Chapter 7 - The Engagement Plan

2186 Words
"No, you will eat, Entice. Felipe will pull over to Beatrix, meet me there." Napanganga ang dalaga. He just said it with full conviction. Sa pagkakaalala niya, wala pang tatlong oras nang ipakilala sa kaniya ng amo niya ng pinsan nito pero kung makaasta, close na sila? Hindi naman yata tama na porke isa itong dugong bughaw katulad ng kaniyang nalaman, ganoon na lamang kung paano siya nito kausapin? Kaya here she is, nasa Beatrix Avenue. A vintage-inspired resto-bar na sa unang tingin pa lamang niya'y mayayamang tao ang mga parokyano. Wala na siyang nagawa nang inihinto ni Felipe ang sasakyan sa parking ng establisyemento. Napansin din ng babae ang pananahimik nito at ang madalas nitong anyo na tila may malalim na iniiisp. Ang akala ng dalaga, napagalitan ito kanina sa cell phone ng amo. Lingid sa kaniyang kaalaman, the guy is constantly communicating to Idrish sa utos na din ng huli. "Dito na po tayo, Miss Abby." Iginiya siya ni Felipe sa isang tila VIP room. Nang pumasok sila sa loob kanina'y pansin niya ang malalagkit na tingin ng mga babae sa kaniyang kasama habang ang huli'y tila wala namang pakiaalam. Maginoo siya nitong inaalalayan kaya naman bahagya na ding kumalma ang hesitation ng babae. Abigail smiled when she saw some of Elvis Presley and Marilyn Monroe's big posters. Mismong ang dingding at ceiling ng resto-bar, vintage era ang dating. She really has something with the vintage thingy. Isa sa mga koleksyon nga niya ay 'yung mga sinaunang plaka o disk na naglalakihan, from Elvis Presley, Nat King Cole and even Marilyn Monroe. She smiled with the thought of how lucky she is at nagawi siya dito. Naisip niyang kapag maayos na ang lahat, babalik siya doon at isasama niya si Pamela. Speaking of her, she mentally noted na tatawagan niya ito mamayang gabi. Pinagbuksan siya ni Felipe ng pinto ng VIP room na iyon at dahil sa namamangha pa siyang nag-oobserba sa paligid, hindi niya agad napansin ang bulto ng isang lalaking nakaupo sa malambot na couch na naroroon. "I presumed, you enjoyed wandering around, Miss Salcedo." Napatutop sa kaniyang dibdib ang dalaga. She didn't saw him sitting in the couch like a king habang nakabukaka ang dalawang mahahaba nitong binti at ang dalawang kamay nito'y nakasampay na parang hari sa arm rest. He really looks so damn hot and handsome wearing his faded jeans and white v-neck shirt habang suot-suot pa sa itaas ng matangos nitong ilong ang dark Rayban aviator sunglass. Abigail managed to calm herself. Ilang oras pa lamang niyang nakikilala ang lalaki, parang kilalang-kilala na niya ito the way the circumstance played with it, "Mr. Constantine, I didn't expect you are here?" Dahan-dahan siyang humakbang papasok ng silid. She motioned to seat in front of him pero nahinto ito nang malamig na nagsalita si Idrish. Supladong nakaangat ang isa nitong kilay. "At sino ang iniisip mong makakasamang kumain dito, si Felipe?" Napalabi ang dalaga. Gusto niyang matawa sa inasta nito dahil parang matagal na silang magkakilala kung papaano siya nito kausapin. For some reason, bahagyang nabawasan ang pagdududa niya sa lalaking kakakilala niya lamang. He's dangerous all right, pero unti-unting nababawasan ang pangamba niya dito. At huwag mong kalimutan, he's a royal blood. "Take your seat. The food is about to be served." Ani nito kasabay ng pagtayo para pumunta sa kaniyang harapan at maupo. Ngayo'y magkaharap na sila sa pabilog na lamesa. Umangat ang isang kilay ng dalaga pero hindi na nagsalita. Maya-maya pa'y pumasok na ang isang babaeng staff na may dala-dalang mga pagkain na nasa trolley. Nakasuot ito ng seksing vintage made attire na may apron sa harapan habang ang buhok ay sadyang ikinulot. In fairness, maganda ang babae. Lihim na napalabi si Abigail nang makita nito kung gaano ito kalagkit tumitig sa lalaki. "Meron pa po ba kayong kailangan, Sir?" Abigail bit her lower lip when she heard the lady's seducing voice. Halos idikit na rin nito ang mayayamang dibdib sa mukha ng lalaki na ngayo'y nakaupo na rin ng maayos sa kaniyang harapan. Napapailing na yumuko ang babae. Bakit ba naman kasi sobrang guwapo ng lalaking 'to? Parang hindi totoo dahil sa halos perpekto nitong mukha at tindig. Natigil sa lihim na pagngiti ang dalaga nang mag-angat ito ng tingin. Napagtanto nitong salubong ang dalawang kilay ng kasama habang tila nagtataka na nakatitig sa kaniya. She smile at him with a poker face. Si Idrish naman ay inangilan ang babae. "None. You may now take your leave." Tila napapahiyang napasulyap sa kaniya ang babae bago nakayuko at nagmamadaling tumalikod para umabas ng silid. Tumikhim naman ang dalaga. Tahimik pa rin siyang nagmamasid kay Idrish habang nagsisimula nang galawin nito ang pagkain. "Hindi mo naman kailangang sungitan 'yung babae. I think she likes you." "She's flirting and I just don't like it. Now, can you just eat at para makapunta ka na sa kailangan mong puntahan?" Hindi na sumagot si Abigail. Nakamamanghang nagagawa siyang sungitan nito pero dahil sadya siyang mabait, pasalamat na lang ang lalaking ito, nasabi niya sa kaniyang isip. Bahagya siyang naiinis sa pagiging suplado nito pero mas dinaig siya ng gutom kaya agad na siyang nagsimulang kumain. Nahihiya ma'y inisip na lang niyang magsi-share siya sa pagbabayad mamaya bilang pakunwselo. Hindi niya ito hahayaan mamaya na solohin ang bill ng kanilang kinakain. Hindi niya maitatangging gutom na nga siya dahil sa halos sunod-sunod ang ginawa niyang pagsubo. She was delighted to have a taste of the venue's popular meal. Idrish ordered a Baked Ziti, Patatas Bravas, and lemonade. Halos maubos na niya ang pang-apatang servings ng bravas, nang mapansin niyang ni hindi naman gumalaw ng pagkain ang kasama. Nanatili lang itong nakatitig sa kaniya at pasimpleng nag-iwas ng tingin ng kaniyang mahuli. Bigla siyang nakaramdam ng hiya. Dahan-dahan ay narealize niyang halos pinagmamasdan lamang siya ng lalaki. She became concious na agad namang nahalata ni Idrish. "I-I'm sorry, halos maubos ko na ang lahat dito." Kukuhanin sana niya ang plato ng kaharap nang biglang dumating ang isang lalaking server at may bitbit pang isang dish. "Here's your greek-style spaghetti bolognaise, Sir." "Just continue eating, Miss Salcedo. I have mine served." May amusement sa mga mata ni Idrish nang sinabi iyon. Napatanga ang babae. So, para lang sa akin ang lahat ng nauna niyang inorder? Ganun na ba ako ka-gutom tingnan? Napapikit ng wala sa sarili si Abigail na bahagyang ikinatawa ng kasama. Kumunot ang kaniyang noo nang makitang naparami ang nilalagay nito sa kaniya. She tried to stop him pero hindi ito nakinig. "Just eat. I will take you then to your meeting with that PNP officer after this." Idrish POV "Just eat. I will take you then to your meeting with that PNP officer after this." Natigilan siya sa kaniyang pagsubo. Kasabay ng pamumula ng may kaputian niyang pisngi, I find her pretty pero hindi siya ang tipo ng babaeng masasabi kong kapansin-pansin. Bagama't aminado akong napansin ko sa babaeng ito ang hindi niya hilig sa paglalagay ng kung anu-anong kolorete sa kaniyang mukha. I knew, dahil ilang beses ko na rin siyang minamanmanan mula ng gabing dumating kami dito sa mundo ng mga tao. I find it weird for all of the women I have been with, they always need to put such things in their faces. For them, that would make them beautiful and more presentable, but for her, why is it that she's more than above that description? I have observed she's like that for the past three days. She's effortlessly pretty, at nagtataka ako kung bakit naaaliw akong makita siyang namumula. Bahagyang nawala ang ngiti ko nang maalala ko ang mukha niyang nasasaktan kanina. I asked her what's wrong but she just denied it despite the fact I know merong masakit sa kaniya. Mabuti na lang at agad nakuha ng isang doktor na evrox ang mensahe ko. Camille was able to detect that it was her birth mark and she has managed to have the pain treated. Bahagyang maaliwalas na ang kaniyang mukha ngayon bagama't maputla talaga siya. May pakiramdam akong sanhi ito ng hindi niya pagkain sa tamang oras at pagod dahil sa paghahanap sa kaniyang ama. Pero bakit hindi ko maalis sa kaniyang mukha ang aking mga mata? Kakaiba ang kaniyang awra and slowly, I can feel that her face somehow brought peace to my contentment. So, iyan ba ang sinasabi mong babaeng hindi kapansin-pansin, Idrish? Umiling ako. Mismong sarili ko ang bumabaligtad sa akin. "Huwag na po kayong mag-abala, Mr. Constantine. I can take a cab from here. Sobrang abala na po itong ginagawa ko sa inyo. At bakit nga po pala ninyo alam ang tungkol sa, ano po-," "Will you stop that saying "po" to me? Damn, I am just five years older than you. Just call me by my first name, please." Yamot na yamot na'ko at naririndi sa pamumopo niya sa akin. Huli na nang marealize kong napamura ako sa sinabi ko ngayon-ngayon lang. Napipilitan akong tumingin sa kaniya at babawiin sana ang sinabi when to my surprise, she burst into laughter and it made her more reddish. She bit her lip and I swear, it wasn't that easy. It felt like I was magnetized to draw near her. Mabuti na lamang at malakas pa rin ang kontrol ko sa aking sarili. Iniiwas ko ang aking tingin. Ano ba itong nangyayari sa'kin? Unti-unti niyang pinayapa ang sarili sa pagtawa habang ako nama'y asar na nakatingin lamang sa kaniya. I wonder, does she think I am joking when I am already pissed in front of her? All I wanted is for her to call me by my first name. "Idrish. I'm sorry." Lumabi siya at ipinagpatuloy ang kaniyang pagkain. I wasn't able to stop closing my eyes. It felt good, hearing my name and darn it, para na'kong tanga. "Paano mo nga pala nalaman ang tungkol sa ka-meeting ko?" Right. She didn't know that I knew what's happening to her dad. That in fact, that's the reason why I am here in this mortal world. "You, uhm," I cleared my throat, "I heard you said it to your friend." "Pamela?" namilog ang kaniyang mga mata. "Oh yes, she's my best friend. At siya nga dapat ang kasama ko ngayon, unfortunately, ayaw payagan." "Hindi talaga siya papayagan dahil maselan siyang magbuntis. Tim almost crawled just to bring her back again to him at talagang gusto niya na itong buntisin." Halata ang kaniyang pamumutla sa mukha sa narinig. "B-buntis? Buntis ang kaibigan ko?!" Bigla itong napatayo sa gulat. I smirked at her. Trying to hide my guilt na hindi ko alam kung bakit. But then, she smiled with teary eyes habang dahan-dahang bumabalik sa kaniyang pagkakaupo. "Pasensiya ka na, nagulat lang ako. Hindi ko alam na buntis si Pam. Oh my God, she's gonna be a mom?! Paano? E di ba fiance ni Boss Tim 'yung Ashley?" Napailing ako. Women are so full of dramas. "Tim and Ashley are not engaged. And ff course, mabubuntis. Alangan namang hindi e nagtatalik sila ni Tim-," She scoffed and again, crimson red painted her pretty face up to her neck. "S-Stop it, please. You don't need to emphasize that!" Natawa ako. I can almost grab her and have a taste of her neck pero parang may pumipigil sa'kin. Something unfamiliar aside from the thought she's different from other female encounters, and it's not that I want to bite her. Kinastigo ko ang aking sarili sa kung anu-anong pumapasok dito nang mga oras na iyon. "I need to go, Idrish. Huwag mo na akong ihatid o ipahatid kay Felipe. It's too much. I'll pay for my meal as well." For some reason, I wasn't able to push what I'd like to do. Nagkahiwalay kami sa Beatrix, but of course, I didn't let her pay a cent. Ang hindi niya alam, nakabuntot lamang ako sa taxi na kaniyang sinasakyan papuntang presinto. I heard my phone ringing and when I saw who's calling, I just pasted a smile on my face. "It's all settled. You'll start tomorrow. She's all yours but I'm warning you, don't include her on your list, Drei." "Tsk, your paranoia is beyond imagination, Tim. She's not even in my league." I smirked and ended the call. This is just an engagement plan para mapalapit ako sa dalagang mortal. I needed to do this para makita ko at malaman ang nangyari kay Dr. Salcedo. I do not plan to include that lady even in my list of physical intimacy. Pero nakabalik lang ako sa penthouse, ang mukha niya lang ang nasa isipan ko. The lingering sweetest scent I have ever imagined, sa kaniya ko lang naranasan. I feel restless and that moment, all I wanted to do is to go after her. Sobrang attachment ang nararamdaman ko sa babaeng mortal. Bumalik sa isipan ko ang kakaibang nangyari sa aking mga mata. Sa tuwing malapit ako sa dalaga, may pagkakataong nagkukulay-asul ang mga ito tanda na isang malaking pagbabago sa aming lahi. A few, trusted evrox including my parents knew, na mayroong ibig sabihin ang pagbabago ng kulay ng aking mga mata. Ano'ng kinalaman mo dito, babaeng mortal?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD