"Have you decided to accept my offer?" ani Keaton sa stepbrother niya. Kakarating lang ni Knox sa opisina niya at hindi na siya magpapaligoy-ligoy pa. If he wants something kailangan straight to the point siya palagi. Ayaw niyang nag-aaksaya ng panahon sa mahabang usapan. Inaalok niya ang kapatid na bibilhin niya ang majority ng share nito sa La Dolce Vita kapalit ng pagtulong niya. Siyempre ang offer niyang iyong ay isang palabas lamang. Ang gusto niya talaga ay mapasa kanya ang restaurant na iyon. He wants to prove to everyone na mas magaling siya kay Knox at wala itong panama sa kanya. Pero nakakaramdam siya ng pagkadismaya sa tuwing tinititigan ang mga mata ng kapatid. Halatadong nag-eenoy ito sa kumpetisyon sa pagitan nilang dalawa kung sino ang mas magaling. He hates it! For real!
Napansin niya ang bahagyang pagdilim ng mukha ni Knox ngunit binalewala niya ito. Sa halip ay muli niyang inulit ang tanong. "We're both businessman and I know that we both hate wasting time, ano may sagot ka na ba?" iritable niyang ulit. Hindi na siya makapaghintay pa na marinig ang sasabihin nito sa kanya.
Bahagyang tumikhim si Knox na waring tinatanggal ang nakabara sa lalamunan nito. "I am sorry, but the answer is no. Iyan lang ang sagot na palagi mong makukuha mula sa akin. I am afraid that you can never change my mind ever again, Keaton. I made up my mind. Igagapang ko ang La Dolce Vita without your help, I mean it! Hindi ko ugaling bawiin ang mga salitang binitawan ko na noon pa man at alam mo 'yan..." anito.
Muntik na siyang masamid sa iniinom niyang kape nang marinig ang sagot ng stepbrother. Kahit kailan ay mataas talaga ang pride nito at ayaw man lang yumukod at magpakumbaba. He hates him for being too proud. Ano ba ang ipinagmamalaki nito? "Are you sure? Kasi nababalitaan ko na you're having a hard time to make it work. Hindi naman siguro magiging kabawasan sa p*********i mo na aminin ang pagkatalo. As a matter of fact, you're still going to gain something kahit ako na ang mamamahala sa restaurant mo. It's a win-win situation, we're both going to have what we love the most."
Gumuhit ang ngiti sa mga labi ng kapatid bago ito sumagot sa kanya. "Sino ba ang hindi nahihirapan sa'tin when we first started this business? I made up my mind, gagawin ko ang lahat para makilala ang restaurant ko not only here in the Philippines but also overseas. Just give me enough time and I will show you how t-"
"Are you kidding me?" putol niya sa sinasabi ng kapatid. "Dito nga lang sa Pilipinas let alone at your area ay hirap na hirap ka na. Tapos nag aambisyon ka pa to make it overseas? You must be having a daydream. You want coffee? Para naman mahimasmasan ka, what you are saying is something impossible!"
"No, thanks! I had enough coffee at my place. Kaya lang naman ako nagpunta dito ay para sabihin sa'yo ang desisyon ko. I am hoping na tatanggapin mo ang sagot ko sa mga tanong mo. Sabi mo nga we're both businessman and we both hate wasting our time over petty things. Ito na sana ang huli nating pag-uusap tungkol sa restaurant ko. May sarili kang restaurant and I want you to focus on your own business rather than spending your time on trying to snatch what is rightfully mine. It was nice seeing you again, dear brother! I guess, I have to leave now, maiwan na muna kita."
Pagkasabi niyon ay tumayo na si Knox at dire-diretsong naglakad palabas ng opisina niya. Naiwan siyang gigil na gigil dito. Hindi siya makapaniwala sa tigas ng ulo nito. Simula pa man noon ay may animosity na sa kanilang dalawa at kagaya ng inaasahan, mas lumakas ito nang tumanda na sila parehas. Kaagad siyang tumayo mula sa kinakaupuan at sinilip ang kapatid sa labas. Ang bintana ng opisina niya ay gawa sa salamin kaya kitang-kita niya ang kapatid maging ang mga costumer niya na masayang nagsasalo.
Mula sa kanyang bulsa ay hinugot niya ang kanyang cellphone at tumawag. "He's still refusing to give up. I think we need to do something more intense para mabago ang isip niya." Aniya sa kausap mula sa kabilang linya. "Yeah, I offered him enough money. As a matter of fact, he can live his whole life like a prince sa offer ko but I think, he's dumb enough to say no. I hate it!"
Marami pa siyang sinabi sa kausap at matiyaga naman itong nakinig at nagbigay ng payo sa kanya.
"Yeah, don't worry. Sooner than later, bibigay din si Knox. We just need to give him a massive punch para bumigay." Aniya kasabay ng pagngisi. Sa katunayan ay may namumuo nang plano sa utak niya at ang kailangan niya na lang gawin ay isakatuparan ito.
Samantala nakatiim-bagang naman si Knox habang nakaupo sa driver seat ng kanyang sasakyan. Kahit kailan ay masyado talagang mapangmata ang kapatid. Hanggang ngayon ay binubully pa rin siya nito. Hindi pa rin talaga ito nakakalimot na ipamukha sa kanya ang mga bagay na mas magaling ito keysa sa kanya. The nerve! Imbes na suportahan siya ay nagawa pa siyang maliitin para lang makuha nito ang gusto mula sa kanya. Sa ginagawa nito ay mas lalo niyang hindi ibibigay ang gusto nito. He will never give him the right to knock him down with his words.
"Stop wasting your time, Keaton. Hindi ko sa'yo isusuko kung ano ang akin. Mark my words, hindi lang kita papantayan. Hihigitan pa kita!" puno ng galit na wika ni Knox habang nakakuyom ang mga kamao. May parte sa mga sinabi ng kapatid ang totoo. Iyon ay ang nahihirapan siyang itawid ang sales ng restaurant. Masasarap naman ang inihahain nilang mga pagkain. Affordable din ang presyo nila pero hindi niya alam kung bakit hindi siya makahatak ng costumer na kagaya ng sa Los Bastardos. Lalo tuloy na nag-aalab ang kagustuhan niyang maipakita sa kapatid at mapatunayan sa mga kamag-anak na may ibubuga rin siya sa negosyo. He just needs to figure out what is the right formula to become successful sa pinili niyang landas. Hindi siya susuko kahit ano pa ang mangyari. Giving up is never an option para sa kanya.