Idrish POV
"Lord Idrish," lumapit sa akin si Mardox at iniabot ang isang folder.
Abigail Entice Salcedo,...25 Years Old...Freelance Photographer/Part-Time Model (EON Advertising and Promotions) Only child of Dr. and Mrs. Oscar Salcedo. Fairy Heights Village, Malolos, Bulacan.
May litrato itong kasama. It was a woman smiling habang may hawak itong isang camera sa kanang kamay. Seems like a candid shot habang nakasandig sa isang kotse. I stared at her face for a while saka ako nahinto nang isang pagtikhim ang narinig ko mula sa aking harapan.
Nang mag-angat ako ng tingin habang nanatili akong nakayuko, biglang napaatras si Mardox. Nakita ko pa kung papaano ito napalunok.
"What is it?" Kunot-noo kong tanong dito. Nagtaas ito ng dalawang kamay na tila ba nagsasabing hindi ito lalaban.
"W-Wala po, Lord Idrish," and then he stormed away. Nabangga niya pa si Felipe na nagtataka ding napatingin dito. Umangat ang kilay ko at isinara ang folder.
"He's thinking na nagagandahan ka sa babaeng nasa litrato." Ani ni Felipe habang isa-isang inaayos ang mga gamit naming dadalhin sa kabilang mundo.
Hindi ko pinansin ang sinabi nito. It's not my cup of tea na pumuri sa mga babaeng mortal even they deserved to be praised of such. Sa mga kalahi kong bampira, hindi ko na mabilang ang mga naggagandahang babaeng nakakasalamuha ko be it in the bed or just an acquaintance. Napatitig lang naman ako sa litrato ng babaeng iyon dahil sa kakaibang ngiti nito but that's nothing, of course.
I immediately disposed of that thought. We are about to cross the portal at nakita ko na ring handa na sina Mardox at Felipe. I quickly snatched the picture leaving the information written behind. Ibinulsa ko iyon bago ako lumingon sa kinatatayuan ng aking ama at lumapit.
"We are leaving,"
"Make good on this mission, Idrish. But see to it, babalik ka ng buo at buhay. Ako ang papatayin ng iyong ina kapag may nangyaring masama sa'yo."
I smiled. Master Audric may have been deadly pero bilang isang ama at asawa, siya ang pinakamapagmahal sa lahat ng nakilala kong Evrox.
"Huwag mong kakalimutan, malalakas ang mga xegnons kapag kabilugan ng buwan at nakatikim ng dugo ng tao. Another thing, Idrish. Kailangan mong kontrolin ang iyong kapangyarihan. Alam mo na kung ano ang ibig kong sabihin. Mahalagang maunahan niyo ang mga kalaban. Hindi dapat mapunta sa kanila ang gamot dahil kapag nangyari iyon, hindi lamang tayo ang mawawala sa mundo kundi pati na rin ang lahat ng mga tao."
"Huwag kayong mag-alala, Athair. Lahat ng iyong ipinagbibilin ay masusunod. Kayo na ang bahalang magpaalam sa kaniya para sa akin." Humalik ako sa kaniyang singsing na sumisimbolo sa pagiging pinuno at lakas ng aming angkan.
Ilag saglit pa'y humakbang na kami ng portal patawid sa mundo ng mga tao. Dinala kami nito sa loob ng mismong bahay ni Dr. Salcedo. Nang mag-angat ako ng tingin, agad bumungad sa akin ang isang babaeng tila naninigas sa kinatatayuan nito at deretsong nakatingin sa akin. Bigla nitong nabitawan ang hawak nitong baso at bago pa man siya tuluyang bumagsak sa sahig, I immediately snatched and carried her in my arms.
Napakunot ang noo ko. While staring at her face, I was filled with her vinous scent na ngayon ko lang naamoy sa buong buhay ko.
What was that? It's like bewitching me.
Inamoy ko ang kaniyang leeg. I closed my eyes when I have proven she's the one bearing that intoxicating scent. At bago pa man ako makagawa ng hindi dapat, mabilis ko na siyang binitbit sa kaniyang kuwarto. Sa tulong ng matalas kong pang-amoy, madali ko lamang nalaman kung nasaan ang kaniyang silid.
"Lord Idrish, ano pong nangyari?" Agad dumalo sa akin si Felipe na halata ang pagtataka sa mukha habang tila gulat na nakatingin sa akin. Napapikit ako't muling nagdilat nga mga mata.
"Naging asul ang kulay ng iyong mga mata kani-kanina lamang."
Hindi ko pinansin ang dalawa kong kasama. Alam kong nagtataka sina Mardox at Felipe at sa mga oras na iyon, alam ko kung ano ang tumatakbo sa kanilang isipan.
Maingat kong inihiga sa kama ang babae. Tinawag ko si Felipe upang gamutin ang mga sugat na dulot ng mga bubog na tumalsik sa kaniyang mga paa. Si Mardox naman ay nagsimula nang hawakan ang noo nito bilang parte ng aming misyon. Pero bago pa man tuluyang mailapat ni Mardox ang kaniyang palad, tumingin muna ito sa akin na tila ba nagpapaalam.
"What?"
"Hahawakan ko na'po ang noo niya, Lord Idrish."
I gritted my teeth.
"Gawin mo ang kailangan mong gawin, Mardox. Hindi mo kailngang magpaalam sa akin."
Isang beses pa akong tumingin sa tulog na babae bago ako tumayo at lumabas ng silid.
----------------------
"O? Patingin-tigin ka diyan kay Lord Idrish. Saka bakit ganiyan ka kung makangisi, Mardox?" Sita dito ni Felipe habang nakamasid sila sa susunod na nakatakdang pinuno ng Evrox. May ilang dipa ang layo nila sa kinatatayuan nito kung saan ay nakamasid ng tahimik sa natutulog na babae.
Imbes na sumagot kaagad ang tinanong, ngumisi lamang ito at tinampal sa balikat si Felipe.
"Makikita mo rin sa susunod na mga araw, Felipe. Mukhang nakahanap ng katapat ang anak ng ating pinuno."
Namilog ang mga mata nito bago bumaling sa direksyon ng binatang Evrox na noo'y papalapit na sa kanilang kinatatayuan. Matalim silang tiningnan nito bago nilabasan ng pangil.
"Kapag hindi pa kayo tumigil sa pag-iisip ng kung anu-ano, kayong dalawa ang pagdidikitin ko hanggang sa maging isa ang mga mukha ninyo."
Mabilis na nagkahiwalay ang dalawa at sa isang iglap at naglaho ang mga ito na parang bula. Naiwang mag-isa si Idrish at muling lumingon sa dalaga.
"What's into your scent that I cannot resist?" Napakuyom ang dalawang palad nito. Kanina, bago tuluyang mawalan ng malay ang babae, may kakaiba ding naramdaman si Idrish.
Naagaw ng isang masangsang na amoy ang atensyon ni Idrish kay Abigail. Nakita ni Idrish ang paglapit nito sa dalaga. He's about to touch the woman's face nang mabilis niya itong nilapitan. Sa isang iglap, mabilis niyang nadakma sa leeg ang aninong bigla na lamang naging hugis tao malapit sa uluhan ni Abigail.
Isa itong xegnon!
Muling lumabas ang mga pangil ni Idrish kasabay ng pagbangis ng kaniyang mukha habang halatang hirap sa paghinga ang kalaban.
"Lapastangan. Ano'ng kailangan mo sa babae?!"
"A-Arrkk, B-bi-bitawan mo'ko! A-arrkkk!"
"Hanggang dito na lang ang buhay mo, Xegnon. Magsalita ka at bakasakaling hayaan pa litang mabuhay." Mariing napapikit ang bihag ng binata nang bigla nitong hinawakan at binali ang isa nitong braso.
"A-Ahhh! H-Hindi niyo mapipigilan p-pa ang paghihiganti n-namin! P-patayin mo man ako, marami pa rin k-kaming maghahanap sa T-Theriac at sa itinakdang b-birhen para mabuhay si Agmuntus!" At humalakhak pa ito sa kabila ng matinding sakit na nararamdaman.
Hindi na nagsalita pa si Idrish. Using his two bare hands, he killed the enemy by twisting its head. Dilat ang mga mata nitong binitawan ng binata.
“Kailangan natin ang babae, huwag niyo siyang iwawaglit sa inyo mga mata,” puno ng awtoridad na sinabi ni Idrish sa dalawang kasama habang nakatuon ang mga mata sa natutulog pa ring dalaga.