Bago siya natulog ay nagawa niya pang tawagan si Yaya Doring upang kumustahin ang kalagayan ng ina. Sa sobrang aligaga niya sa mga kaibigan ay hindi siya kaagad nakatawag. Alam niyang late na pero alam niyang gising pa rin ang matanda dahil hindi ito kaagad nakakatulog sa gabi.
"Hello? Sino ito?" tanong nito pagkasagot ng telepono.
"Hello po yaya, si Maggie po ito. Kumusta po kayo? Si Mommy?" tanong niya kaagad.
"Ikaw ba 'yan, Maggie? Ikaw ba talaga 'yan?" paniniyak nito.
"Opo yaya, ako nga po ito. Mangungumusta lang po sana ako sa inyo..."
"Ako ay maayos naman ang lagay maliban sa insomnia ay malakas pa rin naman ako. Si Mommy mo naman ay naospital nang isang linggo. Hindi mo ba alam? Akala ko tinawagan ka ni Henry para ipaalam sa'yo ang nangyari."
"Po? Naospital siya, bakit po?" kinakabahan niyang tanong. Naalala nga niya ang pagtawag ni Henry kaso hindi naman sila nagkausap ng maayos.
"Traffic accident daw sabi ni Henry eh! Nang tanungin ko naman 'yung driver ni Ma'am Margaux ang sabi ay hindi daw gumana ang preno ng sasakyan kaya ibinangga na lang niya sa puno kesa makadisgrasya pa sila ng ibang tao."
"How's mom? Is she okay now? Naospital kamo, malala ba ang lagay niya kaya tinatawagan ako ni Henry at pinapauwi?"
"Hindi naman masyadong malala ang lagay ni mommy mo. Kaunting galos lang at nagka sprain 'yung kanang kamay niya dahil naitukod niya no'ng bumangga sila. Sa ngayon ay nagpapagaling ang mommy mo rito sa bahay. Kaya ka siguro pinapauwi para ikaw muna ang maghandle ng negosyo ninyo ngayon."
Napabuntong-hininga ang dalaga. Kaya pala siya pinapauwi ng ina. "I'm sorry pero hindi po ako uuwi, yaya..."
"Ha? Bakit? Hindi ka ba nag-aalala sa mommy mo?" usisa ng matanda.
"Nag-aalala po pero kung nagpapahinga na lang sa bahay si mommy, ibig sabihin ay pagaling na siya. Isa pa ayokong ma trap sa mga responsibilidad kapag umuwi ako. Hindi pa po ako ready para sa gustong ipasa sa'kin ni mommy. I know that I have a big shoes to fill and I know for sure it wasn't easy. Natatakot akong madisappoint ko lang siya kasi palpak ako." Mahabang paliwanag niya.
"Diyaskeng bata ka! Napakagaling mo sa school at matalino kang bata. Bakit ka matatakot? Paano mo malalaman kung kaya mo o hindi kung hindi mo pa nga nasusubukan?" anang matanda. "Natatakot nga ba talaga o may iba pang dahilan? Umamin ka nga sa akin, nagkatampuhan ba kayong mag-ina?" muling tanong nito.
Napakagat labi ang dalaga. Imbes na sagutin ang tanong ng matanda ay nagpaalam na lang siya rito. Nang patayin niya ang teleponoo ay kaagad siyang nagtalukbong ng kunot. She may sound heartless for not going home for her mom but she's not ready yet. For the second time around, she is choosing herself again. Her mom can survive for sure sa dinami-dami ng mga tauhan nito na pwedeng umalalay.
"Sorry, Mom! Uuwi lang ako kapag ready na ako..." bulong niya bago tuluyang ipinikit ang mga mata.
Kinabukasan ay pawang masasakit ang ulo ng tatlo dahil sa hangover. Ipinaghanda na lang niya ang mga ito ng almusal para malamnan ang mga tiyan. Habang siya naman ay nagkasya na lang sa kape at loaf bread.
"By the way, nagkausap ba kayo nang mabuti ni Sir Knox?" hindi napigilang usisa ni Maica. "Tinanggap mo ba ang offer niyang magtrabaho sa restaurant?"
Tinitigan niya ito maging ang dalawa pang kaibigan na naghihintay sa sagot niya. "Oo, inulit nga niya sa'kin iyong offer niya pero tinanggihan ko pa rin." Sagot niya.
"What?! At bakit naman? Pagkakataon mo na 'yon, papakawalan mo pa ba? Keysa naman maghintay ka pa sa tawag ng ibang inapplyan mo. Sa La Dolce Vita ay siguradong tanggap ka na dahil mismong may-ari ang nag alok sa'yo. You are lucky enough sa bagay na 'yan, tapos tatanggihan mo lang? Ano ka ba naman, Maggie! Mag-isip ka nga!" banat ni Percy.
"Oo nga naman, Maggie! Alam mo ba ang hirap maghanap ng trabaho ngayon at hindi ganoon kadali na nakapasok kami sa restaurant na 'yon. Kung alam mo lang ang hirap namin bago kami nagka trabaho, hay naku! Buti nga sa'yo ang palay na mismo lumalapit sa'yo, tutukain mo na lang eh!" sabad ni Redjie.
"Tama ang sinabi ni Redjie, ang mahal ng mga bilihin ngayon. Dapat hindi tayo mapili sa trabaho. Hindi ni'yo ba ramdam ang inflation, mga sis! Wake up! Dapat ang opportunity once kumatok sa pinto, pinagbubuksan 'yan with wide arms open!" ani Percy.
"Calm down, okay? I have my reason kung bakit hindi ko tinanggap..." depensa niya. Paano niya ba sasabihin sa mga ito na kung tatanggapin niya ang offer ni Knox, disin-sana'y umuwi na lang siya sa kanila. Siya pa ang amo dahil sila ang may-ari ng kumpanya. Kaso ang problema ay hindi alam ng mga kaibigan ang totoong estado ng buhay niya at ayaw niya pang malaman ng mga ito.
"At ano'ng reason naman 'yan, aber?" nakapameywang na tanong naman ni Redjie. "Pumayag ka na kasi at tanggapin mo na 'yung job offer, ayaw mo pa na magkakasama tayong apat sa trabaho?" dagdag pa nito.
Lumipad ang tingin ni Maggie kay Maica na tahimik lang sa gilid. Gusto niyang marinig ang input nito sa usapan nilang apat ngunit nananatili itong tahimik.
"Maica, kumbinsihin mo nga 'yan si Maggie na tanggapin na 'yung trabaho. Sayang din 'yon!" susog ni Percy.
"Ano ba kayo, let her decide kung ano ang gusto niya. Why are you forcing her to accept that job, inayawan na nga niya hindi ba?" ani Maica.
"Kung ako kasi ang tatanungin, mas okay na sana na magkakasama na lang tayong apat. At least magiging magaan ang trabaho ng bawat isa kasi magkakaibigan naman tayo. Isa pa, wala rin namang kasiguruhan na matatanggap si Maggie sa mga inapplyan niya." Ani Percy.
Maica rolled her eyes. Alam nito na hindi titigil sina Percy at Redjie sa pangungulit hangga't hindi sila pumapayag ni Maggie.
"Okay, let's make a deal. Kapag walang tumawag kay Maggie within three days, tatanggapin niya ang trabaho na inaalok ni Sir Knox. Okay ba 'yan sa inyo?" suhestiyon ni Maica.
"Alright! That's a deal!" magkapanabay na wika ni Percy at Redjie.
"Are you sure about that, Maica?" usisa niya sa kaibigan. Napansin niya kasing tila may gusto ito kay Knox at ayaw niyang magkatampuhan sila dahil lang sa iisang lalaki.
"Of course! Bakit naman hindi? Magkaibigan tayo hanggang sa mamatay, remember?" nakangiting sagot ni Maica.