Abby's POV
"Are we good?"
Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang mga nakuha kong anggulo. I almost did a hundred shots on this particular theme kung saan, ang isang highest paid male model ng EON ay ang kasalukuyang ambassador ng isang pinaka-sikat na denim jeans.
We need to make good of this dahil bihirang kumuha ng a-kontrata ang sikat na denim brand na 'to mula sa Pilipinas. Malaki ang maitutulong nito sa marketing ng company na kinabibilangan ko dahil sa maraming malalaking affiliations na ibang clothing line sa ibang mundo.
Nang masiguro kong nakuha ko na ang mga anggulong nararapat, I gave Adnan Mallari a thumbs up sign while smiling.
"Yeah, all good, Ad."
"Of course, I must be. Ikaw ang photographer, e."
Hilaw akong napangiti sa lalaki. Hindi ko pinansin ang kaniyang pagpaparinig na halos magda-dalawang buwan na yata. He's really handsome, alright. But it doesn't interest me at all dahil bukod sa kasalukuyang problema na meron ako, Adnan would be the last guy I would be mingling with dahil isa itong tanyag na playboy.
"Helen," I turned around to look for the studio assistant on duty, " pakibigay na lang kay Adnan 'yung robe niya, please. Salamat."
"Sige po, Miss Abby." Ang lawak ng ngiti nito. Mukha kasing nagdi-day dreaming ito kanina pa habang nagpo-post ang modelo. Sino nga ba ang hindi kung ang tanging suot lamang nito ay ang rugged jeans na nakabukas pa ang butones. The guy is proudly showing his naked body with six-pack abs habang nakapaa. And right now, halos hindi pa rin matapos-tapos ang pakikipaglandian sa ibang kasamahang female models.
Last two clicks to finish my checking then I turned my back to proceed where my laptop is. I immediately did my transferring of shots I took. Ramdam ko na rin ang hapdi ng tiyan ko, pero hindi ko iyon pinansin dahil sa pagmamadali kong matapos ang task ko sa araw na iyon. Kailangan ko kasing makipagkita kay Insp. Faegane, ang PNP chief ng station kung saan hawak nila ang kaso sa paghahanap sa aking ama. Ayon sa kaniya, meron daw silang nakuhang lead kung saan ay maaaring magturo sa kasalukuyang kinaroroonan ni Daddy.
Saglit akong napapikit. It's been three days at wala pa rin akong balita sa kaniya. Alalang-alala na'ko at kung hindi lang sana importanteng nandito ako sa Manila, hindi ako luluwas. Nataong sa akin nakatoka ang photo shoot ngayong araw na ito at walang ibang photographer ang puwedeng pumalit sa'kin. Nakiusap lang din ang mabait kong boss na tapusin ito ang then I'm free to go.
Dad, ano na ba'ng nangyari sa'yo? Nasa'n ka na? I really don't want to think na dinukot ito. I am basing my guess and hope dahil kung mat kumuha sa daddy ko, dapat meron nang nagpaparamdam at this point. Beside, hindi magulo ang bahay nang dinatnan namin. Sa isiping iyon lamang ako napapakalma kaya hanggang ngayon, masasabi kong nakakaraos ako kahit pa man mukhang zombie na'ko. Hindi ako makatulog ng maayos sa gabi at hindi rin makakain ng maayos.
"Okay ka lang? Kanina, ang ganda ng ngiti mo pero ngayon nawala na."
Napaangat ang ulo ko and now, Adnan's face is smiling wide at me, inches apart. Nanatiling nakahubad pa rin ito sa pang-itaas. Bahagya siyang nakayuko sa akin habang ako nama'y nakayuko sa aking laptop. Dumistansiya ako dito. I know what he's doing.
"Ah, yes? May kailangan ka, Mr. Mallari?" Muli kong ibinaba ang tingin sa aking ginagawa. Napahinga ako ng malalim. Hindi malayong mangyari na isang araw, may mananabunot na lang sa'kin dahil sa paglapit-lapit ng lalaki. I know he's hitting on me pero hindi ko talaga pinapansin.
"I, ah...," napakamot pa siya sa kaniyang sintido saka maikling natawa. Mukhang hndi pa niya alam ang sasabihin. I must admit, he's got the looks na hindi puwedeng hindi pansinin ng mga babae.
"Puwede bang magsuot ka muna ng damit?" Malumanay kong sabi. I might be seeing hundreds of naked upper male bodies pero okay lang kung during work in progress, hindi iyong katulad nito.
He chuckled at mabilis niyang isinuot ang hawak na shirt imbes na 'yung robe na iniabot sa kaniya kanina. Humakbang siya ng ilang steps paatras bago iyon ginawa.
"May gagawin ka ba mamayang gabi? I'd like to invite you sana over dinner."
I sighed and seriously looked at him.Wala pang nakakaalam na nawawala si daddy, bukod kay Pam at sa boss ko , and I'd like to remain it that way.
"Pasensiya na. Hindi kasi ako puwede mamaya. In fact, nagmamadali nga sana ako ngayon kasi may kailangan pa'kong puntahan."
He tilted his head and crossed his arms in his chest. Mukhang ayaw pa niyang maniwala. Narinig pa yata ng dalawang female models ang kaniyang sinabi kaya nang lumampas sa amin ang mga ito, I saw how they stared at me. Ang tatalim ng kanilang mga titig na mabilis napalitan ng pamumungay ng mata nang ngitian sila ng kausap ko.
That's Adnan Mallari, considered as one of the hottest models in his era, kaya hindi ko maunawaan kung bakit dikit ng dikit ito sa akin.
I admit, crush ko siya noong una. We use to study in the same university at naging magkaibigan din naman kami way back then pero unti-unti iyong nawala nang ilang beses ko itong nakikitang ay iba't-ibang kasamang babae. Tuluyan ko na ngang naiwala ang paghanga ko dito. Lalo pa ngayon, I need to prioritize my dad at this time. I'm even planning to have a break kahit ilang buwan lang because I promised myself, that once he's back, I'll spend my time with my old man. Kaya wala sa bokabolaryo ko muna ang pumasok sa isang relasyon. Isa pa, may phobia na'ko sa mga tulad niya. Once, I had a boyfriend. At dahil sa hindi din makatiis na hindi tumingin sa iba, ayun at pinagsabay pa kami.
I was raised kind of shy and introverted. Noong panahong nag-aaral pa lang ako sa sa UST, dalawa lang ang naging malapait kong kaibigan, sina Dash at Lily. Hindi naman ako 'yung tipong nerd, hindi din ako nagsusuot noon ng braces. They said as a matter of fact na maganda daw ang mga ngipin ko. Sadyang tahimik lamang talaga akong tao at hindi mahilig sa socialization. Hanggang sa nakilala ko ang unang lalaking nagturo sa akin kung ano ang feeling ng isang teen-ager na nagkacrush, si Vincent. He's the MVP for the four consecutive years at dahil parte ako ng student journal organization namin, kung saan ay kinailangan siyang i-feature, doon na nag-umpisang mahulog ang loob ko sa kaniya.
Guwapo, matalino, MVP, mabait, thoughtful. Ano pa ba ang hahanapin ko para hindi ako mahulog sa kaniya? We were dating for almost two months nang sinagot ko siya. Hanggang sa dumating iyong point na he' asking for more than what I can only give. Hindi ko napagbigyan kaya ayun, sinabihan akong boring at kinaumagahan, nakita ko na lang na isinasakay na niya sa kaniyang sasakyan iyong cheer leader na kaklase ko din. Nasaktan ako, oo, pero I soon realized, it was more on my ego dahil hindi ko matanggap na nagawa akong lokohin ng isang lalaki. After that, naging allergic na'ko sa mga guwapo. I find them with the same colour lalo pa noong sina Lily at Dash ay nabigo din sa kani-kanilang mga boyfriend na puro guwapo. Ayoko sanang lahatin pero ewan ko ba, nagkaroon na'ko ng phobia. Imagine, I'm twenty-eight now pero hindi pa rin ako nagbu-boyfriend dahil makakita lang ako ng guwapo, imbes na magkumahog akong magmasid sa mga ito, wala na'kong maramdaman.
In fairness to Mallari, I find him handsome dahil magaling naman talaga siyang magdala ng damit. Pero ang admiration ko sa kaniya ay hindi sapat para mapasama niya ako sa isang dinner lalo pa't may mga bagay na mas importanteng pagtuunan ko ng pansin.
"Bakit hindi na lang sila ang imbitahan mo, Mr. Mallari? Pasensiya na talaga pero bukod sa may kailangan talaga akong asikasuhin, I know I'm not like those beauties." Minadali ko na ang pag-aayos ng aking mga gamit. I really need to go at humahaba na din ang leeg ko sa kaaantay kay Pam. Sinabi kasi nitong sasamahan niya ako.
"You know what, Abby? This is what I really like about you - your simplicity. You got the beauty but you don't brag about it. Hindi katulad ng iba. And please, just call me Adnan dahil naging magkaibigan naman tayo, di ba? Please, have dinner with me." His face is now serious.
Tumikhim muna ako bago sumagot. Though hindi na bago sa akin ang nasasabihan ng ganoon, I still find myself too ordinary for a guy's taste katulad ng kausap ko.
"Hindi naman. Mas magaganda pa rin sila, Adnan. I am boring as well. Ibaling mo na lang sana sa ibang babae ang atensyon mo instead to me."
"Pero ikaw ang gusto ko." Bahagya itong lumapit and I could almost inhale his scent.
"I'm not the type of girl na maaari mong bolahin, Adnan. Please, just leave me along kasi marami pa akong kailangang tapusin."
But he just smirked and leaned forward. He's trying to seduce me at halos maramdaman ko na ang init ng mga matang nakatitig sa akin.
Girls, come on, kunin niyo na sa harapan ko ang lalaking ito.Ang kulit nga pala niyang talaga. I should have listened to Pam na huwag na itong pansinin.
"Abby, the more you turned me down, it's turning me on. What can I do para mapapayag kita sa isang dinner?"
I exaggeratedly exhaled habang pinipilit ko pa ring magpakamahinahon. I am a type of person na hindi basta-bastang sumasabog. Mahaba ang pasensiya ko at ayoko talaga ng hindi pagkakaunawaan.
"Adnan, really, I'm sorry. Pero hindi kasi talaga puwede ngayon o kahit kailan -"
"Just this one dinner, Abby, then I'll leave you in peace." Seryoso pa rin ang kaniyang mukha nang sinabi iyon.
Natigilan ako sa kaniyang sinabi at pati na rin sa mukha niya. Tinitigan ko siyang mabuti at pilit na tinitimbang kung ano ba talaga ang kaniyang pakay sa akin because I can not comprehend bakit ako pa ang kinukulit nito.
Do not accept the invitation.
Nang biglang napalingon ako sa paligid. Nakarinig ako ng isang boses na tila bumulong sa akin pero imposibleng si Mallari iyon.
It's more like parang may bumulong pero napakaliwanag?
"May sinabi ka?"
"Yes. I was trying to make you go with me just this one dinner, Abby."
Napakunot-noo ako. Hindi si Adnan, of course. Pero bukod sa aming tatlo, kasama si Helen, wala na kaming ibang kasama dito sa kuwarto.
Mabilis akong napailing sa aking sarili. Marahil ay guni-guni ko lamang iyon.
"Just accept and respect her decision, Mallari."
Sabay pa kaming napatingin ni Adnan sa nagsalita. It was Pam, at kasalukuyan siyang papalapit sa kinatatayuan namin. Magkasalubong na naman ang dalawang kilay ng babaeng ito at alam ko na'ng ibig sabihin. I saw Boss Tim on her back, may kasama itong lalaki at sa unang tingin ko pa lamang alam kong hindi siya purong Pinoy.
I ignored the men and focused my eyes on my friend. Humalik ako sa kaniyang pisngi. Gusto ko sanang suwaying huwag nang magtaray pero mukhang masama na ang tingin niya kay Mallari.
"Ano ba talaga ang gusto mo'ng mangyari, Mallari? My friend has turned down your invitation kaya huwag ka nang mangulit. Ikaw, manliligaw sa kaibigan ko? Are you serious?"
Ang liit-liit lang ng babaeng ito pero parang tigre. She's a brat before, anak-mayaman. Pero lately parang napapansin kong mas lalong tumataray at sumusungit.
"Hey, stop it, Pam. kaya ko 'to."
"Ba't ba ang init ng dugo mo sa'kin, Pamela. Bakit, hindi ka naniniwalang crush ko ang kaibigan mo? Parang sinabi mo na ding hindi kaligaw-ligaw ang kaibigan mo. "
I rolled my eyes and glared at Adnan. Sumagot pa ng pabalang kaya ayan tuloy, lalong nagsalubong ang kilay ni Pamela. She's really overprotective when it comes to me.
"E, sira ka pala, eh. Nasa paa mo na ba ang utak mo at hindi makuha ng common sense mo'ng pinoproteksyonan ko lang itong kaibigan ko laban sa mga hindi mapagkakatiawalang katulad mo? Manliligaw? Ikaw? E lahat naman ng babaeng sinasama mo sa dinner, sa hotel ang labas niyo the next day. Sino'ng niloloko mo? Siraulo!"
"Hey stop it, Pam. Sinabihan ko naman na siya." Inawat ko na ang kaibigan ko saka ako tumingin kay Mallari.
"Sige na Adnan, pasensiya na talaga. Hindi ako pwede kasi." I dismissed him at nakahinga din ako ng maluwag nang umatras na lang ito at natawa.
"Okay, aalis na'ko, but Abby, I will not give up. Mapagbibigyan mo din ako." Nang-aasar pa nitong nginitian si Pam bago yumukod sa'kin at lumisan.
"Hindi mo madadaan sa charms mo ang kaibigan ko, Mallari. Maghanap ka na lang ng ibang lalandiin."
Mabilis ko siyang hinawakan sa kaniyang pulupulsuhan. Lately, napapansin kong parang nadaragdagan ang pagiging masungit ng babaeng 'to.
"See? Hindi ka talaga titigilan ng lalaking 'yon, Abby. Huwag na huwag kang padadala sa matatamis na salita ng dila no'n kung ayaw mong umuwi ng luhaan."
Napapailing na lang akong tumingin sa kaniya bago ko inisa-isang suotin ang strap ng camera at laptop bag ko. Inayos ko ang pagkakatali ng aking buhok at habang ginagawa ko iyon, si Daddy ang nasa isipan ko.
Napapikit ako't kinalma ang sarili. Kailangan kong maging matatag dahil malakas ang kutob kong buhay si Daddy. Kailangan ko lang malaman kung saan siya nagpunta at kung kailangan pa rin niyang magtago, I'll support him. Malakas talaga ang loob kong may kinalaman ito sa gamot na kulay asul. He once mentione dto me before na hindi daw iyon basta-basta. That his life will be at stake because of it pero hindi niya rin iyon puwedeng talikuran. Mabigat na responsibildad ang nakaatang sa kaniya dahil sa gamot na iyon at hindi ko man alam ang katotohanan doon, I promise my seld that I will support him watever he wants to do, makita ko lamang siya at makausap.
On the contrary, natatakot din ako sa posibilidad na meron ngang dumukot dito at...Hindi kailangan kong isiping buhay si Daddy. But in my heart I know I must be ready too.
Nang mag-angat ako ng tingi'y sumalubong sa akin ang malalamig na mga titig ng panauhin. The stranger caught my attention dahil sa bukod sa matangkad ito na paniguradong hindi bababa sa 6ft, he has this rugged aura that is intimidating but undeniably handsome. Umangat ang kilay ko sa naging puna ng sarili ko. I ignored my observations pero nang muling magtama ang aming mga mata'y nagitla ako.
His eyes. Sa kaniya na yata ang pinakamagandang mata na nakita ko sa buong buhay ko. Kulay abo iyon and he's intimidatingly staring at me at parang kakaiba. His looks remind me of spanish male model Chema Malavia. Medyo may kahabaan nga lang ang kaniyang buhok but not long enough to make it in a bun. Ang lakas ng kaniyang dating that his stares made me quite shivered.
Inalis niya sa akin ang kaniyang tingin at ibinaling sa ibang direksyon na para bang hindi niya ako nakita. I returned my gaze to Pam only to see her glaring at me like saying, "type mo?" Mukhang nakita niya ang sandaling napatunganga ako sa estrangeherong iyon. I just rolled my eyes at her.
I find it weird dahil it was like a deadly stare na kung hindi ko pa naisip na ngayon ko lamang siya nakita, baka isipin kong may galit siya sa akin. Hindi ko na rin siya tinapunan ng tingin pero parang hinihigop ako ng isang puwersang nag-uutos sa aking sulyapan itong muli. Now, he's only less than two meters away from me habang nakikinig sa sinasabi ni Boss.
At first, I thought Pam is with Boss Tim pero mukhang hindi naman. Knowing her, palaging mainit ang ulo ng babaeng ito doon sa tao. Baka nataong nagkasabay lang ng punta sa studio? The two men seem to be discussing something pero bakit panay ang panaka-nakang sulyap ng lalaking 'to sa' kin?
I just shrugged of the thought and faced Pamela para makapagpaalam na'ko. Kitang-kita kong nakasimangot pa rin ang maganda niyang mukha but this time, mukhang sa "boss" na namin siya naaasar. Pabiro ko siyang tinitigan na tila ba pinag-aaralan ko ang kaniyang mukha. Hinilot-hilot ko pa ang kaniyang noo at masuyong tinapik ang kaniyag pisngi. I know, meron kasing past si Pam at Boss Tim pero dahil sa pumunta daw ng ibang bansa ang huli, nagkahiwalay sila, nag-break. It's like five years when they saw each other again at sa una pa lang, kahit may kaniya-kaniyang karelasyon ang dalawang ito, ramdam kong meron pa ring spark sa kanilang pagitan.
"Ang wrinkles po natin, mukhang dumarami ni.Ba't ba parang ang sungit-sungit mo nitong mga nagdaang araw? Don't worry for me, gurl, hinding-hindi na'ko padadala sa mga ganoong karakas. Mabait naman sa akin si Adnan kaya hindi ko rin magawang supalpalin tulad ng ginagawa mo. Saka di ba nga, crush mo 'yan noong una?" I teased her more. I don't know pero nang mga oras na iyon, gusto ko lang na paringgan ang lalaking denial king din. Siymepre, si Boss Tim, na kahit may iba't-ibang babaeng nali-link sa pangalan ng batang tycoon na'to, mukhang si Pam pa rin ang "the one that got away."
"Who's her crush, Abby?"
Sinasabi ko na nga ba.
Agad akong tumahimik at napalabi. Salubong na salubong ang dalawang kilay ni Boss Tim. Matatalim ang mga matang tiningnan nito si Pamela habang ang huli nama'y umirap lang dito na tila hindi man lang nag-alala sa ginawi ng ex-fiance.
Makahulugan kong tinitigan si Pamela, bago may hilaw na ngiting humarap ako sa amo.
"Uhm, wala 'yun, Boss Tim. Binibiro ko lang si Pam," saka napabaling sa kasama niyang lalaki ang aking tingin. I saw his glare again and this time, parang nakita ko ang mga mata niyang saglit na naging parang nagbabagang asul!
Biglang nagflash-back sa akin 'yung gabing may biglang pumasok sa bahay. Hindi ko alam kung bakit pero bakit ang tagpong iyon ang bigla kong naalala?