bc

THE THERIAC RECALL

book_age16+
226
FOLLOW
1K
READ
others
dark
reincarnation/transmigration
fated
goodgirl
powerful
mystery
vampire
another world
rebirth/reborn
like
intro-logo
Blurb

Lord Idrish's faith in humans is not as strong as his father's. Hindi siya kalaban pero hindi rin siya die-hard na ipagtanggol ang mga taong mapaglinlang at abusado. What he only needs is the Theriac - ang antidote para silang mga bampira ay makapamuhay ng normal sa mundo ng mga tao.

For Abby, she can always do something good. Malambot ang puso niya pagdating sa mga taong nangangailangan ng tulong hanggang sa sinubukan siya ng pagkakataon. Nang biglang nawala ang kaniyang ama'y nagsimula na ring magsipagsulputan ang mga kakaibang pangyayari sa kaniyang buhay. That includes Idrish Constantine - the lethaly handsome royal blood stranger. Natagpuan na lamang niya ang sariling katuwang ito sa paghahanap sa nawawalang si Dr. Salcedo, her research-scientist father.

Kapwa may mga itinakdang misyon na kailangang isakatuparan, they will find themselves trapped in a strange feeling and a powerful spell na sa huli'y ibang misyon na ang susundin.

Like a neutron star collision, their hearts will combine without uncertainty.

Will they succeed together or will it only bring death to one another?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - Missing
"Master, we don't have much time. We need to find the human before they could have him and the cure." "Alam ko, Mardox." Mababanaag ang taimtim na pag-iisip ng pinuno sa kasalukuyang sitwasyon na kinakaharap ng kaharian. "Nakabalik na ba ang mga ipinadala mong tao?" Tumango ang kanang-kamay ng pinuno.  "Narito na po sila. At ayon sa kanilang nalaman, merong mga nilalang ang nagmamasid sa laboratoryo. Base sa kanilang pang-amoy, nagmula ang mga ito sa kanlurang bahagi." "Xegnons." Isa iyong pagkukumpirma ni Master Audric habang matalim na nakatitig sa kausap. Napahugot ng malalim na paghinga si Mardox bago tumango bilang kumpirmasyon. Napatiimbagang ang pinuno. Sa loob ng kalahating siglo, inakala niyang matatahimik na ang lahat dahil sa pagkawala ng pinuno ng mortal nilang kaaway. Sigurado siyang napatay niya si Agmuntus, pinuno ng mga Xegnons. Ibinaon niya sa sagradong burol ang puso nito na kahit sino ay hindi magagawang mahukay iyon. Hindi na nito magagawa pang mabuhay dahil na rin sa ang tanging paraan para iyon ay mangyari ay tuluyan nang nawala sa kanilang mundo. Sa nalamang nagsisilabasan na naman ang mga Xegnons, iisa lang ang ibig sabihin noon - naghahanda ang mga ito sa muling pagkabuhay ng kanilang pinuno. May kutob din siyang may kinalaman ang mga ito sa pagkawala ng scientist na si Dr. Oscar Salcedo. Kamakailan lamang ito nalaman ng Evrox. Nawawala ang pinakamahalagang tao na may kinalaman sa kaligtasan ng kanilang angkan. At kailangan nilang malaman kung sino ang mga dumukot sa doktor bago pa man mahuli ang lahat. "Ayon po sa mga tao nating nagmamanman, bigla na lamang daw nawala si Dr. Salcedo. Hindi ito lumalabas ng laboratoryo nito sa basement kung hindi pa pupuntahan ng anak nito. Ngayo'y magtatatlong araw na itong nawawala at mismong ang anak nitong babae ay nagreport na rin sa mga pulis."  Napapikit ang pinuno ng mge Evrox. Master Audric may have lived for more than three centuries pero animo'y nasa mid-40's pa rin ang mukha nito. Matikas pa rin ang anyo nito na sa tuwing ito'y tatawid sa mundo ng mga tao, talagang napapatunganga ang mga kababaihan sa tuwing ito'y nasisilayan.  Evrox are vampires that can exist in human world, well partly. Unlike the typical vampires, dahil na rin sa kaalamang siyensya na mayroon sila sa kanilang mundo, hndi nila kahinaan ang matamaan ng sinag ng araw. Hindi rin sila hayok sa dugo ng mga tao. Well, sa kanilang uri ng mga bampira lamang dahil sa kanilang mundo, mayroong dalawang klase ng mga blood suckers. The Evrox and the Xegnons. Ang huli ang tipikal na pumapatay ng mga tao. Mga mababangis ang mga uri nito at walang patawad. Sila ang may kagustuhang maghari sa mundo ng mga tao at sila din ang mortal na kaaway ng mga Evrox. Tahimik na sana silang namumuhay. Nagagawa na nilang makisalamuha sa kabilang mundo kasama ang mga mortal simula nang mawala si Agmuntus. Nawala na din kasi na parang mga bula ang buong angkan nito at nagsipagtaguan na lamang sa mga makakapal na kagubatan sa iba't-ibang panig ng mundo. Hanggang sa nito lamang na huling pagbilog ng buwan. Nagsimula ang kanilang pagdududa at pangamba dahil sa mga senyales na muli na naman itong nagsisipaglabasan. Tila malalakas ang mga loob ng mga ito na sumalungat sa kanilang payapang adhikain kasama ang mga tao. Mayroon din namang mga kasapi ang Xegnons na pumanig sa kanila at nagdesisyong mamuhay ng mapayapa kapalit ng kanilang kautusan na huwag papatay ng mga tao. Pero batid nilang marami pa rin sa mga naiwang miyembro nito ang naghihintay lamang sa muling pagbabalik ng kanilang pinuno. "Narito na po si Lord Idrish, Master Audric." Bumaling ang lahat ng tingin sa malaking pinto ng bulwagang iyon. Mula doon ay pumasok ang isang matangkad at napakatikas na lalaking may mapanganib at kulay pula na mga mata. Katulad ng ama, napakatikas nito at halos perpekto ang guwapong mukha maliban lamang sa  mababanaag dito ang kakaibang aura. His stares are powerful that no one could ever dare looking straight into his eyes. His mere presence could shouts great authority and danger. Deretso itong naglakad patungo sa mga miyembro ng konseho, ni hindi sumusulyap sa mga tauhang nagsisipagyukuan sa kaniya tanda ng pagrespeto. Ngunit sa pagharap nito sa ama'y bahagyang lumambot ang guwapo nitong mukha. Yumuko ito at humalik sa singsing na suot ng pinuno. "Athair,"  ani nito bago bumaling sa ibang mga kasama at tipid na napayuko. Nasa sampu ang lahat ng miyembro ng konseho kasama si Master Audric at ang kukumpleto sa siyam na naunang dumating sa pagititpon na iyon ay walang iba kundi ang kadarating lamang na si Lord Idrish. "Mac, ikinalulugod ko ang iyong pagdalo." "Lord Idrish," mahinang sambit ni Mardox na nasa kanan ng ama sabay tungo. Tipid na tinanguan lamang ito ni Idrish bago naupo sa puwesto nito.  Tumayo ang pinuno at nagsalita. "Ngayong lahat ay naririto na, maaari na nating simulan ang pagpupulong. As we all know, the reason why we are all gathered here ay dahil sa nawawala ang napakahalagang tao para sa buong angkan, si Dr. Salcedo. Nasa kaniya ang solusyon para tayo'y tahimik na makapamuhay kasama ang mga mortal na tao. Nasa kaniya din ang sagot kung papaanong ang mga Xegnons ay tuluyan nang malabanan ang pagkauhaw nila sa dugo ng mga tao at para na rin sa ating mga Evrox na mabuhay ng mapayapa at walang pangamba." "Base sa mga signos na ipinapahiwatig ng kapaligiran, malakas ang kutob kong may plano ang mga Xegnons na buhayin ang kanilang pinuno. Truth is, we all know too how powerful they are whenever they are at the peak of their desires and transformations kaya kailangan nating gumawa ng hakbang bago pa mahuli ang lahat. Nangangamba akong sa mga nangyayari, nasa paghahanda na ang mga kasapi nito para sa ritwal ng pagkabuhay ni Agmuntus." Natahimik ang lahat ng naroroon. Totoong sa pagitan ng dalawang lahi ng bampira, ang mga Xegnons ang may pinakamalakas na puwersa kumpara sa kanila dahil sa purong dugo ng mga tao. Ito ang natural na elementong kailangan ng isang bampira upang mapanatili ang taal nilang kakayahan at puwersa na siyang nawala sa kanila nang pinili ng kanilang mga ninuno ang bigyang halaga ang buhay ng mga mortal na tao.  "Pero Master Audric, patay na at naibaon mo sa sagradong burol ang puso ni Agmuntus. Sa papaanong paraan pa siya mabubuhay gayung walang sinuman ang maaaring makapasok sa sagradong lugar na iyon?" Ani ng isang miyembro ng konseho na si Milton. Natitigilang napatingin dito ang pinuno bago nito inilibot ang tingin sa lahat ng naroroon. Tila malalim ang iniisip nang magsalita ito. "Meron pang isang paraan. Nakasulat sa aklat ng pinakamatandang Evrox na ang dugo ng isang mortal na birhen na itinakda ang makapagpapabuhay kay Agmuntus. Isang birhen na may dugong Lamenshka." Umugong ang malakas na bulungan sa silid na iyon. "Lamenshka. Ang sinaunang tribo na sinasabing nagmula sa angkan ni Azraelle." Tila sa sarili lamang binanggit ni Idrish ang impormasyong iyon ngunit lahat ay natahimik.  "Tama ka Idrish. At si Azraelle, ay ang dyosa ng kamatayan, buhay at muling pagsilang." "Ngunit matagal na silang naglaho at walang may nakakaalam kung ano ang totoong nangyari sa pagkawala ng buo nilang angkan, hindi ba?" "Kung isang birheng Lamenshka ang nakatakda nilang hanapin para mabuhay si Agmuntus, ibig sabihin ay meron pang naiwan sa kanila." Dahan-dahang tumayo si Idrish at hinarap ang ama. "Kailangan nating mahanap ang doktor at ang itinakda." Halos lahat ng naroroon ay napatango bagama't mababakas naman sa mukha ng ilan ang pagkabahala. Nakatakda nilang harapin ang sinasabing pinakamalaking digmaan sa pagitan ng dalawang angkan dahil sinasabing ang pagkakabuhay ng isang pinuno mula sa matagal na pagkakahimlay sa sagradong burol ay isang pangitaing nagbabadya ng pagwawakas ng buong lahi ng mga bampira.   "Ngayon ay paghahatian natin ang mga dapat nating gagawin. Dapat nating masiguro sa lalong madaling panahon ang makita si Dr. Salcedo. Kailangan natin silang maunahan na makuha ang scientist bago pa man nila ito makuha at patayin. At ikaw, Idrish, kasama si Mardox at Felipe ang inaatasan kong tatawid sa mundo ng mga mortal para hanapin ito. Ako, kasama ang ibang miyembro ng konseho ang bahalang humarap sa kaso ni Agmuntus. Sina Milton at Quintero ang mag-aaral tungkol sa tribo ng mga Lamenshka upang hanapin din ang itinakda." "Masusunod, Athair." Kasama ang isang maikling pagtango ay tinanggap ni Idrish ang bago nitong misyon. Ganoon din ang ginawa ng lahat ng naroroon bilang pagtanggap sa kaniya-kaniya nitong mga gagawin. "Lord Idrish, kailan po tayo tutungo sa kabilang mundo?" Umagapay sa binata si Felipe. Kasing-edad niya ang huli. He was a former Xegnon at hindi na rin mabilang ang ipinakita nitong katapatan sa mga Evrox bago ito itinalagang kanang-kamay sa mga misyong hinahawakan ni Idrish.  "Mamaya, Felipe. Tatawid na tayo mamaya kaya abisuhan mo na rin si Mardox ngayon din." "Masusunod po, Lord Idrish," saka ito sandaling yumuko sa kaniya bilang paggalang at tumalikod para tunguhin si Mardox. Mamaya, sa paglitaw ng half-moon ay tatawid sila ng portal at muling makikisalamuha sa mga tao. Ilang beses na rin naman siyang nagpupunta sa mundong iyon dahil na rin sa kasunduang nabuo sa pagitan ng kanilang lahi at ng ilang matataas na opisyal ng iba't-ibang bansa sa buong mundo. But unlike his father, Idrish doesn't trust those humans. Ito ay dahil sa isang pangyayari sa kaniyang buhay na kailanma'y hinding-hindi niya makakalimutan. Yes, they are committed to protecting humans but he will never ever trust them.  Sa madaling salita, mabigat pa rin ang loob niya sa mga mortal. Pero kailangan niyang isantabi ang personal na opinyon dito. Hindi niya hahayaang manalo ang adhikain ng mga kalaban. Bukod doon, siya din ang nakatakdang magiging kapalit ng kaniyang ama sa takdang panahon. Siya ang itinakdang susunod na pinuno ng mga Evrox kung saan ay nasa adhikain nito ang mapanatiling maayos ang kanilang relasyon sa mga mortal na tao.  Kaya gagawin niya ang lahat para maisakatuparan ang tagumpay ng bagong misyon ng hindi kinakailangang magtiwala sa mga tao.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.7K
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

Taz Ezra Westaria

read
107.1K
bc

Unexpected Romance

read
38.7K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
64.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook