♕PROLOGUE♕

617 Words
♕♕♕ Makita ko lang masaya at tahimik ang buhay namin nang magkakasama ay ayos na ko, wala na kong hihilingin na iba kung hindi ang kasiyahan ng pamilya ko. 'Yung malalakas na tawanan ng mga nakababata kong kapatid, 'yung mahimbing na pagpapahinga ng aking ina sa hapon at 'yung mga ngiti ng aking ama pagtapos namin siyang salubungin ng halik sa kaniyang pag-uwi. Mga simpleng bagay lang na araw-araw kong nakikita sa maliit na manor namin dito sa Ambrosetti Empire. Hindi ko naman lubos akalain na may isang malaking pagbabago sa buhay ko na malapit nang mangyari. "Hindi ko na alam ang gagawin ko Juliana, ayokong malaman ito ng mga anak na'tin," mahinang sabi ng aking ama mula sa loob ng kanilang silid, hindi ko na iwasang mapatigil sa paglalakad sa mahabang pasilyo ng manor matapos kong marinig ang mga hikbi ng aking ama. Unang beses ko ito narinig at parang dinudurog nito ang puso ko. "Bakit ba kasi umutang ka pa ng ganoon kalaking halaga? At bakit sa Duke pa Miguel?" Naiiyak na tanong ng aking ina, hindi ko maiwasan na mapaisip kung ano ang pinag-uusapan nilang dalawa. "Ayoko naman silang lumaki na mahirap at katawa-tawa sa sistema ng emperyo na ito, na mulat na sila sa pagiging pamilya ng isang Baron, ano na lang ang mangyayari kung maging commoner na sila? Mahihirapan ang mga anak na'tin," muling sabi ng aking ama sa pagitan ng mga hikbi niya. Narinig ko na rin si mama na tumayo, mukhang hindi niya na kaya ang balitang binabahagi sa kaniya ni papa. "Anong mangyayari kay Lucia? Pano na ang anak na'tin Miguel? Alam mo naman na nag iisang babaeng anak na'tin siya? Tapos sa Tyrant pa? Mahabagin Miguel!" Na bigla ako sa pagbanggit niya sa pangalan ko, anong kinalaman ko sa problemang 'to? "Hindi ko ginusto na siya ang maging kapalit sa perang kinuha ko Juliana, alam mo na ginawa ko iyon dahil akala ko ay magiging mabuti iyon para sa apat na anak na'tin at hindi ko alam na ang isa sa kanila ang kabayaran. Hindi ko alam saan ako hahanap ng pera pambayad, kung hindi ko ibibigay si Lucia sa kaniya bilang pangatlong asawa niya ay manganganib ang buong pamilya na'tin," rinig kong sabi ng aking ama at doon sa mga sandali na iyon alam ko na kung ano ang tamang gawin. Tumalikod na lang ako at naglakad pabalik sa loob ng aking silid, humiga ako sa malambot na kama ko at tumingin sa malawak na kisame ng kwarto ko. "Mukhang dito na ko babagsak," bulong ko, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ang tanging alam ko lang ay kailangan kong gawin ang bagay na 'yun para sa buong pamilya ko. Hindi naman lingid sa isip ko na darating ang panahon na kailangan kong ikasal at malayo sa kanila, pero hindi pumasok sa isip ko na ikasal sa lalaking hindi ko naman mahal. Isang problema pa ay siya ang Tyrant, isang duke na halos katakutan ng lahat dahil sa hindi makitaang ngiti sa kaniyang mukha. Hindi pa natatapos doon, mayroon na siyang anak at halos pagpyestahan na siya ng mga tsimosa sa mga pagtitipon dahil sa pagkamatay ng dalawa niyang asawa. Alam kong bata pa ang duke at sobrang gwapo ng itsura nito, maaga lang siyang pinagkasundo sa una niyang asawa dahil maaga niya ring hinawakan ang Istvan, nagkaroon siya ng anak sa edad na labing walong taong gulang at ngayon ay nasa bente syete na siya. "Apat na taon pala ang pagitan naming dalawa," bulong ko sa sarili ko at hindi maiwasang maiyak dahil alam ko na ang kahihinatnan ko. Ano pa nga ba? Kundi ang maging pangatlong asawa ng Duke ng Istvan. TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD