Left
"He's just very stressed. That’s why his body passed out. Let him rest, that’s the only thing he needs." Tugon ni Aunt Chanel nang tanungin siya ni Mama kung bakit nawalan ng malay si Tyrone. Siya kasi ang tumingin kay Tyrone ng mawalan ito ng malay.
"I don't know where did he gets his stress. May problema ba ang batang 'yon?" Naging tahimik kami sa tanong ni Aunt Chanel. Hindi na kami bumalik sa attic at sa sala na lang kami tumahan. Tapos na rin naman kami kumain at nag lilinis na lang din naman ang mga katulong sa taas dahil sa naiwan na mga kalat.
"I don't have any idea. But I know my son. He's a happy go lucky person. Hindi ko alam na may dinadala na pala 'yong problema." Ganu'n ang pagkakakilala ng lahat kay Tyrone. Laging nakangiti at hindi mo pag iisipan na may problema nang dinadala. Dahil kung iisipin, ang katulad niyang mayroon nang lahat hindi na maghahangad ng kahit ano, 'yon ang alam nilang lahat.
"We don't have to be worried. Besides, he is a strong person. Hindi iyon bibigay nang basta-basta." Sumang-ayon kaming lahat sa sinabi ni Tyler. Sila kasi ang laging mag kasama ni Tyrone kaya kilalang kilala na niya ito.
"What if he collapsed again?" Naghintay kami ng sagot kay Aunt Chanel. Hindi ko masisisi si Tammy sa tanong niya. What if lang naman, pero sana 'wag na mangyari.
"Hindi naman siguro ganu'n kabigat na problema ang inaalala niya para mawalan pa ulit siya ng malay. We just need to talk to him about his problems if there’s any. Kung may maitutulong ba tayo sa problema niya upang mabawasan naman ang dinadala niya." Tumango kaming lahat sa sinabi ni Aunt Chanel at ang iba naman ay may side comment pa sa problema.
Kakausapin ko siya. Kailangan niya ngayon ng makakausap. Lagi na lang siya ang nagbibigay kapag kailangan ko, ngayon, ako naman ang tutulong sa problema niya. Hindi ganito ang pagkakakilala ko kay Tyrone, kaya dapat maibalik ko ang dating siya. The old innocent playboy.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Mabigat at tila ayaw nang gumalaw ng mga paa ko. Pinakakalma ko ang sarili ko sa hindi malaman na dahilan ngunit hindi ko magawa. Sobrang bigat ng pakiramdam ko na pati puso ko bumibilis na ang pagtibok.
Bumaba ako at agad nagtungo sa sala. Nakaupo doon si Mama, Kuya Claude, Frollo, maging si Grandma Lucia at Grandpa Ferd na dapat nasa Cebu sa mga oras na ito. Ngunit nasa harapan ko sila ngayon at umiinom ng kape. Nasaan si Tyrone?
Hindi nila ako napansin.
"Bakit hindi na lang po kayo dumito? Si Kuya Kris andito na sa Maynila dahil sa trabaho niya, kayo na lang po ni Mommy ang nasa Cebu." Pansin ko ang pag-aalala sa mga mata ni Mama.
Sa katunayan, sa Cebu nakatira ang pamilya Alonzo. Doon kasi namumuno ang dating mga ninuno namin sa politika. Nang mag kolehiyo si Mama nanirahan siya sa Maynila at sumabak sa pagmomodelo, at dito niya nakilala si Daddy. Si Uncle Kristopher at ang pamilya niya lumipat na din dito sa Maynila simula ng manalo at kinailangan niyang manatili dahil kakailanganin siya ng mga ito.
Kaya hindi ko rin maitatago ang pag-aalala para sa Grandma at Grandpa ko. Sila na lamang ang andoon at walang ng mag aalaga sa kanila. Kung pwede lang sana akong sumama sa kanila at alagaan sila ay gagawin ko. Pero lahat ay hindi pwede para sa isang tulad ko. Malayo sa reyalidad kung ano ang nararapat kong galawan.
"Alam mo naman na hindi namin basta lang iwanan ang Cebu. Andoon ang lahat ng pamilya natin, at ang lahat ng mga ala-ala na naiwan sa akin ng aking mga ninuno." Naiintindihan ko si Grandpa, ngunit ang maiwan silang dalawa at parehong may edad na ay hindi tama. Dapat magpahinga na lamang sila at inaalagaan.
"Dad, matatanda na po kayo. Kinakailangan niyo na nang magtitingin at mag aalaga sa inyo. Malayo ang Cebu dito sa Maynila para kamustahin ko kayo oras-oras. Du—"
"That is why I was planning to go with them..." Nilingon nila ang pwesto ko. Hindi ako ang nagsalita kundi ang nasa likuran ko. Lagpas ang tingin nila kaya humarap na rin ako sa likuran. "... back to Cebu." Tyrone.
Naglakad siya patungo sa lugar kung saan lang ako nakatayo, habang nakalagay ang parehong mga kamay niya sa bulsa ng hoodie na suot niya. Nang makalapit na siya sa akin, inalis niya ang kanang kamay niya sa bulsa tsaka ito inakbay sa akin at iniharap ako kay na Mama.
Ito ba ang dahilan kung bakit hindi tumitibok ng maayos ang puso ko? Ang dahilan kung bakit mabigat ang lahat ng laman ko? At ang dahilan kung bakit wala siya sa kanyang sarili nitong mga nakaraang araw?
"Nahihibang ka na ba, Tyrone?!" Ngayon ko lang narinig ang boses ni Kuya Claude simula kaninang umaga. At ngayon pa kung kailan hindi tamang oras para magalit.
"Masama na bang mag desisyon sa pamamahay na 'to? Kung hindi ako pagagalitan dahil sa kalokohan ko, pagagalitan naman ako sa mga bagay na gusto kong gawin." Inalis niya ang pagkaka-akbay sa akin tsaka sinabunutan ang sariling mga buhok.
Agad akong lumapit at hinawakan siya sa magkabilang braso mula sa likuran niya.
"Tyrone," Pagpapakalma ko sa kanya. "Shh..."
"Ang hindi ko lang matanggap... na sa'ming magkakapatid... ako lang ang hindi niyo kayang tanggapin..." Mabilis na dumapo ang aking kaliwang kamay sa aking bibig. Pilit na tinatago ang nararamdaman. Hindi ko pwedeng ipakita sa kay Tyrone ang lungkot dahil mas mabigat ang nararamdaman niya kaysa sa'kin.
Niyakap ko siya.
"Don't you ever say anything like that, Kuya." Bulong ko na mas ikina-iyak ko. I don't want him to leave us.
Marahan na tumayo si Mama at lumapit sa amin. Umalis ako sa pagkakayakap at bahagyang lumayo.
Niyakap ni Mama si Tyrone at doon bumuhos ang luha na kanina pa pinipigilan ni Tyrone. I must say, he's being totally brave and self-sacrificing.
"Anak ka namin, kaya hindi mo dapat iniisip ang mga bagay na 'yan. Hindi mo man nararamdaman, makita mo lang sana sa mga simpleng bagay na ginagawa namin para sa iyo at para sa mga kapatid mo." Lumandas na rin ang mga luha na kanina ko pa itinatago. I’ve been stricken.
Katulad ko rin si Tyrone, pero wala akong lakas ng loob kagaya sa kung anong mayroon siya ngayon. Ipit ang pag-iyak ko habang pinanunuod sila.
"I know. But... This is my final decision after thorough consideration. I will go forth with them." Humagulhol ako ng iyak.
Kung sa pagiging close, siya ang pinaka-malapit sa akin. Pero bakit kailangan na siya pa ang sasama?
Naramdaman ko na lang bigla ang init ng isang katawan. Inangat ko ang tingin ko. It's him. Nakangiti kahit na namumula na ang mga mata at Ilong dahil sa pag-iyak. He's smiling despite of everything. Despite of all the problems that he has been through.
"Uuwi naman ako every weekend just to check on you." Hindi ako tumigil. Mas lalo akong umiyak. Every weekend? Sanay akong nakikita siya tuwing umaga para paalalahanan ako na lagi lamang siya sa tabi-tabi para bantayan ako. And now, he's leaving.
Biglang huminto ang pag iyak ko pati na rin ang paghinga ko dahil sa bulong niya. "I have my eyes on you two." Sumilay ang nakakalokong ngisi niya kahit na parehas kaming nalulungkot sa mga susunod na mangyayari. "Just call my name, I'll be there. But this time sa cellphone ka na tatawag dahil hindi ko maririnig sa Cebu ang sigaw mo." Bahagya akong natawa.
Napapangiti na lamang ako sa mga naaalala. Pag kailangan ko ang tulong niya sa kahit anong bagay, sinisigaw ko lamang ang pangalan niya at ilang minuto lang nasa tabi ko na siya.
It's more different now. If I scream until my throat gets broken down, it won't change the fact that Tyrone is in Cebu, right now.
"So, tama nga ang balita. Wala na siya dito sa Maynila." Pakikinig na lang sa dalawa ang tangi kong magagawa.
Ako ang mas naapektuhan sa bahay. Wala ang mga magulang ko ngayong buwan at sa susunod na mga buwan dahil sa mahahalagang bagay, kaya hindi ko malaman kung apektado ba sila o hindi. Si Kuya Claude naman, hindi iyon magiging apektado ng sobra, dahil isa siya sa makakahinga ng maluwag. Para sa kanya pasanin lang si Tyrone dahil sa mga problema na dala nito. Isa rin naman si Frollo sa nag damdam sa pagkawala ni Tyrone, dahil idolo niya ito pagdating sa physical attitudes.
"I don't know. Baka tama sila o pwede rin na hindi. I didn't see him, since... last week? I'm not sure. But, for being famous and the apple of the eye, it's unexplainable. All I know is that he left shortly thereafter—it’s quite possible." Posible, dahil nasa Cebu na siya sa mga oras na 'to.
"Kahit na nakakainis siya madalas, mamimis ko ang pagkawala niya. Normal na para sa akin na makita siya para lang inisin ang buhay ng lahat ng mga estudyante dito." Pareho kaming nakatingin ni Eunice kay Farrah. Hindi ko naisip na hindi lang pala ako ang naapektuhan. Maging sila nasanay na rin na laging nakikita si Tyrone sa bawat araw na dumadaan sa buhay nila. "Nasanay lang siguro ako sa presensiya niya."
I felt really bad for them. If only I know how to solve these problems. I would do everything just to make things right and peaceful.
I wish, tomorrow is a serene day for me. There will be much pain and sorrow if there’s still another problem that will come to torture me. Again.