Kabanata 12

2016 Words
Mess   "WHAT WAS THAT FOR!?" Sigaw ni Tyrone sa'kin pagpasok niya sa kwarto ko. Katatapos ko lang din mag-shower para makatulog na.   Hindi ko siya pinansin naupo ako sa kama tsaka inayos ang unan. Wala akong dapat ipaliwanag sa kanya, siya ang dapat mag paliwanag sakin kung bakit sila nandoon.   "TANYA! I'M TALKING TO YOU!" Sigaw niya pa bago ako hinawakan sa braso. Tiningnan ko lang siya saglit bago ko binawi ang braso ko. Nahiga ako at tinalikuran siya. Ayokong makipagtalo sa kanya. "ANO BA!? YOU'RE BEING UNPREDICTABLE! HINDI KITA MAINTINDIHAN!"   Ako? Unpredictable? Saan niya nakuha 'yon? Sa mga babaeng nakakasama niya? UGH.   Padabog akong naupo tsaka siya hinarap. "Pagod ako, kailangan kong matulog. Kung gusto mong mag-usap tayo, pwede bukas?" Inaantok ko siyang tiningnan. Nanlilisik lang ang mga mata niya sa akin.   "FINE! WE SHOULD TALK ABOUT THIS! ALL OF US!" Padabog siyang lumabas ng kwarto ko. All? O.o   Hindi ko talaga maintindihan ang mga ugali nila. Minsan sweet, minsan moody at madalas nag sisigawan. BIPOLAR.   Hindi ako masyadong nakatulog sa sinabi ni Tyrone kagabi, mabuti na lang walang pasok. It's Saturday and I think there is something going to happen.   Naligo muna ako bago bumaba para mag almusal. Wala si Mama nasa Korea kasama si Aunt Jasmin para sa bagong design daw na gagawin nila para sa Fashion Week, si Daddy  nasa Switzerland para sa business meeting and syempre si Kuya busy na naman sa France hindi pa kasi tapos iyong building na pinapatayo nila. Ibig sabihin kaming apat lang ang nandito sa bahay kasama ang mga maid. Nakakapagod na.   "Tanya, gising ka na pala. Maupo ka na at kumain." pag-aaya sa akin ni Nanay Rosa.   Ngumiti ako tsaka siya niyakap. "Thank you po." Nagulat siya sa ginawa ko kaya agad akong bumitaw at muling ngumiti.   "Para saan, anak?" Nakangiti na rin siya.   "Para sa lahat po. I love You, Nanay." niyakap ko muna ulit siya bago kumain. Naiiyak na nga siya kaya lang pinigilan niya kasi ang magaganda daw hindi umiiyak. Natawa na lang ako.   "Nasaan po sila?" Tanong ko. Kasabay naming kumakain minsan si Nanay Rosa at ngayon siya lang ang kasabay kong kumain.   "Si Claude maagang umalis para sa pinagagawa ng Daddy niyo, alam mo na walang mag-aasikaso ng Kompanya niyo dito sa Pilipinas. Si Tyrone lumabas may pupuntahan, wala siyang dalang kotse siguro diyan lang sa mga pinsan niyo. Si bunso natutulog pa." Tumango-tango ako tsaka pinag-patuloy ang pagkain.   Pagtapos kumain lumabas ako ng bahay at naglibot sa garden and the pool area. Masakit na sa balat ang araw kaya pumasok na lang ulit ako sa bahay. Naabutan ko silang naglilinis kaya tumulong ako.   "Oh? Anong ginagawa mo?" Tanong 'Ya Wena.   "Tumutulong? Wala po kasi akong ginagawa eh." Nagpatuloy ako sa pagwawalis.   "Wag na. Baka mapagalitan kami ni Nanay Rosa." Pagpipigil pa ni 'Ya Patty.   "Ako naman po ang may gustong maglinis. Tsaka para madali na rin po kayong matapos." Ngumiti na lang ako tsaka muling nagpatuloy sa paglilinis.   "Tanya, hindi mo na dapat problemahin yan labing-apat kaming taga-linis dito, madali talaga kaming matatapos." Sagot naman ni 'Ya Jossi.   "Fourteen po kayong taga linis?" Ganun pala sila ka dami? Iilan lang kasi ang kilala ko.   -_-   "Oo. Hindi rin kasi madalas bumaba 'yong iba. Tig-apat na taga linis ang tatlong palapag at dalawa naman ang nasa attic." Paliwanag pa nila. Ah kaya pala. Si Ate Lala o di kaya si Ate Lissy ang naglilinis ng kwarto ko, siguro sila iyong taga-linis ng second floor. Ngayon ko lang ito nalaman ah.   Sa kalagitnaan ng paglilinis ko (hindi kasi ako nagpapigil masayang maglinis 'no) may papalapit na mga boses na dumagsa sa labas. Hinihingal naman na pumasok ang isa sa mga hardinero namin at lumapit kay Nanay Rosa na ngayon ay kalalabas lang galing sa kusina.   "Manang Rosa.." Hinihingal na panimula nito.   "Bakit Julio? Anong problema?" Nagtatakang tanong ni Nanay Rosa. Lumapit ako para mas lalo kong marinig ang pag-uusapan nila.   Huminga muna ito ng malalim bago sumagot. May problema ba? "Andiyan po silang lahat sa labas. Si Master Tyrone ang kasama nila." Hinihingal pa rin siya, malayo ba ang pinanggalingan niya?   "Sige.. sige ako na ang lalabas." Lumabas si Nanay Rosa kasama si Manong Julio at sumunod naman sa kanila sina 'Ya Jossi at 'Ya Wenna. Hindi na ako lumabas. Nagtago ako sa may pinto na iyong maririnig ko ang pag-uusapan nila.   Ilang minuto ang lumipas ng magsimula na namang umingay sa labas. Inaasahan ko naman na mangyayari ito kapag sama-sama sila. Ewan ko nga lang kung bakit sila narito.   "Nanay Rosa.." bati nilang lahat. Ang ingay talaga nila. Yung iba nagtatawanan at yung iba naman kumakanta.   "Nay, dun lang po kami sa may Billiard. Padala na rin po ng pagkain." Boses iyon ni Tyrone. Muli na naman silang umingay.   "Swimming? Let’s swim guys." Boses naman iyon ni Shayne. Lagi siyang ganyan, kahit mainit na lumalangoy pa rin.   "Tsk. We're not here for swimming, Shayne." Naiinis na boses iyon ni Ate Isha.   Umayos ako sa pagkakatayo dahil unti-unti ng nawawala ang mga boses nila. Papunta na siguro sila doon. May open space na tambayan kasi malapit sa pool at doon matataguan ang Billiard.   Naupo ako sa sofa. I'm sure it was meant for me. It's pretty much all about me. Katulad ng sinabi ko, hindi sila madalas pumunta dito at ngayon na nandito silang lahat. Tyrone planned this.   "Tanya, hinihintay ka nila." Panimula ni Nanay Rosa. "Magpapa-luto lang ako ng makakain niyo. Pumunta ka na." Nagtungo siya sa kusina. Naglilinis na ngayon si 'Ya Jossi at 'Ya Wenna.   "Ang gwapo talaga ng mga pinsan mo, Tanya." Naka-ngiti sila habang sinasabi iyon. Sanay na naman silang nakikita ang mga pinsan ko, kaya lang hindi ko sila masisisi dahil iba talaga ang dating ng mga pinsan ko.   "Di ba, si Tammy 'yong magiging bida sa bagong teleserye?" Bumaling si 'Ya Jossi kay 'Ya Wenna.   "Opo. Siya nga po, magpa-picture po tayo mamaya, Ate Jossi." Nakangiting sagot naman ni 'Ya Patty.   Napailing na lang ako sa sinasabi nila. Ngayon napatunayan ko na ang dahilan ng lahat ng nangyayari. Iba't ibang katayuan sa buhay ang mayroon sa Pamilya namin. Katayuan na hinding hindi na maaabot nino man.   Sumunod na rin ako sa kanila. Hindi gusto ni Tyrone na pinaghihintay siya lalo na't kasama pa niya ang mga pinsan namin.   "Piarra," Bati ni Yumi   "Buti lumabas ka pa," Sarkastikong bungad ni Tyrone. Galit nga siya.   "Tyrone!" Saway naman ni Ate Isha.   "Tyrone naman.." Tumayo si Kuya Wesley tsaka ako pinaupo sa upuan niya. "upo ka Piarra."   "Thank you, kuya."   Naupo ako, sa tabi ni Shayne. Seryoso sila ng dumating ako pero mas naging seryoso ng naupo na ako. Napailing na lang ako sa naiisip ko.   "I thought Phoebri is safe. WHAT HAPPENED!?" Napatingin ako sa kanya, Tyrone. Galit siya. Galit na galit.   "Calm down, Tyrone. Hindi tayo mag kakaintindihan kung sisigaw ka." Pagpapakalma ni Tammy. Mabuti na lang wala si Kuya Claude ngayon at nasa Building.   "Pwede naman nating pag-usapan ng hindi sumisigaw di ba?" Dugtong din naman ni Yumi. Mabuti na lang may mga pinsan kami na marunong kumalma at hindi nagsisigawan.   "Fine!"   "Kasasabi lang e." Biro naman ni Kuya Steve.   "Tsk."   Hindi ko gusto ang nangyayari. Mas lalo siyang nagagalit pag ganito ang magiging takbo ng usapan.   Last time na nag meeting kami, tungkol naman yun sa pagsasama ng babae ni Tyler dito sa Village at naging ganito din ang usapan. Sumisigaw si Tyrone at galit naman Si Kuya Claude, everything was a mess at dahil iyon sa akin.   "Tutunga na lang ba tayo? I have an important issue to solve." Walang emosyon na sabi ni Ate Isha, lagi naman e.   "I have a party later." Pagtataray naman ni Shayne.   "May practice kami ng Varsity Team." Dagdag naman ni Kuya Wesley.   "Mamaya na ang reklamo." Suway ni Kuya Steve, "Para san itong meeting, Tyrone?" Tumayo siya sa tabing upuan ni Tyrone.   Tumingin kaming lahat kay Tyrone, kinakabahan ako.   "Magkakasama tayo kahapon—"   "Where? I had an appointment yesterday. I don't kn—" Singit ni Shayne.   "May sinabing kasama ka?" Naiinis na tanong ni Shawn. "Makinig na nga lang." Sa pagkakaalam ko tuwing walang pasok  nasa foundation ng ospital si Shawn para tumulong, naiinip na siguro.   "Sorry."   Nagpatuloy si Tyrone sa session niya. Nakakatakot talaga siya.   "Sa nangyari kahapon sigurado ako na hindi na titigilan ng lahat si Tanya. Kalat na sa buong University ang nangyari at hindi maganda na makarating pa ito sa mga magulang namin." Tyrone is right. Magulong-magulo na ang lahat.   "Hindi ko rin nagustuhan ang nakita ko kahapon." Matabang na komento ni Tyler. "THAT SARMIENTO? PSH. ASSHOLE."   "Anong gusto niyong iparating?"   "PATAYIN!" sabay sabay na sigaw ng mga lalaki.   "Sobra naman ata." Natatawang utas ni Tammy.   "Dapat lang yun. Hindi niyo ba natatandaan ang nangyari sa lalaking na link kay Thammara?" Ngiting aso na pagpapa-alala ni Tyler.   "I remembered that. Last shoot niya para sa finale ng teleserye.." natatawang utas ni Yumi "pumasok siya na basag ang mukha dahil sa bugbog niyo. That was the biggest issue in town that time. Kaya nga bumaba ang rating ng Entertainment nila Tammy dahil dun."   "At 'yon din ang dahilan kung bakit lahat tayo hindi nakalabas ng Summer. May Bora outing pa naman kami nun." Maarteng utas ni Shayne.   "At 'yon din ang dahilan kung bakit hindi siya nabigyan ng isang taong Projects ng Entertainment. TSS. Tsismis nga lang yun pero pinatulan niyo. Kawawa kaya yung tao." Napakamot lang si Tammy sa pagbabalik nila ng issue. Napapailing na lang din ako sa pangyayaring 'yon.   Hindi ko lubos maisip na baka mangyari din 'yon kay Azzrael. Kawawang Azzrael.   "Hindi siya kawawa. Dapat lang 'yon sa mga taong mapagsamantala. Dapat kasi umalis ka na sa pag-aartista baka maubos ko pa lahat ng taong didikit sayo sa telebisyong 'yon, hindi maganda sa paningin." Seryosong at galit na tono ni Tyler, protective brother.   "Di ba bad 'yon?" Lahat kami napatingin sa nagsalita, Kendra.   Napakunot noo kami sabay tingin kay Joao.   "What? Hindi ko napansin na kasama siya." Nagkibit balikat siya.   "Sumunod lang ako. Wala po akong kasama sa bahay e." Sagot pa nito. "Nasa office si Dad at nasa Hospital naman si Mom. Ang boring sa bahay."   Napangiti na lang ako. Ang gandang bata talaga niya.   "Dun ka na lang sa loob. Andun si Frollo sa room niya." Nakangiting utas ko.   "Okay po. Bye."   Mga bata nga naman. Joke. Bata pa rin naman ako.   "Tama si Kendra. Hindi na dapat maulit ang nangyari kay Kean. Mas makakabuti sa lahat kung hindi na pansinin ang nangyari, matatapos din ang issue na 'yon. Mapag-iinitan lang lalo tayo ng mga magulang natin kung gagawa pa tayo ng gulo. Malalaman lang nila ang nangyari kay Piarra." Ani Wayne habang nagbibilliard. Siya lang itong naglalaro habang busy kaming lahat sa pag-uusap.   "Wayne's right. Mahahalungkat lang ang nangyari kay Piarra kung gagawa pa tayo ng gulo. Ilayo na lang natin siya sa mga estudyanteng kaya siyang saktan." Walang emosyong suhestiyon ni Ate Isha. "Mas mapapadali ang lahat kung hindi na natin papatulan. Matatapos din yan."   "Sa tingin niyo matitigil 'yon? Kilala niyo ang kambal na Sarmiento, hindi ba? Hindi tumitigil hangga't hindi nakakasakit. Sa tingin niyo titigilan nila si Tanya hangga't nasa University siya? Di ba hindi? Ano sa palagay niyo ang dapat gawin? Ang pabayaan na lang gaya ng sabi niyo? TSS. Impossible. Sobrang imposible ang gusto niyo." Sa galit ni Tyrone sinuntok niya ang Billiard Table kaya nagkalat ang lahat ng bola at napatulala si Wayne na kaninang naglalaro. Napa-iling na lang din sila sa galit na si Tyrone. Alam kasi nila na hindi na ganun kababaw ang galit niya, dahil ang galit na 'yon ang pwedeng pumatay sa taong magbabalak na pigilan siya. A big mess, Tanya.   "What should we do then?" Bulong ni Shayne sa amin. Kahit ang kinatatakutan ng lahat na si Shayne, takot rin sa kapatid ko.   "I don't know." Nagkibit balikat si Tyler. Badboy si Tyler, pero ang galit ni Tyrone hindi kayang sabayan nino man.   Bawat ugali ay may kaakibat na panganib. Gaya ng ugali ng bawat taong nasa paligid ko, hindi madaling intindihin.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD