batok at nahihiyang ngumiti.
Napakalayo na niya sa dating isip bata at madaldal na Skye. May kadaldalan pa rin naman siya kaya lang nabawasan ng konti. Mature na siya kung titignan at aaminin ko hindi normal ang itsura niya, may katangkaran at tiyak na habulin din siya ng mga babae.
"Wait up, you guys. I always have something to do. Para naman hindi maging boring ang gabing 'to." Tumayo si Ate Isha at nagpaalam. Hindi na nasundan ng paningin ko kung saan siya pupunta, pero sana maging sagot nga 'yon sa problema namin.
Bumalik si Ate Isha at napansin ko ang pagsenyas niya sa hindi ko malaman kung saan o kanino. Saglit na natahimik ang lahat dahil sa himig.
I looked away, then I look back at you
You tried to say, things that you can't undo
If I had my way, I'd never get over you
Today's the day, I pray that we make it through
Make it through the fall, make it through it all
"Is that Fall to Pieces by Avril Lavigne? OMG! I wanna go dancing. Shawn, let's dance." Nagtitili si Shayne at pilit na itinatayo ang kakambal para sumayaw.
"Pagod ako. Iba na lang ang isayaw mo. 'Yan oh, si Wayne." Tinuro pa niya si Wayne na busy naman sa pakikipag-usap kay Joao.
Tumingin naman si Wayne at itinuro ang sarili. "Ako? Masakit ang paa ko. Iba na lang." Umiling pa siya at natatawang tumingin sa kaninang kausap. "Itong si Joao magaling sumayaw. Siya na lang ang isayaw mo."
"Eh kasi—" hindi natapos ni Joao ang sasabihin ng magkatinginan silang tatlo nang padabog na umalis si Shayne, nagtawanan pa sila ng makalayo na ito.
"Bakit kasi hindi ka na lang pumayag, Joao? Magaling ka naman sumayaw, di ba." Nagbibiruan pa rin sila sa ginawa nila kay Shayne. Anila masakit daw makaapak ng paa si Shayne dahil sa pointed heels nito, hindi pa naman daw 'yon marunong sumayaw.
Kaya pala.
Tinignan ko ang katabi ko. Tulala pa rin siya hanggang ngayon. Hinawakan ko ang kamay niya.
"Let's dance?" Saka ako ngumiti.
Ngumiti siya ng mapait ng tinignan niya ako. Kita sa mga mata niya ang lungkot. Hindi mo iisipin na bad boy ang isang 'to dahil sa itsura niya ngayon. Nakakaawa.
"Piarra," Sabay kaming napalingon ni Tyrone, it's Skye. "Can I have a dance?" Inilahad niya ang kamay niya sa akin. Napalunok ako. Sasayaw pa kami ni Tyrone.
Nilingon ko ang kapatid ko. Ngumiti siya. Yung totoong ngiti.
"Go. Dance with him. Si Mama na lang muna ang isasayaw ko." Tumayo siya na hawak hawak pa rin ang kamay ko, at nabigla ng ipatong niya iyon sa nakalahad na kamay ni Skye. Tinapik niya ito sa balikat. "I trust you, bro. Don't disappoint me. Just take care of her." Ngumiti siya tsaka umalis at nagtungo sa mesa nina Mama.
Mayroon ba siyang ibig sabihin du'n? Sana wala.
"Let's go?" Tumayo ako at inalalayan ni Skye sa dance floor.
And I don't want to fall to pieces
I just want to sit and stare at you
Sumasayaw na tila hindi alam ang gagawin. Nahihiya ako. Hiyang hiya sa lahat ng sinabi ng mga pinsan ko sa lalaking kasayaw ko ngayon. Kahit pa sabihin nilang normal na asaran na lang 'yon, pero iba na ngayon. Ibang iba na sa dating mga bata na laging inaasar at pinagtatambal.
"Sana lagi tayong ganito." Inangat ko ang tingin ko sa kanya ng hindi ko naintindihan ang sinabi niya.
"What?" Bahagya akong lumapit sa kanya para marinig ang sasabihin niya.
"Wala. I said you're beautiful. Alam mo na naman 'yon." Ngumiti siya. Ngiting ngayon ko lang nakita sa kanya.
I don't wanna talk about it
And I don't want a conversation
"Sino ba talaga si Sarmiento sa buhay mo?" Nanliit ang mga mata niya sa sariling tanong.
"I don't know. What I mean is, wala. Wala naman talaga ." Diretso at makatotohanan kong sagot sa kanya. Wala naman akong dapat itago. He's my friend.
"You sound defensive o ako lang talaga ang nag-iisip? Bakit parang namumutla ka?" Umiling ako.
"I'm fine. Ikaw kasi." Umiwas ako ng tingin. Hindi ko alam ang nangyayari sa akin. Mas lalo akong nahihiya.
"Bakit ako? Tinatanong lang naman kita." Naramdaman ko ang pag angat ng balikat niya dahil sa malalim na paghinga. May asthma ba siya?
I just want to cry in front of you
I don't wanna talk about it cause I'm in love with you
"Piarra," tumaas ang lahat ng balahibo ko sa manly niyang pagkakasabi ng pangalan ko. Hindi ito ang una pero kakaiba. "Nagparamdam na ako sayo pero hindi ko alam kung sineryoso mo. Kaya uulitin ko—"
"Tyrone!" Mabilis naming nilingon ang sigaw.
"Tyrone!" Nanlambot ang tuhod ko sa nakita. Nakahandusay sa sahig at walang malay si Tyrone.
Anong nangyari?
Inalalayan ako ni Skye sa pagkakatayo, hindi ko kayang dalhin ang sarili ko sa nakita. Hindi ko kayang makita na ganyan ang kapatid ko. Hindi ko kaya.