Mine
Hinatid ako ni Sarmiento sa parking lot habang hawak-hawak pa rin niya ang aking mga kamay. Ilang beses kong tinangka na alisin iyon ngunit ayaw niya at mas lalo pang hinihigpitan ang pagkakahawak dito.
Pagkarating namin sa parking lot hinanap agad ng mga mata ko ang kotse ni Ate Scylla. Luminga-linga pa ako ngunit hindi ko talaga makita. Hindi kaya iniwan na niya ako?
Nagtataka kong nilingon si Sarmiento ng maramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko. Pinisil niya iyon para kunin ang atensyon ko, at nagtagumpay naman siya sa gusto niyang mangyari dahil naka-ngisi na siya ng harapin ko.
"I will drive you home, baby." Nakangiti pati ang mga mata niya ng sabihin niya iyon. Anong problema ng isang 'to? Mukhang napakababaw ng kaligayahan.
"Let's go, ihahatid na kita." Nanlaki ang mga mata ko ng hilahin na niya ako.
Ihahatid? Hindi maaari. Isang kasalanan ang pagsuway sa aking mga magulang. Umurong ako at agad na umiling.
"Hindi puwede," umiiling kong pahayag habang pilit na inaalis ang kamay ko sa kanya. "Hindi talaga puwede,"
Kinakabahan ako sa puwedeng mangyari kung ipagpipilitan ni Sarmiento ang paghahatid sa akin. Tiyak na hindi talaga siya titigil. Sana may dumating na kahit isa sa mga pinsan ko para tulungan ako, natatakot na ako.
Humarap siya sa akin at hinawakan ang isa ko pang kamay.
"I will just drive you home. You're my girlfriend, and a boyfriend must be accompany his girlfriend. Shall we?" Hindi nawala ang ngiti sa kanyang mga labi at mga mata. Ang hirap tanggihan ng kanyang alok dahil napakasaya niya para sirain ko at hindi iyon mapapantayan ng kahit ano.
"C—Caleb." Hindi ko alam ang sasabihin. Natatakot akong isawalang bahala ang lahat. Mabait siya sa akin at hindi ko iyon makakalimutan.
"Tanya, magtiwala ka. Iingatan kita at aalagaan." Nagbago ang ekspresyon niya at napalitan ng lungkot. Ang kanyang mga mata ay tila nag mamaka-awa para paniwalaan ko.
Bahagyang kumurba ang mga labi ko at tumango. "I'll trust you. It's just that—"
"They don’t allow any strangers on their village." Tumayo ang mga balahibo ko sa takot. I'm not wishing him to be here. Kahit sina Wayne o kaya si Tammy na lang sana. Bakit si Kuya Claude pa?
Mariin akong pumikit bago hinarap si Kuya. He's still in his usual expression. Cold and Powerful.
Parang pinagagalitan na niya ako mula sa tingin niya sa akin. Binabalot na ako ng takot at kaba. I'm dead.
Matalim na tumingin si Kuya Claude sa kay Sarmiento nang tumikhim ito mula sa tabi ko. Nag-aalalang ekspresyon naman ang ibinaling ko sa kanya. His dead.
We're both dead.
"Tanya is no one's girlfriend. Even you, Mr. Sarmiento." Nilingon ko si Kuya, ang tono ng kanyang pananalita ay hindi normal para sa akin. Kalmado lamang iyon ngunit mayroong hindi maipaliwanag na damdamin.
"And no one's asking your permission, Mr. President." He smirked, and he tried to pissed Kuya Claude.
Para akong lumilipad sa takot. Nagkakatitigan sila na parang nagpapatayan na sa tingin pa lang. Ganito rin ang nangyari sa amin noon ni Tyrone, at hindi papayagan na mangyari ulit iyon.
"Caleb, I'm okay. I have my car. Hindi mo na kailangan pang ihatid ako." Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak din sa kamay ko, gamit ang isa kong kamay.
Matalim muna siyang tumingin kay Kuya bago tumingin sa akin. Ngumiti siya sa akin.
"No. I will drive you home. It was my responsibility as a boyfriend." Walang kinatatakutan ang isang 'to, pero ako takot na takot na.
Huminga ako ng malalim bago ko inalis ang pagkakahawak ko sa kamay niya, at pilit ko namang inaalis ang pagkakahawak niya sa isa ko pang kamay.
"Uuwi na ako." Matigas kong pagkakasabi habang pilit pa rin na inaalis ang kamay mula sa pagkakahawak niya.
"I will drive you home, baby." Pagpupumilit niya pa rin.
Inangat ko ang tingin sa kanya at matalim na tinignan. "Bibitawan mo ako, o ako ang bibitaw sayo?!"
Naiinis na ako. Hindi siya marunong maniwala. Hindi sa lahat ng oras dapat siya ang masusunod. Nakakainis.
"What do you mean by that? Ang pagbitaw mo, totoo ba yun?" Nag-aalala ang mga mata niya habang unti-unting lumuluwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
Mabilis ko itong inalis at lumayo sa kanya. "Uuwi na ako."
Tinalikuran ko siya para harapin si Kuya. Diresto pa rin ang tingin niya kay Sarmiento, may hindi tama.
"Tanya," hindi ko siya nilingon.
Naglakad na ako at iniwan silang dalawa. Maghahanda ako para sa sermon sa akin ni Kuya. Anong gagawin ko? Wala pa naman si Tyrone.
Ugh.
"Tanya?" nagtataka kong tinignan ang tumawag sa akin. Marami sila at sila ang mga pinsan ko.
Bahagya lamang akong ngumiti sa kanila. Nasa harapan ko ngayon si Kuya Tyler na siyang tumawag sa akin, kasama niya si Shawn, Joao, Wayne, Tammy at Yumi. Nagkakasiyahan sila kanina noong hindi pa ako tinawag ni Kuya Tyler, pero ngayon seryoso na silang nakatingin sa akin.
"Bakit nandito ka pa? Hindi ba't kanina pa tayo uwian?" Nagtatakang tanong ni Wayne.
"May pinuntahan lang ako, pero pauwi na rin ako." Tumango siya at nag kibit-balikat.
"Nasaan si Ate Scylla? Siya ang maghahatid sayo di ba?" Nakangiting tanong naman ni Yumi.
Tumango ako. "Hindi ko kasi siya makita, baka sa kay Manong Garry na lang ako magpapahatid."
Nilingon ko si Kuya Tyler ng magsalita siya. "Hindi mo talaga makikita si Ate Scylla dahil nagmamadali siyang umalis ng kausapin ko, may emergency daw sa kumpanya nila at nakasunod dun ang kotse mo."
Kumunot ang noo ko. Bakit naman nakasunod ang kotse ko doon? Patay! Iyon ang usapan, susunod ang kotse ko sa kay Ate Scylla dahil doon ako sasakay. Pero andito pa ako...
"Kanino ka sasakay?" Nag-aalalang tanong ni Shawn.
I just shrugged and slightly smiled.
"Ako na ang magsasakay sa kanya." Bahagyang humakbang si Wayne patungo sa akin.
"Kami na lang ni Kuya Tyler ang maghahatid sa kanya." Nakangiting prisenta naman ni Tammy.
"Tinted car ba ang gamit niyo?" Taas kilay na tanong ni Yumi sa mga pinsan namin.
Nagtatanong na tumingin si Tammy kay Kuya Tyler, umiling naman ito at ngumiwi. Bumagsak ang balikat ni Tammy na nahihiyang tumingin sa akin.
Ngumiti ako para ipaalam sa kanya na ayos lang sa akin.
"Sorry, Tanya. Gamit kasi ni Ate Hillary ang tinted naming kotse. Sorry." Nahihiyang nag-peace sign si Wayne sa akin.
"Ayos lang." Ngumiti rin ako sa kanya.
Sabay-sabay naming nilingon si Shawn ng tumikhim ito. Nakangiti siya sa amin.
"Ako na ang maghahatid sa kanya. Tinted ang kotse ko." Aniya. Kalmado lamang ito habang nakangiti.
"Mabuti pa. Wala naman kasi akong dalang kotse, sasabay lang din ako kay na Tammy." Utas naman ni Yumi.
Iba pala talaga kapag may mga taong handang tumulong sayo, ang sarap sa pakiramdam.
"Salamat." Ani ko.
"Ayos lang."
Mabuti na lang at wala ng masyadong estudyante para makita kaming nag-uusap. Malaking pasasalamat ko talaga sa mga pinsan ko.
Palakad na kami ng makasalubong namin si Skye. Nag-iisa ito at tila balisa.
"Anong mukha yan, Skye?" Natatawang tanong ni Wayne.
Natauhan siya ng kausapin ni Wayne. Huminga siya ng malalim at inilibot ang paningin, at ng mahagip ako ng paningin niya para siyang nakahinga ng maluwag.
"Kanina pa kita hinahanap," lumapit siya sa akin. "Ako daw ang maghahatid sayo sabi ni Ate."
Bahagyang kumunot ang noo ko at nag tatanong na tumingin sa mga pinsan ko. Nagkatinginan sila at sabay-sabay na tumango habang nakangiti.
"Una na kami, Tanya." Ngumiti ako at tumango.
"Skye," pagtawag naman ni Wayne kay Skye. Tumingin si Skye kay Wayne na nagtatanong. "Ingatan mo 'yan. Patay ka sa'min pag may nangyari dyan." Napangiti ako sa pagbabanta ni Wayne.
"Hindi mo na kailangan pang ipaalala. Ako na ang bahala sa kanya." Aniya.
Nagpaalam na sila sa amin kaya naiwan akong kasama si Skye. Pilit siyang ngumiti sa akin bago ako inaya papunta sa kotse niya. Alam kong may sama siya ng loob sa akin, pero sana hindi siya mawala sa akin.
Nang hindi pa kami nakalalapit sa kotse ni Skye nakasalubong namin si Kuya Claude kasama si Sarmiento na nasa likuran lamang niya na nakasunod.
Nag-usap kaya sila?
"Ako na ang maghahatid sa kanya, Claude. Umalis na kasi si Ate kasama ang driver ni Tanya." Ani ni Skye, ngunit mahina na lamang iyon para sa aming tatlo.
"Hindi na kailangan, si Sarmiento na ang bahala kay Pia." Nanlaki ang mata ko sa narinig.
Tama ba ako ng pagkakarinig? Ipinagkakatiwala ako ni Kuya Claude kay Sarmiento? Paano? Bakit?
Nagkatinginan kami ni Skye dahil hindi marunong magbiro si Kuya Claude at talaga seryoso siya sa sinabi niya. Pero bakit?
Lumipat ang tingin ko kay Kuya Claude ng tawagin niya si Sarmiento. Nakangisi naman itong lumapit sa amin habang matalim naman siyang nakatingin kay Skye.
"I'm a man with my words, and my only word that I will hold on to," tinignan niya ako ng seryoso habang kumukurba ang kanyang labi. "she's mine." Atsaka sumilay ang ngiti niyang nagpapahina sa buong sistema ko.
Hindi ko na alam ang nangyayari. Naguguluhan na ako, gulong-gulo.