Social Climber
Unang araw sa kolehiyo, at ang unang pagkakataon na humarap sa maraming tao. Hindi bilang ako, kundi ibang tao.
"Are you okay?" Tanong ng aking kapatid, si Tyrone.
"Yah." Sagot ko habang kumakain ng umagahan.
Hindi ko alam kung tama ba na ituloy ko 'to o sumunod na lang sa gusto ng mga magulang ko. Alam kong pagsisinungaling ang gagawin ko, pero hindi ko magagawa ang mga bagay na gusto kong gawin noon pa man kung hindi ko susubukan na baguhin ang lahat. Lahat. Lahat.
"You sure about that?" Umiling ako tsaka ngumiti. Hindi dapat ako maging malungkot, sa loob ng ilang taong pagtatago heto na ako ngayon haharap na sa maraming tao.
Umayos ako sa pagkaka-upo. Papasok na kami sa University na papasukan ko,na pinapasukan rin ng mga kapatid ko.
Montgomery University, isa sa kilalang University sa buong Pilipinas. Maraming sikat na teenager ang nag-aaral dito.
Prestigious School = Wealthy Family.
"Mag-ingat ka." He tapped me on my shoulder. "Nasa paligid lang kami." Ngumiti siya tsaka sinarado ang pinto ng kotse, ang Bugatti Chiron na magiging kotse ko. Binuksan niya ang pinto sa front seat para kausapin ang driver. "Mang Garry kayo na po ang bahala kay Tanya, 'wag niyo po siyang iwawala sa paningin niyo."
"Driver siya hindi body guard. Paghatid niya sa'kin sa University pwede na siyang bumalik dito." Protesta ko.
"Ayos lang po Miss Tanya, utos rin po kasi yun ng mga magulang niyo."
"Sige po Mang Garry mauna na po kayo, susunod na lang kami nina Kuya." Aniya sabay sarado sa pinto.
"Manong Garry hindi niyo na po ako kailangang bantayan nandoon naman po ang mga kapatid ko, pwede na po kayong umuwi paghatid sa'kin." Inayos ko ang aking salamin na magsisilbing maskara bilang ibang tao.
"Utos po kasi sa'kin 'yon." Aniya. Palabas na kami ng Village at naka-sunod na nga ang mga kapatid ko.
"Bumalik na lang po kayo pag susunduin na ako. Wala naman po sina Mama sa bahay." Hindi ako magiging komportable kung alam kong may nagmamasid pa rin sa'kin.
"Maraming pong tauhan ang Daddy niyo na maaaring magsumbong kung hindi ko 'yon gagawin." Kelan ba ako matatahimik. Kahit anong gawin ko hindi rin pala mawawala ang mga bagay na magpapa-alala sa'kin bilang ako.
Ano pa nga ba ang magagawa ko!? Maaaring mawalan pa siya ng trabaho nang dahil sa'kin.
Napatingin ako sa sapatos ko, parang kelan lang nang pag-usapan sa social media ang Sapatos ko. Na hanggang mga gamit ko lang ang nalalaman nila tungkol sa'kin.
'Diana Yuan
OMG! Phoebri wears the latest design of Flat Shoes from Jimmy Choo.'(With Picture pa ng Sapatos)
Ito nga 'yon.
Grr! Wala ngang Cellphone sa Academy at Picture ko, pero may pagkakataon pa rin silang mag update sa nangyayari sa'kin araw-araw.
Just a minute ago, pero inabot na ito ng Thousand Likes, Thousand Comments at may Thousand Shares pa. Kalat na siya sa f*******:.
Sa mga estudyante ng Academy na lang nagkakaroon ng Update ang Media tungkol sa'kin. Wala nga akong picture pero ang mga Gamit ko naman ang pinag-uusapan nila.
I checked the comment box.
'Gosh! I really want that shoe.'
'Lilipat na ako ng Academy para makita ko siya.'
'Perfect Fit. Maniego Princess.'
'What about her bag? Bibili rin ako.'
'Sana makita ko rin ang Fashion Outfit niya, kung gaano siya kaganda.'
'Maganda ba talaga siya?'
'Of Course, she's a Princess.'
'No picture again?'
-_-
Nag log out na lang ako.
I checked my twitter account.
'@chachapretty
New Shoe of Phoebri from the Latest Design of Jimmy Choo brand.'
"Miss Tanya..." Napabalik ako sa realidad nang bumukas ang pinto ng kotse, si Manong Garry. "Nandito na po tayo sa University."
Please, Lord, take care of me. Hindi po ako gagawa nang mga bagay na makakasama sa kapwa ko. Wag niyo po akong pababayaan.
Pinagmasdan ko mula sa loob ng kotse ang tanawin sa University. Malaki nga ito, kahit sino papangarapin na makapasok dito. Kahit ako.
"Miss Tanya nandito na rin po ang mga kapatid niyo." Muli kong itinuon ang atensyon ko kay Manong Garry. Nakabukas pa rin ang pinto. Kinakabahan ako.
"Manong Garry..." Hindi ko alam kung uuwi na lang ba ako o lalabas ako para sa kagustuhan ko. "Ayos lang po ba ang itsura ko?" Ano ba 'tong lumalabas sa bibig ko, hindi ko mapigilan.
"Maganda po kayo Miss Tanya, sa loob man o sa labas." Nang dahil sa kagustuhan kong makapag-aral dito kailangan kong baguhin ang itsura ko. Pagbabago na dapat kong panatilihin para sa tunay kong pagkatao.
Kinuha ko ang bag ko tsaka bumaba ng kotse. Marami na ang mga estudyante. Marami na akong estudyanteng makikita. Hindi na puro babae.
Mabuti na lang at hindi kapansin-pansin ang pagbaba ko ng kotse. Dahil lahat ng estudyante ay may pinagkakaguluhan.
Marahil unang araw ng klase kailangan mong malaman kung anong Schedule mo sa buong Semester. Ibig sabihin kailangang makikipagsiksikan sa libo-libong estudyante para lang makuha 'yon.
"Miss Tanya igagarahe ko lang po ang kotse malapit sa building niyo po. At para hindi ko na rin po kayo maistorbo, sa loob ng kotse na lang po ako magbabantay." Tumango na lang ako. Sobra akong kinakabahan, hindi ko na alam kung ano ang una kong gagawin.
Namalayan ko na lang na umalis na ang kotse sa likuran ko. Samantalang, nandito pa rin ako nakatayo sa harap ng nagsisiksikang mga estudyante.
Am I supposed to do that, too?
Hindi naman sa nag-iinarte ako pero masyado ng marami ang estudyante ang naroon at sigurado akong hindi ko makakaya na ipagsiksikan pa ang sarili ko.
Paano ko malalaman ang Schedule ko kung hindi ko nga gagawin 'yon. Tsk! I really need to do this. Ginusto ko 'to kaya gagawin ko.
Pahakbang na ako papunta sa nagsisiksikang mga estudyante nang harangin ako ni Kuya Claude.
"Anong gagawin mo?" Aniya
"Pupunta doon?" Tinuro ko ang mga estudyanteng nagkakagulo.
"Iniingatan ka ng Pamilya at ng Unibersidad na 'to kaya hindi mo kailangang gawin 'yan. Eto ang magiging Schedule mo" Inabot niya sa'kin ang papel na naglalaman ng kailangan ko. "Tsaka mo na lang hanapin ang Room mo, First Day of Classes ngayon at magkakaroon ng Welcome Program para sa mga Freshman. Sa Caxandra Hall ka na lang dumiretso." Aniya sabay alis.
What? O.O
"Ku— Claude nasaan yun?" At dahil nakalayo na siya hindi na niya ako narinig. Ibig sabihin mag-isa akong maghahanap ng Hall na yun? Itinabi ko muna ang papel sa bag ko, baka mawala pa.
Inilibot ko ang paningin ko sa buong University. Napaka-laki talaga ng University na 'to kahit sino gustong mag-aral dito. Itinuon ko ang atensyon ko sa mga Estudyanteng pakalat-kalat. Magaganda at Gwapo, May magagandang kasuotan, may mga kotse rin sila at hindi maikaka-ila na galing sila sa marangyang Pamilya. Mayayaman nga talaga ang nakakapag-aral dito.
Napailing na lang ako. Sa estado ng buhay na lang talaga ibinabase ang lahat, kahit sa pag-aaral. Hindi makatarungan.
Maghahanap na lang ako. Nagsimula na akong maglakad para hanapin ang Hall na yun. Madali lang naman sigurong hanapin 'yon. 'Caxandra Hall', di ba? May pangalan naman hahanapin ko na nga lang.
Marami akong nakakasalubong na Estudyante at ang iba naman sa tabi ng Hallway nag uusap. Parang sa Academy lang.
"Ang ganda naman niya."
"Oo nga...kaya lang Nerd."
Sa'kin sila nakatingin pero hindi ko sigurado kung ako ang pinag-uusapan nila. Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy sa paghahanap.
"Chanel ang bag niya."
"At... Louis Vuitton ang sapatos."
"Naka long sleeves siya pero halatang Armani ang brand."
"Ang Jeans niya Secret Circus."
"Freshman lang siya, di ba?"
Bulong-bulungan sa paligid ko habang naglalakad ako. May nakapag-sabi sa'kin na nasa dulo ng Montgomery Main Building ang Caxandra Hall (mabuti na lang may pangalan kasi dalawa daw ang Hall dito) kaya heto papunta na ako doon.
Sa paglalakad ko biglang nahawi ang daan sa harapan ko, lahat ng estudyante ay nagtungo sa gilid ng Hallway.
Bakit gano'n ang mga estudyante dito? Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad. Yung ibang estudyante nagtataka sa ginawa ko.
"Hindi ba siya aalis sa daan?"
"Mukhang bago lang siya dito."
"Dapat alam na niya kung anong gagawin kapag may ganitong pangyayari."
"Tiyak may mangyayari na namang hindi maganda."
"Pigilan niyo siya."
"Kawawa naman siya pag nagkataon."
May problema ba? Para silang takot na takot habang pinapanood akong naglalakad dito sa gitna ng hallway.
Nililingon ko sila habang naglalakad. May dapat ba akong malaman?
"What the hell!?" Lumingon ako sa nagsalita.
May tatlong babae na ngayon ang nasa harapan ko. Yung nasa gitna mukhang manikin dahil sa magandang mukha niya at may katamtamang puti, straight blonde na buhok. Yung dalawa naman na nasa gilid niya, ang isa morena na kulot ang dulo ng buhok. Ang isa naman ay mas maputi kay sa dun sa nasa gitnang babae, may mahaba itong buhok at maitim na mas lalong nagpapatingkad sa kanyang kulay. Magaganda sila parang mga Prinsesa.
"Hindi ka talaga aalis sa daan?" Ani nung morena.
"Habang maaga pa at nakakapag-timpi pa ako... pwede ka ng umalis sa harapan ko." Sabi naman nung nasa gitna.
"Ba.. bakit?" hindi ko alam ang tamang sasabihin kaya 'yan lang ang nasabi ko.
"Xandra, Did you just hear that? She's asking for it." Ani naman nung mas maputi. Ano ba dapat?
Naguguluhan na ako sa kanila, sino ba sila?
Lumapit sa'kin yung babaeng nasa gitna, mukhang siya ang tinutukoy na Xandra.
Paglapit sa'kin tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Ngumiti siya na parang may nakakatawa sa itsura ko.
"Girls! Look at her." Tumatawa siya habang tinatawag ang mga kasama niya. Agad rin naman silang lumapit at tiningnan ako.
Sabay sabay silang tumawa matapos nila akong tingnan mula ulo hanggang paa. May problema ba sila sa itsura ko? Naka-salamin lang naman ako, tsaka hindi naman masamang mag-salamin di ba? Hindi naman ipinagbabawal 'yon.
"Social Climber" Ani nung Xandra.
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Umiling ako tsaka nagsalita. "Huh? Wala nam..."
Pinutol nung morena ang sasabihin ko. "Wag ka ng mag palusot. Eh bakit masyadong pahalata? Nerd na Social Climber?" Sabay sabay silang tumawa
"Kung hindi ka nga Social Climber bakit kailangan mo pang gumamit ng Fake Chanel bag and Fake Louis Vuitton shoes?" Taas kilay na tanong nung Xandra
"Fake Armani and Fake Secret Circus outfit. Fake!" Sigaw naman nung maputi.
"Akala ko totoong branded."
"Social Climber pala siya."
"Freshman pa lang, pasikat na!"
"Sayang akala ko pa naman mabait."
Ganito ba sa lugar na 'to? Tama ba na manakit ng damdamin ng ibang tao? Wala naman akong ginagawa.
Nangingilid na ang mga luha ko sa nangyayari. Hindi dahil sa kahihiyan kundi dahil sa disappointment. Akala ko magiging normal na buhay ang maibibigay sa'kin ng mundong 'to, hindi pala.
"Kaya sa susunod kung ayaw mong mapahiya sa harap ng maraming tao. Get the hell out of our way! Get it now?" Inilapit ni Xandra ang mukha niya sa'kin. Tumango na lang ako habang naka-yuko. "Fake!" Sigaw pa niya.
"Let's go girls." Tsaka niya ako tinulak dahilan para mapaatras ako. Mabuti na lang at hindi ganoon kalakas kundi matutumba talaga ako.
Kung magiging ganito ang buhay ko sa loob ng apat na taon mas maganda sigurong layuan ko na lang sila. Hindi magiging normal ang buhay ko kung mapapalapit ako sa kanila. Gusto kong mag-aral dito at gusto kong maging normal, gagawin ko ang lahat hanggang matapos ko ang ilang taon na walang makakakilala sa'kin. Kaya ko 'to.
Agad kong pinunasan ang luhang lumandas sa aking pisngi. Kailangan kong magiging matatag, ang pagiging matatag ay hindi kailangang mang-api ng kapwa kaya gagawin ko 'yon sa mabuting paraan.
Nilingon ko ang kaninang nagkakagulong mga estudyante dahil sa nangyari kanina. Tumitingin sila sa'kin at nakikipag-bulungan sa kasama nila. Marahil tumatak na sa isip nila ang sinabi ni Xandra.
Totoo naman ang sinasabi nila.. Fake nga ako, Fake ako dahil isa akong pakitang tao. Gumagamit ako ng ibang pagkatao para sa kabutihan ko, para sa kaligtasan ko.
Pero hindi ako Social Climber gaya ng iniisip nila, hindi ko magagawa 'yon lalo na't ayaw kong manggamit para lang sa kagustuhan ko. Hindi ko kayang manakit ng ibang tao.
Inayos ko na ang sarili ko tsaka nagsimulang maglakad. Bakit kasi pumayag pa ako kay Mama na suotin pa rin ang mga gamit ko, pwede naman akong magsuot ng mga local na damit para hindi ako kapansin-pansin.
Naglakad na lang ako patungo sa Caxandra Hall. Baka hanapin ako ni Kuya Claude at kapag hindi niya ako nakita mapapagalitan niya ako, lagot.
Sa wakas, nakarating rin ako. Ang laki. Marahil University 'to at maraming estudyante kaya kailangang malaki ang Hall. Hindi kasi ganun kalaki ang Hall sa Academy, kakaunti kasi kami.
Nilingon ko ang paligid, marami ng Estudyante sa loob. Kailangan ba talagang pumunta pa dito? May pa-Welcome Program pa silang nalalaman, sayang ang unang klase. Makikipagsiksikan ako? Nasa likod na likod ako at malayo sa stage—actually hindi ko nga makita ang stage e.
Kaya ko 'to. Nag-aja ako tsaka nakipagsik-sikan.
"Excuse me po." utas ko sa mga nadadaanan ko.
"Sorry po." Paumanhin ko naman sa mga nasisiksik ko.
"Kita ng masikip pinagpipilitan pa." Reklamo ni Ate na nasiksik ko.
"Sorry po." Paumanhin ko kay Ate.
Hanggang sa nakarating ako sa harap maraming nagalit sa'kin, sorry lang ako ng sorry. Kailangan ko kasing makarating sa unahan.
Hindi pa nagsisimula at mukhang kanina pa naghihintay ang mga estudyante. Nakikita ko sa mga mukha nila ang inis dahil sa matagal na programa. Mabuti na lang at kararating ko lang.
Ilang minuto ang lumipas nang may matandang lalaki ang umakyat sa stage at nagtungo sa gitna, may dala itong mike. Tinitigan ko siyang mabuti. Ito 'yong Dean na pumunta sa bahay kasama nang may-ari ng University.
"Mr. Trinidad" I murmur. Siya siguro ang magwe-Welcome sa'min.
"Kilala mo siya?" Tumingin ako sa tabi ko. Sa stage siya nakatingin pero sigurado ako, ako ang kinaka-usap niya. "Lahat ng Freshman hindi pa kilala ang Dean ng College Department ng University, pero ikaw..." Sa puntong ito nasa'kin na ang atensiyon niya. "kilala mo na ang Dean natin, ang Daddy ko."
"Daddy mo si Mr. Trinidad?" Tinitigan ko siya, may pagkakahawig nga sila. Parehas sila ng mata may pagka-masingkit ito na papunta na sa inaantok na mata, matangos na ilong at may magandang hugis ng mukha. At dahil sa mata niya na mapupungay, masyado itong seryoso. Nakakatakot ang aura niya.
Tumango lang siya sa'kin bilang sagot. Tiningnan niya muna ako mula ulo hanggang paa tsaka muling itinuon ang atensiyon sa stage. "Branded ang lahat ng gamit mo... anong pangalan ba ang dinadala mo?" Tanong niya pero ang atensiyon niya wala sa'kin.
"Huh?" Kailangan ba talaga 'yon? Pero iba siya sa lahat. Kanina minasama nila ang gamit ko, pero siya... pangalan ng pamilya ko ang agad niyang tinanong. Straight to the point question? Maybe.
"Kung totoong galing ka sa marangyang Pamilya, nababagay ka nga dito. Pero kung pag-aaral naman ang pakay mo, maling Unibersidad ang pinasukan mo." Seryoso at walang emosyon niyang sabi.
Anong ibig niyang sabihin? Na hindi ito Eskwelahan kundi isang University na puro kaartehan? Bakit siya nandito? Bakit parang may hindi tama.
Hindi na siya muling nagsalita kaya hindi na rin ako umimik pa. Nakakatakot talaga siya.
Ilang segundo lang nagsimula na rin ang Program. Nagsalita ang Dean ng kung anu-anong bagay na tungkol sa University, sa history at ang mga karangalang natanggap nito.
Akala ko ba walang pake-alam ang University sa Academic? Pero bakit ang dami nilang natatanggap na Award?
Ayon sa aking narinig marami nga silang natanggap at puro Champion at Unang Karangalan ang nakukuha nila. Akala ko ba binabalewala ang pag-aaral dito?
"Thank you for listening, Montgomerian Freshman." Tapos na siguro siyang mag Welcome sa'min. "And please Welcome our next speaker." Meron pa? Ang tagal naman, sa pagkaka-alam ko mahigit isang oras na kaming naka-tayo dito. "All hail the President of the Student Council, Mr. Claude Maniego." Habang sinasabi 'yon ni Dean naghihiyawan na ang mga Estudyante sa loob ng Hall. Sobrang ingay na parang may artista sa harapan nila.
Nagtakip ako ng tainga, parang masisira na ang eardrum ko sa sobrang lakas ng hiyawan. Ano bang problema nila sa Kuya ko? Huh? Ang ingay ah.
Tumingala ako at tiningnan si Kuya sa Stage, nag-iisa na lang siya at may hawak na mic. Nakatingin siya sa'kin.
Hala o.o
May ginawa ba ako? Mukhang galit siya. Galit na galit. Nakikita ko sa mga mata niya ang galit.
Wala naman akong ginawa e. Yumuko na lang ako, nakakatakot siya.
Ano bang ginawa ko sa kanya? Hindi naman ako pasaway ah, pumunta pa nga ako dito para lang hindi siya magalit. Nakakatakot tuloy tumingin sa kanya.
Hindi pa humuhupa ang hiyawan pero nagsalita na si Kuya. Na inform naman ako na President siya ng Student Council pero hindi ako na inform na Artista pala siya. Hihi ^_^
Muli akong tumingin sa kanya. Hay, akala ko nasa'kin pa rin ang atensiyon niya. Mabuti na lang inalis na niya.
"Good Morning Freshman..." muling naghiyawan ang mga estudyante. "Welcome to Montgomery University." Ang ingay talaga e. Pero hindi na gano'n kalakas nang pumasok siya. Nakakatakot sumigaw ang mga estudyante parang nakawala sa kulungan. "I'm here to introduce all the Rules and Regulations of this University. I don't tolerate any excuses once you disobey my rules." Kahit saan pala masungit siya. "Once I introduce it, sundin niyo. Kung hindi niyo kayang sundin bukas ang Gate ng University, hindi kayo kawalan dito."
Matapos niyang sabihin 'yon may kanya-kanya nang bulungan ang mga estudyante. Kanina pasigaw-sigaw pa kayo, tapos ngayon? Haha masungit nga kasi yan.
"Ang sungit nga niya."
"Lalo siyang guma-gwapo sa pagsusungit."
"Mayabang!"
"Cold Hearted Guy."
"Grabe he's so charming and attractive."
"Ang angas pre!"
"Akala mo kung sino."
Hindi ba nabubulag yung iba? Tinawag pang Cold Hearted Guy si Kuya. Hot Hearted kamo.
Inayos ko na lang ang salamin ko, nakaka-asiwa rin pala sa mukha kapag may ganitong salamin. Tsk.
"So let’s start. First and foremost, Don't make any issues that can damage, especially drag down the name of our University." Ilang oras pa ba ang hihintayin namin. Excited na ako sa unang klase. Tsaka may Student Hand Book naman bakit kailangan pang isa-isahin ang Rules and Regulations?
Isang oras ulit ang ginugol namin sa pakikinig sa Fifty na Rules and Regulations ng University. Sa buong University na pala 'yon kasama ang High School Department.
Malapit lang kaya ang Building ng High School Department dito? Balak ko sanang puntahan si Frollo, kaya lang baka mahalata ako. 'Wag na nga lang.
Sa ilang oras na paghihintay natapos rin ang Welcome Program. May naririnig pa nga ako na hindi raw talaga nagkaklase sa unang araw dito sa University dahil tinatawag daw ito na 'Getting to know each other Day'. Wow.