NAUGHTY MAGGIE STRIKES AGAIN

1058 Words
Paglabas ni Maggie sa bahay ni Rupert ay muli niyang nasulyapan ang kotse nito na ipinarada niya lang sa harapan nito. Nakapa niya ang susi nito na inilagay niya pala sa bulsa at hindi niya naisasauli. Hinugot niya iyon mula sa loob at pasimpleng iginuhit sa palibot ng sasakyan ni Rupert. Tumigil lang siya nang magmukhang dinaanan ng kuhol ang hitsura ng sasakyan. Hindi pa siya nakuntento dahil kumuha siya ng may kalakihang bato at walang habas na ibinato iyon sa windshield ng sasakyan nito. She felt excessively satisfied and proud on how she wrecked his damn car. He will probably learn his lesson not to f**k around specially with girls. Bahagya pa siyang natigilan nang mapansin na may tumatawag sa kanya. She rolled her eyes with frustration. It was Henry Samonte. Isa sa tauhan ng kanyang ina na si Margaux Labrador. "Huwag mong hintayin na magpalit ulit ako ng sim bago mo maisipang tumigil, Henry. Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo?" angil niya. "Please, bumalik ka na sa inyo. Hinahanap ka na ni Miss Margaux, kailangan ka namin ngay-" She cut the call without even finishing his word. Ilang ulit na niyang sinabi na hindi siya uuwi sa kanila. Mas gusto niyang mabuhay ng mag-isa sa Maynila. It was hard but rewarding. Ayaw niya pang umuwi sa kanila, nag-eenjoy pa siya sa buhay niya ng nag-iisa. "So, nakita mo ba silang dalawa?" usisa ni Percy nang magkita silang magkakaibigan during lunch break ng mga ito.Pinuntahan niya ang mga ito sa isang bagong tayong restaurant na ang pangalan ay La Dolce Vita kung saan nagta-trabaho ang tatlo. Katamtaman lang ang laki ng restaurant, pero napaka soothing ng lugar. Mula sa soft lighting, peaceful music, pinag-isipang wall décor at great choice of furniture, masasabi niyang approve sa kanya ang taste ng may-ari nito. "Yes!" Nanlaki ang mga mata ng tatlo at nagkatitigan. Pinilit siya nitong magkwento kung ano ang ginawa niya sa dalawa. At siyempre, over pa sa willing na nagkwento ang dalaga. Para silang natubigan na palakang magkakaibigan dahil sa ingay nilang apat. As expected, tuwang-tuwa ang tatlo dahil sa wakas ay napatunayan ng mga ito ang panloloko sa kanya ng ex-boyfriend at ex-bestie nila. "What's your plan now, Maggie?" tanong ni Jamaica sa kanya. She shrugged her shoulder and smiled. Dinampot niya ang ice-cold hibiscus tea at sinipsip iyon hanggang sa mangalahati. "Plan para saan? Be specific, Maica." "About your life, what you're going to do now. Hindi mo naman siguro babalikan ang lintik na ex mo." "Of course not! Eww!" "Mabuti naman, sa totoo lang, wala namang kwenta 'yung Rupert na 'yon! Pasalamat na nga lang siya at anak mayaman siya, dahil kung hindi-never mind!" ani Jamaica. "Ibig naming sabihin, nakahanap ka na ba ng trabaho? Ilang weeks ka ng unemployed, bruha ka!" sabad ni Percy. "Oo nga naman, hindi ka namin kayang buhayin, Maggie! Marami kaming pinapakain sa mga probinsya namin 'no!" wika naman ni Redjie. "Relax, guys! Ako ang bahala!" aniya sabay kindat sa mga ito. Nangingiti siya sa reaksyon ng mga kaibigan dahil napapailing na lang ang mga ito sa kanya. Alam ng mga ito na sa kanila na naman siya sisiksik kapag natagalan siya sa pagiging bakante. *** After lunch ay naging busy na rin ang mga kaibigan at siya naman ay nagtungo sa isang kalapit na computer shop ng mga ito. Gumawa siya ng resume at balak niyang mag-apply habang mayroon siyang libreng oras. Mayroon naman sana siyang sariling laptop pero ayaw na niyang umuwi pa sa tinitirhan niya para lang doon. Bitbit ang ilang envelope na naglalaman ng mga resume niya ay kaagad din siyang lumabas ng computer shop. Hindi niya sinasadyang mapasulyap sa nakaparadang gray na Mercedes-Benz sa gilid ng restaurant. Muli na namang kumulo ang dugo niya. Hindi siya pwedeng magkamali, isa iyon sa mga sasakyan ni Rupert! 'Tigas talaga ng mukha ng unggoy na 'to, ano naman kaya ang ginagawa niya sa restaurant? Ide-date si Amy o manggugulo sa tatlo?' aniya sa isipan. Binuksan niya ang dalang bag at naghanap ng pwedeng magamit para sirain ang sasakyan ng dating nobyo. Wala siyang nakita maliban sa red lipstick na kakabili lang niya sa Watson. 'This will do...' Pasimple siyang lumapit sa sasakyan at ginuhitan ang palibot nito. Hindi pa siya nakuntento dahil nilagyan niya ng sulat ang windshield ng sasakyan. ASSHOLE. CHEATER. DICKHEAD.  "Excuse me, Miss, what are you doing with my car?" anang isang boses lalaki mula sa kanyang likuran. Kagya't na natigilan ang dalaga. Hindi iyon boses ni Rupert. Suave ang boses na lalaki, sa katunayan, papasa itong DJ sa mga radio station. "Huh?" "I said, what are you doing with my car? Hindi ka naman na siguro bata para hindi mo malaman na bata lang ang naglalaro ng ganyan?" muling wika nito. Marahang pumihit ang dalaga habang nakakagat labi. Pagtingin niya sa lalaki ay napansin niya kaagad ang pagiging tall and handsome nito. His grayish eye color and slicked haircut, pointed nose, perfect brows and luscious red lips. Para itong modelo na naligaw sa harapan niya. "Excuse me, miss!" muling untag nito. "Ang sabi ko, ano'ng nakain mo at binaboy mo na 'ata ang kotse ko? Wala akong natatandaan na nagkaroon ako ng atraso sa'yo." Biglang nakaramdam ng pagkataranta ang dalaga. Muli niyang nilingon ang kotse na kanina lamang ay pinaglaruan niya. "I'm sorry! Nagkamali lang ako!" aniya. Bigla siyang kumaripas ng takbo papalayo sa lalaki. Narinig niya pa ang pagtawag nito ngunit hindi na siya lumingon pa. "Sir Knox, ano po ang nangyari?" usisa ni Percy. Napansin nito ang pagiging iritable ng amo habang hinahabol ng tanaw ang isang tao. "Somebody messed-up my car. May pupuntahan pa naman sana akong meeting." Napatingin si Percy sa sasakyan ng binatang amo. Mukhang malaki ang galit ng taong gumawa niyon sa sasakyan nito. "Cheater ka, Sir?" "Oh c'mon! Ni hindi ko nga kilala 'yung babaeng 'yon!" tanggi nito. "Never mind, ipapadala ko na lang 'to sa shop para malinisan. Magta-taxi na lang ako." Muling bumalik sa pag-aaring restaurant si Knox at kinuha ang ilan niyang gamit. Mangyari kasi ay kakausapin niya ang kanyang step-brother na si  Keaton, tungkol sa kaniyang restaurant at ayaw niyang mahuli sa napagkasunduan nilang time. Ayaw niyang may masilip ito sa kanya. Lalo na ngayon na gusto niyang patunayan sa mga ito na kaya niyang magpatakbo ng business na siya lamang mag-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD