Si Maynard ang naatasan na mamuno sa isang bagong operasyon na ibinigay ni Sergeant Pascual. Ayon sa report, involve dito ang isang malaking sindikato na kailangan nilang masakote, ito ay ang Nemesio Syndicate Group. Matagal na nanahimik ang grupong ito dahil nahuli at nakulong ng limang taon ang kanilang lider na si Rene Nemesio. Ngunit noong nakaraang buwan lamang ay napawalang-sala ito sa kasong pagnanakaw na isinampa ng isang sikat na tindahan ng mga alahas sa buong ka-Maynilaan. ʼDi umano ay may isang umako sa nasabing pagnanakaw kaya naabsuwelto ito. At ayon sa informant nila, binayaran lang ang taong umako ng kasalanan upang maabsuwelto at tuluyang makalaya si Nemesio. Base sa report na natanggap ng Burglary Division, nilooban nina Nemesio ang isang local bank sa Alabang, ang Th

