Kabanata 23

1870 Words
Rival   Pauwi na ako at tila walang buhay na naglalakad patungo sa parking lot. Uuwi ako sa bahay na wala si Tyrone. Uuwi ako na kulang na naman kami sa bahay. Uuwi ako sa walang buhay na bahay na 'yon.   Palagi na lamang ako nagdadala ng iba't ibang problema. Palagi na lamang ako nakakaramdam ng sakit at kalungkutan. Wala nang puwang ang kahit anong bagay sa akin, dahil sa mga problema ko pa lamang ay punong puno na ako. Palagi na lang akong may bitbit na mabibigat na bagay sa puso ko, na tila bibigay na ano ma'ng oras.   "Tanya," huminto ako sa paglalakad at walang gana na hinarap si Sarmiento. Siya lang naman ang mahilig mangulit sa akin. Kahit pagbawalan ko hindi naman nakikinig. "May sakit ka ba?"   Mabilis na dumapo ang likod ng kamay niya sa noo ko, hinawi ko ito ngunit lumipat naman ito sa leeg ko. Bahagya akong lumayo para maalis ang kamay niya.   Tahimik lang ako habang nanatili na nakatayo at nakayuko sa harapan niya. Ayokong makipagtalo sa taong hindi marunong magpatalo.   Marahan siyang humakbang papalapit sa akin. Umurong ako ngunit madali niyang nahagilap ang aking bewang at idinikit ako sa kanyang katawan. Naestatwa ako at nanigas sa pwesto namin. Hindi ko siya tinignan, nanatili ang aking paningin sa kanyang dibdib.   Mukhang matigas ito kahit na may saplot. No! Dammit! What am I thinking?!   "Look at me," hindi ako kumibo.   Hindi ko siya puwedeng tignan. Marahil dahil lamang sa puwesto namin ngayon kaya ako nagkakaganito. Tila kumakalabog at bumibilis ang t***k ng puso ko, na hindi normal para sa akin.   "Just look at my eyes, baby." Bahagyang gumalaw ang libreng kamay niya. Mas lalong naghuromentado ang puso ko nang nakahawak na ito sa baba ko habang inaangat ang mukha ko.   Habang tinitignan ko ang mga mata niya nakaramdam ako ng paggaan ng buong pagkatao ko. Nawala ang lahat ng iniisip ko at problema. Para akong malayang ibon na walang problemang dala, at ang tangi ko lang na gagawin ay ang lumipad at damhin ang binibigay niyang proteksyon at kalinga.   "Tell me, what's on your mind?" I shook my head. His eyes narrowed into a curious look. "Please. I don't have anything. Ikaw lang mayroon ako. 'Wag mo naman sana akong balewalain."   Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagkakaganyan sa akin. Noong una galit na galit siya dahil hindi maganda ang pakikitungo ko sa kanya, pero ngayon halos ipagtulakan na niya ang sarili sa akin.   "I don't have time with your game, Sarmiento. Maraming gumugulo sa isip ko ngayon, kaya please, 'wag ka na sanang dumagdag." Humugot ako ng lakas para maitulak siya, ngunit sadyang malakas siya para magawa ko iyon. Nanatili kami sa gano'ng posisyon, at parang babagsak na ako sa panlalambot ng tuhod ko.   Mas lalo akong kinabahan ng unti-unti siyang nawawalan ng ekspresyon. Ang kanyang mga mata ay naging normal na lamang at tila walang iniisip. Kumalabog ang puso ko ng bumukas na ang kanyang mga labi.   "Caleb. Just call me Caleb." Mariin at garalgal niyang pagkakasabi. Diretso lamang ang tingin niya sa akin habang ino-obserbahan ang maaari kong gawin at sabihin.   "I want to hear it all from you. Ikaw lang ang gusto kong nagsasabi ng pangalan ko, dahil ikaw lang ang tangi kong pakikinggan." I bit my lower lip. His presence makes my life uneasy.   Mariin akong pumikit at pinagtulakan siya. "Hindi ka totoo dahil hindi basta-basta ang pagmamahal."   Kumalas siya sa pagkakahawak sa bewang kaya agad akong nakalayo sa kanya. Umurong ako at hindi na makatingin sa kanya ng diretso.   "Layuan mo na ako. Hindi ako ang tamang babae para sayo." Pumihit ako at naglakad ng hindi siya nililingon.   Nakahinga ako ng maluwag ng nakalayo na ako at hindi siya sumunod sa akin. Ngunit may parte sa akin na nanghihinayang nang hindi siya sumunod sa akin. Hindi ko rin maintindihan kung bakit nag horomentado ang buong sistema ko nung sobrang lapit namin sa isa't isa. It's just that, I'd never felt anything like that before. At hindi ko alam kung para saan iyon.   "Tanya," It's Skye. "Anong sinabi niya?" His anxious eyes make me inconsolable.   Naestatwa ako at kinakabahan habang kaharap si Skye. Nakita niya kaya lahat ng nangyari? Pati ang paghapit sa akin ni Sarmiento?! Dammit!   Hindi ako nagsalita at nanatiling nakatingin sa mga mata niya. Malungkot na ito at tila parang nawawalan na ng pag-asa.   "You never looked at me that way," napaawang ang labi ko sa sinabi niya.   Alam kong nasaktan siya dahil ilang beses na siya nagtapat sa akin. Ngunit, hindi ko binigyang pansin dahil sa pag-iingat kong masaktan siya. Mahal ko siya, ngunit mas mahal ko siya bilang isang matalik na kaibigan at hindi ko sisirain 'yon para lamang sa hindi makatarungan kong puso.   "S—Skye," nag-aalala ako para sa kanya, para sa aming dalawa. 'Wag naman sana siyang magsawa na pakisamahan ako sa lahat ng mga kakulangan ko. Kakulangan ng kaibigan na magbibigay lakas para sa akin.   "Don't make me feel that I don't have any chance to you. Though, na wala nga. But I would do everything and I will never give up on you. Nagtiis ako ng ilang taon at sumubok na pantayan ang pagmamahal ko sayo sa ibang babae, pero hindi ko kaya." Nakaramdam ako ng pagkamuhi sa sarili ko dahil sa ginawa ko sa kanya. Nagbulagbulagan ako sa mga posibilidad na dapat matagal ko ng nalaman.   Nanatili ang kanyang mga mata sa akin para suriin ako. Ngunit tila nagbabadya ang luha sa kanyang mga mata. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sakaling umiyak siya sa harapan ko at ako ang dahilan nito.   "Gusto ko lang sana malaman, kung sakaling magtapat siya sayo," namumula na ang kanyang mga mata habang nagpipigil sa kung anong gusto niyang gawin.   Umiiling ako habang humahakbang papalapit sa kanya. Hindi ko kaya na nakikita siyang ganyan.   "S—Skye, wag mo naman sanang hayaan na m-masaktan ang sarili mo..." Maaaring kinakaya niya dahil sa akin pero ako hindi ko kayang nasasaktan siya.   Hahawakan ko sana ang mga kamay niya ngunit nanginginig na ang mga kamay ko sa takot. Natatakot akong mawala na naman siya at iwan ako. Yumuko siya nang kumunot ang noo niya at hilaw na ngumiti sa akin. Pakiramdam ko kahit anong pagtatago ko 'wag lang siya masaktan, nasasaktan ko pa rin siya ng paulit-ulit.   "I get it now." Pinahid niya ang kumawalang mga luha na nagbabadya kanina pa. Tumingala ako habang kinakagat ang ibabang labi upang pilit na 'wag umiyak sa harapan niya. Nasasaktan na siya at ayokong madagdagan ko pa iyon.   "Skye, a—anong ibig mong sabihin?" Pinilit kong 'wag maiyak habang nakikita kong may ilang butil nang luha na bumabagsak sa mga mata niya. I don't want to see him like this. Crying.   "Mas kilala kita kaysa sa pagkakakilala niya sayo, pero sana 'wag mong iparamdam sa akin na hindi mo kilala ang sarili mo. Alam mong gusto mo siya, naiintindihan ko, at dahil mahal kita susuportahan kita sa kung saan ka masaya." Ngumiti siya kahit patuloy nang tumutulo ang mga luha niya. Namumula na rin ang mga mata niya dahil kanina pa ito nagpipilit na 'wag umiyak.   Hindi ko namalayan na umiiyak na rin pala ako. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay. I already hurt him and I hate myself for taking another important person away from me.   Nakaramdam ako ng yakap. And I know, it's him. Kahit nasaktan ko siya nagagawa niya pa rin na pagaanin ang dinadala kong sakit. I owe him for every single time that he did this to me.   "Shh. Stop crying, ‘cause I will hate myself even more." Mas lalo lamang ako naiyak dahil sa sinabi niya. Hinimas niya ang likod ko para patahanin habang nakayakap pa rin siya sa akin. "And I don't want to see my princess crying." Inalis ko ang mga kamay ko sa mukha at niyakap siya pabalik.   "S—Skye," umiiyak kong wika. I can't help myself but cry. I really want to say sorry for everything that I've done. But I can't utter any word, but his name.   "Tama na, Piarra. Nasasaktan na ako..." He muttered.   Lalayo na sana ako para pahidin ang mga luha ko pero may kung sino nang marahas na inilayo ako sa kay Skye. Nanlambot na naman ang mga tuhod ko nang masilayan ko ang nagsusumamo niyang mga mata habang nag-iigting ang kanyang mga bagang.   I really don’t get on what’s in his mind. He's like a puzzle to me and I need to fix him just to know his intention.   "From now on, I will elaborate on all the things that made me realize how'd much you mean to me. And just to let you know that I really like you." direkta sa mga mata ko ang titig niya habang tumatagos naman sa puso ko ang lahat ng sinabi niya.   Bakit?   Bakit ako?   Umiling ako. "Nagkakamali ka..."   "No! I really like you. I really, really like you and I want you until the rest of my life." Bumilis bigla ang t***k ng puso ko na parang gusto ng umalis nito sa dibdib ko.   "Just don't try to push me away once more. Please. I'm begging you." Pinagsiklop niya ang dalawa kong kamay atsaka niya ito hinawakan at nilagay sa ilalim ng baba niya.   "I'm begging you. Please, baby..." He uttered while his eyes are begging and pitying.   Umiwas ako sa titig niya at ibinaling ang nag-aalalang ekspresyon kay Skye. Nakamasid lamang siya sa amin habang sinusuri ang bawat detalye ng paggalaw ni Sarmiento. Hanggang sa nahuli niya ang titig ko.   Maloko siyang ngumisi kahit na namumula pa rin ang mga mata niya.   "Sarmiento," garalgal niyang isinatinig. Tinignan ko si Sarmiento na agad namang humarap kay Skye. "I'm still the thorn of your eternal love..." Lumuwag ang pagkakahawak sa akin ni Sarmiento. Tinignan ko siya, umiigting na naman ang kanyang bagang habang matalim na nakatingin kay Skye.   "And let us see how long would it be." Ngising aso na wika ni Skye na mas lalong nagpaalab sa galit ni Sarmiento.   "Do you think I’m scared? You're just a thorn, but I am your quietus." His confused eyes were directly targeting Skye's whole self. "I don't know you, but I'm getting curious about the capabilities you can do." Marahas siyang ngumisi habang isinisaayos ang paghawak sa isa kong kamay. Pinagsiklop niya ito at tila ayaw ng bitawan.   "I owe you for the defiance." Bago ko pa ma-realize ang lahat ng sinabi niya, nahila na niya ako palayo kay Skye. His hands are within mine with full of protection and satisfaction.   Sa tuwing kasama ko siya nakakaramdam ako ng kalayaan at takot. Takot na baka malaman niya ang tinatago ko at kapag nangyari yun mawawala na lamang ako na parang bula sa lahat. And I don't want that happening again.   "I will defy the world just to protect you, baby." Kusang bumuhos ang mga luha ko sa bawat salitang kumawala sa labi niya.   Huminto siya sa paglalakad at gano'n din ako dahil hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko. Hinarap niya ako sa kanya at tagos sa pusong tinitigan. His expression made me realize something—Contentment. With him.   But...   Will he protect me against my family?    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD