Kabanata 25

1726 Words
He was...   "Where did you go these past few days? Nakalimutan mo na ata kami," nagtatampong pahayag ni Farrah. Bahagya akong ngumiwi sa kanila.   Nang dahil kay Sarmiento kaya nagkakaganito ang sitwasyon ko. Lagi siyang nakabuntot sa akin at minsan naman ay dinadala ako kung saan.   Lie. I won't lie again.   "He--"   "That Sarmiento? That freaking Sarmeinto, right?" Aniya na naiinis sa pagkakasabi ng Sarmiento. Malaki ang problema ni Farrah sa mga kilalang estudyante dito sa University. Kesyo mga walang manners daw ang mga ito, I don't know.   "Wag pahalatang bitter, Farrah." Seryosong pang-aasar ni Eunice.   Simula ng napapalapit ako kay Sarmiento lagi ng nag-aasaran ang dalawa. Mayroong Shawn na kasi si Eunice na hindi malaman kung ayos na ba talaga sila o hindi, at ako naman daw ay may Sarmiento na. Samantalang, si Farrah wala pa daw nahahanap na matinong lalake para sa kanya.   "Akala niyo dyan perfect guy na ang mga love life niyo. Hintay lang kayo dahil may mas peperfect pa sa kanila, ang Claude ko." Pagyayabang niya. Matagal ko ng alam na gustong-gusto niya si Kuya Claude simula grade school. Ang bait daw kasi nito,   "Ilang taon ka na bang umaasa? Tinulungan ka lang ng isang beses akala mo may pag-asa ng maging kayo. Baka nakakalimutan mo si Andrea talaga ang tinulungan niya, nasabit ka lang dahil sinadya mo." Mabilis na naagaw ang atensyon sa sinabi ni Eunice. Hindi pa nila ito nababanggit sa akin, iyong tungkol sa kay Andrea. Sino si Andrea?   "Ginaya ko lang naman yung style ni Andrea ah. Atsaka alam ko naman na sinadya niya rin 'yon para mapansin siya ni Claude. Pakitang tao. PSH." bakas sa ekspresyon ni Farrah ang inis sa taong iyon. Mas lalo tuloy akong naging interesado sa pinag-tatalunan nila.   "Bakit hanggang ngayon galit ka pa rin? Umalis na nga 'yong tao dahil sa ginawa mo tapos ikaw pa 'tong masama ang loob." Sino ba talaga si Andrea para magalit ang isang Farrah Montgomery.   "Ewan. Basta ayoko sa kanya. Manggagamit." Umirap siya sa ere tsaka pabagsak na sumandal sa upuan niya.   "Selos ka lang," pang-aasar na bulalas ni Eunice.   "Never," she murmured.   Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. Bakit kaya ngayon lang lumabas ang issue nilang 'yan sa kay Andrea na hindi ko naman kilala. Naubos ang oras namin pero hindi ko pa rin natatanong kung sino si Andrea. Kung siya ba ang kaisa-isang tao na kaagaw niya kay Kuya Claude kaya nasabi ni Eunice na nagseselos si Farrah, o si Andrea ang kaisa-isang tao na kinaiinggitan ng isang Farrah Montgomery.   Naglalakad kami ngayon patungo sa sunod naming klase, Speech class si Eunice samantalang Golf class naman kami ni Farrah.   "Hindi mo pa rin ba tatanggapin? Balita ko si Xandra ang representative ng Sophomore, ito na ang pagkakataon mo para gantihan siya sa mga nagawa niya sayo." Hindi na ako nagsalita. Alam kong si Xandra ang representative dahil nabanggit na sa akin iyon ni Sarmiento. Kaya medyo hindi na rin muna nagpaparamdam ngayon si Xandra dahil busy sa pag-eensayo.   Atsaka kung sasali naman ako hindi ko iisipin na kalabanin ang kung sino para gantihan o para talunin. Sasali ako dahil gusto kung magkaroon ng representative ang freshman. Kaya lang impossible pa rin.   "Iilang buwan na lang ang natitira, kailangan mo ng magdesisyon." Anila.   "Matagal na akong nagdesisyon," depensa ko.   "Pero pag-isipan mo muna, sayo nakasalalay ang lahat."   Napaisip ako.   Pero pag-isipan mo muna, sayo nakasalalay ang lahat.   Pero pag-isipan mo muna, sayo nakasalalay ang lahat.   Pero pag-isipan mo muna, sayo nakasalalay ang lahat.   Hanggang sa pagtulog ko iyon ang nasa isip ko. Sa akin nakasalalay ang lahat.   Sa akin pa rin nakasalalay ang lahat, kapag nakamali ako, ako ang may kasalanan.   Naupo ako atsaka inabot ang cellphone ko sa may side table.   I dialed Tyrone's number.   Mabilis niya itong sinagot dahil tiyak kong nagpapahinga na rin siya katulad ko.   "Tanya, bakit napatawag ka ng ganitong oras? May problema ba?" Saglit akong natahimik. Sobra ko siyang namiss. "Oy! May problema ba?"   Natauhan ako at mabilis na pinahid ang basa kung pisngi. Hindi ko namalayan na may luha na palang tumutulo sa pisngi ko.   "Wala. Gusto ko lang marinig kahit boses mo," dahil sa mga oras na ito nararamdaman kung nag-iisa na talaga ako.   "Naglalambing na naman ang Prinsesa ko, 'wag kang mag-alala uuwi ako sa birthday mo kasama sina Grandma." Nabigla ako. Birthday ko, birthday ko na nga pala sa isang linggo.   Ilang buwan akong nawala sa sarili dahil sa mga problema namin dito sa bahay tapos sinabayan pa ni Sarmiento. Kaya talagang makakalimutan ko ang birthday ko.   "Oo nga," hindi ko malaman kung saan nanggaling ang sagot ko. Basta ang alam ko lang, panibagong problema na naman ito.   "Huh?" Umiling ako kahit na alam kung hindi niya ito makikita. "Siya nga pala, sinabi sa akin ni Skye na hinatid ka daw ni Azzrael sa Soliman. Mahigit isang buwan pa lang ako na hindi nakaka-uwi dahil sa inaasikaso ko dito, pero bakit parang nag-iba na agad ang ihip ng hangin diyan. Kuya Claude is crazy."   Hindi ko rin alam.   Nagpaalam na rin agad ako. May pasok pa kasi ako bukas. At kahit ang dahilan ng pagtawag ko hindi ko na rin nasabi, natatakot talaga ako.   Kinabukasan maghapon kung hindi nakita si Sarmiento. Pasalamat na rin ako dahil kailangan ko ng oras mag-isip para sa problema ko. Kailangan ko ng magdesisyon bago ang kaarawan ko, dahil uuwi silang lahat at iyon ang tamang oras para sabihin sa kanila ang pagpili sa akin o kung dapat ko ba talagang sabihin iyon.   Habang naglalakad ako pabalik sa main building nakasalubong ko si Ate Scylla kasama si Skye. Magkaakbay silang naglalakad patungo sa direksyon ko. Pareho silang nakangiti at nagkukulitan kaya hindi nila napansin na kasalubong na nila ako.   "Yeah. I know, you love her." Ani ni Ate Scylla sa kapatid.   "Sobra, Ate." nakangiting sagot naman ni Skye sa kapatid.   Napalunok ako. Awkward kapag nakita pa nila ako, ako yata ang pinag-uusapan nila. Kinakabahan ako.   Yumuko na lamang ako ng medyo malapit na sila. Paliko na sana ako at dadaan sa gilid ni Skye ng bigla niya akong hinawakan sa braso at hinarap sa kanya.   "Why are you alone? Nasan si Sarmiento?" Naestatwa ako.   Bakit niya hinahanap si Sarmiento? May kailangan ba siya sa halimaw na 'yon?   "Bakit si Mr. Sarmiento ang hinahanap mo? Nasa harapan mo na ang kailangan mo, naghahanap ka pa ng kaa--" mabilis na dumapo ang libreng kamay ni Skye sa bibig ng kapatid niya para takpan ito.   "Where the hell is he? As far as I know, he's responsible for taking care of you, and now he's not here with you. Unless he's not totally a man with his word?" Nanlalaki ang mga mata niya sa akin.   Wala ni isang salita ang lumabas sa akin. Nakakatakot siya.   Lumipat ang tingin ko kay Ate Scylla ng marahas niyang tanggalin ang kamay ni Skye sa may bibig niya. Atsaka niya ako kinuha kay Skye at tinabi sa kanya.   "Anong ginagawa mo? Bakit mo siya tinatakot." Medyo galit na isinatinig ni Ate Scylla sa kapatid.   "Hindi ko siya tinatakot. Naiinis lang ako dahil pinababayaan siya ng walang kwentang lalakeng 'yon. Nangako siya na hindi niya pababayaan si Pi-Tanya!" Kitang-kita sa mga mata niya ang galit. Namumula na rin siya sa mga oras na 'to.   "Wag OA, Skye. Wala namang nangyari kay Tanya, atsaka naglalakad lang siya oh." Natatawang pahayag ni Ate Scylla habang pasimpleng sumusulyap sa akin para kindatan ako.   Napakamot sa batok si Skye.   "Yun nga 'yong problema ko. Paano kung madulas siya habang naglalakad, sinong sasalo sa kanya?" Pasimple akong siniko ni Ate Scylla.   "He's totally in deep love with you." She murmured.   Sabay kaming natawa ng mapansin niyang medyo awkward ang sinabi niya.   "OA ka talaga," pang-aasar pa ni Ate Scylla.   Natawa na rin lang siya ng narealize niya iyon.   "Mahal lang talaga kita," pagtitig niya pa sa akin.   Mapait akong ngumiti. Hanggang kailan, Skye.   Sinabayan na lamang nila ako sa paglalakad. Pauwi na sana si Skye pero mas minabuti niyang ihatid na muna ako. Kasabay ko naman si Ate Scylla pero nag insist siya at sumama na rin.   "Kapag wala pa siya mamaya ako na ang makakasama mo simula bukas. I already enrolled myself here." Nahinto ako sa paglalakad at hinarap siya.   "Seriously? Wag kang magbibiro ng ganyan." Peke akong ngumiti.   "I'm serious. From now on, I will keep an eye on you." And then he smirked.   Ano na naman kaya ito. Unti-unti ng gumugulo ang buhay ko. Wala na talagang pag-asa ang pagiging normal ko.   Pagkatapos nila akong ihatid umalis na rin sila agad. May aasikasuhin pa daw sila para sa transferred record ni Skye.   Nagpasalamat na lang din ako at nagtungo sa library. Umupo ako sa usual spot namin nina Farrah.   Wala sila ngayon dahil nagpaalam sila sa akin kanina para mag-shopping, hindi naman ako sumasama kaya hindi na nila ako pinilit. May project kasi kaming gagawin, as usual may ibang bumibili nu'n para sa akin.   Nagbabasa lamang ako ng ganitong mga oras, wala naman akong ibang pupuntahan at gagawin. "We both know they enjoyed each company,"   "I know right. Mabuti na lang natauhan na ang kakambal ko. Natauhan na hindi talaga sila bagay ng Social Climber na 'to!" Napaayos ako ng upo ng padabog na binagsak ni Xandra ang parehong kamay niya sa lamesa.   Unti-unti kong inangat ang tingin sa kanila. Pareho silang nakangisi sa akin ng kaibigan niya, iyong kaibigan niyang sobrang puti.   "Kawawa ka naman, nag-iisa ka na nga pinagpalit ka pa ng kakambal ko. Did you remember my other friend? Iyong morena? Her name is Kate, she's one of the elite daughters, like us. And you know what, she's with my twin right now, I hope you know my twin, right? Azzrael, your Caleb, who solemnly fooled you, my dear." Sabay silang tumawa ng kaibigan niya. Kaibigan niyang sumusunod sa lahat ng utos niya, kung kaibigan pa nga ba na tinatawag iyon.   "Dream on, girl. Hinding hindi ka nababagay sa kapatid ko, never!" Tsaka niya ako inirapan. "Let's go, Jaz."   She's with my twin right now, your Caleb, who solemnly fooled you.   She's lying. She just want to get rid of me, kaya niya sinisiraan ang kakambal niya sa akin.   I won't trust her. She's lying.   He's a liar.   I lean my head on the table. I am alone. Alone without someone, I love. Without them... him.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD