Kabanata 11

3001 Words
Hell   Hindi ko na alam kung saan pa ilulugar ang tambak-tambak kong problema. Kulang na lang sumabog na ako sa dami.   "B*TCH"   Sana pala hindi na lang ako pumayag na mag-aral dito para hindi na ako nahihirapan pa.   "B*TCH"   Nasan kaya sina Farrah. Ang aga-aga ko pa namang pumasok tapos wala naman sila.   "B*TCH.."   Nakita ko sa peripheral vision ko si halimaw. Buisit ang aga-aga nang-iinis.   "Pinaghabol mo 'ko. Alam mo ba, ikaw ang kauna-unahang babae na pinagha—"   "May sinabi ba akong habulin mo 'ko?" Hindi ko siya nilingon, nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Hindi ko kailangan ng panibagong problema dahil punong puno na ako..   "Ikaw din ang kauna-unahang babae na tinataray—"   "Wala rin akong sinabi na kausapin mo 'ko." Umirap na lang ako sa ere dahil sa inis.   "Alam mo—"   "Hindi ko nga kasi alam! Ano ba? Tumigil ka nga." Padabog akong naglakad palayo sa kanya.   Kelan ba 'ko lalayuan ng problema. Pati itong halimaw na 'to nakikisawsaw pa.   Ugh.   Nasan na ba kayo. Sana lamunin na ng lupa itong halimaw na 'to, naiinis na talaga ako.   "B*tch. Ano ba? Bakit mo ba ako pinaghahabol?" Hindi ba niya naiintindihan? Ayaw ko siyang makita! "Baka hindi mo pa nga ako nakikilala? Oh gusto mo magpakilala pa ako sa'yo?" Hinahabol niya pa rin ako hanggang ngayon. Mamaya pa ang klase ko.. ibig sabihin hanggang mamaya pa ako magpapahabol sa halimaw na 'to? Oh God help me naman po.   "Gusto mo ba talagang maging magulo ang buhay mo? Madali naman akong kausap. Para kay Azzrael Sarmiento simple lang ang panggugulo ng buh—"   "Teka!" Hinarap ko siya. Nakanguso siya dahil sa pagputol ko sa sasabihin niya. Tsk. Nakakainis talaga ang pagmumukha niya. "Ikaw pala si Azzrael? Yung kakambal ni Xandra? Yung wala daw modo? Hmm.. Totoo naman pala ang tsismis." Bakit hindi ko naisip yun kahapon? Siya pala si Azzrael yung isa sa kambal na Sarmiento ng ACS Company. Holy Moly.   Ngumisi lang siya pero may bahid na inis. Tumingin ako sa mga mata niya. Kilala ko ang tingin ng mga mata niya eh. Ganyan ang kislap ng mata ni Tyrone pati na rin ng mga lalaki kong pinsan, nang-aakit. Psh. Playboy.   Kumindat siya kaya natauhan akong bigla. Buisit na mata yan ang sarap tusukin.   "Naakit ka ba?" Ngumisi na naman ang halimaw sabay kindat.   "NEVER!" Tinalikuran ko siya. Grabe.. ang ganda ng mga mata niya. Matang tinatamad at inaantok. Tsk.   Never akong magkakagusto sa Playboy.   THAT PROPABLY WON’T HAPPEN.   Nagmartsa na lang ulit ako. Dapat kasi binibitay na ang mga tulad nilang manloloko. Kahit isama pa nila ang mga pinsan ko, mga buisit sa lipunan yan eh.   "Hindi ka ba talaga naaakit sa mga mata ko? Alam mo ba na ang mga matang 'to ang bumibihag sa lahat ng babae dito sa Pilipinas? Baka pati Nanay mo naakit na sa mga mata ko." Hinarangan niya ako sa paglalakad. Hindi ko siya pinansin lumiko ako para iwasan siya.   Paki ko sa mata niya. Bulagin ko yan eh.   "Bulag ka ba? May apat na mga mata ka na nga, hindi mo pa rin nakikita?" Ngayon naglalakad na siya ng paurong para lang buisitin ako. Tinuturo-turo pa niya ang mga mata niya para ipagyabang. Ininsulto pa ako.   Inayos ko na lang ang salamin ko.   "I have my own eyes. I don't have time to appreciate that sh*t. Tss." Inirapan ko siya. Hindi lang siya ang mayroong magandang mga mata. I have my beautiful eyes too.   "Oo nga naman. Pwede patingin? Natatabunan kasi ng salamin eh." Hinawi ko ang kamay niyang hahawak na sana sa salamin ko. Ang kulit talaga..   "PWEDE BA!? Wala akong oras para makipag-laro sa'yo. Hindi mo ako kailangang paglaruan. Alam ko ang pakay mo at alam ko rin kung anong klaseng tao ang tulad mo. Hindi lang ikaw ang kilala kong manloloko. Marami kayo. Marami.. Kaya pwede lubayan mo 'ko?" Natunganga lang siya sa sinabi ko kaya nagkaroon ako ng oras para umalis at iwan siya.   Inaamin ko masama ang ginawa ko pero hindi naman tama ang manggulo ng buhay ng may buhay. Tao rin naman ako, kailangan kong maging normal.   Sa lahat naman ng nadadaanan ko pinagtitinginan ako. May show ba? Teka nakita nila yung show namin ni Sarmiento? Di nga? Patay kang Halimaw ka.   "Tanya.." Nilayo ako ni Farrah sa mga taong pinagtitinginan ako at pinag-uusapan. Dinala niya ako sa Locker Room, magkasama naman kami sa room eh. "Why did you do that? Azzrael is evil. Kaya niyang gawin ang kahit ano." Nag-aalalang tono ni Farrah. Alam ko naman 'yon katulad lang siya ng kakambal niya.   "Bakit ang bilis naman ng balita? Kanina lang kami nag-usap ah." Kung oorasan ko wala pang thirty minutes simula ng mangyari 'yon.   "Live Video sa f*******:. Habang sinisigawan mo siya maraming kumukuha ng video sa 'yo." Binuksan niya ang locker niya na katabi lang din ng locker ko. May kinuha siyang isang brown envelope, na ang nakasulat 'From: Ashton Lee'. "Galing kay Ashton, tungkol na naman siguro sa'yo." Kumunot lang ang noo ko sa sinabi niya.   Binuksan niya ito at kinuha ang sulat. Hindi ko na lang pinansin. Kumuha na lang ako ng gamit. Ilang minuto na lang kasi ang first class namin.   "Pinagpipilitan na naman niya ang pagsali mo sa Tournament. Unang beses niya kasing ma-reject." Binalik niya ang papel sa loob ng envelope tsaka binigay sa'kin. "Pinabibigay na rin sa'yo para daw maibigay mo sa parents mo." Kinuha ko na lang din tsaka nilagay sa locker.   Hindi ko pwedeng ibigay 'to o ipaalam na sinasali ako para sa Tournament. Hindi rin naman sila papayag.   "That Social Climber? You b*tch!" Biglang may humila naman ng buhok. Tiningala niya ako kaya nakita ko kung sino 'yon. Si Xandra ang kakambal ng Halimaw na si Azzrael. "Masyado ka ng pasikat. Ginamit mo pa ang kakambal ko para magpapansin." Nag-iigting na ang panga niya sa galit.   "Hindi naman ako ang nag—"   "Hindi ko obligasyon na pakinggan ang sasabihin mo." Mas lalo niya itong hinila pababa. Nangingilid na rin ang mga luha ko sa sakit, ang mga binti ko sumasakit na rin sa pagkaka-bend. "Ang gusto ko lumayo ka sa kambal ko. Lumayo ka sa buhay ko. Lumayo ka sa lahat ng taong makapangyarihan dito. Hindi ka nababagay sa lugar na 'to!" Binitawan niya ang buhok ko habang unti-unting tumutulo ang mga luha ng sakit at galit.   "Xandra tama na. Please lang." Tinahan ako ni Farrah. Alam ko takot na rin siya sa kayang gawin ni Xandra kaya hindi ko na rin gugustuhin na tulungan niya pa ako tuwing aawayin ako ni Xandra.   "Higit pa riyan ang kaya kong gawin sa tulad mong manggagamit. Isa ka lang sa mga taong gustong sumikat gamit ang kapangyarihan namin. At hinding-hindi mo magagawa 'yon hangga't nandito ako." Tinalikuran niya kami kasama ang mga kaibigan niya. Niyakap ko si Farrah. Natatakot na talaga ako.   "Sorry hindi kita na pagtanggol. Natatakot rin ako. Simula ng sinabi niya sa'kin yun kahapon, sumagi sa isip ko na tama siya. Wala akong maipagmamalaki, kahit na anak pa ako ng may-ari University na 'to. Kayo pa rin ang bum—" Umiling ako tsaka siya hinarap. Pinahid ko ang mga luhang lumandas sa mga mata ko.   "Lahat tayo may karapatan. Nasasabi lang nila 'yon dahil mapagmataas sila, sakim at nasilaw sa kapangyahirang mayroon sila. Pero sa mata ng Diyos pantay-pantay lang tayo sa lahat ng bagay. Hindi mo kailangang maging mayaman o maging mas makapangyarihan para magkaroon ng karapatan. Na-uubos din ang pera. Tandaan mo 'yan." Ngumiti ako ng hilaw. Ngumiti rin siya.   "Ikaw ang may kailangan ako pa itong tinulungan mo. Salamat Tanya huh. Pero hindi naman natin magagawa 'yan dito. Namulat ang lahat ng estudyante dito ng pagiging mataas at huwag lilingon sa nangangailangan. Para sa kanila ang mayaman para lang sa mayaman. Para sa kanila walang kaibigan, dahil sa pag-gagamitan lang umiikot ang industriya nila." Ngumiwi siya tsaka hinarap ang pinto. "Si Xandra at ang kakambal niya ang isa sa makapangyarihang estudyante dito sa University. Katulad ng sinabi mo kahapon, anak nga sila ng nag mamay-ari ng isa sa pinaka-kilalang Hotel and Restaurant dito sa Pilipinas pati na rin sa labas ng bansa. Dahil sa kapangyarihang taglay nila nagagawa nila ang lahat ng gusto nilang gawin. Kahit na ang lahat din ng nandito ay mayayaman tulad nila, para sa kanila pati na rin sa'min sila pa rin ang mas nakaka-angat sa lahat. Iyan ang nagagawa ng mga Sarmiento sa loob ng University na 'to."   Iniisip ko pa rin ang lahat ng sinabi ni Farrah. Ang mga Sarmiento ang isa sa dapat kong iwasan sa eskwelahang ito. Kaya nilang gawin ang lahat pati na rin ang panggugulo ng buhay ko. Kung alam ko lang.   Pagtapos ng klase namin nagpaalam na rin ako kay Farrah at Eunice.   "Una na ako huh."   "Kakain kami sa labas ni Tanya, sama ka?" Ngumuso ako tsaka umiling. "Ano ba yan. Kelan ka ba sasama sa'min? Diyan lang naman tayo sa Creamy Palace eh." Paalis na sana sila ng pigilan ko.   Agad akong lumapit sa kanila. "Saan kayo?"   Gusto kong mapuntahan ang mga lugar kung saan pinaghirapan ng buong Pamilya ko. Katulad ng Creamy Palace. Ito kasi ang kauna-unahang negosyo ni Mama, mahilig kasing mag-bake si Mama.. hanggang pagbabake nga lang. Kaya kaming mag pipinsan tinuruan na rin sa kusina kahit mapalalaki pa yan.   "Creamy Palace. Diyan lang sa malapit na branch, para malapit lang at para makauwi na rin tayo agad." Ngumiti siya ng pagkalaki-laki, alam niyang gustong kong sumama. "Sama ka?" Kumislap kislap pa ang mga mata niya.   "Sandali lang." Tumalikod ako tsaka ko kinuha ang phone ko sa bag.   Dinial ko ang phone number ni Ate Pinky para magtanong kung sino ang nasa bahay para makapag-paalam.   Mabuti na lang ng ikatlong ring sinagot din ni Ate Pinky.   [Hello? Tanya.]   "Ate Pinky, sino po ang nandiyan sa bahay?"   [Ang Kuya Claude mo lang. Umalis na kanina ang Daddy at Mama mo, si Apollo ka-aalis lang din.]   "Ah ganun ba. Sige Ate Pinky baka matagalan ako ng pag-uwi, paki sabi na lang kay Kuya."   [Sige. Ingat ka huh.]   "Opo. Sige Ate. Bye."   Pinatay ko na ang tawag tsaka ko naman dinial ang phone number ni Tyrone.   Sa ikalawang ring sinagot niya rin ang tawag.   [Bakit? May problema ba? Papunta na ako. Nasan ka?]   "Easy. Mag papaalam lang ako."   "Matagal pa ba 'yan?" Biglang singit ni Farrah.   "Sandali lang" Sagot ko agad. Kailangan kong mag paalam eh.   [Sino yun?]   "Si Farrah. Tsaka nagyaya silang kumain sa Creamy Palace mag papaalam san—"   [Hindi pwede]   "Sandali lang naman yun tsaka kakain lang kami"   [Saang branch?] Naririnig ko sa background niya ang pagpapatakbo ng sasakyan. Nasan kaya siya.   "Dito lang daw malapit sa University."   [Ah sige. Bye.] Sabay patay niya sa tawag ko. Ano yun? Pumayag siya?   Unti-unti akong humarap kay na Farrah. Ngumiti siya sabay taas kilay. "Ano na?"   "Tara." Naka-ngiti kong sagot.   "Yehey!" Nagtatalon pa siya sa saya. "Ano sabay ka sa'min?"   Tinext ko si Manong Garry na puntahan na lang ako sa pinaka-malapit na branch ng Creamy Palace dito sa University. Para naman hindi na magalit itong mga kasama ko.   May driver rin pala si Farrah. Nasa front seat si Eunice at kaming dalawa naman ni Farrah ang nasa likod. Maingay talaga 'tong si Farrah, hindi nauubusan ng kwento.   "Alam mo ba Creamy Palace lang ang nakakapag-paalala sa'kin kay Phoebri." Nag crossed arm siya tsaka sumandal.   Kumunot ako noo ko tsaka siya tiningnan. I heard my name. I heard it from her, from Farrah Montgomery.   "Dapat kasi sa ibang bansa rin ako mag-aaral para sundan si Phoebri, kaya lang wala ni isang sign or clue kung nasaan siya. Kainis nga eh.. hindi ko man lang siya nakita noong umalis siya. Wait! Nakita ko siya. Nakita ko ang body niya, ang mapuputi niyang mga binti. God! Ang puti niya parang manikin." Nagtititili siya tsaka humarap sa akin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Ganyan!" Hinawakan niya ang braso ko. "Ganyan ka puti sa'yo. Grabe sobrang perfect niya. Kaya lang never in my whole life kong nakita ang face niya, even ang itsura niya. Siguro ang ganda-ganda niya. Halata naman sobrang popogi ng mga Maniego." Ngumiti siya tsaka muling sumandal. "Pangarap ko talagang makita siya."   PANGARAP KO TALAGANG MAKITA SIYA   PANGARAP KO TALAGANG MAKITA SIYA   PANGARAP KO TALAGANG MAKITA SIYA   Hindi nawala sa isip ko ang mga salitang 'yon. Kung pwede ko lang ipadama sa kanya na nandito na ako sa harapan niya. Ito ang ikinatatakot ko eh. Ang malungkot at maawa para sa kanila. Hindi ko talaga kakayanin.   "Hey! Anong sa'yo?" Tinulak niya ako sa balikat. Kaya heto natauhan na ako sa pagkakahulog ng emosyon ko.   "Blueberry Sundae Creamy Cake" Naka-ngiti kong sagot.   Ito lang talaga ang hilig kong kainin sa Creamy Palace. May Ice Cream kasing filling.   Napaka-aliwalas pala talaga dito. First time kong pumunta dito pero nakikita ko naman through social media ang feature ng shop.   Peach color ang curtains, walls tsaka ang mga clothing ng chairs and table. May touches naman ng white pero kokonti lang. Ang uniform naman nila dito eh parang mga Princess (All girls sila eh) So cute and adorable. Parang Princess Palace, girly masyado.   Iginala ko ang paningin ko sa buong Shop. Puro mga babae, may iilang lalaki naman kaya lang nakikipag-date. Pu-pwede rin kasing Dating Place ang lugar na 'to eh. Napaka-aliwalas sa pakiramdam.   "Oh crap! Naliligaw din pala sa lugar na 'to ang mga taong yan!? Shocks!" Umirap siya tsaka sumandal sa upuan niya.   Nakaharap sa pinto itong si Farrah kaya nakikita niya ang bawat taong dumarating. Nasa may Glass Wall ulit kami naka-puwesto, naka-harap si Eunice sa Wall ako at si Farrah nasa tabi naman ng Wall.   "Of course. Sa kanila kaya 'to." Pagsusungit ni Euince.   Teka! Sa kanila? Sinong si—   "Mabuti na lang talaga 'no? Haha.." Nagtatawanang naupo ang mga pinsan kong lalaki sa katabing lamesa namin. Pito kasi sila kaya dito sa tabi namin na mahaba-habang mesa sila naupo.   Tiningnan ko lang sila. Naka-ngisi sila habang pinagmamasadan ang pwesto namin. Bwisit. Sinama pa talaga nila si Shawn. Bad influence.   "Kamusta naman ang dating!? HEAD TURNER" Naiinis na utas ni Eunice.   "Sinabi mo pa. Lalong lalo na si Tyrone!? Tsk. Yabang." Umiiling na utas naman ni Farrah.   "Bakit? Anong bang ginagawa nila?" Sobra ba talaga sila sa mga babae?   "Wag mo ng alamin. Magiging isa ka lang sa mga babaeng.. maiinlove sa kanila o di kaya magiging hater nila. Kahit alin diyan nangyayari sa bawat babae sa School, maiinlove muna tapos pag tumagal iiyak at BOOM! hater na nila." natutuwang kwento ni Farrah sabay sulyap sa kanila. "Hindi nga lang nadadala. Mga Gwapo kasi at Mayayaman."   "Pati ba kayo naging tulad nila?" Inosente kong tanong. Malay mo panaginip ko lang pala yung tungkol sa nalaman ko kay Euince at Shawn. Di ba!?   Tumingin sa'kin si Farrah sabay nguso kay Eunice. Totoo nga talaga. Ngumiwi ako tsaka tiningnan si Eunice.   Tahimik siya. Nakatitig lang din siya sa kabilang mesa. Sabay kaming lumingon ni Farrah sa kabilang mesa.   NAGTITITIGAN SILA!   THEY'RE GETTING BACK TOGETHER?   SILA ULIT?   OMG! MAY SPARK!   Agad akong tumayo tsaka lumapit kay Farrah.   "Sila ulit?" bulong ko.   Nagkibit-balikat siya "Ewan. Baka. Siguro."   Naka-ngiti akong bumalik sa upuan ko. Sheezzz.. nakakakilig.   EUNICE AND SHAWN. FOREVER.   Ang sarap talaga nitong cake na 'to. Yummy.   "Favorite mo pala 'yan?" Tanong ni Farrah. "Parehas kayo ni Phoebri."   Nanlaki ang mata ko. Mabubuko na ba ako? HINDI PWEDE.   "Ma'am" May biglang lumapit sa amin. Isa sa mga staff ng Shop. Binasa ko ang name tag 'Ate Kikay'   "ATE KIKAY?!" Siya si Ate Kikay. Yung lagi kong nakaka-usap sa telepono. OMG!   "Ahmm. Yes Ma'am." Ngumiti siya sandali tsaka tinaas ang hawak-hawak niyang cake. "Here's the Choco Delight Creamy Cake. Hope you girls love it." Unti-unti niya itong nilalapag sa mesa namin.   "Sa'kin? Hindi po ako umorder niyan." Umiiling kong sagot. Hindi sa akin yan.   "Pinabibigay po yan ni Mr. Sarmiento. Sana daw po mapatawad mo siya." Mr. Sarmiento? Sino yun?   "SARMIENTO? KAY AZZRAEL SARMIENTO GALING YAN?" Sigaw ni Farrah.   Gosh. Sinigaw pa niya. Andito lang sa tabi-tabi ang mga pinsan ko at ang kapatid ko. Napatabon tuloy ako sa mukha ko. Nakakahiya.   Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao dito sa loob.   "Sige Ma'am. Sana mapatawad mo na siya. Enjoy your Creamy Cake." Muling ngumiti si Ate Kikay bago umalis.   Unti-unti ko rin na nilingon ang kabilang mesa. Lahat sila nakakunot na ang mga noo habang nag-iigting ang mga bagang. Galit? Syempre naman Tanya. Jusko naman. Iisa si Sarmiento dito tapos sila? Pipito lang naman po. -_-   "Alam mo isa lang yan sa galawan ng mga playboy. Wag kang maniniwala na nagso-sorry siya. They're just playing around." Taas kilay na sabi ni Farrah.   "Wag na bro... wag dito.." Napatingin kami sa pagtayo ni Tyrone. Pinipigilan na siya ngayon ng mga pinsan ko.   "Bro.. may araw din ang hayop na 'yan." Nanlilisik naman sa galit si Tyler habang may tinitingnan.   "Tuturuan ko lang ng leksiyon. Just sit and relax." Naiinis siya. Namumula na kasi ang mukha niya.   "MAUPO KA NGA!" Sigaw ko sabay harap kay Farrah. Napapikit ako ng mariin. Jusko. Wrong move.   Halata kaya? Of course. Sinigawan mo ba naman.   "Tanya.." Hinawakan ni Farrah ang kamay ko "Ayos ka lang?" sabay himas niya.   Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Nakatingin silang dalawa sa akin. Those questioning eyes. They’re watching me. Ugh.   Tumango ako bilang sagot. "Let’s eat?"   "Sige.." Binitawan ni Farrah ang kamay ko.   Pinagmamasdan lang nila ako habang kumakain. They’re confused.   Sinong hindi magtataka. I commanded the Playboy in Town. Tyrone Maniego the Playboy.   "Wala na si Azzrael. Lumabas na habang nag-iinit sa kabilang mesa." Nahalata siguro nila ang pagka-ilang ko. Sinong hindi maiilang, napapalibutan ako ng mga pinsan ko at ng kapatid ko tapos andito pa si Halimaw at itong dalawa pa. Baka konting pagkakamali ko lang mawala ang lahat ng pinaghihirapan ko.   "Bakit kaya sila nagkakagulo?" Nagtatakang tanong ni Farrah.   "Baka may pinag-aagawang babae?" Sabay titig sa akin ni Eunice, ako? Hindi. Agad akong umiwas sa titig. Nakakatakot siya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD