Chapter 2 - The Daughter

2249 Words
Abby's POV "Girl, ano, hindi ka pa ba tapos diyan?" "Sandali na lang 'to, mauna ka na, Pam." I quickly returned my gaze to my cell phone. Naiiling na lumapit sa'kin ang matalik kong kaibigan. Halata sa mukha niya ang pag-aalala. Pero ano'ng magagawa ko kung hindi ko magawang makapag-isip ng maayos gayung halos 24 hours ko nang hindi makontak si Daddy. "Hindi mo pa rin ba nakokontak si Tito Oscar? Si Manang Daisy, nakausap mo na ba?" "Nakausap ko na si Manang kanina pero ang sabi niya'y sarado ang basement. Alam mo namang ayaw na ayaw ni Daddy ang may magpupunta doon dahil sa kaniyang trabaho." Pigil ang mga luha kong tumango ng hindi nakatingin sa kaniya. Patuloy ako sa pag-dial ng numero ni Daddy pero on my last attempt, hindi na ito nagri-ring. "Gosh, girl iba ngayon kasi hindi mo makontak si Tito. Mauunawaan naman niya siguro kung sasabihin ni Manang Daisy na pinatitingnan mo siya." Pero hindi talaga puwede dahil iyon ang pinakabilin-bilinan ni Daddy. Isa lang ang kaniyan hiling na walang maaaring pumunta ng basement at kung merong mahalagang bagay na kailangan presensiya nito'y cell phone lamang ang pwede naming maging tulay. Mariin akong napahawak sa batok ko. I am really worried dahil hindi nito ugali ang hindi sumagot sa mga tawag ko. Magti-text ito sa'kin kapag nataong hindi naaabutan ang mga tawag ko kaya sa nangyayari ngayon, halos babain ko na ang Bagiuo para personal na puntahan ang ama ko sa bahay namin. "That's it. Come on, grab your things. Sasamahan kitang bumaba ngayon sa Manila. Ako na'ng bahalang magpaalam kay Boss Timothy." Alanganin akong tumango pero mabilis ko na ring dinampot ang mga gamit ko kasama na ang camera. Nagmamadali ang mga hakbang ko pero nang marealize ko kung gaani kalaki ng project namin ngayon, huminto ako at pumihit paharap sa kaibigan ko. "Pam, you don't need to go with me. Maiwan ka na dito at baka magka-problema pa kayo ni Boss Tim." Pero tiningnan niya lang ako na para bang nagsasabing "are you serious?" bago niya ako nilampasan at mabilis na pinindot ang key fob ng kaniyang kotse. Napahinga na lamang ako ng malalim. I want to stop her. Dragging her to this issue that I have now could lead her more damage sa kung may anumang personal issue sila ng boss namin. But knowing Pam, she's just hard-headed as a bull. I just sighed and accepted the decision to talk to her once we get there. Pagbibigyan ko na lamang muna itong babeng 'to because I know, bukod sa alam kong ayaw niya akong pabayaan, meron pa siyang isang personal na dahilan para makaalis ng Baguio. It took us almost 3 hours bago namin narating ang bahay namin sa Bulacan. Hindi pa halos tumitigil ang sasakyan when I hurriedly went inside the house at tuloy-tuloy na tinungo ang basement. Aligaga akong sinalubong ni Manang Daisy pero ako lamang ang dumeretso sa baba. Here is where my father stayed all the time. I scanned the whole area pero walang bakas ng pamumuwersa akong nakita. "A-Abby?" Nakasunod sa likuran ko si Pamela. I was still really trembling dahil nang mga oras na iyon, malakas pa rin ang kutob kong something bad happened to my father. Then something caught my attention. Nakita ko ang cell phone ni Daddy. Battery drained na ito habang nakalapag sa lamesa. Dali-dali akong lumapit sa isang papel na nakasabit. It caught my attention dahil sa malalaki nitong letra kung saan nakasulat ang "The Theriac". Mabilis ko itong kinuha at isinilid sa aking bag. "Come on, let's go to the police, Abby. I-report na natin ang pagkawala ni Tito Oscar." Hindi na kami nag-aksaya pa ng panahon. Mabilis naming nilisan ang bahay para magtungo sa pinakamalapit na presinto. Tahimik lang akong nakamasid sa labas ng sasakyan habang tumatakbo ito papuntang Malolos PNP station. May kutob akong may kinalaman ito sa kasalukuyan niyang pinagkakaabalahan. He's into an antidote na ayon sa kaniyang pagkakasabi sa akin noon, it will bring peace to all mankind but will destroy as well kapag sa maling mga kamay mapupunta. He calls it the Theriac at ito ang nakasulat sa papel na nakasabit. "Pam, iwan mo nalang ako sa presinto mamaya pagkahatid mo sa akin. Pasensiya ka na at pati ikaw ay naabala," kahit gulong-gulo ang isip ko, I still managed to tell my friend. I know na sa kaniyang ginawa, malalagay na naman sa panganib ang kaniyang project na pinaghirapan niyang makuha. "I can't leave you, Abby. Kailangan mo ng may makakasama sa ganitong pagkakataon. Just don't think of anything related to our work. Kailangan nating makita si Tito Oscar." "Hindi puwede, Pam. Believe me, I can manage. Tawagan mo na lang si Boss Tim at sabihan mong babalik ka do'n." "Bahala siya sa buhay niya. Isaksak niya sa baga niya ang event na 'yon." I glanced at Pamela and saw how irritated she is hearing the name of our boss. At first, hindi ko pa alam ang totoong nangyayari but from what I can see, alam kong merong namamagitan sa matalik kong kaibigan at sa may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuan namin. I am a freelance photographer and a part-time model as well. Magta-tatlong taon na'ko sa EON Advertising and Promotions at doon ko unang nakilala si Pamela Uytingco who turned to be my best friend later on. Nitong huling mga linggo ko na lamang nalaman kung bakit kumukulo ang dugo ni Pam sa boss naming tsinito. "Pam, thank you talaga. Hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi kita kasama ngayon." She just glanced at me and smirked. "Alangan namang pabayaan kita, Abigail Entice? You are like a dear sister to me kaya hayaan mo akong tulungan ka, okay? And be strong. Makikita natin si Tito Oscar. Gustong-gusto pa ni Tito na makita ang kaniyang magiging apo, remember? Kaya makakauwi pa siya sa inyo. Baka may pinuntahan lang si Tito," sa huling sinabi niya'y bahagya pa itong napangiwi for she knew it's so impossible na aalis si Daddy ng hindi nagsasabi. With that thought, muling tumulo ang mga luha ko sa pangamba. I just silently wiped off my tears. "I'm serious, Anak. Bigyan mo na ako ng apo bago magtapos ang taong ito." "Dad, hindi talaga kita maunawaan. Wala po akong boyfriend at wala po akong balak -," "Please, Anak. Isang apo lang." Ngumiti si Daddy pero kasama noo'y isang emosyon na hindi ko mawari kung pangamba ba o pagsusumamo. "It's okay, Abby. Just cry it on but after this, you need to be strong." Pam said to me as my silent sobbings progressed. Mula pagkabata, si Daddy na ang kasa-kasama ko. My mother passed away when I was a kid and while she was away. Nasa Ireland si Mama nang mabalitaan ni Papa na pumanaw daw ito dahil sa isang sakit. I was three years old that time at hindi ko rin masyadong maalala sa aking isipan ang mukha ng aking ina kung hindi pa sa tulong ng mga larawan niya na naka-display pa rin sa aming tahanan. She even had a large portrait sa basement. Mahal na mahal ni Daddy si Mommy. I can also tell how my Mom loved us dearly. I may not clearly remember her pero dahil sa mahilig ang ina kong kumuha ng mga video recordings noong siya'y nabubuhay pa, kitang-kita ko kung paano niya ako alagaan at mahalin. Kami ng Daddy. I'll grant what you wish, Dad. Just be home. ------------------------ Nagdesisyon akong huwag munang umuwi ng condo na tinutuluyan ko. Mula sa presinto'y bumalik ako sa bahay namin sa Bulacan. It was on the third day na wala pa rin akong balita kay Daddy and I am doing my best to calm my senses as much as I can. Lucky for me dahil nagagawa kong pakalmahin ang aking sarili every time I just close my eyes and freeze everything in my mind around me. "Huwag po kayong mag-alala, Miss Salcedo. Agad po kaming tatawag sa inyo oras na may makuha po kaming impormasyon sa pagkawala ni Dr. Salcedo." "Maraming salamat po, Chief. Aasahan ko po iyon at babalitaan ko rin po kayo sakali." Katatapos ko lang maglinis ng kuwarto ko. It's not that soiled for we have Manang Daisy, our weekly household helper na pumupunta dito sa bahay para maglinis at magluto kay Daddy. Twice a month lang ako kung makauwi at makasama ang aking ama. I'm staying at my own unit sa Pasay dahil na rin sa trabaho ko. But even I'm not with my old man, I see to it our communication is constant. Hindi rin lumilipas ang isang gabi na hindi ako nito tinatanong kung nasaang lupalop ako ng Pilipinas kaya alam kong hindi normal ang nangyayari. Hindi pa kami nagkikita ni Manang Daisy. I was looking forward to meeting her to ask what might she have noticed bago nawala si Daddy. Tinawagan ko na siya kanina at sinabi naman nitong dadating bukas ng umaga. It's almost 8 in the evening at nakapagpalit na ako into my pajamas. I was in front of the fridge when suddenly I felt eerie. Sumunod ang isang malakas na pagkalabog na tila ba may marahas na nagbukas ng pintuan at bumangga ito ng malakas sa pader. Nagsipagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa gulat kasabay ng malakas na pagkalabog ng puso ko. I stopped breathing. Damang-dama kong may mga matang nakamasid sa aking likuran. When I forced myself to turn around, bigla ko na lamang nabitiwan ang hawak kong baso nang tubig. Nagsipagtalsikan ang mga bubog nito sa aking paa pero hindi ko na naramdaman ang hapding dulot nito dahil sa aking nakita. I saw a man, standing sturdy and dangerous while staring at me. May kalayuan siya sa akin kaya hindi ko maaninag ng maayos ang buo niyang mukha. Natatakpan ng hood ang ulo nito pero kitang-kita ko nang umilaw ng asul ang mga mata nito! Nanigas ako at pinanlamigan ang buo kong katawan. Unti-unti siyang humahakbang papalapit sa akin. Before I could move, nanghina na lang akong bigla at hindi ko na naalala pa ang mga sumunod pang nangyari. Nagising na lamang ako na nasa loob na ng aking silid at nakahiga sa kama. I saw the sunshine coming from outside the window kaya mabilis akong napabangon at napatayo. My room looks normal. Pero hindi ito ang huli kong naaalala bago ako nawalan ng malay. I immediately checked my self. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. I remembered losing my consciousness pero wala akong kakaibang nararamdaman. Sigurado akong sa sahig ang bagsak ko dapat kagabi pero wala akong bukol o pasa sa katawan. Halos lumundag ang puso ko sa gulat nang may kumatok sa labas ng pinto ng aking silid. Kasunod niyo'y ang boses na ni Manang Daisy ang aking narinig kaya naman agad akong tumungo sa pinto para ito'y pagbuksan. "Manang, good morning po." Pinilit kong ngumiti ng normal. I saw the worry in Manang Daisy's face. "Abby, kumusta na ang pakiramdam mo?" Agad niyang tanong sa akin kasabay ng paghuli sa isa kong kamay at dinama ang aking noo. Nagsalubong ang mga kilay ko sa pagtataka. Halatang naunawaan niya ang reaksiyon ko kaya naman agad siyang nagpaliwanag. "Dumating ako dito kagabi na mataas ang iyong lagnat, Abby. Nakahiga ka sa iyong kama at tila binabangungot pa kaya naman sinamahan na kita dito." Nagulat ako sa sinabi ni Manang. As far as I could remember, wala akong sakit kahapon. Imposible ang sinasabi ni Manang. Ang tanging naaalala ko ay ang lalaking pumasok sa loob ng bahay at humakbang pa papalapit sa akin. "M-May naabutan po ba kayong kasama ko dito kagabi, Manang? L-Lalaki po at matangkad, itim na jacket po ang suot? May hood sa ulo?" "Ha? Wala naman, Abby. Ang alam ko, wala ka namang boyfriend at hindi ka basta-bastang magpapasok dito ng kayo lang ng lalaking iyon kung sakali, hindi ba?" Ilang saglit akong natigilan bago blangko akong napatango sa kausap ko. Imahinasyon ko lang ba ang mga nakita at naranasan ko kagabi? Imposible talaga, dahil hanggang ngayon ay damang-dama ko pa rin ang kakaibang kabog ng dibdib ko sa nangyari. "Nakapagluto na ako ng sopas, Anak. Bumalik ka na nga lang muna sa iyong kama at huwag ka munang tumayo at baka ika'y mabinat pa." She escorted me pabalik sa kama ko at inalalayan pa akong mahiga. Tatayo na sana siya pero agad kong pinigilan. "Gusto ko po muna sana kayong makausap? Kelan niyo po huling nakita dito sa bahay si Daddy?" Agad lumungkot ang mukha ni Manang Daisy. Matagal na siya sa amin at si Daddy rin ang halos nagpatapos sa tatlong anak niya noong nagkolehiyo. Tapat sa amin si Manang at ito ang madalas kong tawagan bukod kay Daddy. "Abby, sa bagay na iyan, alam mo namang suwerte na lang kung lalabas ng basement ang daddy mo at aabutan akong nasa kusina o salas ng bahay. Hindi rin ako pumapasok ng kaniyang laboratoryo dahil off-limits iyon. Nalaman ko na lang din na nawawala pala si Doc dahil kay Chingky. Nandoon daw siya sa presinto nang dumating ka at nagreport sa mga pulis. Patawarin mo ako, Abby, kung hindi ko ito agad nalaman." Nanghina ako sa narinig. Hindi ko rin masisisi si Manang dahil may katotohanan ang kaniyang mga sinabi. Ako lang talaga ang puwedeng pumasok sa laboratoryo ni Daddy sa basement. "Sige po, Manang. Okay lang po, huwag nito na pong isipin iyon. Pakidalhan na lamang po ako ng sopas." I smiled weakly and closed my eyes. Nasaan na po kayo, Dad?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD