Premier
Ayon kay Tyrone, kung maaari iwasan ko na ang magkapatid na Sarmiento. Mahirap gawin 'yon dahil nasa iisang eskwelahan kami, pero sisikapin ko para sa ikabubuti ng lahat.
Tinitigan ko iilang libro sa harapan ko. Library hour namin ngayon kaya mga libro ang kasama ko. Hindi ko rin kasi mahanap sina Farrah at Eunice.
"There you are" Hindi ko iyon pinansin, hindi naman kasi si Farrah at Eunice 'yon. At hindi rin naman siguro ako ang kausap nu'n.
Kumuha ako ng isang libro tsaka ito binasa. Hindi naman puwede na titigan ko na lang ito maghapon.
"I'm talking to you, b*tch." Hinila niya 'ko sa braso at hinarap sa kanya. Ako ba talaga ang kausap niya? "Di ba, ikaw si Tanya?" Naaalala ko siya. 'Yong inaway ni Shayne sa Cafeteria at ang babaeng humila rin sa braso ko.
"Do I know you?" I can't remember her name. Pero sigurado ako na siya 'yon.
Binitawan niya ang pagkakahawak sa braso ko atsaka naupo sa harapan ko.
"Dapat nga ako ang magtatanong niyan sa'yo. Sino ka?" Padabog niyang ibinaba ang mga kamay niya sa mesa tsaka niya ako tinaasan ng kilay. "Normal na estudyante ka lang naman dito, compare sa'min. Bakit pasikat ka masyado?" Umayos siya sa pagkakaupo tsaka nag crossed arms.
"Sino ka po ba?" Bakit ba ganyan ang lumalabas sa bibig mo, Tanya? Gusto mo ba na masaktan? God.
"Hindi mo ba talaga ako kilala? Oh well, siguro mahirap talaga ang pamilya mo para ma-avail ang Diamond Accessories namin." Diamond Accessories? Which means— "Ako lang naman ang Heiress ng Diamond Accessories, Ally Sandoval." Pakilala niya.
I know.
Alleia Alessandra Sandoval, ang hinirang na Queen of Diamonds. Isa ang pamilya nila sa stock holder ng Company namin. At sila din ang supplier ni Mama.
"What? Don't tell me, hindi mo talaga ako kilala? Kalat ang pangalan ko sa buong mundo, anong planeta ba ang pinanggalingan mo?" Mas lalo siyang nainis. Kilala ko naman siya, pero hindi gaano.
Atsaka, isa rin siya sa dapat kong layuan.
"Sabihin mo nga sa'kin, anong kompanya mayroon ang Pamilya mo?" Bakit ba interesado sila sa yaman ng ibang tao? Hindi pa ba sapat kung ano ang mayroon sila?
"We don't have—"
"I knew it. You're a squatter. Bakit nandito ka pa? Di ba dapat tumutulong ka sa stuff ng University? What did you call that? Hmm.... Scholar? Eww." Umakto siyang nandidiri atsaka tumayo at lumapit muli sa akin. "Squatter ka lang, kaya dapat alam mo kung saan ilulugar ang sarili mo." Pataray niyang sabi. "Poor little girl. TSS." Inirapan niya pa ako tsaka siya umalis sa harapan ko.
Hindi ba sila marunong maawa? Ang katulad nila ang dapat na umintindi sa taong walang kaya sa buhay, pero hindi ganu'n ang nakikita ko.
Hindi ko na lang 'yon inisip, nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa, kahit walang pumapasok sa lahat ng binasa ko.
"Tanya," kunot noo ko itong hinarap. Bakit kinakausap niya 'ko? "W—wala kasi akong kasama, can I join you here?" Nahihiyang utas niya, isa siya sa mga pinsan ko si Tammy. Napansin niya siguro ang pagkabigla ko kaya nahiya siya.
"Sure, wala rin naman akong kasama." Naupo siya sa kaninang inupuan ni Ally, sa harapan ko.
Ngumiti siya atsaka nilapag ang dalawang libro na hawak niya sa mesa.
"N—nakita ko kasi ang pag-upo ni Ally dito," napansin ko ang pagkaka-utal-utal niya. Bakit siya nauutal? "kaya naupo na 'ko dito. Baka, hindi ka na nila lapitan kung sasamahan kita." Muli siyang ngumiti.
Ginagawa nila ang plano.
"Hindi mo naman kailangan na gawin 'yon, kaya ko na naman ang sarili ko." Ngumiti rin ako.
Maganda si Tammy at talented, kaya madali siyang nakuha bilang Artista.
"Para may kasama ka na rin, di ba wala si Farrah at Eunice? 'Wag kang mag-alala magbabasa lang ako dito, hindi kita kukulitin." Kung iisipin at mapapansin ng ibang tao, ang isang Tammy na sikat at hinahangaan ng lahat ay nahihiya at natatakot sa'kin. Hindi magandang tignan. Pero wala na 'kong magagawa, pinsan ko siya.
Sumang-ayon na rin ako. Nagbabasa lang kaming dalawa na parang wala ang isa't isa. Ayoko rin naman na madamay pa siya sa mga pangyayari ng buhay ko dito.
"Why is she with that freaking fake?"
"Too kind, Tammy."
"She's totally a social climber."
"For what I've heard, she's a squatter. Then, why is she with Tammy?"
"Yuck. Eww."
Kanya-kanyang komento mula sa mga estudyante sa paligid ko. Hindi ko na talaga maiiwasan 'to.
Hindi ko na lang din 'yon pinansin, nagpatuloy lang ako sa pagbabasa.
"Tammy," itinaas ko ang paningin ko.
Kissable lips, matangos ang ilong, may seryosong titig ang kanyang mga mata, malinis ang gupit, matangkad, at malaki ang katawan.
Sino siya? Bakit parang ngayon ko lang siya nakita dito? Transferee?
Tinignan ko si Tammy, nakangiti na siya habang nakatingin sa lalaking tumawag sa kanya, na ngayon ay nasa tapat na ng mesa namin.
"Premier? You're here. Kailan ka umuwi?" Tumayo siya atsaka ito niyapos.
Tinignan ko lang sila.
Premier?
"Kanina lang, namiss kita kaya pumasok na 'ko." Natatawa nitong utas.
Ang pula ng labi niya at nakaka-akit pa ang ngiti niya.
"Is that Premier?"
"OMG! He's back."
"Ang gwapo talaga niya."
"So sweet."
"Bagay talaga sila."
Mas lalo kong tinitigan ang dalawa.
"Ikaw talaga, may pasalubong ka ba? Kung wala, bumalik ka na sa pinanggalingan mo." Nagbibiruan lang sila, pero mahina. Nasa library pa rin kasi sila.
"Nasa kotse, mamaya ko sa'yo ibibigay. Ano, lunch?" Aalis na sana ito para hilahin si Tammy ng pigilan siya nito. Humarap sa'kin si Tammy.
"Premier," hinila niya ang kamay nito atsaka hinarap sa'kin. "Meet, Tanya. Transferee siya dito at classmate ko sa iilang subjects." Nanlaki ang mata ko. Pinakikilala niya talaga 'ko?
Tumingin lang siya sa'kin at hilaw na ngumiti. Ngumiti na rin ako kahit ayaw niya sa'kin.
"Tanya, meet my bestfriend, Premier." Itinapat niya ang kamay niya sa mukha ni Premier. "Gwapo, 'no?"
Hilaw akong ngumiti kay Tammy. Baka sabihin pa niyang bastos ako.
Saglit kong sinulyapan si Premier, nakatingin lang siya sa'kin o sa likod. Hindi siya palangiti at seryoso siyang makatingin, pero kanina tumatawa siya sa harapan ng pinsan ko. Hindi kaya—
"Let's go?" Tanong ni Premier kay Tammy.
Umiling si Tammy. "I need— What I mean is, I don't want to be rude with Tanya. Kasama ko siya tapos iiwan ko?" Nahihiyang sagot niya kay Premier.
Saglit na sumulyap sa'kin si Premier atsaka hinarap ang pinsan ko.
"She’ll understands it, Tammy. Right, Tanya?" Tumingin siya sa'kin. Hindi awa, kung 'di seryoso at utos. "Narinig niya naman siguro ang situation natin, kanina." Pagpaparinig naman niya habang nakaharap kay Tammy.
Tumingin sa'kin si Tammy. "Its okay, Tammy." Ngumiti na lang ako. "Padating na rin naman siguro sina Farrah," hindi ako sigurado.
"Are you sure?" Nag-aalalang tanong pa niya.
Tumango ako.
"Yon naman pala, e. Let's go." Bago pa sila makalayo dahil sa paghila ni Premier, umakto siya at lumabi na tawagan ko siya kung may kailangan.
Ngumiti na lang ako at tumango.
Premier, sino ka ba talaga sa buhay ni Tammy?