SECOND ENCOUNTER

1065 Words
"Are you sure you're not related to any Labrador business moguls in Bicol region, Miss Labrador?" untag sa kanya ng babaeng nag-iinterview sa kanya. Ang pangalan daw nito ay Nicollette Ledesma, ito ang manager sa nasabing restaurant at ito mismo ang nag interview sa mga aplikante nang araw na iyon. Nasa isang restaurant siya at nag aapply bilang service crew. Nakita niya kasing may hiring ang mga ito kaya kaagad siyang nagbaka-sakali. Isang sikat na fine-dining restaurant ang Los Bastardos Cuisine at nais niyang makapasok doon pansamantala habang naghahanap pa siya ng ibang mas maayos na mapapasukan. Nahihiya na rin siya sa mga kaibigan na bagamat pabiro ang mga banat sa kanya ay alam niyang nahihirapan na rin ang mga itong tulungan siya lalo na sa pinansiyal. "No, Ma'am. We're not related by blood or whatsoever, it just happens that we shared the same last name. I think my last name is very common and it's not surprising that I am going to share it with anybody else." Mahabang sagot niya. "Besides if I am related with that famous business moguls, I think there is no need for me to apply for this job since they are rich by all means." Dagdag niya sabay ngiti. Isang bagay lang talaga ang nagpapahirap sa kanya sa paghahanap ng trabaho lalo na sa mga business na ganito, masyadong matunog ang apelyido ng nanay niya na gumagawa rin ng ingay sa Bicol at sa buong bansa dahil sa ambisyon nitong maging senador sa hinaharap. "I see." Maiksing sagot ng babae sabay tingin muli sa kanya. Naging masuri ang pagpasada nito ng tingin sa kabuuan niya na wari bang binabasa nito ng maiigi ang bawat detalye ng pagkatao niya. "Your credentials are impressive, maganda ang educational background mo, why would you choose to apply for a crew when you can apply for a higher position?" Tanong muli nito. Muli siyang ngumiti bago sumagot. "I believe that every successful person starts working with their skills, gaano man kababa ang posisyon na sinimulan niya. Naniniwala po ako na kung gusto kong maging magaling, kailangan kong mag-umpisa sa baba para mahasa pang lalo ang kakayahan ko." Sagot niya. "You surely know how to talk, Miss Labrador." Anang babae. Maingat nitong tiniklop ang ipinasa niyang resume. "Please wait for our call in a day or two." Saad pa nito sabay tayo. Tumayo na rin siya at akmang kakamayan ito ngunit tumikwas lang ang kilay ng babae kaya kaagad niya ring binawi ang pagkakalahad ng kamay. "Thank you, Ma'am Ledesma! Good day!" aniya. Matapos ng interview niya ay sinenyasan na siya nito na pwede na siyang lumabas para papasukin ang iba pang aplikante na naghihintay sa labas. Nagpasya siyang dumaan muna sa restroom para mag-ayos. May isa pa siyang restaurant na pupuntahan para muling mag-apply. Kailangan makapag-apply siya buong araw sa kahit saang may hiring para marami siyang hihintayin na tawag. Maingat siyang nag retouch ng make-up at nang matapos ay muli na naman siyang nagulantang sa tawag mula sa kanyang cellphone. Muli na naman siyang napakunot-noo nang makita ang caller, si Henry. "What the hell do you want this time, Henry?" pikon niyang bungad dito. "Instead of applying for some fancy restaurant as service crew, bakit hindi ka na lang bumalik dito sa Bicol? I could give you some decent job with decent salary, I'm sure alam mo 'yan." Bungad nito sa malamig na tono. "Since when ka pa binigyan ni Mommy ng authority na mangialam sa personal choice ko sa buhay?" Gigil niyang sagot. "C'mon Maggie, enough na sa pagiging stubborn mo at umuwi ka na. Alam mo kung gaano k-" "Stop it, Henry! Mind your own business! Hindi kita boss so stop bossing me around, will you? Kung 'yan lang ang sadya mo sa pagtawag ay mas mabuti pang putulin na natin ang pag-uusap na 'to. I'm not going home and that's final!" sagot niya. "One moment, please!" ani Henry. May pagkabahala sa boses nito kaya natigilan siya. "What?!" pagalit niyang sagot kahit pa nakakaramdam siya ng kakaibang kaba nang marinig ang boses nito. "Your mom needs you kaya ako tumawag. I hope makauwi ka rito sa Bicol as soon as possible." Anito. "Why, what happened to mom? Is she sick or something?" tanong niya. "Umuwi ka para malaman mo. Ang tagal mo na diyan sa Manila at ang tagal ka na ring pinagbibigyan ng nanay mo. Just this once, umuwi ka." Sagot ni Henry sabay putol ng tawag nito. His voice sounds worried, and it makes her heart weary. Ano kaya ang nangyari sa ina? Is she in grave danger? Or it's just a trick to make her runs home? "What the hell happened, Mom?" may pag-aalala na bulong niya sa sarili. Nagmadali siya sa pag-aayos ng sarili at nang matapos ay kaagad siyang lumabas ng cr. Hindi na niya napansin ang malaking bulto ng lalaki na nagmamadali rin sa pagpunta sa male restroom. "Ouch!" aniya nang mapaupo siya nang magkabanggaan sila. "Good Lord! I am sorry, Miss! Are you alright?" anang baritonong tinig. Sapo niya ang pang-upo habang nakangiwi nang mapansin niya ang malalaking palad na nakalahad sa kanya. "I'm fine..." mahina niyang sagot. Kinuha niya ang palad nito para makatayo siya kaagad. "Sorry din at hindi kita napansin," aniya. Tumingin siya sa mukha ng lalaki na may nakahandang ngiti ngunit kaagad ding napalis iyon nang makilala ito. Iyon ang lalaking may-ari ng sasakyan na sinalaula niya kanina. What a small world! "Have we meet before? You look somewhat familiar?" anito. "O-of course not! This is the first time we've meet!" kandautal niyang tugon. Parang napapaso niyang hinablot ang palad mula sa pagkakakulong sa kamay nito. "Again, I'm sorry! Mauna na ako!" Dagdag niya. Hindi na niya hinintay pang sumagot ito dahil kaagad na siyang sumibad papalayo. Ayaw niya itong bigyan ng chance na makilala siya at baka kung saan pa mauwi ang encounter nilang iyon. Marami pa siyang gagawin ng araw na iyon and she has no time to spare. Samantala ay hinahabol naman ng tingin ni Knox ang babaeng parang nagmamadali sa paglalakad. Kulang na lang ay liparin nito ang pintuan ng restaurant makalayo lang sa kanya. "She surely does look familiar, I wonder kung saan ko siya nakita?" bulong ng binata bago ito humugot ng marahas na paghinga. "Never mind!" muli niyang sambit nang maalala na nagmamadali pala siya papuntang male restroom dahil tinatawag siya ng kalikasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD