"Would you mind sitting next to me?" tanong ni Knox sa kanya pagkarating nila sa kotse nito. Sa backseat sana siya uupo kasama nila Percy at hahayaan niya sana si Maica sa harapan ngunit ang binata na mismo ang nakialam. Hindi niya alam kung ano ang trip nito pero tahimik na lang siyang sumunod para hindi na humaba ang usapan. Manghihingi na lang siya ng pasensiya kay Maica mamaya pag-uwi nila. Alam niya na ang kaibigan ang gustong maupo sa tabi ng lalalki.
"Thanks!" maiksing tugon niya pagkaupo. Kaagad niyang ikinabit ang seatbelt habang ang tatlo niya pang kaibigan ay nagkakagulo sa likod.
"Are we all good?" tanong ni Knox sabay lingon sa mga kaibigan.
"Yes, Sir!" sagot ng mga ito.
"Okay then, let's go!" anang binata. Pinaandar na nito ang sasakyan.
Habang nasa biyahe ay naging makwento si Knox sa tatlo nilang kasama habang siya ay tahimik na nakatingin sa labas ng bintana. Bumalik kasi sa isipan niya ang ginawang pagtawag ni Henry. Sa sobrang busy niya maghapon ay nakaligtaan niya nang tumawag sa yaya niya para kumustahin ang ina.
"So, Miss Labrador, gusto mo bang magtrabaho sa restaurant ko?" tanong ni Knox sa dalaga. Napansin kasi ng binata ang pagiging tahimik ng dalaga kahit ito pa ang topic ng usapan nila. Napag-alaman niyang naghahanap nga ng mapapasukan ang dalaga dahil wala pa itong trabaho.
"Ay, tamang-tama po Sir, narito po ang resume ng kaibigan ko!" ani Percy. Kinuha nito ang envelope sa mga kamay ng tahimik na si Maggie at walang anumang ibinigay kay Knox. Kaagad naman iyong tinanggap ng binata at tiningnan ang laman niyon.
"Sa taas ng pinag-aralan mo, bakit crew ang inaapplyan mo?" tanong ni Knox sabay lingon sa dalaga.
Mahinang lumingon ang dalaga sa binata bago muling nag-iba ng tingin. "What's wrong with that? Is it a crime for applying for the position that I wanted?" sagot ng dalaga.
"Well, I could offer you high position and high salary if you want," tugon ng binata.
Dahil sa sinabi ng binata ay naging excited ang tatlong kaibigan. "Talaga po? Tatanggapin ninyo si Maggie?" excited na tanong ni Redjie.
"Of course! Kailangan pa natin ng makakasama. Base on her CV I have high hopes that she can do magic on our restaurant!" anang binata.
"Ano'ng ibig mong sabihin?" kuno't-noong tanong niya. Ano ang pinagsasabi nito? Bakit bigla itong mag-ooffer ng trabaho sa kanya?
"I am offering you a job at my place." Sagot ng binata. "Kailangan ko ng tao na makakatulong sa akin sa pagpapatakbo ng La Doce Vita. I just overheard your conversation with your friends a while ago and if you're interested, I can hire you." Dagdag pa nito.
Napatingin ang dalaga sa mga kaibigan. Lahat ng mga ito ay malawak ang mga ngiti. Naka thumbs up pa si Percy nang mapatingin siya rito. Samantalang si Maica naman ay pilit ang ngiti sa kanya.
"I'll think about it." Sagot niya.
"A-ano? P-pakiulit nga?!" malakas na boses na sambit ni Percy. "Trabaho na ang lumalapit sa'yo Maggie, aayawan mo pa? Baliw ka ba?" dagdag pa nito.
"Pag-iisipan ko pa." Maiksing sagot niya. Muli niyang ibinaling ang mga tingin sa labas ng bintana. Hindi na siya kumibo pa hanggang sa makarating sila sa grill house. Kagaya ng pangako ni Knox, ito nga ang nanlibre sa kanila. Palibhasa gutom ang mga kaibigan, bahagya nilang nakalimutan ang nangyari sa loob ng kotse.
Ngunit hindi nakaligtas sa matalas na mata ni Maggie ang panaka-nakang pagsulyap sa kanya ni Knox na waring binabasa nito ang bawat kilos niya.
"Holiday bukas at wala tayong pasok, inom kaya tayo?" suhestiyon ni Redjie sa kanila.
"No, Redjie! Tumahimik ka riyan. Walang iinom, once nasayaran ng alak 'yang lalamunan mo hindi ka tumitigil hangga't nakakatayo ka pa ng tuwid!" Saway niya sa kaibigan.
"Isang bote lang, please!" parang batang pakiusap nito. "Saka hindi naman tayo magco-commute dahil kasama naman natin si Sir Knox. Ihahatid mo kami, Sir, 'di po ba?" ani Redjie sabay baling sa binata.
Pinandilatan ni Maggie ang kaibigan ngunit nagpatay-malisya ito.
"Sure! No problem!" nakangiting sang-ayon ng binata.
At kagaya ng inaasahan ng dalaga ang isang boteng alak ay nadagdagan ng isa pa hanggang sa naging dalawa, tatlo, apat, lima hanggang sa hindi na niya nabilang. Bukod tanging siya lang ang hindi uminom dahil alam niyang yari silang apat kung pati siya ay bangag. Napansin rin niyang hindi uminom si Knox, bagay na ipinagpasalamat niya dahil ito magmamaneho pa ito. Parehas na lasing ang tatlo nang patigilin niya si Knox sa pagbili pa ng maiinom.
"They surely had a blast, what do you think?" tanong ni Knox sabay tingin sa kanya.
"You did it! Hinayaan mo magpakalasing ang mga 'yan not knowing kung gaano kakulit ang mga 'yan kapag lasing!" asik niya rito.
"Relax, will you? Ihahatid ko naman kayo kaya huwag kang mag-alala." Tugon ng binata.
Tumayo na siya at kinolekta ang mga gamit ng mga kaibigan. Habang si Knox naman ay nagtungo sa counter para magbayad. Pagkatapos ay tinulungan siya nito na ihatid paisa-isa ang tatlo sa sasakyan. Halos hindi na makagulapay ang tatlo sa kalasingan kaya halos kargahin na lang ni Knox ang mga ito.
"I'll give you direction pauwi..." aniya sa binata. Parehas na silang nakasakay sa sasakyan nito at naghihintay na lang ito sa kanya na ituro niya ang daan.
"Thank you!" sagot ng binata na hindi niya sinagot. Nagkunwari siyang hindi niya ito narinig.
Inabot sila ng mahigit isang oras sa daan dahil sa traffic. Hating-gabi na nang makarating sila sa tinutuluyan. Kinarga na lang ni Knox paisa-isa ang tatlo dahil mas mahihirapan sila kung dalawa pa silang aalalay dahil sa matarik na daanan papunta sa inuupahan nila. Hingal kabayo ang binata nang matapos. Inalok niya ito ng maiinom ngunit tumanggi ang binata.
"I hope you will reconsider my offer, Maggie. I badly needed someone like you sa La Dolce Vita..." anas ng binata.
"I am not sure if I am ready to meet your expectation Mr. Herrera. You see, service crew lang ang inaapplyan ko at ang inooffer mo sa akin ay mas mataas na posisyon." Pormal niyang tugon.
"You have an excellent-"
"I know about my CV but have you ever wondered why I applied for lower position?" tanong niya.
"Ano nga ba?"
"I have my personal reasoning and I hope you're going to accept that. Goodnight, Mr. Herrera."
Nagpatango-tango ang binata. "Nakukuha ko ang gusto mong sabihin. But if you ever change your mind, I want to let you know that my offer still stands." Pagtatapos ng binata sa pag-uusap nila.
Lumabas na ito ng apartment at ang huli niyang narinig ay ang pagpapaharurot nito ng sasakyan papalayo sa kanila. Napabuntong-hininga ang dalaga. Hindi niya alam kung bakit pero iba ang pakiramdam niya sa presensiya ng binata.