Tahimik si Maynard simula pa noong umalis sila ng restaurant, animo ay may malalim na iniisip. Ang bukas-loob na pagtanggap ng pamilya niya kay Laurenne ay nagbigay sa kanya ng pagkakataon upang muling bumalik ang alaala kung saan buong-puso naman ang pagtanggi ng kanyang pamilya kay Yannie noon. Natatandaan niya noon kung gaano siya kasigurado sa nararamdaman kay Yannie. Sigurado rin siya na mahal siya nito. Naalala niya kung paano niya binalewala ang mga paalaala ng kanyang pamilya lalong-lalo na ng kanyang Lola. Dumako ang kanyang tingin kay Laurenne na nakaupo sa kanyang tabi, nakaramdam siya ng takot at kaba. Bakit ganito ang nararamdaman ko? My feelings for her is ten times stronger than I ever felt for Yannie. And besides, I had my family's blessings as well. Anong ikinakatakot ko?

