TREAT

1108 Words
"Kumusta ang pag-aapply mo, Maggie? Naging fruitful ba or productive ang araw mo ngayon?" untag sa kanya ni Percy. Gabi na noon at bumalik siya sa La Dolce Vita para sabay na silang umuwi. Tapos na ang duty ng tatlo at nag-uusap sila sa isang bakanteng table ng restaurant. Inilapag niya sa lamesa ang dalang envelope at uminom muna ng tubig na ibinigay sa kanya ni Redjie. "Hindi ko alam kung magiging fruitful ang pag-aapply ko ngayon pero ginawa ko naman ang lahat. I am confident na maipapasa ko ang interview and soon I am going to be employed again." Aniya. "How sure are you?" sabad naman ni Maica na paupo na sa tabi niya. "Well, ang sabi nila ay tatawagan daw nila ako para malaman ko kung tanggap na ako." Sagot niya. Napabuntong-hininga si Maica. "Anak mahirap ka ba talaga or you're just pretending na mahirap? You're old enough but you're still naive." Anito. Siya naman ang napatikwas ang kilay. "What do you mean by that?" nagtatakang tanong niya. "Most interviews na hindi ka tanggap ay 'yan ang sinasagot nila sa mga aplikante. Sasabihin nila na tatawagan ka but in a reality, you didn't make it. They just don't have the heart to tell you na hindi ka pasado sa interview." Ani Maica. "Ikaw naman Maica, masyado mong binubully itong si Maggie. Hindi naman lahat ganyan, malay naman natin isa sa mga inapplyan ni Maggie ay tumawag nga sa kanya. Don't lose hope, Maggie!" ani naman ni Redjie na sinusubukang palakasin ang loob niya. "Whatever! Ang hilig ni'yo talaga mag sugarcoat ng mga words. Hindi niya kailangan 'yan, it's not helping her at all." Saway ni Maica. Bigla nitong dinampot ang inilapag niyang envelope at binasa ang laman ng resume niya. Sa dami kasi ng kopya niyon ay may natira pa. "Hey, Maica! What made you think I'm not qualified? I did good in every interview I was in. My credentials speak volume, and you know that." Aniya sa kaibigan. "I mean, mababasa mo naman 'yan sa hawak mo 'di ba?" dugtong niya. "Hindi ko sinabi na hindi ka qualified kaya ka hindi natatanggap, Maggie. What I'm trying to say is you're overqualified. Saan mo naman kasi nakuha ang ideya na mag apply ka bilang service crew samantalang ang CV mo ay pang manager?" ani Maica. Totoo naman ang sinabi ng kaibigan. She's a degree holder (BBA) hindi sa pagmamayabang. Isa iyon sa kinuha niyang kurso dahil na rin sa impluwensya ng ina ngunit kung siya ang masusunod mas gusto niya na lang na maging lawyer. "Bakit ano naman masama sa pagiging service crew? Hindi ba 'yan naman ang mga trabaho ninyo? Marangal naman na trabaho 'yan, besides I love your job and I want to be part of it." Depensa niya sa sarili. "Of course, wala namang problema sa mga trabaho namin. Ang sinasabi ko lang kaya hindi ka natatanggap sa inaapplyan mo ay malamang dahil sa CV mo. Nai-intimidate siguro ang mga nag-iinterview sa'yo kaya palagi kang bagsak. Bakit hindi ka na lang kasi mag-apply sa higher position? Iyong swak naman sa tinapos mo, Maggie!" muling wika ni Maica. "Ayoko ng pressure, okay?" tila wala sa sariling wika niya. Kaya nga niya nilayasan ang ina dahil ayaw niya na munang pumasok sa mga seryosong responsibilidad. She's not ready yet. "Then, if that's the case... sinasabi ko na sa'yo. You'll never stand a chance." Muling ani Maica sa kanya. "Ano ba kayong dalawa, tumigil na nga kayo. Nagugutom na ako, baka gusto ninyong ilibre ako? May malapit na grill house diyan sa kanto. Ang sabi nila ay masasarap daw ang pagkain doon, gusto kong subukan." Saway ni Percy sa kanila. "Sounds a good idea, gutom na rin ako." Aniya. "Tara? My treat!" dagdag niya. Magkapanabay ang tatlo na napatingin sa kanya na para bang hindi makapaniwala sa narinig. Nasanay kasi ang mga ito na siya ang nagpapalibre. "Look at that faces, tsk! Hindi ba kayo makapaniwala? Ayaw ni'yo ba o gusto?" tanong niya sa mga ito. "Siyempre gusto!!! Tara lets!" sabik na sigawan ng tatlo niyang kaibigan. Sa totoo lang ay hindi naman siya nasasaktan sa mga sinabi ni Maica. Prangka lang talaga ito at iyon ang gusto niya rito. Sa sobrang saya ng mga ito ay hindi na nila napansin si Knox na kanina pa pala nakikinig sa usapan ng mga ito. Sa sobrang curiosity ng binata ay hindi na nito napigilang lapitan ang apat. "Uwi na ba kayo, ladies?" nakangiting bungad ng binata sa mga ito. Pasimple nitong sinulyapan si Maggie na abala sa pag-iimis ng mga gamit nito. "Opo, Sir Knox! Pero nagkayayaan ang barkada sa may grill house sa kanto. Treat daw ni Maggie!" Nakangiting sagot ni Percy sabay hila sa dalaga. "Kaibigan po pala namin, Sir!" dagdag nito. Nagulat man ang dalaga ay kaagad din siyang napatingin sa kausap ng mga kaibigan. Hindi mapigilang mapalunok ng dalaga nang makilala ang lalaki. Iyon ang nabangga niya kanina sa inapplyan niyang restaurant at kung hindi siya nagkakamali ito rin ang lalaking nagmamay-ari ng kotseng sinalaula niya. Dahil sa isiping iyon ay biglang yumuko ang dalaga na nakalimot nang tanggapin ang kamay ng binata na inilahad sa harapan niya para makipagkamay. Ayaw niyang makilala siya nito at baka pagbayarin siya nito sa ginawa niyang katangahan. "I see, mind if I tag along?" tanong ng lalaki. "Instead of your friend, ako na lang ang magti-treat sa inyo. Sorry but I think I've heard that your friend was struggling to find a job. And since sasali ako sa inyo kung papayag kayo, it's on me." "Excuse me?" hindi mapigilang sabad ni Maggie. "Kaya ko naman silang ilibre, hindi ako mag-aalok kung hindi." Nakaingos niyang sambit. Bahagya pa siyang napangiwi nang maramdaman niya ang pinong kurot ni Maica sa tagiliran niya. "Sure, Sir! If you insist!" ani Maica. "Maica!" anang dalaga habang pinandidilatan ang kaibigan. "Great! Kunin ko lang ang susi ng sasakyan ko. I'll be back, ladies! Just give me a second!" anang binata sabay kindat sa mga ito. Pagkatapos ay patakbo nitong tinungo ang pribado nitong opisina. Sinamantala iyon ni Maggie para kagalitan ang mga kaibigan. "Ano ba kayo? Bakit umuo kayo kaagad sa lalaking 'yon? Baka sabihin niya mga slap soil tayo at dead hungry!" aniya sa tono ng sikat na artista na nagpasikat ng linyang iyon. "Libre na 'yon at siya naman ang nag-offer, bakit tayo tatanggi? Hayaan mo siya kung iyon ang gusto niya. Isa pa, iyan ang unang beses na nag alok si Sir Knox sa amin at hindi ako timang para tumanggi!" May bahid ng pagkakilig sa boses na wika ni Maica. "Sus ginoo ko!" aniya na napapailing na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD