Kabanata 5

2298 Words
Bonding               Habang naghihintay sa iba pa naming kamag-anak, naka-upo lang ako sa isang tabi. Masaya silang lahat na parang ngayon lang ulit nagkita-kita. Lahat kasi ng kapatid ni Daddy ay nandito na, hindi ko lang alam kung sinu-sino pa ang hinihintay. Andito rin si Uncle Kristopher na kapatid ni Mama  kasama si Aunt Alex at apat kong pinsan na anak ni Uncle.               Private Party ito at para sa Pamilya lang namin. Siguro dahil para sa akin na naman. What else would I expect?               Tatayo na sana ako para kumuha ng maiinom nang lumapit sa akin ang isa sa mga pinsan ko. Naupo ulit ako kaya tumabi naman siya sa'kin sa pag kakaupo. Nasa mahabang table kami naka-upo sa gitna ng Hall nitong Attic. No cameras or something na makapaglalabas ng kahit anong info sa akin. Private Catering din, may Chef naman kami dito sa bahay at maraming maid kaya hindi na nag-abala pa na kumuha ng iba. Alam ng lahat ng nandito ang sitwasyon ko, of course they are my own Family.               "Congrats.." Panimula niya. Ngumiti ako kaya ngumiti rin siya. "Tama nga ako.." napatawa siya tsaka pinagmasdan ang bawat sulok ng kwarto.               Napakunot noo lang ko, hindi ko siya maintindihan. Ganun naman siya lagi e, pa-misteryoso. Pagtapos niyang titigan ang lahat ibinalik niya ang titig sa akin. Tinitigan ko rin siya, wala ang earphone niya o kaya yung headphone na laging nasa tenga niya. Formal Attire kaya siguro hindi niya naisipang magdala. "In the near future or soon? Hindi ko alam na mas mabilis pa sa inaakala ko." Nagkibit balikat siya.               "Ano ba yun? Ate Isha." Nilapitan niya ako para pag-isipin ng malalim. Grabe naman.. kailangan ko ng kausap or kahit sinong tao na pwedeng kausap tapos ang ihaharap sa akin ay siya? Ang pinsan kong napaka-hirap sabayan sa pag-iisip.               "Wala.." Tangi niyang sagot. Sumandal siya at nagtuktok gamit ang daliri niya sa mesa na gumagawa ng ritmo. Musika nga talaga ang bumubuhay sa kanya.               Sumandal na rin ako at humarap sa lahat ng bisita, ang pamilya ko. May kanya-kanya silang ginagawa. Ang mga pinsan kong lalaki nagtatawanan, as usual... They're talking about girls. Yung ibang mga babae naman nagtatawanan at yung iba seryoso habang nag-uusap. Ganito naman talaga kami.. magkalayo at hindi magkasundo. Kaya heto si Ate Isha lang ang tangi kung kausap, hindi kasi niya trip ang trip ng mga pinsan ko. One Family. One Blood. But far from each other. Dahil siguro.. hindi namin nabibigyan ng pansin ang isa't isa.               Nakauwi na nga pala kami mula sa Limang araw na bakasyon--Limang Araw na Oplan sa Korea. Tapos na ang Oplan at ang lahat, pasukan na lang ang hinihintay. Kaya rin may ganitong pagpupulong ng Pamilya. Lalabas na ako at haharap sa maraming tao.. pero bilang ibang tao. Ito na rin ang HULING pagkakataon na itatago at lalabas naman bilang ibang ako.               Sa sobrang tahimik namin dito bigla namang umingay dahil sa paglapit ng kaninang mga lalaking pinsan namin na nagtatawanan. Umupo sila sa bakanteng upuan dito sa mahabang mesa na inuupuan namin ni Ate Isha. Maingay talaga sila pagsama sama.               Katabi ko ngayon si Tyrone.. ano pa ba ang gagawin niyan kundi mangulit. Nasa harapan naman namin ang isang batalyong lalaki na pinsan namin, kulang pa rin 'yan dahil wala si Kuya Apollo na busy sa Trabaho at Kuya Vonn naman na hanggang ngayon may pasok pa rin sa U.S.               "Piarra.." Tawag sa'kin ni Kuya Gavin. Pangatlong anak ni Uncle Kristopher. Kahit kaming magkakapatid lang talaga ang pinsan niya dito close pa rin siya sa ibang pinsan namin dahil na rin siguro sa iisang eskwelahan ang pinapasukan nila.               "Hmmm?" Tumingin ako sa kanya, katabi siya ni Joao na nasa harap ni Tyrone.               "Pakabait ka bukas huh." Anong tingin niya sa'kin bad girl? Ibang klase talaga ang topak nila. Yeah.. bukas na pala ang pasukan ibig sabihin bukas na rin ako papasok sa Montgomery, kinakabahan ako.               Tinapik siya ni Shawn na katabi niya. "Gavin.. Piarra is a Good Girl. No wonder if she meets and gather a thousand friends in Montgomery." Nakangiti niyang sabi. Nakaka-inlove talaga ang attitude ni Shawn, pang bad boy ang itsura pero ang puso grabe ang sarap mahalin.               "Yeah.. tsaka maganda siya for sure hahakot din ng maraming lalaki 'yan." Natatawang sabi naman ni Kuya Tyler, katabi siya ni Ate Isha. Tumingin sa kanya ang lahat ng nasa mesa pati ako. "Oh? What's wrong with that? I'm just telling the oh-so-truth. Piarra is a Princess, of course, all the guys in that school chase with her." Nakataas ang kamay niya na parang sumusuko habang lakas loob na sinasabi ang lahat ng yun. Lahat kasi sila nanlilisik na nakatingin kay Kuya Tyler. Ano nga ba ang problema nila dun?               "Piarra came from the girls' school, right at the very beginning. Kesa sa pagsasabi mo ng pahabol-habol na 'yan sana sinabi mo na lang na walang kahit sino ang pwedeng      lumapit sa kanya. You're saying that nonsense on Piarra, who doesn't know the cycle of the outside world. I'm not saying that she's stupid, I'm just concerned.. alam niyo naman yun di ba." Seryosyong sabi ng katabi ko, Ate Isha. Siya at si Kuya Claude lang naman ang gumagawa nito sa mga lalaki kaya agad na tumatahimik.               Tumango-tango si Kuya Tyler tsaka ibinaba ang dalawang kamay. "Alright.. Sorry. I'm just—" Hindi siya pinatapos ni Joao. "Okay na Kuya Tyler. Just accept the fact. Okay?" Aniya.               Nagtawanan sila. Napahiya na naman si Kuya Tyler. Siya kasi itong pinaka madaldal at hindi mapatahimik.               "Siguro naman aware ka na tinitingala kaming lahat sa School na yun, Piarra." Seryoso pa rin siya sa pagsasalita. Tumingin ako sa kanya. "Wag ka na lang lalapit sa amin pag maraming tao sa paligid. Galit sila sa mga taong dumidikit sa amin na hindi naman talaga dapat, they say it's only what a Social Climber do."               So, magiging mag-isa lang ako dun? Katulad sa Academy lang naman pala ang magiging buhay ko doon, laging nag-iisa.               "Hindi naman sa lahat ng oras, Isha." pagtutol ni Kuya Claude. "Sawa na ang kapatid kong maging mag-isa. We should talk to her if she wants. Kaya natin siyang protektahan at ang dahilan kung bakit siya nandoon dahil marami tayong titingin sa kanya. She needs us and we're all there to protect her." Aniya.               Sweet siya sometimes, but cold at all times. No wonder all the girls chase him. Pahabol. Tss.               "I'm in." Taas kamay na sabi ni Tyrone. Tumingin lang kami sa kanya.               "We must! We're all in it together at walang hindi sasang-ayon."               Tumingin kami sa kanya—kanila. Andito na sa harap namin ang iba pang pinsan namin, ang mga babae. Si Ate Hillary ang nagsalita kasama si Ate Henssy na panganay na anak ni Uncle Kristopher, naka-sunod kasi sa kanila ang iba pang pinsan namin. Naupo sila sa bakante pang upuan, naubusan pa nga yung iba kaya yung ibang 'gentleman' kumuha ng upuan para sa kanila.               Nagtatawanan na sila, pinagmamasdan ko lang sila isa-isa. May sari-sariling usapan at may kanya-kanyang tawanan. Masaya pala talaga yung ganito, magkakasama at nag-uusap.               "Piarra.." Nilingon ko si Kuya Steve. Kanina si Kuya Claude ang kausap niya na may seryosong pag-uusap.               "Hmm?" Tangi kong sagot. Nabigla ako sa pagtawag niya kaya heto lang ang nasabi ko.               Medyo malayo kami sa isa't isa at puno ng usapan ng mga pinsan namin ang nangingibabaw kaya hindi kami mapapansin na nag-uusap.               "You should’ve known them better." Wala sa panahon niyang sabi kaya lahat sila tumigil sa pag-uusap at tumingin kay Kuya Steve. What exactly is he talking about?               "What is it, Steve?" Tanong ni Ate Hillary. Lahat sila naka-abang at naghihintay sa isasagot ni Kuya Steve.               He utters before he answered. "All of you are too blatant. We are here to discuss about her not to ignore her." Aniya na medyo naiinis.               Tumahimik sila tsaka umayos ng pagkaka-upo. Pati ako natahimik at umayos sa pagkaka-upo. We pissed him off. Tama nga sila, mahirap galitin ang taong mabait.               "It's okay, Kuya Steve. Hmm... I'm happy now." Kinakabahan kong sagot tsaka ngumiti sa kanila.               "Ang ganda talaga niya 'no?" Bulong ni Yumi kay Tammy. Hindi naman siguro bulong 'yon dahil narinig naming lahat.               "You said it so well. She looks like a Perfect Princess." Nakangiting sabi ni Frollo. Nandito rin pala ang kapatid ko pati si Kendra at Lester. Si Llana wala dito, nahihiya pa yun dahil siya na lang itong elementary sa'ming magpipinsan at si Baby Sab naman kasama ni Aunt Chanel, baby pa kasi yun.               "And we must guard the Princess." Ani Wayne sabay kindat.               "Yeah.." Sagot nilang lahat.               Napangiti na lang ako. Nakaka-pressure silang lahat. Para namang tunay ang sinasabi nila, sila lang itong nag-iisip na perpekto ako.               If they know me better, they knew the real me.               Sa gitna ng pag-uusap namin dumating si Uncle Kristopher, tumayo ako para i-kiss siya.               "Good Evening, Uncle." Bati ko.               "Good Evening, Senator." Bati naman ng mga pinsan ko.               Tumayo lang ako sa tabi ni Uncle, ayokong maging bastos.               "What's up everyone? Is everybody okay out there?" Tanong niya sa amin.               "Yes, Pa." Sagot ni Kuya Xylem, he's the second child next to Ate Henssy.               "Meron ba kayong gusto? Anything? sabihin niyo lang." Tanong pa ni Uncle. Mabait talaga siya parang si Mama.               "Wine? Haha. It's only a joke, Uncle." Biro ni Tyrone.               "Gusto niyo ba?" Natatawang hamon ni Uncle.               Biglang ngisi naman ng mga lalaki. "Totoo, Pa?" Kuya Gavin asked.               "Yeah, but.." Naghintay kami sa susunod niyang sasabihin. "The wine is only for the right age, it might be eighteen and above." Nakangiting utas ni Uncle. Natawa ang iba at ang iba naman ay nainis, isa na doon si Tyrone.               "Daya.. ako ang nag-suggest ako pa ang hindi puwede." Napakamot siya sa batok dahil sa inis.               Nagtawanan sila dahil sa reklamo ni Tyrone. Tss. Ang takaw.               "Mag juice na lang ang iba. Sige.. punta lang ako sa waiter to serve the wine here." Umalis na si Uncle kaya naupo na ulit ako. Nakakatawa ang itsura ni Tyrone, nakanguso na siya sa inis.               Nag high-five ang mga lalaki sa sobrang saya. At itong katabi ko naman nagluluksa sa inis.               "I was the one who brought happiness to your sh*ty faces, guys. So.. Thanks to me. Tss." Pagmamaktol niya. Hindi na 'yan titigil.               "Chill, Bro." Natatawa pa si Kuya Tyler "As what the Senator said a while ago, for those underage 'DRINK JUICE' so that you can make yourself grow faster... Tyrone." Nanunuyang sabi niya.               "Hell no! I can drink. This is our house. No one can control me." Pagyayabang niya. Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang mga daliri niya tsaka nagtaas ng kilay. Tss. Yabang.               "Tyrone! Shut up. Don't have to be so rude." Patay. Kuya Claude The notorious madman was transformed.               Siniko ko siya para tumigil. Ang daldal at ang yabang kasi. "Shut up ka na lang diyan." Bulong ko. Umayos naman siya sa pagkaka-upo. Ang yabang takot naman kay Kuya Claude.               "Oh God! Someone was angry." Bulong naman ni Shayne mula sa malayo, nahagip pa rin ng tenga ko. "Tyrone variegate his brother again." Umiiling na bulong ni Ate Isha. Variegate? Tss. "Wala na.. away na talaga." nanghihinayang na sabi ni Joao. "Should I call my Mom?" Tanong ni Tammy kay Yumi. "Worst party ever.." Umiiling na bulong ni Shawn.               Can someone make this stop? I can't stand those guys. I'm scared half to death.               Bago pa magsimula ang gulo tumayo na si Ate Hillary. "Oh come on guys, grow up. We're here for the Party. Stop acting like a baby and deal with it. We should all            have fun here." Pagpapakalma ni Ate Hillary. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Ibinaling naman niya ang tingin sa dalawa. "Both of you..." Turo niya kay Kuya Claude at Tyrone. "dapat kayo ang mas matino dito dahil Party ito ng kapatid niyo. Kayo pa ang pasimuno ng gulo. Tss. " Pangaral ni Ate Hillary. Naupo siya tsaka hinilot ang sariling sintido. She's mad too. Siya ang umaawat sa'min pag wala si Kuya Apollo—if she's not here too.. siguro gulo na ang kalalabasan.               Bigla namang tumayo ang katabi ko. Tumingala ako para makita ang mukha niya, she's so bored. "Guess I'll go now. I can't stay here for such a long time." Bored niyang sabi.               "Ate, just a little bit longer? We're going to School tomorrow, it will probably be the last time. Matatagalan pa ang susunod." Pagpipigil naman ni Lester.               "Oo nga naman. Kill joy ka talaga, Isha." pagsang-ayon naman ni Kuya Wesley.               "I'm really bored. Masaya sana kung may music, pero wala eh." Walang gana niyang sagot tsaka nagsimulang maglakad. "See you at University, Piarra. Bye." At tuluyan na nga siyang umalis. Ano pa nga ba ang magagawa namin, eh bored na nga siya. Nagkibit balikat na lang ako tsaka hilaw na ngumiti.               "How come na sobrang tagal ng drinks? Akala ko ba pinuntahan na ni Senator?" Kaya pala hindi pa sila umaalis, they're waiting. Tss. Takaw.               "Asa pa kayo. Papa's joking." Natatawang utas ni Shania—She is the youngest daughter of Uncle Kristopher.               "Tss. Akala ko pa naman makakatikim na ako ng bagong inumin." Disappointed na sabi ni Kuya Tyler.               "Hahaha.. payabang-yabang pa kanina eh." Kantyaw ni Tyrone kay Kuya Tyler.               Nagtawanan na lang kami. Panay ang ulitan nila dahil sa pagpapa-asa ni Uncle Kristopher. Akala ko talaga magpapa-inom siya. Mabuti na lang hindi. Ayokong mag-alaga ng taong lasing 'no.               Napapangiti na lang ako sa nararanasan ko ngayon. For the first time ever... We are really bonding. Kung hindi pa mag-aaral sa University hindi pa ito mangyayari. Kahit pala magkaroon ako ng kasalanan sa pagsisinungaling may maganda rin pala itong naiidudulot, nakasama ko kahit konting oras ang buong Pamilya ko. Hindi pa rin kompleto pero masaya pa rin kahit papaano. I'm probably the happiest person today.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD